That Mutual Thingy

By Imdannicajane

690 76 23

Hate me if you want! More

Prologue
Chapter 1: Her enemy.
Chapter 2: His Plan
Chapter 4: Monster Dad!
Chapter 5: Bugbugan!
Chapter 6: Vin's Girlfriend
Chapter 7: Stranger kiss!
Chapter 8: Oh no!

Chapter 3: The Fake thingy

75 9 0
By Imdannicajane

Kaisha's POV

"Whaaaat?! No way! Over my dead body!" Sigaw ko. Magpanggap daw akong GIRLFRIEND nya? Hell!

"A deal is A deal. Remember pumayag ka kahapon! Just do it! Ayoko ring gawin to pero for the sake of my Car! Sagot nya. Oo pumayag ako sa Deal thingy nya kahapon. dahil hindi ko naman alam na ganto ang ipapagawa nya! Nagpaakbay lang ako ang kapalit GIRLFRIEND?!

"Grabe ganyan kadesperado sa kotse?! Atsaka hoy! Pumayag ako kasi hindi ko alam na ganito ung hihingin mong kapalit! Ibahin mo ang consequence papayag ako!" Akbay lang yun ah. Asar!

"No. Walang mababago. You have no choice! Pumayag kana kahapon. Its a deal. Tsaka wag kang OA! Fake lang naman akala mo tunay! Feeling!" So ako pa feeling? Baka nga may gusto na sya sakin tapos ginagawa nya to kasi gusto nyang makiclose! Never!

"Sige Kaisha, Pumayag kana. Wala ka ring choice. Wag na kayong matakot mainlove sa isat isa hahaha!' Sabi ni Ivan. Tawa sya ng tawa nakahawak pa sa tyan! Kung di ko lang to Crush kanina ko pa to inupakan! Oh?  Crush thingy lang mga pinag iisip nyo ah.

"IVAN!" Halos sabay naming sigaw ng unggoy nato. Napatingin tuloy ako sakanya. Tumingin din sya. Why so nakakailang? Haist!

"That tinginan thingy! Dyan nagkagustuha  ang lolo't lola ko mga tol!" Sigaw naman ni Jig! Mga alien ata tong kaibigan ni Aldwyn eh. Pati tuloy si Ivan nahahawa sakanila eh! Matalino pa naman yun! Sayang talaga sya.

"Pwede ba! Tumahimik kayo! Never akong magkakagusto sakanya no! Pure hate lang!" Sigaw ko! Buti nalang at wala kami sa room. Nasa canteen kami nila Colly ng sumulpot ang mga to. Umiiwas na nga ako eh! Buti nga hanggang ngayon hindi  naaalala ni Mam Ladao ung pagpapapunta sa parents ko eh. Kundi lagot!

"At lalong lalo na AKO! Its mutual! Cause I hate you tooo!" Sabay duro pa sakin! Napaka talaga nitong lalaking to.

"Oh yun pala eh! Umalis na nga kayo!"Pagpapaalis ko sakanila. Nakakaasar na.

"Ganyan ka ba talaga ka rude kaisha? Please pagbigyan mi na si Dwyn oh" Sambit ni Ivan. Bakit kinikilig ako? Minsan lang kami mag usap nito sa room at kapag  nag uusap kami, Pure activity thingy lang naman. Natutulala ako sakanya!

"Di ka na sumagot? So it mean Yes. Okay see you later! Antayin mo ako ah! Mamaya kita ipapakilala kay Dad" What? Wala naman akong sinabing YES ah?!

"Bye Kaisha!" Sabi ni Ivan sabay Wink! Omo ^_^

Hindi na tuloy ako nakapagsalita pa! Nakakainis talaga tong lalaking to!

"hey girl! Bat natutulala ka?"
"Wag mo sabihing naiinlove kana kay Aldwyn?"

Ano ba pinag iisip ng mga to? Kung alam nyo lang kung kanino eh.

umupo nalang ako. Pinagpatuloy ko nang kainin ang burger ko.

"Uy girl! So totoo nga? Naiinlove kana?!" Ayaw paring tumigil! manghuhula nalang di pa alam kung sino.

"Matagal na noh!"  Sabi ko haha.

"Huh?Kayapala palagi mo syang inaaway?! Grabe ka Kaisha! Di namin nahalata yun ah!" Sabi ni Xena. Sarap batukan nito! Tiningnan ko nga sya ng masama!

"Si Vin yung tinutukoy ko! Tsaka Crush ko lang sya!" Sabi ko. Napapangiti tuloy ako. ^^

"WHAT?! Si Vin?" Sabay nilang sigaw! Tinakpan ko nga bibig nila!

"Hinaan nyo nga ang boses nyo! May makarinig pa sainyo eh!" Saway ko sakanila.

"Totoo ba yan?! Bakit si  Vin? Eh mas playboy pa ata yun kesa kay Aldwyn eh!"Paliwanag ni Xena. Eh anong magagawa ko?

