YABS: The Story of How We Con...

By mimosaree

270 82 2.7K

Reminiscing the moment of confessions they've had is both amusing and at the same time sending them a sensati... More

PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
EPILOGUE

Chapter 4

8 4 19
By mimosaree

Chapter 4

KATULAD ng mga naunang weekends ay bumisita na naman ulit si Kate sa bahay ng mga Santiago habang bitbit ang sulat na kung may lakas ng loob lang sana siya ay siya na mismo ang magbibigay sa lalakeng napupusuan.

Kasama ngayon ni Kate sina Brielle at Serene na nag-uusap-usap sa carpeted floor ng living room. At habang nag-uusap ang tatlo ay bigla namang pumasok si Finn dala-dala ang kaniyang makapal na medical book. Naupo ito sa tabi niya at inilapag ang makapal na libro nito sa center table saka nginitian si Kate.

Damn, that smile.

"What do you want?"

Nakagat naman ni Kate ang pang-ibabang labi nang matarayan na naman nito si Finn.

"By the time goes by, you're getting more and more rude to me." sabi ni Finn.

"Bakit ka ba kasi bigla-bigla na lang susulpot. Nag-uusap kaming tatlo rito eh."

"Bawal ba akong makisali?"

"Eh hindi ka naman talaga sumasali dahil nananahimik ka lang din naman. At saka, it's a girl talk, boys are not allowed to join."

"Masama bang sumali ako para kahit papaano makasama naman kita?"

Natigilan naman si Kate sa sinabi ni Finn.

Pa-fall talaga ang mokong na 'to.

"Ahem. Tara muna sa kusina, Serene. Naalala kong meron pala akong itinagong butter cookies sa kitchen drawer." sabi ni Brielle saka pasimpleng kinindatan si Kate.

"Right, Ate Brielle. Mukhang mas kailangan tayo ng butter cookies sa kusina." pagsakay naman ni Serene kay Brielle. Alam naman kasi nito na may something sina Kate at Finn dahil minsan nang hiningan ng tulong ni Kate si Serene para ibigay ang sulat niya kay Finn.

Tumayo na ang dalawa saka naglakad sila papuntang kusina. Doon ay safe sila sa anumang ka-kornihan na magaganap sa pagitan nina Kate at Finn sa sala.

At iniwan talaga ako ng mga bruha. Hoy, bumalik kayo rito!

"W-What do you mean?" tanong ni Kate.

"I'm just upset that you don't need my help with your spelling anymore. You've grown a lot better, Kate." sabi ni Finn saka nakangiting ginulo ang buhok ni Kate.

"Gosh, you ruined my hairdo." sabi ni Kate saka inayos ang buhok niya. Nginitian lang naman siya ni Finn.

Nakarinig naman ng bungisngis si Kate na nagmumula sa kusina kaya napatingin siya doon at nakita ang dalawang kaibigan niya na nakasilip at may mga mapanuksong tingin. Pinaglandas naman ni Kate ang hinlalaki niya sa kaniyang leeg senyas na malalagutan talaga sa kaniya sina Brielle at Serene.

"Are you still into photography?" tanong ni Finn habang nakatuon ang mga mata sa binabasa nitong libro.

"Yeah, I'm actually majoring in Photography. I'm also part of our Journalism Club as their photojournalist. I want to hone my knowledge and skills in the profession as long as I could."

"Really? Good for you." sabi ni Finn saka binalingan siya ng tingin.

"Thanks. I'm also one of the best photographers of our batch." pagmamalaki ni Kate.

Tumikhim naman siya at umiwas ng tingin kay Finn. Nagiging pala-kuwento na naman kasi siya kapag kaharap ang binata. Hindi niya maiwasang ipaalam rito ang nangyayari sa buhay niya.

"Sorry, I'm not bragging but..."

"No, it's okay. I'm happy to hear everything about you. I'm always occupied with my studies and so focused that I don't know anything about my friends anymore. I appreciate you sharing anything with me."

"Enough about me. How about you, Kuya Finn? Kamusta ka naman sa medical school?"

"Although my schedule is always hectic, I'm enjoying my stay in med school."

"Hindi naman talaga mahirap kapag mahal mo yung ginagawa mo."

Katulad sa case ko na kahit nakakapagod magsulat ng kahaba-habang love letter ay ginagawa ko para sa'yo.

"Yeah, you're right. It's not hard because I love what I do. And there's this one thing that's keeping me sane in med school."

"What?"

"Love letters."

Parang nalunok naman ni Kate ang dila niya at hindi siya makapagsalita. Hindi niya in-expect ang sagot ng binata. Nataranta siya na baka alam na nito kung kanino nanggaling ang mga sulat at umaakto lang itong walang alam. Kinabahan naman si Kate lalo na at silang dalawa lang ni Finn ang nasa living room.

"H-Haha..." awkward na tawa ni Kate. "Uso pa ba yun? That's so lame."

