Dating Mrs. Arcelo's Daughter...

By dark19

153K 8.6K 941

Santillan Series More

Prologue
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
Epilogue

Extra Chapter

5.8K 299 52
By dark19

Blair's POV

"Ano ulit ang sikretong gagamitin mo for long lasting marriage life kasama ang anak ko?" tanong sa akin ni Dada after nyang humataw ng bola ng golf.

"Puro ka kalokohan Yvie..." natatawang anas ni Tita Cielo.

Napatingin ako kay Dada.

"No matter what happened, she's always right." sagot ko. Lalong napatawa si Tita Cielo sa sinagot ko.

"Good answer!" saad ni Dada na para bang ang dami kong natutunan sa kanya.

"Ganun din po ba ang sikreto nyo ni Mommy kaya po matatag yung marriage life nyo?" tanong ko.

Inakbayan ako ni Dada.

"Hinaan mo ang boses mo.... hindi ako under.... masunurin lang ang tawag doon dahil hindi gulo ang hanap natin...." saad pa ni Dada kaya napakamot ako ng gilid ng kilay ko.

Sobra nga ang takot nya kay Mommy kapag nagwawala ito sa kalokohan nila nina Yuji at Yves.

"Kahit nang aaway ang asawa mo wala kang ibang gagawin kundi ang magbehave.... minsan hindi masayang matulog sa sofa sa labas ng kwarto..." kwento ni Dada at napangiwi ako dahil doon.

"Hindi ko pa po nararanasan sa ngayon iyon...." sabi ko.

"Hindi maiiwasan iyon... basta para syang si Andrea din kapag nagtotoyo... at isa pa palaguin mo ang psychic abilities mo... Kapag tinanong mo sya halimbawa kung anong ibig nyang kainin o ano pero hindi mo pala alam pumapalo na ang toyo nya sa ulo... kapag okay o oo ang sagot nya it means no, at kapag no minsan ay no talaga iyon o kaya yes... basta tantyahin mo na lang." nalilitong payo ni Dada kaya mas nalito ako. Jusko saan ako lulugar doon. Pero minsan ay ganun nga si Yves. Parang nakakarelate ako sa kanya. "Di ba? Nakakalito? Ganun sila ng Mommy nya kapag tinotoyo eh..."

"Yvie marriage life ang pinag uusapan natin dito at hindi gyera!" tawang tawang saad ni Tita Cielo.

Napatingin sa akin si Tita Cielo habang nakangiti.

"All you need to do is love Yves with all your heart. Marriage life is full of upside and down. Kapag may hindi pagkakaunawaan ang dapat nyong gawin ay mag usap settle things right away. Huwag patatagalin. Naka isang taon na kayo kaya parang honeymoon stage pa din yung feeling nyo at wala pa naman kayong anak." saad ni Tita Cielo sa akin at napatango ako dahil totoo iyong sinabi nya.

How to date Mrs. Arcelo's Princess?

Dati iyan lang yung tanong na bumabalot sa isip ko at hindi ko malubos maisip kung paano kong napagtagumpayan lahat ng pagsubok na binigay sa akin ni Dada at ng mga kaibigan nya para lang makalapit ako sa unica hija nya pero ngayon ay iba na......

Paano ko sya mapapasaya sa habang buhay na magkasama kami?

Kung tutuusin ay mas madali pala iyon ang kunin ang loob nila para may mapatunayan ka.

Your heart should be transparent to all of them. Sobra ang pagmamahal nila kay Yves kaya inexpect ko na from the start ay mahihirapan ako na patunayan sa kanila maganda ang hangarin ko sa kanya. Trust and their love always betrayed by the person they thought that can be part of their family.

Ngayon ay nakakapanic naman talaga kapag iniisip ko yung future namin ni Yves. Pangarap kong maibigay sa kanya ang lahat at maiparamdam sa kanya na sa piling ko ang pinakamasayang lugar sa mundo. Gusto kong magkapamilya kaming dalawa.

