Selfless Love (COMPLETED) Alt...

By LuckyJinks

16.5K 540 74

Minsan lang umibig ang isang Chloe Samonte. Humanga, nagmahal sa isang tao sa matagal na panahon. Hinintay ni... More

Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty One
Chapter Twenty Two
Chapter Twenty Three
Chapter Twenty Four
Chapter Twenty Five
Chapter Twenty Six
Chapter Twenty Seven
Chapter Twenty Eight
Chapter Twenty Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty One
Chapter Thirty Two
Chapter Thirty Three
Chapter Thirty Four
Chapter Thirty Five
Chapter Thirty Six
Chapter Thirty Seven
Chapter Thirty Eight
Chapter Forty
Chapter Forty One
Chapter Forty Two
Chapter Forty Three
Chapter Forty Four
Chapter Forty Five
Chapter Forty Six
Chapter Forty Seven
Chapter Forty Eight
Chapter Forty Nine
Chapter Fifty
Chapter Fifty One
Chapter Fifty Two
Chapter Fifity Three
Chapter Fifty Four
Chapter Fifity Five
Chapter Fifty Six
Chapter Fifty Seven
Chapter Fifty Eight
Chapter Fifty Nine
Chapter Sixty
Epilogue
Images and Videos 🥰

Chapter Thirty Nine

203 8 0
By LuckyJinks

Song: Kung Wala Ka- Dan Ombao Cover

A/N: Ayaw makisama ng kanang balikat ko. Frozen shoulder is waving. Sana mawala para magtuloy tuloy akong mag update. Anyway, enjoy the story. :)

Chloe's POV

Maaga akong gumising pero hindi pa ako bumabangon. Nakatingin lang ako sa kisame ng kwartong inuupahan ko. Maingay doon dahil lima kaming babae sa loob at naghahanda na rin ang iba sa pagpasok. Ngayon ang pangalawang araw ng lecture ni Drake at iniisip ko kung pwede ba akong huwag pumasok. Pero pinili ko na lang din pumasok, pipilitin ko na lang na lumayo sa kaniya. Nahihiya din akong umabsent dahil baka hanapin ako ni Ms. Ira. Atsaka tumutulong din kasi ako kay Ms. Grace sa mga paper works at sa ibang bagay na pwede kong itulong sa kanila dahil nga sa libre lang ako doon. Ayaw nila akong patulungin pero ako na ang nagpiprisinta, hindi naman ganoon kabigat ang mga trabaho.

Pinili kong suotin ang isa sa mga bigay ni Ms. Ira na white polo shirt at nag pants na lang din ako. Sinuot ko na lang din ang pink coat na bigay din niya sa akin. Nagpasya akong magbike papasok para makapag ikot pa ng konti para makitsismis sa pali paligid. Pang tanggal ng stress ng bahagya.

Habang nag iikot ay nahinto ako sa pamilyang nagjojogging sa sidewalk. Magkakahawak kamay silang tumatakbo. Nasa gitna ang cute na batang lalaki na siguro ay nasa apat na taon na. Napangiti ako sa kanila habang nagtatawanan pa silang magkakahawak.

Pagkadating sa venue ay pinuntahan ko na si Ms. Grace para kumbinsihin pa ring baka pwedeng iba na ang magtake down notes para kay Drake. Ngunit pagpasok ko sa Faculty Room ay wala si Ms. Grace at ang ang tagpong nakita ko ay nakayakap si Hally kay Drake. Agad namang kinalas ni Drake ang pagkakayakap ni Hally sa kaniya. Huli na para umurong ako dahil nakuha ko na ang atensyon nila.

"Uhm- ah- hinahanap ko lang po sana si Ms. Grace. Sige po. Pasensya na." At mabilis na tumalikod.

"Oh, andito ka pala. Tignan mo nga naman." Habol na pahayag ni Hally.

"Hally! Leave her alone. Sige na Chloe, umalis ka na."