"It's not for me. I really appreciate that person for sending me those love letters."

"Wait, you didn't know where it came from?"

"No. Palagi lang kasi yun binibigay sa akin through my friends everytime na umuuwi ako rito."

"D-Do you think nasa circle of friends mo yung nagsusulat ng mga love letters sa'yo?"

Napakunot naman ang noo ni Kate nang tumawa si Finn. "Are you serious? Sino naman ang magkakagusto sa'kin within my group of friends?"

"Ako."

"Huh?" tanong ni Finn nang maguluhan sa sinabi ni Kate.

"Huh? I-I mean, ako, kung ako ang nasa posisyon mo magkakaroon na ako ng ideya kung sinuman sa mga kaibigan ko ang nagpapadala nung mga letters."

"Ahh..." patango-tangong sabi naman ni Finn. "Kate, do you want to discover the sender with me?"

"Huh?!" gulat na sabi ni Kate.

"Why do you look so startled?"

Dang, paano ko naman siya masasamahan sa pagtuklas sa kung sinuman ang nagpapadala ng mga letters sa kaniya na ako nga mismo ang nagpapadala nun. Tago nga ako ng tago eh.

"No. I can't help you with that."

"Why?"

"I just can't. Marami akong ginagawang school works kaya wala akong oras para diyan. Maghanap ka na lang ng iba."

"But I want you." sabi ni Finn saka siya sumimangot.

Luh, ano 'to The Voice, may pa 'I want you'? Tigilan mo nga ako diyan sa pagpapa-cute mo.

Nanlalaki ang mga matang napatingin naman si Kate sa kamay niya na hinawakan ni Finn.

Pinapahirapan ako ng mokong na 'to eh. May pahawak-hawak pa sa kamay.

"Please, Kate... I'll reward you anything, just name it."

Kahit ikaw ang gusto kong reward?  Luh, ang landi ko.

Nakuha siya ng maamong mukha ni Finn kaya wala namang nagawa si Kate kundi ang pumayag.

"Alright, alright, payag na ako."

"Yes! Thanks, Kate." masayang sabi ni Finn saka niyakap si Kate. "Ikaw lang talaga ang maaasahan ko sa barkada."

Parang sasabog naman ang mukha ni Kate dahil sa init ng mga pisngi nito. Naaapektuhan na naman siya ng alindog ni Finn.

Napabitiw naman sa yakap si Finn nang bumalik sa living room sina Brielle at Serene na may dalang isang lata ng butter cookies.

"Tama ba na bumalik tayo, Serene? Mukha kasing madadagdagan ang sugar content ng butter cookies natin dahil sa tamis ng dalawang 'to eh." biro ni Brielle.

"Ewan ko, Ate Brielle, pero mas gusto kong manatili sa kusina at magmasid na lang." natatawa namang sagot ni Serene.

"Psh. Para kayong mga timang. Pahingi nga niyan!" naasar na sabi ni Kate habang nag-iinit pa rin ang mga pisngi dahil sa kilig.

Napailing naman sa kanila si Finn. "We're friends, Brielle. At walang malisya dun."

Nagkatinginan naman sina Brielle at Serene saka sabay silang napatingin kay Kate at pigil na natawa.

"Pfft—Friends." sabay na sabi nina Brielle at Serene saka tuluyan na silang natawa.

Kung nakakamatay lang ang matalim na titig ni Kate ay kanina pa sana nakabulagta sa sahig ang dalawang bruha niyang mga kaibigan.

Kung wala lang dito si Kuya Finn ay pag-uuntugin ko talaga ang dalawang 'to. Argh!

Nainis naman si Kate nang hindi pa tumigil sa pag bungisngisan ang dalawa niyang kaibigan kaya pasimple niya na lang ang mga itong kinurot mula sa ilalim ng center table.

"Finn!"

Napatingin naman silang apat kay Eloise na kararating lang kasama si Zacharias na may dalang makapal na libro sa Anatomy.

"We came here as soon as we finished our homeworks. Hey, Finn, tell us about medical school." sabi ni Eloise na naupo sa couch.

"I just want you all to know that I came here to study with you, Finn. And I'm not interested with your medical student life unlike this woman over here. So I would appreciate you skipping the whole story telling part." sabi naman ni Zach na naupo sa tabi ni Eloise.

Siniko naman ni Eloise si Zacharias. "Ang KJ mo, Zach! Nangangamusta lang sa kaibigan nating isang linggo nating di nakita eh. I would do the same to you if ever nag med school ka rin."

"Kung sumama ka na lang sana kay Finn noon sa pag-enroll sa med school, Zach, ay hindi mo na kinakailangang magpunta pa rito para lang makapag-discuss kayo ng inyong medical stuffs." sabi ni Brielle.

"Ayokong malayo sa pamilya ko kaya nag-enroll ako sa alma mater ng mga magulang natin. Nago-offer naman sila ng medicine course dun kaya nag-enroll ako. Iyang si Finn ang tanungin niyo. Meron namang university rito na may medicine course pero mas pinili pang pumasok ng med school at malayo sa inyo."