"Eh matalino sya eh! Tsaka CRUSH lang wag kayong Ano dyan." Sabi ko sabay higop sa mango shake ko.

"Grabe hindi namin nahalata yan ah!" Sabi ni Colly. Syempre mahirap na pag kumalat yon.

"Alangan naman ipagsigawan kong crush ko sya diba?!" Sabi ko.

"Pero girl! Pano na yung Fake girlfriend thingy ni Aldwyn? Pumayag kana daw sa deal nyo kahapon eh!" Pag iiba nya ng topic. Yun nga! Problema talaga to.

"Pumayag lang ako kasi andun na kami sa time na kaharap na namin sila Jhonlee! Kasama ang kaflirt nyang babae!" Nagsisimula na  naman akong mainis! Naalala ko na naman yon.

"Ano?! Totoo? Anong reaction mo?" Tanong nila. So kinwento ko lahat. At di sila makapaniwala sa nangyari. No choice ako eh. Si aldwyn lang ang naandun that time.

"Grabe girl! Mukha kang desperada sa ginawa mo!" Napag isip isip ko din yun kagabi. Eh wala nadala ako ng galit ko eh.

"So dapat lang talaga pagbigyan mo sya. Sinuntok nya pa si Jhonlee ah!" Namamangha pa sila ah.

"Eh kahit ayoko no choice naman eh!" Sabi ko. Totoo naman diba -_-

"Girl. Wag mo nang isipin ang negative. Isipin mo yung positive side!" Anong positive ang sinasabi nito?

"Tama! Positive! Kasi pag nagpanggap kang girlfriend ni Aldwyn mas madalas mong makakasama si Vin!" Si xena. Yung totoo parehas sila ng iniisip? Pero tama nga sila. Mas magiging close pa kami ni Vin!

"Sa point na yon mukhang tama kayo. Bahala na si Batman!" Sagot ko sakanila. Pero ang totoo excited nako!  Sana nga maging chance ko yun na makaclose si Vin.

"Bahala na daw pero deep inside kinikilig ka naman jan! hahaha!" Sabi ni xena sabay kiliti sakin. Aist. Nakakainis sya.

"Xena! Tumigil ka nga dyan! Tara na nga malapit na ang klase natin kay Sir." Pag iiba ko. Yung totoo 20 mins pa before ng class namin sa english.

"Asus! Hahaha whatever." Mapang asar na sabi ni Colly. Ang galing nilang mang asar grabe. Effective!

Papasok na kami sa room ng may sumulpot sa tabi ko. Hulaan nyo..

Si Vin! Syempre kaklase namin sya tuwing english eh. Spell kinikilig? KAISHA!

"Hey Kaisha! And Hi! din mga girls!" Bati nya sabay wink samin! Vin wag ka ngang ganyan! Kinikilig nakong maigi dito!

"Hello din" Bati ko rin sakanya. Ang hirap magpigil ng kakiligan!

"So ready kana ba para mamaya?" Kinakausap nya ko habang naglalakad. Malapit lang kasi samin ang upuan nya. Sa likod nya kami nakaupo. So umupo nako sa upuan ko at sya din. Dahil maaga pa nakipag usap muna sya sakin. Itinapat nya ang upuan nya sakin. Kaishaaa! Ang landi mo.

"Ah? Mamaya?" Sagot ko. Di ako makatitig sakanya. Kaisha! Concentrate. Ngayon lang kasi sya nakikipag usap sakin ng ganto eh!

"Nakalimutan mo naba?  Yung deal nyo ni Aldwyn" Sabi nya sabay ngiti! Ano ba naman Vin makangiti ka naman!

"Ah oo nga pala. No choice naman ako eh!" Sambit ko sakanya. Napatingin ako sa mga katabi ko. Mung ewan tong sila  Colly! Humanda sila sakin pag nahalata sila ni Vin!

"Haha! Mabait naman si Vin kung magiging mabait ka sakanya no! Pero ang cute mo pag nag aaway kayo ni Dwyn! hahaha!" Sabay tawa sya. Cute daw ako? Feeling ko namumula nako. Aist!

"Ha?! Ah.. Di naman haha!" Napatawa naman ako wala akong masabi eh. Masyado akong kinikilig! Napatigil ako ng magkatitigan kami.

"Ayan, gumaganda ka lalo pag natawa ka :) Palagi ka kasing ngingiti sige goodluk nalang para mamaya!" Kumindat na naman sya! Tumalikod na sya at nag earphone na. Kasing pula na siguro ng kamatis ang mukha ko. Natulala ako sa mga sinabi nya! Di parin ako makapaniwalaaa!

"Uy!" Ay nako! Panira ng moment tong si Xena!

"natulala kana jan! Yie!"  Sabi ni colly! Panira talaga tong dalawang to.

"Tumahimik nga kayo jan! Pagnarinig kayo ni Vin eh!" Sambit ko mahina lang. Baka marinig ni Vin eh.

