Chapter 8: Flashabck
WPOV
“SARI, tawag ka ni Harry. Pwede raw ba kayo mag-usap kahit sandali?”
Agad na napatayo si Sari sa kinauupuan niya. She was just seventeen then at kasalukuyang nag-t-training para sa papalapit na contest kung saan siya ay kasali. Isang buwan din siyang wala sa classroom. Pumapasok lamang siya para mag-undergo ng training kaya hindi sila halos nagkikita ni Harry.
Ang alam niya, siya ang nililigawan Harry nang mga oras na iyon kaya laking gulat niya nang bigla na lang siya nitong iwasan. Nitong umaga lang ay nakita niya ito kasama ang kaibigan niya. Nabalitaan niya na rin na nililigawan na raw ni Harry ang naturang babae.
“Bakit daw?” Agad na tanong ni Sari pagkatapos niyang lapitan si Cherish at si East sa may pinto ng training room. Bakas sa mukha niya ang pangamba at pag-aalala.
“Hindi namin alam.” Sagot ni East habang nakangiti. “Basta ang sabi niya kakausapin ka raw niya. Tara na, uwian na naman eh.”
Inakbayan siya ni Cherish at hinatak. Kinuha naman ni East ang bag niya. “Tara na at mukhang may magandang mangyayari. ‘Wag ka ng kabahan.” Pagpapalakas ng loob ni Cherish.
“O-Okay.”
Dinala nila si Sari sa may puno sa tapat ng classroom nila. Malayo palang ay nakita niya na si Harry kasama ang close friend nitong lalake. Iniwan na nila Cherish at East si Sari kasabay ang pag-alis ng kaibigan ni Harry.
Walang nagsasalita. Tanging ingay lang ng mga estudyanteng pauwi ang naririnig. Hindi rin makatingin si Sari kay Harry sa sobrang uneasiness na nararamdaman niya. Eto namang si Harry ay mariin lang na nakatingin sa kaniya.
“S-Sari,” tawag ng binatilyo na mukhang inipon pa ang lakas ng loob. “Thank you kasi binigyan mo ko ng time ngayon para makausap ka.”
Nabigla si Sari sa narinig niya. Napatingin siya sa binata at bahagyang gumaan ang loob niya.
Kung ganon, gusto niya pala talaga akong makita.
Nginitian ni Sari si Harry pero imbes na ngumiti pabalik, mukhang nailang pa ito sa ginawa niya. She noticed it and she knew something is wrong with him. She bit her lower lip and looked at another direction.
“Gusto mo ba talaga si Ate Mikaela?” tanong ni Sari. Deep in her heart she was praying that he would deny it but that prayer was not answered in favor of her.
“Sorry, hindi ko alam na kaibigan mo pala siya. Hindi ko alam na close friends kayo…”
Sinabi ni Harry ‘yun na parang wala lang. Na parang simpleng pag-uusap lang ang nagaganap sa pagitan nila ni Sari. Napatungo na lang ang dalaga sa mga sinabi niya. Pilit niyang ibinalik ang ngiti sa kaniyang mga labi.
“Ah… G-Ganun pala…” She stammered, preventing the flow of tears. “Galingan mo, ah?”
Nagulat si Harry sa sinabi ni Sari. She didn’t say it with sarcasm. She uttered it with full respect and sincerity. Ramdam niya ‘yun sa ngiti na pinakawalan nito sa kaniya.
“O-Okay lang sa’yo?” Nag-aalangan niyang tanong.
“Ano ka ba?” Natatawang wika ng dalaga. “Hindi naman tayo magkarelasyon para magpaalam ka sa’kin ng ganiyan. Okay lang sa’kin na ligawan mo siya. Mukhang gusto ka nga rin niya eh.”
“K-Kaya lang—“
“Ay, Harry. Baka nandiyan na ‘yung service ko. Baka maiwan ako eh… Sige, goodbye.”
