when you disappeared at midni...

By niickblack

24K 887 66

"Gusto ko na lang lunurin ang sarili ko sa paraan ng pagkanta niya ngayong hating gabi, pero umaasa ako na is... More

Disclaimer
When You Disappeared At Midnight
Prologue
1. Pagbabanda
3. Alas-dose
4. Sira Ako
5. Pangalan
6. Walang Takas
7. Anino
8. Ilalaan
9. Takot
10. Naunahan
11. Kutob
12. Sino Siya?
13. Huwag Sabihin
14. Pagpayag
15. Ikumpara
16. Gubat
17. Isipin
18. Misyon
19. Puso ng Gubat
20. Ideya
21. Nasanay
22. Ibang Kanta
23. Kapalpakan
24. Bumalik
25. Ipinarinig
26. Sa Likod ng Pagbabanda
27. Kusina
28. Hinala
29. Naiintindihan Ko Na
30. Ngayong Gabi
31. Hindi Mapakali
32. Huwag Ngayon
33. Muntikan
34. Paano Ka?
35. Kabado
36. Kaniyang Kamay
37. Ikaw ang Hating-Gabi ko
38. Hindi Ako 'Yon
39. Mga Kantang Para Sa iyo
40. Alaala
41. Kompetisyon
42. Binago
43. Bilib
44. Proyekto
45. Uuwi
46. Nalaman
47. Kinatatakutan
48. Nagmamakaawa
Last Chapter
Epilogue
WYDM Playlist
Nick's Note

2. Tumindig

562 22 0
By niickblack

Chapter 2: Tumindig

Erin

Tinamaan ako ng kakaibang lungkot dahil sa nais ipagawa sa akin ni Papa. Ang bigat-bigat ng pakiramdam ko, parang may malaking bato ang nasa ibabaw ng dibdib ko. Nahirapan akong matulog pagkatapos kong mag-ayos ng mga gamit upang dalhin 'to sa luma naming bahay at sa bintana ko lang naubos ang buong atensiyon ko. Hindi ako pinatahimik sa naging sagutan namin ni Papa.

Paglitaw ng umaga, tulad ng inaasahan, hindi ko na nahagilap si Papa sa buong bahay. Marahil nasa trabaho na ito. Ganoon paman palagi. Wala pagbabago. Palaging abala sa trabaho.

Wala akong ganang tumayo at maglakad pero wala na akong nagawa nang pasukin ni Mama ang kuwarto ko upang kumbinsihin ako mag-almusal at pumasok. Dahil wala si Papa, minabuti kong si Mama na lang ang makausap ko nang masinsinan. Nakiusap ako. Paulit-ulit ko siyang pinipilit na dito na lang ako sa bahay at 'wag nang humiwalay, nagbabakasakaling magbago pa ang isip nila at nangangakong ibubuhos ko na ang buong panahon ko sa pag-aaral ngunit dismayado lang akong nakatatanggap ng pagtanggi dahil para din daw 'to sa kapakanan ko. Hindi ko kasi makita ang sarili kong naninirahan mag-isa sa isang tirahan at kumakayod sa sariling kaparaanan. Hindi kagaya rito, inaasikaso ako ni Mama. Ramdam ko ang pagmamahal niya sa akin. Hindi ko kayang hindi sila makikita ng 24 hours.

Hindi ko na itatanggi sa sarili ko na hindi ko pa kayang maging independent kahit 23 na ako. Sapagkat, buong buhay ko, nakasandal lang ako sa mga magulang ko. Sapat na naibibigay nila ang kagustuhan at kinakailangan ko. Never ko naramdaman ang salitang 'inggit' pero ngayon na tumatanda na ako, nalulunod na ako sa salitang iyon dahil naiinggit ako sa mga kabanda ko na nasa likod lang nila ang kanilang mga magulang para ibigay ang buong suporta nila sa kanilang mga anak. Hindi na sila nag-aaral pero kita kung gaano sila kasaya para sa kanilang anak. Kung tutuusin, gusto ko nang tumigil at ipagpatuloy ang nais kong maging ako pero manghihinayang ako dahil malapit na akong grumaduate. 'Yong suporta na gusto kong matanggap, sa ibang tao ko nakukuha at hindi sa sariling mga magulang.

"Seryoso talaga, 'Ma? Hahayaan niyo akong mag-isa roon? Magtitino na ako, 'Ma. Please. Dito na lang po ako." Sa huling segundo, pinipilit ko pa rin si Mama. Nandito na kami sa gate at malapit na akong umalis. Isinasakay na ni Mang Ronaldo 'yong mga gamit ko sa sasakyan at dadalhin na ito sa dati naming tinutuluyan. Pero ako, papasok muna ako sa school at didiretso na lang daw doon pagkaawas ko.

Hinawakan ni Mama ang magkabila kong pisngi at tiningnan ako nang diretso sa mga mata. "Para din ito sa ikabubuti mo, anak. Kung noon pa lang, naging matino ka na, e di sana hindi nasagad at hindi nagalit ang Papa mo sa iyo. Tulad ng sabi ko sa 'yo kanina, bibisitahin ka pa rin naman namin palagi para malaman kung anong lagay mo roon, hindi puwedeng hindi. Sa ngayon, sundin mo na lang muna ang Papa mo. Mahal ka namin kaya ginagawa namin 'to para sa iyo. Hindi habang buhay, makakasama mo kami." Pakiramdam ko, mas lalo lang akong nawalan ng pag-asa dahil sa mga sinabi niya.