"Just love her... huwag mo syang sasaktan. Napakadaming nangyare sa kanya simula ng pagkabata nya at sayo ko lang nakita na nagtiwala ang anak ko maliban kay Maddy. Mahal ka ng anak ko at sana huwag mo i- take advantage iyon na saktan sya... walang sasaya at ikapapanatag ng loob namin na magulang ni Yves na makita sya na masaya at reyna sa buhay ng taong pinili nya. Lahat ng pinangako mo sa amin regarding sa anak ko nawa'y tuparin mo. Hindi ka na iba sa amin Blair... simula ng pinapasok ka ni Yves sa buhay nya ay anak na ang turing namin sayo." seryosong saad ni Dada sa akin.

"Da, stick po ako sa pangako ko sa inyo regarding Yves. No matter what happened? Paulit ulit ko pong pipiliin yung anak ninyo. I never been sure in my life not until Yves came...." seryosong saad ko dahil ipapakita ko sa magulang ng taong mahal ko sa gawa ang pagmamahal ko sa anak nila. Napangiti si Dada sa akin at tinapik ako sa balikat.

....

"Love I'm home! " masayang sigaw ko sa kabila ng pagod na nararamdaman ko sa mga oras na 'to. Pabagsak akong napaupo sa sofa. Mayamaya ay nataranta ako dahil patakbo syang sumampa sa lap ko. Jusko bakit naging siwal na sya ngayon. Tawang tawa sya dahil hindi ko iyon napaghandaan. Nakakawit na sa mga leeg ko ang braso nya habang nakabukaka syang nakaupo paharap sa akin.

"Kamusta? Anong nangyare?" masayang usisa nya. Napataas ang kilay ko sa kanya habang nakaalalay ang mga kamay ko sa likod nya.

"Ang sweet ng asawa ko halata ang pagkamiss nya sakin..." hinampo ko pero natawa lang sya bago ako hinalikan sa pisngi ko.

"Nakagalitan?" natatawang pang aasar nya.

"Ikaw lang kinagagalitan ni Dada noh, dinadamay mo pa ko." pang aasar ko pabalik. Pero ang loko ay ginaya lang ako kaya natawa ako. Napakapang asar.

Mayamaya ay napansin ko na may nakalapag na mga rosas sa center table habang nakaayos ito sa isang basket.

"Dadalaw tayo kay Maddy.... magtatampo na iyon dahil ilang buwan na tayong hindi dumadalaw." saad nya.

Trauma para sa akin yung gabing iyon a year ago.

Sobra ang takot sa sistema ko habang nakatitig ako sa nakaratay na si Maddy na hindi pa din nagkakamalay hanggang ngayon. Inaasist sya ng mga nurse at duktor dahil muntikan na ito ng nawalan saglit ng kuryente.

"Maddy, ikakasal pa ko at kayo ni Yuji.... gising na please..." piping hiling ko sa hangin. Never in my wildest dream na makikita ko sya sa ganitong sitwasyon. Hiniling ni Yuji sa pamilya ni Maddy na sya na ang mag aalaga dito kaya pinaunlakan nila ito. Papunta na ngayon sin Tito dito ng maibalita ko sa kanila ang nangyare.

Umiiyak na nagmamakaawa si Yuji na magising na sya habang karga nya ang unico hijo nila. Yakap sya ng asawa ko mula sa likod at si Mommy Andrea naman sa gilid nya.

Hindi ko magawang lumapit sa kanila dahil nawawalan ako ng lakas sa buong sistema ko para gawin iyon.

Kagaya ko ay nadudurog na ang magkapatid sa sakit na nararamdaman nila para sa kalagayan ni Maddy.

"Nangako ka eh! You will be with me.... huwag ganito..." hinagpis na sumbat ni Yuji habang umiiyak at inaalo sya ng kapatid at ni Mommy. Si Sandro ay panay ang iyak din.

Kahit anong tatag ng isang tao ng lakas ay hahantong at hahantong pala sa ganito na kapag mahal na namin sa buhay ang nasasaktan ay halos padapa kang yayanigin ng pagkakataon.

Maddy please, sobrang pananakit na ito.

Naalala ko nung sumugod sya sa Oregon habang pinagbubuntis pa nya si Sandro. Hindi noon lumabas ng kwarto si Yves dahil sa pagkabadtrip nya dahil sa pagtanong nito kung kumain na ba sya at sumagot sya sa asawa ko ng kasinungalingan.