Oo nga, Kuya Finn. Hmph! Pinapahirapan mo talaga ako eh.

"It's my choice, Zach. At saka gusto ko maging independent kahit papaano."

"Alam niyo, para talaga kayong mga magulang niyo." sabi ni Eloise.

"Siyempre naman, Ate Eloise. Mga magulang nila yun eh." pambasag ni Serene sa sinabi ni Eloise.

"Nice, girl." sabi naman ni Kate saka nakipag-apiran siya kay Serene.

Napailing naman si Finn sa kanila. "Come on, Zach. Let's go to my room. May ipapakita ako sa'yong video ng gastroduodenal surgery."

"Oh, great. I've never seen that surgery before. More on neuro kasi kami." sabi ni Zach saka tumayo na at lumapit kay Finn.

"By the way, Kate, don't forget about our deal, okay? I'll talk to you later." sabi ni Finn saka nginitian si Kate bago sila naglakad paakyat ng hagdan ni Zacharias.

Agad namang tumabi si Eloise kay Kate. "Anong deal yun ha?"

"Ate Eloise, napaka-chismosa mo talaga." sabi ni Kate.

Dumikit naman si Eloise kay Kate saka bumulong sa kaniya. "Dali na, atin-atin lang 'to."

"Bahala ka diyan, Ate. Sasakit lang ang ulo mo kakahula kung ano yun." pagtataray niya.

Tumayo naman si Kate saka kinuha ang mga gamit niya.

"I'll see you around, girls." sabi niya saka naglakad siya papuntang front door.

"Katie~ Sabihin mo na kasi. Sige ka, kay Finn ako magtatanong!" sigaw ni Eloise mula sa sala.

"Hoy, Eloise, ang bunganga mo. Nasa ibang bahay ka, hoy." saway sa kaniya ni Brielle.

"Bahala ka, Ate!" sabi naman ni Kate saka kumaway siya sa mga kaibigan.

"Kate!!"

"Eloise, yung bunganga mo sabi! Pagagalitan tayo ni Mama niyan eh."

"Ate Eloise, kalma ka lang."

Hindi naman pinansin ni Kate si Eloise at napailing na lang siya nang mas lalo itong nag-ingay habang sinasaway naman siya nina Brielle at Serene.




NAPABALIKWAS naman ng bangon si Kate nang malakas na tumama ang pintuan niya sa pader ng kwarto niya dahil sa kagagawan ng kaniyang baliw na kuya.

"What the fu—MAMU! SINISIRA NI KUYA ANG PINTUAN NG KWARTO KO!!" naiinis na sigaw ni Kate.

Ang ina naman nila ay umakto na parang walang narinig dahil sanay na siya sa mga anak niya at wala na siyang magagawa pa sa mga ibiniyaya sa kaniya ng panginoon— kung biyaya ba talaga ang tawag sa mga anak niya.

"Huwag ka ngang sumigaw. Nakakarindi yung boses mo eh. At saka hapon na, hoy."

"Paano ako hindi sisigaw eh natutulog ako tapos nambubwisit ka?! Ano ba kasi yun at kinakailangan mong ihampas ng malakas ang pintuan ko sa pader ha?!"

Halos maputol naman ang ugat ni Kate sa leeg kasisigaw sa kuya niyang magaling. Ang sarap-sarap kasi ng tulog nito tapos binulabog siya ng demonyo niyang kuya.

"Nasa baba si Finn."

"Eh ano naman ngayon?!" sigaw ni Kate sa mataray na tono.

"Uh... Nasa baba lang naman ang future brother-in-law ko."

Nag sink-in naman sa utak ni Kate ang pangalang binanggit ng kiya niya.

"S-Sino sabi mo?"

"Si Finn, nasa baba."

"Si Finn? As in Finn Santiago?"

"Ay hindi, si Finnoy big brother siguro." pamimilosopo sa kaniya ng kuya niya.

"Gago!" mura ni Kate sabay bato ng unan sa kuya niya.

"Mamu, si Kate minumura ako!" sumbong naman ni Drake.

At sa uulitin, nagbingi-bingihan naman ang ina nila.

Tumayo na si Kate mula sa kama saka kinuha ang ibinato niyang unan saka itinulak palabas ang kuya niya.

"Kate, ano ba? Nasa baba nga si Finn."

"Oo nga, alam ko! Hindi mo ko pagbibihisin?!" mataray na sabi ni Kate habang naghahanda ng nga damit niya na susuotin matapos maligo.

"Hindi mo naman sinabi."

"Lumayo-layo ka nga sa'kin, Kuya! Baka makulong pa ako sa kung anuman ang magawa ko sa'yo eh." naiinis na pagtaboy ni Kate sa kuya niya.