Pero mabilis akong nahabol ni Hally at pinaharap. Kailangan kong isiping buntis siya kaya hindi dapat siya masaktan. Dinadala niya ang anak nila ni Drake. "Nabalitaan mo naman na siguro noh? Ikakasal na kami. Kaya lumayo layo ka na." Nakataas ang isang kilay na pahayag niya. "Ilayo mo na iyang pagmumukha mo sa akin at naalibadbaran ako."

"Hally, tumigil ka na! Chloe, sige na." Mataas na boses na sabi ni Drake.

"Mukhang nakaka luwag luwag ka na ha? Hindi ka na mukhang basura." At tinignan ang suot ko. "Sino namang mayaman ang napaikot mo? Congrats." Pagkasabi noon ay tumalikod na siya sa akin.

Lumapit na sa akin si Drake at hinila na ako palabas. "Pasensya ka na sa kaniya. Mag uusap na lang tayo mamaya ha."

"Drake! Halika na dito! Huwag mo akong galitin!" Sigaw ni Hally.

Tumango na lang ako at lumakad na palayo. Hindi ko ata kayang makita sila ulit kaya nagpaalam na muna ako kay Ms. Grace na may aasikasuhin lang ako at lumabas na ulit gamit ang bisikleta. Huminto ako sa may bench sa seaside at pinili kong tumitig na lang sa dagat. Kinuha ko na rin ang headset ko at phone ko at nakinig ng music.

Here I am
Alone and I don't understand
Exactly how it all began
The dream just walked away
I'm holding on
When all but the passion's gone
And from the start
Maybe I was tryin' to hard
It's crazy 'cause it's breakin' my heart
Things can fall apart, but I know
That I don't want you to go

Hindi ko namamalayang umiiyak na ako. Paano ko kaya sisimulan na makalimutan siya? Paano ko kaya haharapin ang buhay na alam kong mapupunta na siya ng tuluyan sa ibang tao?

And heroes die
When they ignore the cause inside
But they learn from what's left behind
And fight for something else
And so it goes
That we have both learned how to grow
And from the start
Maybe we were tryin' too hard
It's crazy 'cause it's breakin' our heart
Things can fall apart, but I know
That I don't want you to go

Parang pinipiraparaso na ang puso ko. Sobrang sakit. Sobrang hirap. Pero anong magagawa ko kung iyon na ang tadhana namin? May magagawa pa ba ako para ibahin ang kapalaran naming dalawa? Saklap naman.

Oh, it's just too much
Takin' all the whole world all by myself
But that's not enough
Unless I stop trusting somebody else
Somebody else and love again

Tumingin ako sa langit at pumikit. Humihiling na lang ako na sana ay lawakan Niya pa ang pang unawa ko sa mga nangyayari. Hayaan Niya na lang akong matanggap ang lahat ng ito. Patatagin na lang Niya ng husto ang puso ko. Patapangin Niya pa ang pag asa ko. Palakasin Niya pa ang loob ko, na sa natitira ko pang tapang, pag igtingin Niya pa iyon at magawa ko pang mapalago ulit. May iba pa akong labang hinaharap at hindi ako pwedeng bumitiw, hindi pwede!

And from the start
Maybe we were tryin' to hard
It's crazy 'casue it's breakin' our hearts (It's crazy)
Things can fall apart, but I know
That I don't want you to go, no
Maybe we were tryin' too hard
It's crazy 'cause it's breakin' our hearts
Things can fall apart, but I know
That I don't want you to go

Oh no, I don't want you to go

Ilan pang minuto at kinalma ko na ang sarili ko.

'Matapang ka Chloe, kaya mo iyan! Wala kang hindi kaya!'

Pagbalik sa venue ay maingat akong pumasok sa room at umupo sa likurang bahagi. Nasa kalagitnaan na ng lecture si Drake at pagkaupo ay napansin kong tumingin siya sa gawi ko. Yumuko na lang ako at tumutok na sa pag aaral.