"May toyo talaga ang mga Arcelo..." anas nya habang nakadukdok sa lamesa habang inaantay nya yung niluluto ko.

"Worried kase sya sayo at sa baby mo." sagot ko at saktong patapos na ko.

Pagkahain ko ng pagkain ay naupo ako sa katapatan na silya.

Si Yves ang pinaglilihan nya dahil batay sa mga mata nya kanina ay ibig nyang sugurin ng yakap ito.

"Ingatan mo ang bestfriend ko huh? Kahit pinsan kita ay mas nasa kanya ang loyalty ko... kaya huwag kang patanga tanga kundi....." banta nya habang ngumunguya.

"Pangarap ko si Yves na natupad noh, kaya huwag kang ano dyan." muryot ko dahil ayoko na ganito. Mahal ko si Yves kaya hindi pumapasok sa isip ko ang saktan sya.

Natahimik sya saglit.

Napapaawa na ko sa kanya dahil halata na ang stress sa mukha nya at parang ang lalim ng iniisip nya.

"Kapag pagkaanak ko.... Turuan nyo ang anak ko na  magtanim ng pulang rosas para balang araw ay madadalhan nya ko.... Tapos, itong baby pakiusapan mo si Yves na lagi nyang papaarawan nya kapag 6am. I know Yuji can't do that..." bilin nya na kinasalubong ng mga kilay ko.

"Woh teka! Saan ka pupunta? Balak mong takasan si Yuji noh? Saan ang punta? Hindi pwede ang ganyang kilos Maddy. Pamilya mo ang tatakasan mo." pagalit ko. Mahal sya ni Yuji at ni Yves pero heto ang naiisip nyang gawin ang magpakalayo?

Napatawa sya at naiiling.

"Nevermind na nga lang." saad nya at muling kumain.

Kung alam ko lang na ganito pala ang ibig nyang sabihin nung gabing iyon sana pala isinama ko na lang sya sa amin ni Yves para maalagaan.

"Pareho ko silang pinipili! Hindi ka ba nakakaintindi!" bulyaw ni Yuji sa isang duktor ni Maddy.

"Mapapahamak yung asawa mo Mr. Arcelo....." hindi pa man din ito tapos magsalita ay nagwala na ulit si Yuji.

"Wala akong susukuan sa kanilang dalawa doc! Please.... Save them.... sila lang ang kayamanan ko.... sila lang yung buhay ko....." umiiyak na hinagpis nya habang nagmamakaawa. Nagkakomplikasyon si Maddy.....

...

Natauhan ako ng biglang napatayo si Yuji at kinuha sa kanya ni Mommy yung baby.

Para akong nabingi sa mga sumunod na nangyare.

Namalayan ko na lang ay nandito na kami sa isang bahay at sa tabi nito ay isang botanical garden. Doon kami naglakad habang magkahawak kamay at bibit ko sa kabilang kamay yung basket ng pulang rosas na inayos ng asawa ko.

Napabitaw sa akin si Yves ng matanaw nya si Sandro na nagbabalanse sa paglakad papunta kay Yuji. Napatawa kami ni Yuji ng napalingon si Sandro sa gawi ng tita nya na tumatakbo palapit sa kanya. Nagpanic ito at pinilit na makalakad na mabilis papunta sa Daddy nya pero naabutan sya nito at kinarga.

"Gosh! Sobrang namiss ko ang pogitong ito!" masayang saad ni Yves habang pinapaulanan nya ng halik ang pisngi ng pamangkin nya.

Yinaya kami ni Yuji papasok sa bahay para magmiryenda. Si Yves ay wiling wili sa pamangkin nya.

"Gusto mo ng magkababy tayo?" malambing kong tanong ko sa kanya habang nilalaro namin dito sa salas si Sandro. Gumagawa kasi ang kapatid nya ng kakainin namin.

"Ikaw? Ayaw mo ng maging number one baby ko?" nakangiting tanong nya kaya napayakap ako sa gilid nya.