"Okay lang, ako naman magiging abogado mo. Palalayain kita kapatid." OA na sabi ng kuya niya mula sa labas ng kwarto niya.

"Patay ka na nun, timang!"

"Ah, ganun ba? Ipagtatanggol na lang kita sa heaven."

"Sa impyerno ang punta mo."

"Ouch, naman kapatid. Dapat kapit-bisig tayo eh. Sama ka sa'kin sa impyerno, okay?"

Malakas namang sinipa ni Kate ang pintuan niya bilang sagot sa sinabi ng kuya niya. Umirap naman siya saka napabuntong hininga.

God, ba't niyo naman ako binigyan ng ganitong kuya?

Hindi naman pinansin ni Kate ang kuya niyang nag-iingay sa labas ng kwarto niya. Pumasok na lang siya sa joint restroom nila ni Galiana saka mabilisang naligo at nagbihis. Maya-maya lang ay lumabas na rin si Kate ng kwarto niya bitbit ang maliit nitong backpack. Inirapan niya naman ang kuya niya nang makita itong nakaupo sa couch sa sala nila.

"Sasabihan ko talaga si Daddy na nag-date ka kasama si Finn—"

Hindi na natuloy pa ni Drake ang sinasabi dahil tumakbo na ito nang mabilis palayo kay Kate. Kinuha kasi ni Kate ang isang figurine na malapit sa kaniya at akmang ibabato ito kay Drake.

"Toi, putain de merde!" sigaw ni Kate sa kuya niya. (You, motherfucking piece of shit!)

Naiinis namang inilapag ni Kate ang figurine saka naglakad na siya palabas ng bahay nila at sinalubong si Finn na naghihintay mula sa labas ng gate nila. Napatigil naman si Kate nang masilayan si Finn. Nakasandal ito sa kotse niya at naka-cross arms kaya lumalabas ang pagiging cool niya.

"Okay lang ba kayo sa loob? Rinig ko kayo ni Drake hanggang dito eh." natatawang tanong ni Finn.

Nilingon naman ni Kate ang bahay nila at umirap siya. "Sorry, Kuya Finn. Nakakainis kasi si Kuya eh."

Natawa lang naman si Finn. "Come on, I really need your help this time."

"You always needed my help simula nung pumayag akong tulungan ka last, last week. But this is your first time fetching me at my house." sabi ni Kate habang naglalakad siya papunta sa passenger seat.

"It is because we have a deal. You'll help me until I find that someone."

"Ano na naman ba ang maitutulong ko sa'yo, boss?" pabirong tanong ni Kate.

"Silly, you're more like a colleague than my subordinate."

"I'm actually the client."

"Huh?"

"Wala." sabi ni Kate saka nginisihan lang si Finn bago siya sumakay ng kotse nito.

"Okay, where to?" tanong ni Kate nang maisuot ang seatbelt niya.

"Claud Z."

"Nice. Your treat."

Napangisi naman si Finn sa sinabi ni Kate. Pinaandar niya na ang kotse saka nag-drive papuntang Claud Z café.

Ilang minuto lang ay nakarating na sila sa café at kasalukuyang abala si Kate sa pag translate ng love letter of the week ni Finn.

"Matagal pa ba, Kate?" ika-sampung beses na tanong ni Finn.

"Wait lang naman. I'm almost done." sagot ni Kate.

Sa totoo lang ay kanina pa dapat tapos si Kate dahil alam naman niya ang ibig sabihin ng nakasulat sa love letter. Pero kinakailangan niyang tagalan para hindi mahalata ni Finn na siya mismo ang nagsulat nito. Napag-tripan niya kasing sumulat ng letter sa kaniya sa lenggwaheng French last week kaya heto siya ngayon, naging translator sa sarili niyang isinulat.

"This letter really occupied my mind for a whole week because I don't understand a damn thing." naiistress na sabi ni Finn saka uminom ng iced americano niya. "I can't wait to come home yesterday so that I could ask for your help to translate it since you studied French." dagdag pa niya.

Psh. Akala ko pa naman excited siyang makita at makasama ako.

Nagsisimula namang mainis si Kate sa mga sulat na natatanggap ni Finn kahit na alam niya namang sa kaniya galing yun.

"Okay, I'm done." sabi ni Kate saka ibinigay ang letter kay Finn.

"Damn, you're the first one to read the letter instead of me." nakasimangot na sabi ni Finn.

Ako naman talaga parati ang unang nakakabasa niyan dahil nire-recheck ko bago ibigay sa'yo.

Sinimulan namang basahin ni Finn ang sulat. Hindi naman alam ni Kate kung bakit naiinis siyang makita ang mga munting ngiti ni Finn habang binabasa nito ang sulat.

"How do you read this sentence in French?" tanong ni Finn saka itinuro ang tinutukoy niya. Binasa naman yun ni Kate.

"J'adore quand vouz êtes excité un parlant de chirurgies, en particulier de chirurgies cardiaques." (I love it when you get excited while talking about surgeries, especially heart surgeries.)