Di parin ako makaGET OVER!

"Nako! Kita mong naka earphone oh! Dika maririnig nyan!" Sabi ni xena.

"Kahit na! baka may ibang--" Natigilan nalang ako sa pag sasalita mg biglang dumating si Sir. Salamat naman at nang matigil na ang mga to. Nakita ko namang nag ayos na din si Vin. Tahimik lang sya buong klase. At halata mo naman na talagang makikinig sya.

Naglecture at nagsurprise quiz lang si Sir buong klase. Patingin tingin din ako kay Vin. Patayo na sya. Nagulat ako ng kausapin nya ko.

"Kaisha Goodluck mamaya! :) Tiisin mo nalang ugali nong dwyn na yun! Hahaha Bye" Paalala nya. Haynako sinabi nya pa. Wala naman akong magagawa kundi magtiis.

"Sige no choice naman ako eh. Salamat nalang! Bye." Sabi ko at nginitian ko sya. Sabi nya maa maganda ako pag natawa eh. So ngiti naman. Haha

Nagulat ako ng kurutin nya ang dalawang pisngi ko.

"Cute cute mo! Hahaha. Ge una nako!" Sabi nya at umalis na. Sa gulat ko, napaupo nalang ako. Omaay! Nakakakilig ka ngayon Vin sobra.

"Ayan sis! Di na nya mapigilang kiligin! hahaha!"

"Sinabi mo pa xena! Mahirap kayang pigilin ang kilig! Nakakabaliw! Hahaha"

Pinagtitripan na naman ako ng dalawang to!

"Tumigil nga kayo dyan! Tara na baka maabutan pa tayo ni aldwyn!" Pag iiba ko ng topic. Kailangan kong matakasan si aldwyn!

"Ha? Bakit naman sis?"

"Deal diba?"

Kaya nga tatakas ako. Dahil yun lang ang paraan.

"Tara na bilis!" Humarap pa ako sakanila at hinila ang mga kamay nila. Ang babagal sabi kong magmadali!

"Kaisha.." Usal ni Xena. Para pa silang nagulat ah!

"Tara na kaseee!" Hinihila ko pa silang maigi nyan ah. Parang mga nanigas eh!

"Kaisha.. Kaisha ano.. sa likod mo." Sabi ni Colly. Sabay turo. Ano naman ang nasa likod ko? Parang mga nakakita ng multo!

"Ano bang meron sa likod ko?! Pinagmamadali na nga kayo para makaalis na eh! Ano ba me--" Napatigil ako nang pagharap ko nasa likod na sila. Ang FOURSOME! Sila Aldwyn! Naman oh ang babagal kasi nito eh.

"Ah hii! ^^" Kaway ko sabay ngiti! Epic. Nakita ko sa likod nya sila Vin tawa ng tawa. Malamang ako pinagtatawanan ng mga to.

" Hi din Kaisha" ^^ Sagot ni Vin. Ay! Kinikilig na naman ako sayo! Vin naman.

"Hi! Hi! Hi mo mukha mo! May balak ka pang tumakas ah!" Sigaw nitong aldwyn nato! Nagmomoment pa kam ni Vin eh. Paepal talaga.

"Duh!" Sagot ko sabay cross arms.

"Halika na! Baka makaalis pa daddy ko! Di pwedeng pumalpak to!" Sabi nya pagtapos kinaladkad ako! Wow ha! Grabe.

"Colly! Xena! Bahala na kayong magpaalam kay mom and dad! Sabihin nyo kinikidnap ako ng lalaking tooo!" Sigaw ko kina colly. Kinaladkad nakong maigi ng mokong nato. Ang bilis pa maglakad!

"Okay Kaisha! Goodluck" Sabay pang sigaw ng dalawang yon! Haist.

"Umayos ka ngang babae ka!"Sigaw ni Aldwyn sakin!

"Pare easy lang, Babae yan oh" Buti pa tong si Vin.

"Oo nga naman pare. Wag naman puro hate ang pairalin! Hahaha." Sagot ni Jig. Haynako.

"Wag kayong makialam ah. Tumahimik kayo kung ayaw nyong mabangasan!" Sigaw nya kina Vin. Halatang takot sila kay Aldwyn kasi tumigil sila.

Haynako. Tumahimik nalang din ako dahil wala naman akong magagawa kahit anong mangyari.

BAHALA NA SI BATMAN!

Continue Reading

You'll Also Like

162K 5.8K 99
Date Started: 08/01/21 Date Ended: 05/12/22 β˜†β˜† ​Caught in an emotional whirlwind, she stands at a crossroads between the person who hurt her and thos...
475K 17.8K 45
He is a jerk, a brat, and a headache. He is Aidan Josh Guirero Zamora.
15.2K 47 11
Suadela got herself into a situation where she was in constant hiding and pretending. Little did she know, she will be trapped into madness that she...