"Saka na lang.. si Sandro na lang muna ang iispoiled natin..." natatawang sabi ko. Gusto ko na wala munang kahati sa atensyon ng asawa ko. Gusto muna naming ienjoy na kami lang muna. Napangiti sya sa akin.

"I heard that..." lumapit ito sa amin at kinuha si Sandro bago iniupo sa lap nya. Napatawa kami ni Yves dahil narinig na naman nya kami.

"Salbahe ang mga tita mo anak.... iispoiled ka daw? Hindi pwede... dapat good boy ka paglaki mo...." malambing na kausap nito sa anak nya.

"Corny mo Maddy..... minsan lang." natatawang kontra ni Yves.

Napataas ang kilay nito sa amin dahil hindi totoo iyon.

"Kayong mag asawa lang ang bumibili ng mga laruan ni Sandro kamo. Malapit ng maging bodega itong bahay namin." reklamo ni Maddy. "Nakapagpagawa na kami ng damit ni Sandro para sa wedding nyo." nakangiting saad nya.

Kinuha ni Yves si Sandro at yinakap. Aliw na aliw kami ni Maddy na nakatingin sa kanya.

"Wow! Hindi lalangawin ang kasal ko dahil may siguradong bisita na ko." saad ni Yves habang pinanggigilan si Sandro.

"H-Hayop ka Yuji.... ang sakit ng katawan ko." reklamo ng isang namamalat na boses at parang natutuyuan ang lalamunan sa hirap sa paghinga.

Natahimik kaming lahat at tanging tunog ng aparato at iyak ni Sandro lang ang umaalingawngaw sa paligid. Pakiramdam ko ay pare pareho kami ng mga nararamdaman ngayon dahil natahimik kami. Mayamaya ay tumulo na ang luha ko sa saya at nilapitan ko yung asawa ko na tutop ang bibig sa pag iyak. Yinakap ko sya.

"Blair... finally..." sambit ng asawa ko sa akin at napangiti ako sa saya.

"M-Maddy..." tanging nasabi lang ni Yuji. Si Mommy ay napatayo para tumawag ng duktor at para matawag din si Dada. Karga muli ni Yuji yung baby.

"S-Sandro...." anas nya at pilit syang lumingon sa gawi ni Yuji na karga ngayon yung baby nila. Napaluha sa saya si Maddy habang pinagmamasdan nya si Sandro na umiiyak.

"He's alive---" malambing na saad ni Maddy habang lumuluha sa saya.

"H-hindi ko kayang sukuan kayong dalawa..." umiiyak na turan ni Yuji.

Callen's POV

Antok na antok ako pero ang mga hayop na 'to kung makatawag!

"Last day ng practice hindi ka pa din aattend???" sigaw ni Ishan sa kabilang linya.

Malditang 'to! Alam naman nyang kababalik ko lang galing New York tapos makasalita ng ganito!

"Kaya ko na yan! Saka lalakad lang naman sa aisle! Mag aacrobat ba ko?" sarkastikong balik ko.

"Sapukin ka sana ni Ate Yves!" sabay binabaan ako ng tawag! Pakaano!

Muli akong pumikit dahil jusko po ang puyat ko nitong mga nakaraang araw dahil sa pagtatapos ng report ko kay Dada.

Nagising ako ng bandang alas kwatro na ng hapon dahil sa tunog ng cellphone ko.

"H-hello...." naliliyong sagot ko.

"Callen, dali samahan mo ko. Nasa opisina pa kase ang kuya Yuji mo eh. Kasama ko kase si Sandro need ko ng may katulong sa pagbili ng mga kailangan nya." turan nito sa kabilang linya. Naging alerto ako at napabangon.

"Sige ate, Gagayak lang ako at susunduin ko kayo dyan." at mabilis akong naligo at gumayak.

"Saan ang punta mo?" tanong ni Kuya Yuan sa akin ng makababa ako.

"Nagpapasama si Ate Maddy..." turan ko habang hinahanap ko yung susi ng kotse ko sa isang drawer dito sa salas.

"Hindi ka umattend ng practice ng kasal ng ate Yves mo... yare ka dun." saad ulit ni Kuya at nagbasa ulit sya.