"And this?"

"Tu es le seul gars que je trouve fascinant dans la salle d'opération, vêtu de ta blouse blanche et tout." (You're the only guy I find fascinating inside the operation room, wearing your white coat and all.)

"Haha! This is my favorite sentence from the whole letter. How about this—"

"Can you just read the translations I wrote in the paper and stop asking me to read it for you?"

"I want to hear it in French. I think it would be romantic."

Sinamaan naman ng tingin ni Kate si Finn.

Edi sana nag-aral ka ng French!

"Come on, read it for me, please." pakiusap ni Finn.

Lumapit naman ng kaunti si Kate kay Finn saka binasa ang pinapabasa nitong pangungusap.

"Ne paniquez pas, si'l vouz plaît. Je ne suis pas un haceleur, je suis juste votre sympathique admirateur secret. Mais je suppose que ce n'est plus un secret depuis que tu lis mes lettres." (Don't freak out, please. I'm not a stalker, I am just your friendly secret admirer. But I guess it ain't secret anymore since you're reading my letters.)

"Oh, she's funny."

"How did you know that that person is a she?"

"Gut feeling. And I think she's one of my classmates or maybe my schoolmate in med school based on how she described me in the letters because you guys wouldn't know what was happening to me there."

Whatever, Kuya Finn, whatever.

"Psh. Je sais que tu me connais juste comme quelqu'un qui t'envoie une lettre d'amour. Mais je veux que vouz sachiez que mes sentiments pour vous sont réels. Oh, ayan binasa ko na yung huling sentences." naiinis na sabi ni Kate saka lumayo na kay Finn. (I know you just know me as someone who sends you love letters. But I want you to know that my feelings for you is real.)

"Now, I feel bad for not knowing her."

"C'est moi, idiot désemparé." halos pabulong na sabi ni Kate. (It's me, you clueless idiot.)

"Are you calling me an idiot?" tanong ni Finn nang marinig ang sinabi ni Kate. Naging pamilyar kasi sa tenga niya ang pag pronounce ni Kate ng salitang 'idiot' sa lenggwaheng French.

"It's just your imagination. Idiot désemparé." (Clueless idiot.)

"You're seriously calling me an idiot in French, Kate."

"No, I'm not. Gosh!" naiiritang sabi ni Kate saka inirapan si Finn.

"So tinatarayan mo na ako ngayon? You do know that you look attractive when you're pissed?"

Napatingin naman si Kate kay Finn at kinilatis ang ekspresyon sa mukha nito para malaman kung nagbibiro ba siya o hindi.

Pa-fall talaga ang lalakeng 'to.

"Hmph! Whatever." pagtataray ni Kate saka umiwas siya ng tingin.

"Anyway. I'm eager to know this person. This person never disappoint to lit up my mood by her letters. I actually keep all her letters in my bedroom drawer and I sometimes read it all again to motivate me." nakangiting sabi ni Finn.

Hindi naman maipinta ang mukha ni Kate habang nakikinig kay Finn. Mas lalo siyang naiinis kapag nakikita niyang ngumingiti ito habang nagkukuwento tungkol sa secret admirer niya.

"Palagi kong inaabangan ang sulat niya every weekend."

Edi sana pinabilis mo yung oras para hindi ka na mahirapang maghintay pa sa susunod na weekend para sa sulat niya. Psh!

"I don't know why would she send me letter every weekend when I get home. I just don't get it. It doesn't add up to my theory of that person to be one of my classmates or schoolmate."

Bahala ka diyan mag-isip. Ang talino mo pero kung minsan ang bobo mo rin.

"Kate, is it normal to feel something for someone because they're sending you love letters?"

Napatingin naman si Kate kay Finn at matagal siya bago nakapagsalita. "What feeling?"

"Uhm... Attraction?"

Napa-uyam naman si Kate sa sagot ni Finn.

Attraction, my ass.

"Hah! You're joking right? How can you be attracted to someone you doesn't even know nor seen?" sabi ni Kate saka kinuha ang tinidor at kumain ng carbonara niya.

Naiinis si Kate dahil sa mga pinagsasabi ni Finn. Nagseselos siya sa dahil sa paraan kung paano ikuwento ni Finn ang taong nagpapadala sa kaniya ng mga sulat.

"Wait, no. I think I'm starting to fall in love with this person." seryosong sabi ni Finn.

Mas lalo namang nainis si Kate sa narinig kaya wala sa sarili niyang minu-murder ang pasta ng carbonara niya. Nagseselos siya sa taong tinutukoy ni Finn. Nagseselos siya sa taong nagpapadala ng love letters sa lalakeng gusto niya.

"Kate, what's wrong? Are you okay? Bakit parang galit ka?" tanong sa kaniya ni Finn.

What the fuck is wrong with me? Why am I getting jealous of myself? I fucking wrote those letters and I'm the one—

Napatigil naman si Kate nang may ma-realize siya.

