She's Fatty Pretty - Vaughn J...

By Rmaniixx

9.4K 505 81

They're childhood bestfriends, pero nagkahiwalay nang manirahan ang mga Samonte sa Amerika. Raine Zynah is ve... More

Paalala
Teaser
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54

Kabanata 13

142 11 0
By Rmaniixx


Nagmamadali siyang pumasok sa opisina nang makatanggap ng tawag galing kay Jim.

Kinakabahan siyang humarap sa bossing niya nang makitang seryoso itong nakatingin sa kanya.

"Bakit mo iniwan si Jacob doon?"tanong nito sa kanya.

"Eh kasi, wala naman akong ginagawa roon.."

"Diba, sabi ko chance mo na yun para makasama mo siya.."

"Tss! Chance my foot! Di bale nalang sir Jim. Isa pa, malaki na ang kapatid niyo, hindi na niya kailangan ng yaya.."simangot niya.

"Umamin ka nga sa akin Monet, anong meron sa inyo ng kapatid ko? May nangyari ba sa mga past lives niyo?"

"Tss! Anong akala mo sa akin sir Jim, bunga ng reincarnation?"

"Kung ganun sabihin mo sa akin.."

"May gusto ako sa kapatid niyo. Satisfied?"aniya at akmang tatalikuran na ang boss niya.

"Really?"he chuckled.

"I know sir. Hindi mo na kailangang tumawa pa. Alam ko namang hindi ako bagay sa kapatid niyo kasi pangit ako, mataba pa.."nakangiting saad niya pero hindi abot ang ngiti sa kanyang mga mata.

"Monet.."

She just smiled and waved him bago lumabas sa opisina nito at bumalik na sa sarili niyang opisina.

Pagkabalik niyang desk niya ay kinuha niya ang kanyang cellphone at may tinawagan.

"Open pa ba yung offer mo?"agad na tanong niya nang sagutin nito ang tawag niya.

"Of course. During W, T, F lang ang schedule ko for you. Why? Have you decided?"

"Yeah. I'll go there nalang by Wednesday. Anong oras ka pwede?"

"Anytime.."

"Okay.. pero ano— libre parin ba?"

Narinig niya itong tumawa sa kabilang linya.

"Yes Betty, libre lang.."natatawang saad nito bago ibinaba ang tawag.

Nakangiting ibinalik niya ang cellphone sa kanyang bag at maya-maya'y napabuntong-hininga.

Zynah, kaya mo at kakayanin mo, okay?

WEDNESDAY, pagkatapos ng trabaho niya ay nagpalit kaagad siya ng damit at dumerecho na sa JAYHAN'S FITNESS.

Pagkapasok niyang gym ay kita kaagad niya ang mga gym equipments na naroon. Marami-rami ding tao sa loob na kanya-kanya ng exercises. May nag-treadmill, may nag-biking, may nag-body lifting at iba pa.

"Betty!"

Napalingon siya sa tumawag sa kanya at napasimangot nang nakangiti itong lumapit sa kanya.

"Ginabi ka.."saad nito.

"Alam mo na, may trabaho ako. Ngayon lang ako nakalabas ng office.."

"I see. Halika, sumunod ka sa akin."saad nito kaya mabilis siyang sumunod rito.

Dinala siya nito sa pinaka-opisina nito.

"Bago tayo magsimula sa mga gagawin mong exercises Betty, gusto ko munang ipaalam sayo na kailangan din natin ng diet plan.."

"Diet plan?"

Jayhan nodded.

"Yeah. Diet plan, para malaman mo kung ano lang ang pwede mong kainin sa araw na yun.."

"Hindi na ba ako pwedeng kumain ng karne?"

"Pwede, but.."

"But?"

"Hindi pwedeng marami, at hindi ka pwedeng kumain ng mga ma-cholesterol na pagkain. At hindi pwedeng kumain ka ng maraming carbs."

"Dami namang hindi pwede.."

"Ganun talaga Betty kapag gusto mong maging fit at healthy. Or kung gusto mo, mag-intermittent fasting ka nalang.."

"Fasting? Naku, hindi ko kakayanin ang hindi kakain. Okay na yung pakunti-kunti lang ang kain kesa wala akong kinakain."

Napatawa ang binata sa kanya kaya sumimangot siya.

May kinuha ang binata sa drawer nito at ipinakita sa kanya ang isang diet plan folder.

"That's good for one month diet plan.."saad nito.

Halos mabitawan niya ang folder nang makita ang kung ano lang ang pwede niyang kainin.

"Isang slice lang ng low calorie na tinapay? Seryoso ka dito?"