"I can handle that... lagi naman akong na attend ng kasal kaya alam ko na yung gagawin." turan ko.

Masyado silang kabado para bukas. Madali lang naman maglakad doon.

...
Buhat ko si Sandro habang namimili si Ate Maddy ng mga baby foods. Nagiguilty ako dahil kamuntikan na syang mawala. Kung inusisa ko sana yung papeles na iyon sana naagapan.

Right after nyang magising at ng makarecover ang katawan nya ay nagpakasal na sila kaagad ni Kuya Yuji kaya nagparaya ng taon sina Ate Yves at Aquaman ng kasal nila.

"Hindi ka talaga natatakot sa ate Yves mo..." namalayan ko na lang na sabi nya. Napalalim yata ang iniisip ko at hindi ko namalayan na kinakausap pala nya ko.

"Simula ng ma-in love si Ate Yves ay hindi na sya magagalitin at pikon. Kaya alam ko naiintindihan nya ko bakit hindi ako nakaattend ng mga practice sa kasal nya." sabi ko na kinatawa nya. Napasilip ako sa mukha ni Sandro ng napasandal ang pisngi nito sa balikat ko.

Ano kaya ang pakiramdam ng magkaroon ng sariling pamilya?

"Kapag nagmahal ka hindi mo namamalayan na nagbabago ka for the better para sa taong mahal mo." sabi nya na kinabaling ko ulit sa kanya. "Kaya alam ko kapag nahulog ka sa pag ibig Callen ay titino ka."

I already fall in love but.............

Nagbago ba ako?

Hindi na ko umimik.

"Nga pala, May nagustuhan ka na ba?" baling nya sa akin. Hayop! Bakit kapagdaka na ganitong tanungan? Parang pumitik ng mabilis ang puso ko eh!

"I love myself ate..." natatawang sagot ko. Tinaasan nya ko ng isang kilay.

"Kapag may crush ka o kaya na inlove ka Callen... ako ang unang pagkwentuhan mo.." sabi nya.

"Ayoko, chismosa ka eh... sasabihin mo lang kay Ate Yves." palusot ko habang napapangiti.

"Sinabihan kita ng mga sikreto ko dati tapos ngayon? Pakaano mo Callen..." muryot nya.

My secret? Will be my forever secret. No one will know kung sino ang unang dumurog ng puso ko.

...

Nandito kami sa wedding reception, sa private island ng mga Arcelo. Hindi na ko napatuloy doon sa kwarto ng bride para personal na batiin ito dahil nadatnan kong nag uusap sina Ate Yves at yung Tita Esther ni Aquaman. Natutuwa ako sa kanya dahil mahal na mahal nya si Ate na para bang sarili nya itong anak.

Naglakad na ko palayo dahil masamang makinig ng usapan ng may usapan.

Nakakailang dahil pinagtitinginan ako ng ibang kamag anakan ni Aquaman. Alam kong maganda ako pero hindi naman pwede yung ganito, na halos sambahin ako ng mga mata nila. Masama iyon XD.

Parang inspired sa iba't ibang book itong theme ng kasal nila ni Aquaman. Ang garbo!

Kaia will be playing piano while Ishan will play violin and Riyon will sing. At nagdi- drill na sila.

Teka!

Paglakad lang ang participation ko sa kasal na 'to? Mas may talent pa nga ako sa tatlong yun eh!

Nakita ko si Aquaman na kausap sina Dada at pinupuri sya ng mga ito kung gaano sya kaganda ngayong araw.

"Lakad lang talaga yung gagawin ko?" agad kong tanong ng makalapit ako.

Napatawa sina Dada at napaiwas ng tingin sa akin si Aquaman. Hayop na yan! Wala silang tiwala sa akin???

"Ei! Kay Ate Yves mo ikaw magwala mamaya..." nasabi na lang nya.

Yung nagsimula na yung kasal. Habang naglalakad ako sa aisle, yung tipong kailangan mong ngumiti pero deep inside ibig mong magwala dahil heto lang yung gagawin mo sa buong duration ng kasal habang yung mga kaibigan mo ay ang disente ng participation nila!!!!