Did he just said that he's starting to fall in love with the person who sent him those love letters?

Agad namang napatingin si Kate kay Finn.

"Say that again?" tanong ni Kate na tutok na tutok ang mga mata sa binata.

"Uh, bakit parang galit ka?"

"No, before that."

"I'm asking you if you're oka—"

"Not that one. The one about me—I mean, your secret admirer."

"I said, I'm starting to fall in love with that person. It's time for me to make a move and start replying to her letters. I really appreciate that she's still into me for almost three years and never stops sending me love letters. We need to find her no matter what, Kate." seryosong sabi ni Finn.

Napasandal naman si Kate sa upuan niya at natulala na lang. Pina-process pa ng utak niya ang mga narinig.

"Thank god you're starting to make a move, you clueless idiot." bulong ni Kate.

"Alam mo, Kate, nag-aalala na talaga ako kung minumura mo ba talaga ako diyan o ano." sabi ni Finn.

Hindi naman nagsalita si Kate at nginitian lang si Finn.

"Gosh, now you're smiling. What's wrong with you today?"

Tanong ko rin yan sa sarili ko.

"I'm just hungry." palusot ni Kate saka kumain ulit siya ng carbonara niya.




ABALANG-ABALA si Kate sa pag-aayos ng portfolio na naglalaman ng mga pictures na kinuhanan niya sa kanilang university event last week. Naglalagay siya ng isang picture nang pumasok sa bahay nila si Brielle.

"Hello, Kate!" nakangiting bati ni Brielle sa kaniya.

"Pakiabot nga niyang picture na nahulog."

Nawala naman ang ngiti sa mukha ni Brielle at napalitan iyon ng simangot.

"Binati-bati pa kita tapos papupulutin mo lang din pala ako ng nahulog mong picture."

"Huwag ka na ngang OA diyan, Ate Brielle. Dali na, tinatapos ko na 'to eh. Sige ka, tatawagin ko si Kuya Drake sa kwarto niya."

"Psh." nasabi na lang ni Brielle saka pinulot ang picture na nasa sahig at ibinigay kay Kate.

"Why are you still here? Ako na mismo ang nagpunta rito sa bahay niyo para sunduin ka." sabi ni Brielle.

"Bakit?" tanong ni Kate habang abala pa rin sa pag-aayos ng portfolio niya.

"Ay, talagang nagtanong ka pa. Nagbago na ba ang isip mo at napagdesisyunan mo nang pakawalan ang kakambal ko?"

Napakunot noo naman si Kate. "Pinagsasabi mo?"

"It's Saturday. Nasa bahay na si Finn, ba't nandito ka pa?"

Napatigil naman sa pag-aayos si Kate at saka niya lang na-realize na weekend na pala at nakauwi na si Finn.

"Oh, shit! Ba't di mo kaagad sinabi? Gosh, nawala sa isip ko." natatarantang sabi ni Kate saka dali-daling tinapos na ang portfolio niya.

Masyado kasi siyang abala dahil sa event nila at sa portfolio niya na nakalimutan niya nang uuwi pala si Finn. Mabuti na nga lang at may free time siya para makapag sulat ng letter para kay Finn last week.

"Talagang nakalimutan mo? Ikaw, makakalimutan ang weekly routine mo for three years? It's a miracle!" sabi ni Brielle na itinaas pa ang mga kamay sa ere.

"Psh. Whatever." pagtataray ni Kate saka inirapan si Brielle. Tinawanan lang naman siya ng kaibigan.

"Bilisan mo na diyan. Maghihintay na lang ako sa labas. Baka kasi makita pa ako ng kuya mo at bwisitin ako nun—"

"Brielle!"

Napapikit naman si Brielle nang marinig ang boses ni Drake na tinawag siya.

"Bilisan mo diyan kung ayaw mong iwan kita." sabi ni Brielle saka nagmamadali siyang tumakbo papuntang front door nila.

"Brielle, wait! Are you free this weekend?"

"I'm not!" kaagad na sagot ni Brielle saka tuluyan nang lumabas ng bahay nila.

Napailing naman si Kate at naaawa sa kuya niya.

"Why don't you just give up?"

"Then, why don't you?" balik na tanong sa kaniya ng kuya niya.

"Che! At least ako may pag-asa pero sa case mo mukhang wala eh. Pumili ka na lang ng ibang babae sa checklist mo at huwag mo nang idamay pa si Ate Brielle. She's not even on the list." mataray na sabi ni Kate upang asarin ang kuya niya.

"And I'm not planning on putting her on my dirty checklist. She's different and she's such a challenge."

"So, you're just pursuing her because she's challenging? Isusumbong kita kay Ate Brielle—"

"Hoy, Felicity Kate D. Príme, huwag ka ngang epal." naiinis na sabi ng kuya niya. "Brielle, usap tayo saglit!" tawag ulit ni Drake kay Brielle. Naglakad naman ito palabas ng bahay nila para kausapin si Brielle.