"Ms. Samonteh, halika." Mahinang tawag sa akin ni Ms. Grace. "Pinapatawag kasi ako sa may main office ng Merge. Kakausapin daw ako ng may ari. Pwede bang ikaw na ang magbigay ng exam mamaya? Pagkatapos ay pauwiin mo na sila at bukas na lang I check ha. Hintayin mo muna ako."

"Sige po," bumalik na ako sa upuan ko at mataman ng nakikinig sa lecture ni Drake.

Pagkatapos ng lecture ay pumunta na ako sa harap at nagbigay ng tesp paper. Pilit akong kinakausap ni Drake pero umiiwas na lang ako. Natapos ang exam at kinuha ko na lahat ng papers ng mga kaklase ko. Nagpaliwanag sa harap na bukas na nga malalaman ang sagot dahil may importanteng inasikaso si Ms. Grace. Pupunta na sana ako sa desk ni Ms. Grace ng makita kong nandun pa sila Hally at Drake kaya hindi na ako tumuloy. At buti ay hindi rin nila ako nakita.

"Manong, kapag dumating naman po si Ms. Grace, pasabi na lang po na nasa main room po ako. Chloe po pala name ko manong." Pakiusap ko sa guard na naka duty.

"Oh sige po. Sabihin ko po."

"Salamat po," at lumakad na ako sa room. Nakinig na lang ako ng music at nag relax.

Maya maya ay may kumatok na, "Ms. Chloe, nandyan na po si Ms. Grace." Tawag sa akin ng guard.

"Salamat po manong," hawak ang mga testpapers ay naglakad na ako. Pero hindi pa nakakalabas ng salubungin ako ni Hally.

"Hi," bati niya sa sarkastikong boses.

"Uhm please lang, huwag na tayong mag usap," pakiusap ko.

"Ang sarap mong asarin eh. Saka halatang halata sa iyo na naiinggit ka sa akin." Sabay tinulak niya ako papasok sa loon dahilan para mapaupo ako sa sahig. "Akalain mong hindi ka pa rin pala tumitigil sa paghabol kay Drake. Binabalaan kitang muli babae ka, lumayo ka na. Panira ka sa amin eh! Kung ayaw mong may mangyari sa iyong masama, eh lumayo ka na."

Tumayo ako at nagpagpag, "makakaasa ka diyan. Pasalamat ka at buntis ka at ayokong pumatol sa iyo."

"Ikaw lang ang nanggulo sa amin. Ang panggugulo mo sa buhay namin, iyon ang maling pagkakamali mo!"

Nagmadali na lang akong umalis papuntang faculty room at hinanap si Ms. Grace. Nandoon din si Drake na animo'y problemado sa buhay pero binilisan ko na lang ang pagbigay ng test papers kay Ms. Grace at mabilis ng umalis.

'Kaya mo ito Chloe! Wala iyan.'

Kinabukasan ay huling araw ng lecture ni Drake pero imbis na sa likod ay tinawag ako ni Vance at pinaunlakan ko na lang ang pag reserve niya ng upuan sa akin. At binigyan niya akong muli ng coffee.

Ibang tao na ang nasa harapan para mag notes kay Drake. Pumunta na siya sa harapan pero bago iyon ay luminga linga muna siya at ng madako sa amin ang tingin niya ay biglang nabago ang reaksiyon ng mukha niya. Sumimangot siya at tinignan ng masama si Vance. At tapos 'nun ay nagtuloy na sa paglakad papuntang unahan.

"Ok lang ba kayo?" Tanong ni Vance.

"Ha?"

"Parang ang sama ng tingin ni Sir sa akin eh." At tinuro niya si Drake.

"Ahh, baka akala mo lang. Nakapag aral ka ba?" Pagbabago ko ng usapan.

"Hindi masyado, ikaw?"