"Yeah, may gatas ka naman. Low-fat milk lang ang pwede mong inumin."saad nito.

She turned to another page.

"Mamamatay yata ako nito ng maaga Jayhan. Hindi ako mamamatay sa high blood, mamamatay ako sa gutom, diyos ko! Sinong kumakain ng kalahating apple lang? Tapos vege salad na walang dressing? Ayoko nga!"

"So, ano susuko ka na agad?"

"Suko? Siyempre, hindi! Pero wala bang tawad? Ganyang lang talaga ang kakainin ko?"

Nakita niya itong tumango.

She sighed at hindi na nagsalita pa.

"Baka pwedeng may cheat day naman.."

"Sorry, pero walang cheat day Betty. Anong timbang ba ang goal mo?"

"Sixty kilos.."

"Right, kaya wala kang cheat day, okay?"

Plastik siyang ngumiti at hindi na nagsalita pa.

"Follow me. Ilagay mo nalang muna ang mga gamit mo diyan."sabi nito kaya agad siyang sumunod dito pagkatapos iwan ang mga gamit.

Pagkalabas nilang opisina ay may kinuha itong dumbbell na maliliit at ibinigay sa kanya.

"Stretching muna Betty, para hindi sasakit ang katawan mo."sabi nito.

Tumango siya at sinunod ang mga galaw ni Jayhan.

"Cardio exercises ang ipapagawa ko sayo Betty dahil mabilis lang itong makakapagpapayat. Pero, since first time mo palang, sa treadmill ka muna. Okay?"saad nito matapos ang stretching session nila.

Dinala siya nito sa isang hindi ginamit na treadmill.

Pinasakay siya nito sa treadmill, kaya agad din siyang sumakay.

Ini-on nito ang treadmill at unti-unti na siyang naglakad ng mahina.

"Relax Betty, kaya mo..."

"Engineer Cheng!" hindi natapos ang gustong sabihin ni Jayhan sa kanya nang may tumawa rito.

Paglingon niya ay nakita niya si Jacob na palapit sa kanila na nakangiti.

Her heart thumpers, pero ipinagpatuloy na niya ang ginagawa. Ayaw niyang mahahalata kung gaano siya naglalaway sa makisig nitong pangangatawan.

"Jake! You're here.."

"Yeah, magtutunaw ng taba.."narinig niyang saad nito.

Jayhan chuckled.

"Monet nandito ka rin pala. Sa wakas, naisipan mo rin yan."biro nito sa kanya pero hindi niya ito tinapunan ng tingin.

Sino ba kasing lilingon pa kung halos mamatay na siya sa hingal.

"Sandali lang Jake. May kukunin lang ako—ah Monet, just continue. Off mo nalang kapag hindi mo na kaya."saad ni Jayhan pero hindi na niya sinagot pa.

Nakita niyang naglakad na ito palayo. Napansin niyang nakangisi si Jacob sa kanya pero hindi niya ito pinansin pa.

"Galit ka ba sa akin Monet?"tanong nito at sumakay sa kabilang treadmill.

Hindi siya sumagot.

"Hindi ba, dapat ako ang magalit kasi iniwan mo ako doon na hindi man lang nagpapaalam sa akin?"

Hindi parin siya sumagot.

"Alam mo bang halos libutin ko ang buong Tagaytay kahahanap sayo?"

Edi, WOW! Maniwala sayo!

"Hindi ka ba magso-sorry...."

Hindi nito natapos ang gustong sabihin nang bigla niyang ibinagsak ang bitbit na maliit na dumbbell sa harapan nito.

Asar niyang pinatay ang treadmill at sinamaan ng tingin ang binata.

"Hindi mo ba napansing ayaw kong makipag-usap sayo, sir?"aniya sabay kuha ng kanyang face towel at tinalikuran ang binata.

Continue Reading

You'll Also Like

630K 26.6K 64
Renesmee Venice Esquivel was the only girl in the Last Section who overcame a harrowing and dark past. She was bruised, hurt, and full of scars in he...
906K 24.3K 39
Bratty and spoiled, Crystal Angeline Perez is used to getting whatever she wants with a snap of her fingers. But when the ever-possessive Jacob Muril...
67.3K 1.8K 35
John Alexander is PLAYFUL- adventurous, jolly, hyper and loves fun all the time. "Mahirap talagang turuan ang puso. Mahirap talagang piliin ang taon...
476K 7.8K 26
Si Allahna ay may kakambal na kamukhang-kamukha niya pero walang nakakaalam na may kakambal siya, except sa boyfriend niyang si Darren, masaya siya s...