Napailing na lang ulit si Kate sa kuya niya. Mabilis niyang iniligpit ang mga gamit niya at dinala sa kwarto. Nagbihis na rin siya saka bumaba na rin para sumama kay Brielle papunta sa bahay nila.

Ilang minuto lang ay nakarating na rin sila sa bahay ng mga Santiago. Naunang bumaba si Kate sa sasakyan at naglakad papasok ng kabahayan habang si Brielle naman ay pinarada pa ang sasakyan niya sa garahe nila.

"Oh, great! You're here. Come on." sabi ni Finn saka hinawakan ang kamay ni Kate saka hinigit siya palabas ng bahay nila.

Dinala siya nito sa tapat ng kotse niya saka pinasakay rito.

"Oy, teka, kararating ko lang ng bahay niyo tapos aalis tayo?" naguguluhang tanong ni Kate.

"I'm not intending to meet you here at our house kaso inunahan na ako ni Brielle na sunduin ka sa bahay niyo eh."

Wala namang nasabi pa si Kate kundi ang sumama na lang kay Finn. Naiwan namang nagtataka si Brielle sa bahay nila nang hindi niya mahagilap si Kate.

"I'm really sure I just picked up Kate at their house. But why isn't she here? Did I picked up a ghost?!" naguguluhang kausap ni Brielle sa ere. "Ma!! Minamaligno yata ako!" sigaw ni Brielle saka hinanap ang nanay niya sa loob ng bahay nila.




NAGLALAKAD sa park sina Finn at Kate habang kumakain sila ng ice cream na binili nila kanina sa Claud Z café.

"What do you think she looks like?" tanong ni Finn.

"Who?"

"Come on, you know who."

"Sorry ha, hindi ko alam kung sino yung tinutukoy mo." sarkastikong sabi ni Kate. Naiinis na naman kasi siya kasi magmula nung umalis sila sa bahay nina Finn ay yung secret admirer niya lang ang bukambibig nito.

"Such a meanie." sabi ni Finn saka siya napangisi. "I think she's beautiful and smart."

Nagtanong ka pa tapos ikaw din pala ang sasagot sa sarili mong tanong.

Hindi naman nagsalita si Kate at nakinig lang kay Finn. In-enjoy niya na alng ang pag kain niya ng ice cream.

"I can picture her in my mind. She looks like a sweet girl with a sweet smile, kind, soft-spoken, and a little bit shy." nakangiting sabi ni Finn habang dini-describe ang babaeng nai-imagine niya.

Nice. My complete opposite. Gosh! I'm being jealous of myself again!

"Do you think we're gonna be a nice couple—"

"Stop!" biglang sabi ni Kate.

Napatigil naman si Finn at napatingin sa kaniya.

"What's wrong, Kate?"

"You know what, Kuya Finn. I'm so tired of this shit." naiinis na sabi ni Kate.

She aggresively ate the remaining ice cream and immediately consume the cone after while suffering from a mild brain freeze. She doesn't care about that. She cares about how to fucking end her love letter shit because she's very jealous of her fucking self!

"Kate, okay ka lang—"

"Maniniwala ka ba kapag sinabi ko sa'yo na ako ang sumusulat at nagpapadala ng mga love letters sa'yo?" seryosong sabi ni Kate.

Wala na. Ayoko na, pagod na ako sa pagtatago. Let's just end it right here, right now.

Ilang segundo siyang tinitigan ni Finn tapos natawa ito. "Wait, are you being serious?"

"Yes."

Napatigil naman sa pagtawa si Finn at sumeryoso na rin ang mukha niya.

"Nah, it can't be you. You're not the type of person to write someone a love letter for three years." sabi ni Finn saka napailing siya at tinalikuran si Kate.

Hinarangan naman ni Kate ang dadaanan ni Finn at masusi itong tinignan.

"I'm really serious. It was me."

"Stop playing, Kate." sabi ni Finn saka dinaanan lang si Kate.

"Ako nga kasi yun! And I have feelings for you!" naiinis na sabi ni Kate. "It was your very fault that I'm like this to you. You made me fell hard ever since you let me caressed your hair, you clueless idiot." dagdag pa ni Kate sa agresibong boses.

"Are you really confessing or you're just blaming me for something I didn't know I did?"

Hah! This annoying prick!

"Come on, Kate. Ihahatid na kita sa inyo." sabi ni Finn saka tinalikuran na naman ulit si Kate.

"What should I do to make you believe it was me?"

"Show me proof. Show me something about the letters."

"I don't have it with me."

"Then, I can't easily believe it was you."

"Okay, so what if I'm not the person who sends you love letters? I don't care about that. But I want you to know that I love you, for almost three years! And if you happen to consider my feelings, I would really appreciate that. And if you want some proof, here's the proof."