"Nag aral konti," dagdag ko pa.

"Good morning class," pagbubukas ni Ms. Grace sa unahan. Si Drake ay inaayos na ang laptop niya at ang ituturo niya siguro. "Bigyan lang natin ng recognition ang mga nagta top sa batch na ito. Wala namang baring sa board exam, pero siyempre hard work pa rin nila ito. Nasa half na tayo ng review class natin kaya para makapag push pa sa pag aaral eh naging tradisyon na namin ito. May konting pa certificate at tumbler lang si mayora kaya pagdamutan niyo na. Sir Drake, can you do the honor please. Lapit na lang po sa harap kapag tinawag."

"Oh sure," kinuha na niya ang listahan. "Kung sino man sila, ang gagaling niyo guys. Sana magtop din kayo sa board exam. And top 3 goes to Mr. Liam Generoso, congratulations." At nagpalakpakan ang lahat at lumapit na ang paparangalan. Kinamayan siya nila Ms. Grace at Drake saka binigay ang cert at tumbler. "Top 2 goes to Ms. Olivia Pora, ang galing naman. Punta ka na po sa harapan," tawag niya. Ganoon din ang ginawa nila. "And last but not the least, our top one, no other than, Ms. Chloe Samonte. I knew it. Halika na dito, kung si mayora ay may pa tumbler, may ibibigay din ako pero pagbalik ko na." Paliwanag niya.

"Wow! Ang galing mo naman! Kaya pala ayaw mong sumama sa amin Chloe. Naiintindihan ko na, kami pala ang dapat sumama sa pag aaral mo. Congrats!" Sabi ni Vance at kinamayan pa ako.

Nahihiya ako pero sinundo na ako ni Ms. Grace at binati na rin. Pagpunta sa harap ay siyang abot ni Drake sa akin ng cert at tumbler. "You are amazing honey. I love you." Bulong niya sa akin dahilan para pamulahan ako ng mukha at mag init ang pisngi at tainga ko. Nagpalakpakan na ang lahat at nagtayuan pa.

"Thank you," nahihiya kong sambit kila Ms. Grace at Drake.

"May utang akong regalo sa iyo, pagbalik ko bibigay ko sa iyo." Pahabol na sabi ni Drake. Mabilis na kaming bumalik at umupo sa kani kaniyang upuan. Nagpatuloy naman sa pagtuturo si Drake at maayos nang natapos ang lecture niya.

Nag uwian na ang lahat at tumulong na lang muna ako kay Ms. Grace sa pag aayos ng iba pang gamit. Nagpaalam na ako kay Ms. Grace at lumabas na ngunit hindi pa ako tuluyang nakakalabas ng gate ng salubungin na naman ako ni Hally. Humarang siya sa daraanan ko kaya napaatras ako at hindi makaalis.

"Excuse me, paalisin mo na ako please." Pakiusap ko.

Ngumisi lang siya at tinignan ako, "nabalitaan kong nag top 1 ka daw? Ang galing mo naman."

"Wala akong panahon dito Ms. Hally. Paalisin mo na ako."

"Wait lang, nag eenjoy pa akong kausap ka eh. Ikaw naman," sarkastiko niyang pahayag.

"Nakikiusap ako, huwag na tayong magtalo. Alang alang na lang sa batang dinadala mo," may pag aalalang sabi ko.

"Hahahahaha.. At naniwala ka naman? Ang bilis niyo talagang maloko. Hahaha." Sabay halukipkip ng mga kamay niya.

"Anong ibig mong sabihin?" Gulat na gulat kong tanong.

"Walang bata. Hindi ako buntis," tudyo niya sa akin. "Pero sasabihin namin iyon kapag nakasal na kami para wala na siyang magawa at hindi ka na niya habulin pa. Nice diba?"