After that, the girl ran as fast as she could, leaving that startled guy behind. Cherish and East saw what happened so they ran after her but due to the crowd of students. They were not able to follow her. They knew how much Sari learned to love the guy, how much she tries not to fall hard. But now, she was the one who got the broken heart despite all of those.
The next day…
“Sari, okay ka lang?” Tanong ni East nang maabutan niya si Sari sa may training room na nagsusulat. Kasama niya rin nun si Cherish na halatang nag-aalala.
Tinignan lang sila ni Sari na may halong pagtataka. “Okay naman ako. Wala naman akong sakit. Bakit?”
“Sari naman eh!!” Niyugyog ng dalawa si Sari sa balikat. “Sorry na. Dapat hindi ka na namin tinawag kung alam lang namin na ganon ang gagawin sa iyo ni Harry.”
Natawa na lang si Sari sa mukha ng dalawang kaibigan. Halos naiiyak na kasi sila. Sila pa ang mukhang affected. Binatukan niya ang mga ‘to para lang tigilan siya.
“Okay lang ‘yun no… Atleast habang maaga pa lang nagkaroon na ng period ang lahat.”
“Pero, ‘di ba gusto mo na rin siya—ARAY!”
Nagulat ang lahat nang batukan ni Lois ang dalawa. Kaibigan rin nila si Lois. Ang totoo, meron pa ngang tawag sa grupo nilang apat. Sila Lois ang masasabing pinaka-mature sa lahat.
“Tigilan niyo na si Sari. Appreciate niyo naman ‘yung effort niya.” Sermon niya sa dalawa. Agad naman silang natahimik. Natawa na lang si Sari sa kanila.
“Tara, libre ko kayo!” Aya ni Sari habang kinukuha ang kaban ng tipan.
“Wow! Ang reyna ng kakuriputan manlilibre!” Parang mga batang nagtatalon sa tuwa ang dalawa. Napailing na lang si Lois.
==================================================================
ILANG buwan na rin ang lumipas at parang wala lang nangyari kila Harry at Sari. After nung contest, bumalik na sa normal routine si Sari. Nag-uusap sila ni Harry na parang normal na magk-klase lang. Nagkukulitan at nagtatawanan na parang walang nakaraan.
Hindi rin napasagot ni Harry ‘yung babaeng nagustuhan niya after Sari. Ngayon, iba naman ang pinopormahan niya. Pasaway talaga.
Dumaan na rin ang JS Prom. Hindi natupad ni Harry ang pangako niya kay Sari na siya ang first and last dance niya. Hindi man lang siya naging first at hindi rin ang last. Nasayaw siya nito pero ang tanging sinabi lang sa kaniya nung lalake ay ang mahiwagang salitang “Sorry”.
Malapit na rin magtapos ang school year. Para mai-let go ni Sari ang lahat-lahat, napagpasyahan niyang kausapin si Harry. She invited him for a talk sa oras ng uwian… like what Harry did before.
Nag-usap sila sa harap ng Social Studies Department. Sobrang nagtaka si Harry kung bakit siya kailangang kausapin ni Sari.
Sabay silang nagpunta run and that was very awkward for him. Pagdating na pagdating run, hinarap siya ni Sari at sinabi agad ang pakay niya.
“Harry, I fell in love with you.”
Walang putol, walang utal-utal. She said that very fearless with a very beautiful smile on her face. Harry was dumbfounded.
“P-Pero Sari—“
“Shh…” Pagpapatahimik nito rito. “Naisip ko kasi na saying lang kung hindi ko sasabihin sa’yo. Pinapaalam ko lang simply because I want you to know. Hindi naman ako nag-e-expect na magustuhan mo uli ako. Gusto ko lang malaman mo.”
Natawa pa siya after niyang sabihin ‘yun. Harry was still startled.
Huminga si Sari ng malalim at ngumiti.
“With this, I can now completely let go of this feelings. Goodbye!”
After that, the rumor about them was not brought out again. No one linked them again for finally, Harry got a girlfriend. Sari was courted by many other guys but no one reached the level that Harry has reached.