Pagkaupo ko ay nawala yung pagwawala ng loob ko ng makita ko na si Ate Yves sa dulo ng aisle at nasa paligid nya ang pamilya nya. Napalingon ako kay Aquaman.

Natulala ako sa mga emosyon sa mga mata nila. Love, dreams and promises are already written to their eyes. Ngayon palang ay buo na ang mga pangakong iyon at mataas ang tyansa na matutupad iyon dahil nga sa mga emosyon na mababasa mo doon.

Pwede pala iyon, ang idiscribe ang pagmamahal sa pamamagitan ng emosyon sa mga mata kahit hindi na ibuka pa ng bibig? 

Simula noong senior high nila ay ganito pa din nila titigan ang bawat isa kahit hindi pa namamalayan ni Ate Yves para sa sarili nya na in love na sya nung mga panahon na iyon. Hindi nga sya nagwala ng todo noong nalaman nya na pinakasal ko silang dalawa habang lasing na lasing sila noon. Bakit? Kase mahal naman nila ang isa't isa noon. Pabor pa nga eh!

Marupok yang si Ate Yves pagdating kay Aquaman.

Naamaze ako sa parteng iniabot na nina Ninang Yvie ang kamay ni Ate kay Aquaman. Love. Sobrang visible ng pagmamahal nila sa bawat isa at kita mo ang pagtanggap nila bilang parte ng pamilya si Aquaman at maging ang pamilya nito kay Ate Yves.

Nakakalunod ang pagmamahal nilang dalawa sa bawat isa. Sa mga tinginan nilang dalawa ngayon ay para bang bumubuo sila ng isang magandang chapter sa isang libro kung saan sila ang bida.
Ang layo ng lokasyon ng mga mata sa puso pero bakit nagrereflect ang pagmamahal doon? Hindi din nakakakonsensya na pinakasal ko silang dalawa dati kapag nakikita ko ngayon ang pagmamahal nila sa bawat isa  sa mga mata nila

Sa kalagitnaan ng seremonya noong naghahanap na ng singsing yung nagkakasal sa kanila ay biglang iniabot sa akin ni Kaia yung pinapatungan ng mga singsing nila Ate.

"Gago bakit.....?" takang saad ko habang hawak ko ang mga ito. Litong lito ako at pasimple akong kinakawayan ni Ate Yves na lumapit na.

Wala sa loob kong napatayo at litong lito na lumapit sa kanila dahil nakatingin na sa akin ang lahat ng bisita habang natatawa sina Dada, sina Kaia at maging si Ate Yves ay pulang pula ang mukha sa pagpipigil ng tawa.

Nang maiabot ko iyon ay yinakap ako ni Ate Yves.

"I love you Cal...." natatawang bulong nya at si Aquaman ay nakayukong natatawa din.

"Di ba, Bata ang nagdadala dapat ng singsing?" napalakas yata ang boses ko dahil napatawa yung mga guests!

Doon nagsink in sa akin lahat at nagmamadaling napaupo pabalik sa tabi ng mga kaibigan ko na natatawa at nagkakaladyaan sa saya!

Pagkaupo ko ay feeling ko ang pula ng mukha ko sa kahihiyan! Hayop!

Pagakaupo ko ay iniabot sa akin ni Riyon yung wedding invitation na ngayon ko lang nakita at nabasa! Hayop kung alam ko lang na ganito yung posisyon ko sa kasalanan na 'to baka nagprisinta na lang ako na taga silbi sa mga bisita!!!

Hindi ko ini-expect na sa mismong kasal nila ako babawian dahil sa ginawa ko sa kanila sa hospital!!!

Yves's POV

Napapangiti ako habang napapatingin ako sa singsing na suot ko.

We are not dating anymore. This is official! Mag asawa na kami! At parang kahapon lang nangyare yung kasal namin sa harap ng mga pamilya namin. The best fairytale ever happened to me! Masarap ikasal sa harap ng mga mahal mo sa buhay at lalo na mahal na mahal mo yung papakasalan mo.