"Nagawa niyo iyon sa kaniya? Mga wala kayong kwentang tao. Hindi ko kayo hahayaan. Dahil sa sinabi mo, hinding hindi ako papayag na makasal siya sa iyo. Tandaan mo iyan!" Nagngangalit na tugon ko sa kaniya. Naglakad na ako pero bigla niyang hinila ang buhok ko.

"Hahaha.. Talaga ba? Wala ka ng magagawa. Everything is ready. Hindi na siya makakaurong." Parang baliw na pahayay niya. Tinanggal ko na ang kamay niyang nakahawak sa buhok ko.

"Siya walang magagawa pero ako meron! Hindi ako magpapakasal sa iyo Hally!" Nagulat kaming nasa pintuan na si Drake.

"De-drake, ka- nina ka pa diyan?" Nauutal na pahayag ni Hally. Nawala ata lahat ng tapang niya kanina pa?

"Narinig ko lahat. Umalis ka na Hally. Umalis ka na!" Iyon si Drake. Iba siya kapag nagagalit na. Mayroon sa boses niya na mapapasunod ka kapag nagagalit siya.

Lumapit na si Hally kay Drake at hinawakan siya sa braso niya. Pero kita sa mukha ni Drake ang matinding pagtitimpi. "Hindi ako papayag! Ikakasal tayo, matutuloy ang kasal natin. Please. Pwede pa naman akong mabuntis. Totohanin natin ang baby, Drake please."

"Umalis ka na ngayon na hanggat hindi pa nagdidilim ang paningin ko. Please Hally. Please lang."

"Ate! Halika na! Ate!" Napatingin ako sa nagsalita. Kapatid siguro ni Hally dahil hawigan niya din at maganda. Naka ID ng Merge, kasabayan ko sigurong nagrereview. Pinuntahan niya si Hally at inaakay na palabas.

"Sally, pakiuwi na ang kapatid mo. Please." Hindi pa rin natitinag si Drake.

Umiiling ng tuloy tuloy si Hally. "Hindi, hindi, hindi! Hindi ako papayag Drake!"

Hinila na ng pilit ni Sally si Hally palabas. "Ate halika na. Please."

"Ikaw babae ka, tinukso mo siya ano? Ha? Ang kapal ng mukha mo!" Baling naman niya sa akin at akmang sasampalin ako ng hawakan ni Drake ang kamay ni Hally.

"Huwag na huwag mo siyang sasaktan Hally. Huwag na huwag." Sabay binitiwan ang kamay ni Hally.

"Babalikan ko kayo. At hindi ako papayag na hindi matuloy ang kasal natin. Tignan mo lang!" Pagkasabi ay mabilis na umalis sila ng kapatid niya.

"Mauna na kami Kuya Drake." Paalam ni Sally. Bakit may pakiramdam akong mabait ang isang iyon?

"Salamat Sally," pahabol na sabi ni Drake sa kanila.

Matagal na katahimikan ang nangibabaw sa amin bago ako nagsalita."Uhm- gusto mo bang mapag isa?" Tanong ko.

Makailang beses kong nakita ang paggalaw ng mga panga niya at ang malalim niyang paghinga. "Sumama ka sa akin. Ngayon na," saka nagsimula na siyang maglakad. Sandali akong natigil pero pinili ko na lang na sundan siya.

"Gusto mo bang ako ang mag drive?" Alok ko nung nasa tapat na kami ng kotse niya at pinagbuksan na ako ng pinto sa passenger seat.

"No way! Baka imbes na makauwi, sa ER tayo mauwi." Tanggi niya.

"Grabe ka sa akin."

"Sakay na," sumunod na ako at pagkasakay naming pareho ay wala na ulit naging imikan. Nagtaka naman akong huminto siya sa isang convenience store. "May bibilhin lang ako sandali," at bumaba na siya. Pagbalik ay bitbit niya ang mga plastic ng mga beers at snacks.

"Ang dami naman niyan," sabi ko.