Naglakad naman palapit kay Finn si Kate saka walang sabi-sabing hinawakan niya ito sa kwelyo at hinigit palapit sa kaniya para mahalikan niya ang mga labi ng binata.

Hindi naman nakagalaw si Finn at nanlalaki ang mga mata habang magkalapat ang mga labi nilang dalawa ni Kate. Nakahinga lang ang dalawa nang putulin na ni Kate ang halik.

"Is that enough proof?" tanong ni Kate habang hinihingal dahil sa sobrang bilis ng tibok ng puso niya.

Napakunot noo naman si Kate nang itinapon ni Finn ang hawak nitong ice cream saka hinawakan siya sa beywang at hinigit palapit rito para hinalikan rin siya sa mga labi.

What the fuck is happening?!

"You know what, I'm also tired of this shit, Kate. I'm sorry if I hid it to you. But I actually found out it was you two years ago and I was just waiting for you to tell me in person." sabi ni Finn nang matapos halikan sa mga labi si Kate. "And I would appreciate you calling me by my name from now on." dagdag pa ni Finn bago bitiwan si Kate at naglakad siya palayo.

Naiwan namang natameme si Kate. Nabaliktad ang mesa at siya ngayon ang nagulat sa bunaygang naganap.

I should be the lead here, not him... Wait, so that clueless idiot was actually not clueless?

Napasinghap naman si Kate saka hinabol si Finn para hampasin ito sa braso. "You! I hate you!"

"Ow! I thought you love me? You changed your mind?" pang-aasar ni Finn.

"What was that kiss for?"

"To celebrate our first day."

"What? What first day?"

"Our first day of being a couple." sagot ni Finn saka nginisihan si Kate at nauna itong maglakad paounta sa kotse niya.

What the hell...?





THREE MONTHS have passed and Kate was still can't get over from the fact that she have a boyfriend and her boyfriend was her first love. Their relationship are going strong even though she received a long sermon from her parents and from her bitter brother.

For the past three months, she was happy, they were happy. Especially when Finn showed her his own replies to her letters that he was hiding for two years because he don't have the courage to send it to her. It melts her heart knowing that her feelings was not in vain.

Kate is quietly watching her boyfriend as he read a thick medical book. She was getting irritated because everytime they're together all he do is read and read. If not reading, he sometimes working on his assignments. Kate understand that being a medical student is not easy and it is always hectic. She's thankful that her boyfriend still hangs out with her despite his busy schedule but she's also annoyed that she became a talking doll beside him.

"Aren't we going out today?" tanong ni Kate habang nakahalumbabang nakatingin kay Finn.

Natigilan naman si Finn sa pagbabasa saka napasinghap at napatingin kay Kate na nakataas na ngayon ang isang kilay.

"Sorry, nawala sa isip ko. Can we do that next time?"

Naiirita namang sumandal si Kate sa couch saka masamang tinignan ang boyfriend niya.

"Maghihintay na naman ako until next Saturday for that to happen. Finn, you already said that last weekend, remember?"

Hinawakan naman ni Finn ang kamay ni Kate saka hinalikan ito. "I'm really sorry, Felicity. Promise, babawi ako next weekend. I'll finish all my plans before weekend para sa buong stay ko ay makasama kita."

"Thank you, Finn. Naiintindihan ko naman na busy ka eh. You don't need to rush. Ang gusto ko lang naman is ang pansinin mo rin naman ako. I'm your grumpy girlfriend and I need attention."

Finn chuckled and playfully pinch Kate's nose.

"You're so cute."

"Aw! You don't have to pinch my poor nose!"

He chuckled again. "I'll take you to the movies next weekend, okay?"

"Okay." sagot ni Kate na palihim na napangiti.

Hinigit ni Finn palapit sa kaniya si Kate saka inakbayan ito kaya inihilig ni Kate ang ulo niya sa dibdib ng binata. Namumula namang niyakap ni Kate si Finn saka kunwaring nagbasa rin ng binabasa nito.

"You don't need to pretend reading. I know you're not really interested in this. You can sleep."

Tumingala naman si Kate para ngisihan si Finn bago napagdesisyunang ayusin ang pwesto para makatulog siya sa mga bisig ni Finn.

Continue Reading

You'll Also Like

4M 163K 69
Highest rank: #1 in Teen-Fiction and sci-fi romance, #1 mindreader, #2 humor Aaron's special power might just be the coolest- or scariest- thing ever...
227M 6.9M 92
When billionaire bad boy Eros meets shy, nerdy Jade, he doesn't recognize her from his past. Will they be able to look past their secrets and fall in...
92.7M 2.9M 134
He was so close, his breath hit my lips. His eyes darted from my eyes to my lips. I stared intently, awaiting his next move. His lips fell near my ea...
44.8M 1.3M 37
"You are mine," He murmured across my skin. He inhaled my scent deeply and kissed the mark he gave me. I shuddered as he lightly nipped it. "Danny, y...