Mayamaya ay may mga brasong pumalupot sa tyan ko buhat sa likod ko. Napangiti ako sa singsing na nakasuot sa daliri nya. She's mine!

"Happy birthday..." malambing na bati ko sa kanya. Humalik sya sa pisngi ko.

"Thank you and I love you..." malambing na balik nya.

"I love you too..." nakangiting saad ko sa kanya. "Anong gift ang ibig ng asawa ko?" usisa ko at napahigpit ang yakap nya sa akin.

"To be with you forever... that's enough with me." masayang sagot nya na kinangiti ko.

"That was given my love... just tell me, tingnan ko kung keribels na maibigay ko." pangungulit ko na kinatawa nya ng mahina.

"Wala na kong maisip eh... heto ka na kase sa tabi ko..... uhmmmmm... kahit ano na lang siguro.." sabi nya kaya ang ginawa ko ay iniangat ko ang isang bagay kapantay ng mga mata nya.

"How about this?" nakangiting tanong ko pero kabado ako sa  magiging reaksyon nya.

Naramdaman kong parang nanghina sya mula sa likod ko.

Parang lutang syang pinaharap ako sa kanya at kinuha nya yung bagay na iniangat ko kapantay ng mga mata nya.

"P-positive? Really?" Excited na tanong nya sa akin habang lunod sa saya at pagmamahal ang kulay bughaw nyang mga matang nakatitig sa akin. Napatango ako habang kagat ko ang ilalim na labi sa pagpipigil sa kilig na nararamdaman ko dahil sa masayang reaksyon ng asawa ko habang pilit nyang inaabsorb yung idea na magkakababy na kami! Yinakap nya ko ng mahigpit at napasigaw sa saya!

"Tangna! Isasampal ko kina Kaia ito! Hayop sila hindi ako baog!" sigaw nya kaya napatawa ako. Mga gago talaga! After ay siniil nya ko ng halik sa mga labi ko.

This is the new start ng bagong chapter ng buhay namin ni Blair. We are now have our family of our own!

"Ito ang pinakamagandang chapter na sisimulan natin... " malambing na anas nya ng magkahiwalay ang mga labi namin.

Napatango ako dahil kahit malungkot o masaya ay hindi ko sya iiwan dahil mananatili ako sa tabi nya hanggang sa dulo ng kung ilan mang kabanata ng buhay naming mag asawa.

Kung ipapares kami sa isang libro ay kahit  na anong mangyare ay babalikan ko pa din ang chapter ng buhay namin kung saan ay nahulog at nabaliw ang puso ko sa taong umakyat ng ligaw sa akin at umaktong matapang sa harap ng mga magulang ko isang gabi noong senior high school ako.

Siya at siya din ang pipiliin kong maging bida sa puso ko.

End
.........

Guys!!! Thank you sa pagsuporta nyo sa kwento na 'to. Nakapagtyaga kayoXD.  Sa kwento ni Callen ay no mercy na🤣 wala na kong pagbibigyan doon. Sa mga bashers... okay yan basa lang para tumaas ang bilang ng bumasa ng libro na 'to🤣 Tinapos ko na baka magkaheart attack na sa galit sa akin ang mga bashers ko eh🤣

Baka bukas ng tanghali yung kay Callen. Abang abang na lang. Walang hint muna dito kung anong flow noon basta bibiglain ko kayo🤣

Maraming salamat talaga at hindi flop sa vote itong kina Yves at Blair🤣🤣🤣 akala ko lalangawin eh.

Vote and Comment

Thank you for reading

~dark19

Continue Reading

You'll Also Like

154K 867 6
GxG OneShot Stories. Don't copy my story November 1,2018
3.3M 97.7K 31
girlxgirl HIGHEST RANKING(S): #1 IN GIRLONGIRL #1 IN GIRLS #1 IN TEACHER #5 IN GXG An emotionally battered woman with a craving for a attention and a...
10.6M 314K 53
Anna Krause is in her senior year and more than ready to leave high school behind and start a new, fresh life without homework. What she didn't expec...
227M 6.9M 92
When billionaire bad boy Eros meets shy, nerdy Jade, he doesn't recognize her from his past. Will they be able to look past their secrets and fall in...