"Sa akin lang iyan, eto sa iyo." Sabay hagis sa akin ng isang pack ng lollipop. Dahilan para mag init ang mga pisngi ko.

"Shit!"

"Oh, bakit namumula ka? Pampasaya mo iyan diba?" Sabay ngumisi na sa akin, bahagya na lang akong nangiti at tumingin sa labas. Pagdating sa condo niya ay pinaupo na niya ako sa sala."Padeliver lang ako ng pizza para sa dinner natin, ok lang?"

"Hindi huwag na. Uuwi na rin ako. Kailangan kong mag aral. May exam pa kami bukas."

"Dito ka na magreview."

"Sa bahay na lang, para rin makapagpahinga ka na."

Sumimangot siya , "tsk! Kumain ka na lang muna, tapos ihahatid na kita pauwi."

Inismiran ko na lang siya. "Ok, sige na, dito na ako magrereview pero huwag kang maingay ha."

Ngumiti siya at nagsalita. "Good. Umorder na ako, sinamahan ko na ng extra fried chicken. Kumain ka ng madami at mag aaral ka pa."

"Opo tay," alam kong mabigat ang pakiramdam niya kaya siguro titigilan ko munang awayin siya. Nilabas ko na ang mga rereviewhin ko.

"Namimiss ko na kayo ni Hope. Kumusta na ang baby natin?"

"Maayos naman siya. Hindi sila naghihiwalay ni Ate Emma pati sa pagtulog." Nakangiti kong sabi.

"Alagaan mo siya ha. Minsan tatawagan kita para magkita kami. Baka hindi na ako kilala ni Hope."

"Sige," at nagsimula na akong magbasa. Narinig kong binuksan niya ang beer. "Hindi ka pa kumakain, huwag ka muna uminom."

"Ayos lang, hindi ko bibiglain."

"Hindi," kinuha ko ang beer. "Mamya na iyan. Mabilis ka pa naman malasing."

"Sige po 'nay," at nagtawanan na kami. Maya maya ay sumeryoso na siya, "aayos din ang lahat. Masaya ako dahil hindi totoong buntis si Hally. Pero paniguradong ipipilit pa rin nila ang pagpapakasal ko sa kaniya." Malungkot niyang sabi.

"Ipaliwanag mo na lang maigi ang side mo. Pamilya mo sila, paniguradong tatanggapin nila iyon." Paniniguro ko. Hindi naman siguro nila labis na ipipilit ang ayaw ni Drake? Sana.

"Sana nga. Sana. Para mapakasalan na kita." At mataman niya akong tinignan."Naalala mo 'nung minsan na nag aya ka sa aking magtanan? Iniisip ko, sana pumayag na ako. Saka na lang tayo bumalik kapag wala na silang magagawa." Seryoso niyang pahayag.

Sinamaan ko naman siya ng tingin."Huwag ka na ngang nag iisip ng ganyan. Nawala lang ako sa sarili ko noon." At bumalik na ulit sa papel ang tingin ko.

"Chloe, manliligaw ako ulit, manliligaw ako ulit sa iyo." Napatigil ako sa binabasa ko.

"Tumigil ka muna. Pwedeng magpahinga Drake." Paliwanag ko. "Magfocus ka muna sa sarili mo at sa pamilya mo. Kumbinsihin mo muna sila sa mga gusto mong mangyari," habol ko pa.

"Manliligaw ako tapos!"

"Ay! Bahala ka! Ang labo mo kausap!" Pagsuko ko. "Uuwi ka na bukas?" Pag iiba ko sa usapan.

"Parang gusto ko pang-"

"Heps! May trabaho kang iniwan doon. Huwag mo akong irarason sa pagstay mo dito, utang na loob. Umuwi ka na."

"Sige. Pero huwag kang nakikipaglapit sa ibang lalaki. Babalik ako. Aayusin ko muna ang mga naiwan ko doon at magpapalipat ako sa office dito sa Manila. Oh! Huwag ka ng kumontra diyan." Putol niya sa akin ng makita niyang magsasalita dapat ako. "Galingan mo sa board exam mo ha. Naniniwala akong kaya mo iyan." Tumango na lang ako.