Nagpakawala ako ng malalim na buntong-hininga. "'Di ba, parang mas delikado ako roon? Kasi wala kayo? Kasi mag-isa lang ako?" Nagsimulang kuminang ang mga mata ko pero pinipilit kong huwag 'tong lumabas.

"Anak, itong kagustuhan namin ay hindi lang bilang leksyon, gusto rin namin na matututo kang tumindig sa sarili mong mga paa na wala kang kinakapitan sa amin ng Papa mo." Inipit niya ang mga bagsak kong buhok sa likod ng aking tainga. "Erin, balang araw, hihiwalay ka rin sa amin at ngayon pa lang, dapat ay matututo ka na. Kaya huwag kang matakot mapag-isa kasi ang pagiging mapag-isa, mabibigyan ka ng lakas. Tandaan mo iyan."

Sumimangot ako at nalaglag ang balikat. Hindi ako sumagot. Nang makita niya ang lungkot na namumutawi sa mukha ko ay niyakap niya ako at hinawakan ang likuran kong ulo, samantalang ang isa niya pang kamay ay hinahagod ang likuran ko. "Magiging masaya ka rin doon. At least, malaya kang gawin lahat ng gusto mo. 'Yon naman ang gusto mo, 'di ba? Suportado kita sa pagbabanda mo pero ngayon, pag-aaral muna ang unahin mo, okay? Bago ka tumugtog, gawin mo muna ang mga school work mo para nababalanse mo. Nandito lang ako, anak. Gusto ko rin mapanood ang performances ninyo."

Bahagya akong tumango. "Salamat po," mahina ngunit totoo kong tugon.

Humiwalay siya sa akin at iginapang ang mga kamay niya papunta sa mga kamay ko. "Kung kailangan mo ng kausap at may nangyaring hindi maganda sa iyo, tawagan mo agad ang Mama, ha? Huwag mahihiya."

Tumango ulit ako.

Nagpatuloy siya. "Nandoon din naman 'yong mga kapitbahay natin noon at siguradong hindi ka nila pababayaan. Saka oo nga pala, kausapin mo 'yong mga prof mo na nakakuha ka ng bagsak na grade, bakasakaling may magawa pang paraan at pumasa ka. Sayang naman kung babagsak ka at baka maging dahilan pa ng pagiging delay mo," bilin niya. "Sige na, anak. Baka mahuli ka pa sa klase mo." Bumaling siya kay Mang Ronaldo, kinuha niyang dyaber na maghahatid ng gamit ko. "Okay na po ba 'yong gamit ni Erin?"

"Opo, ma'am," sagot nito. "Naipasok ko na po lahat. Dadalhin ko na lang po sa bahay ninyo pagkatapos ko pong ihatid si Erin sa school niya." Sa katunayan, nilalakad ko lang papunta sa school pero ngayon, sasabay na ako sa kaniya.

Ngumiti si Mama at ibinaling ulit ang tingin sa akin. "Ingat ka, anak." Napatingin ako sa kanang kamay ko nang may inilagay siya sa ibabaw ng palad ko at pagkatapos tiniklop niya ito. "Huwag kang mag-aalala, hindi lang 'to sa ngayon, ibibigay pa rin namin ang allowance mo. Hindi ka rin matitiis ng Papa mo, sigurado iyon. Kakausapin ko siya."

Ngumiti ako sa kaniya at nagpaalam. Wala na akong ganang magsalita, tipid lang na tango lang naibibigay ko. 

Sumakay na ako sa kotse, dala-dala ang dismaya. Wala na akong magagawa kun'di ang tumalima. Okay na rin 'to, tama si Mama, para sa sandaling panahon, hindi nalilimitahan ang mga nais kong paggalaw dahil walang maghihigpit sa akin. Susulitin ko ang pagkakataon na 'to para magbanda pero iingatan ko pa rin ang sarili ko at iingatan ang pag-aaral. At sa isang banda, masaya na rin ako dahil sinabi sa akin ni Mama na sinusuportahan niya ako. Gumaan din kahit papaano ang pakiramdam ko. Ngunit sana matutunan ko ang dapat kong matutunan kung bakit nila ginagawa 'to para sa akin. Kakapain ko ang aralin na iyon.

------

Continue Reading

You'll Also Like

103K 5.5K 26
COMPLETED Published by Bookware Publishing. --- Hindi naniniwala sa multo si Hazel pero hindi niya maikaila na baka totoo nga ang mga ito nang magsi...
47.3K 2.5K 59
"Aayusin ko muna ang sandata ko. Aayusin ko muna ang ngiti mo dahil 'yon ang magiging sandata ko sa laban ko." - Landon Date Started: April 14, 2020 ...
53.7K 3.3K 158
"Kung kailan bumalik ka na, saka naman ako magpapaalam." - Analiah Date Started: December 19, 2020 Date Finished: March 24, 2021 [EPISTOLARY STORY] [...
6.4M 271K 32
"...and the devil fell in love with you, the way he loves hell." This novel is inspired by real events. Highest rank in horror: Top 1 Highest rank...