Maya maya ay dumating na ang food at masaya kaming kumain na nagkukwentuhan pa. Naka tatlong beer in can lang naman siya. Pagkatapos ay naglinis na ako ng katawan at nag toothbrush. Nagulat akong nakabili na siya ng mga damit ko kaya iyon na ang sinuot ko. Saka ako bumalik sa lamesa sa may sala at tumuloy na ako sa pag aaral. Siya naman ay pumasok sa kwarto niya, siguro ay naligo na rin. Hindi nagtagal ay bumalik siya sa sala na nagpupunas ng basang buhok. Nakapajama na rin siya at amoy na amoy pa ang panlalaki niyang shampoo at sabon. Paano naman ako makapag focus nito? Maya maya ay lumapit siya sa akin at nagsimula nang maghurimintado ang puso ko. Umupo siyang nakabukaka sa likuran ko. Naramdaman kong nasa batok ko na ang mga labi niya. "Drake.. Hindi ako maka focus."

"Ganoon ba epekto ko sa iyo Mrs. Arellano?" Kung alam mo lang ang epekto mo sa aking damuho ka.

Yumuko ako dahil konti na lang ay alam kong bibigay na rin ako, "I'm studying. Please.."

"Yakap lang please."

Tumagilid ako at pinitik ang noo niya. "Fake news iyan."

At ganoon na lang ang lakas ng tawa niya. "15 minutes, please." At yumakap na siya sa akin ng mahigpit. Tinabing ko na lang ang ulo ko sa kabilang parte. "Pagkatapos mo ng board exam, magplano na tayo ng sa atin ha. Huwag na huwag kang titingin sa ibang lalaki. Kailan kita pwedeng ipakilala kila mommy ng maayos?"

"Saka na lang. Siguro after board exam."

"Okay. I love you."

"Tapos na po ang 15 minutes mister."

"Extend please."

"No."

"Please."

Humarap ako sa kaniya, "patapusin mo ako sa pag aaral ko at gagawin kong open time iyang kalokohan mo." Sabay halik sa kaniya ng mabilis lang.

"Yehey! Sige. Papasok na ko ng kwarto, sumunod ka ha. Bilisan mo diyan." Umiiling na lang akong nagbalik sa pag aaral.

Hindi pa nagtatagal ng may nag message sa akin.

From: FuHu

Bilisan mo na diyan, maiinip ang ioopen time mo. 🤗🤗🤗

Nangiti na lang ako at nagulat akong may sumunod na message. Selfie niya iyon. Umiling na lang ako, tinabi ang phone at nagfocus mag aral.

May katagalan akong nag review at pagpasok ko ng kwarto ay malalim na siyang natutulog, napagod siguro. Nangiti na lang ako at tumabi sa kaniya. Niyakap ko siya ng mahigpit at tumitig sa gwapo niyang mukha.

"Pwede na tayo, pwede na nating ituloy ang kwento natin Drake."

***END OF CHAPTER THIRTY NINE***

Continue Reading

You'll Also Like

92.5M 2.9M 134
He was so close, his breath hit my lips. His eyes darted from my eyes to my lips. I stared intently, awaiting his next move. His lips fell near my ea...
55.3M 1.8M 66
Henley agrees to pretend to date millionaire Bennett Calloway for a fee, falling in love as she wonders - how is he involved in her brother's false c...
16.7M 624K 78
Echo wasn't like her sisters. She knew that when people talked about the famous and fabulous Reid sisters, they weren't referring to her. Quiet, hom...
24M 570K 32
"Y-your H-highness? I-i'm sorry b-but t-there m-must b-be a-a m-mistake..." A loud growl sounded through the whole ballroom causing me to start shaki...