"Alam mo bang bakit natatakot akong mamatay?" pabulong niyang sinabi ng naiwan na lakas na mayroon siya.
Nakita ko ang pagmumutla ng kanyang labi at pag onti-onti ng pagbaba ng mga mata niya, pansin ko ring nabigatan na ang mga ito na pilit parin bumukas at tumingala sa akin.
Humigpit ang kapit ko sa kanyang mga nakamaong kamay na nakapatong sa itaas ng kanyang tiyan habang nakaluhod ako sa gilid ng kanyang higaan.
Pinigilan ko ang mga luha na kanina pang pumilit na lumabas sa mga mata ko.
Ano? Balak ko sanang tanungin ngunit ayaw magsalita ng labi ko, tila nanatiling tahimik ang boses ko na parang may pumipigil nito sa pag iingay.
Ano? Ano ang kinatatakutan mo, ate Vivian?
Pilit siyang ngumiti ng napakapait sabay patong ng kanang kamay sa ibabaw ng akin. ".... na makita mo akong lumisan. Ayaw kitang mapasakitan, Epifania." lumuha ang mga mata niya at tuluyan ng nanginginig ang boses nang binitawan ang sumusunod pa na mga salita. "Ayaw ko pa kitang iwanan ng g-ganito kaaga... h-hindi pa... dapat... pwede.."
Naubo siya dahilan na may biglang tumunog galing sa apparatus na iginagagapos ng kanyang tubing.
"Excuse me po." sumulpot na sa aming gitna ang kanyang attending nurse na kanina pang nakatayo sa likod ko, nagbabantay.
May kasama siya na mismo ng tumulak sa akin palabas ng kwarto lalo nang napapansin nila ang malubhang kalagayan na pinagdurusa ng ate ko at ayaw nila makikita ko ang kanilang gagawin maya maya sa kanya.
Labag sa kalooban ko ang nangyayari kay Vivian nang napilitan nila akong lumabas.
Gusto ko siyang balikan sa loob ng kwarto, sa kanyang gilid at hawakan ang kanyang kamay at aliwin siya ngunit hindi payagan ng sitwasyon ngayon na iyo'y mangyari.
Tila ay hanggang sa labas ako ng kanyang pintuan ako'y naiwang umiiyak, bawat lipas ng oras, sumisikip ang dibdib ko at kabahan na pinagisipan ang ano-anomang posibleng masamang ganapin roon.
Gigising pa ba si Vivian? O tutuluyan na ba siyang-....
Mga luha ko patuloy ng bumubuhos.
Ilang minuto ay biglang tumahimik sa loob ng kwarto ni Vivian na kinatatakutan ko.
Lumabas ang nurse mula sa kwarto ni Vivian. May konting malamlam na ekspresyon sa kanyang mukha. Maya maya ay naubos lahat lakas ng aking mga paa at tuluyan akong pumatak sa sahig sabay iyak.
Present
"Epifania Reyes."
....
"....Ms. Epifania Reyes?"
"Hoy." siniko ako ng katabi ko. "Ba't nakatulala you? Sinu-summon ka na ni Misis Whiskers, o!"
Bumalik ako sa realidad kaagad nang masilayan kong nakatitig sa akin likod ng kanyang mga salamin ang mga matalim na mga mata ni Misis.
Napatalon ako sa upuan. "E-eto na po..!"
Hinampas ni Margaret ang pwet ko sabay kindat. "Good luck, pyutur doc!"
Muntik ko nang makalimutan na may mock interview ako ngayon! Bakit ba kasi yung huling pakikisamahan ko ni Vivian sa hospital ang naalala ko sa oras na ito?
Iba dapat pokus ko ngayon. Kailangan kong pumasa sa interview. Lagot ako kay Vivian kung hindi ako makaka graduate ng physician dahil dito.
"Good afternoon po." bati ko sabay yuko sa nakakatandang nakaupo sa harapan ng mesa.
Pormal yung suot niya, hindi halatang isang doctor. Naaalala ko na ipinakilala sa amin nung panahong orientation, na siya ay si Doctor Alberto Guttierez, isang specialist physician, ang magsisilbing interviewer namin sa session na ito.
Nagwo-work siya sa Alpha Medical Hospital near our university kasi nandoon ang clinic niya. He's been stationed there for as long as who knows his age.
Doon din kami i-lalagay ng aming department at management ng university para sa aming internships kasi matagal na sila affiliated sa hospital na iyon.
"Take a seat." sumunod ako sa utos niya. Umupo ako sa kabila habang nakatingin siya sa kanyang folder puno ng mga papeles na sa tingin ko ay yung resume ng mga students at sa ngayon ay binabasa niya ang resume ko. "... Epifania Reyes...?"
"Yes po."
"You're 24."
"Opo."
"Ang bata mo.... You took up the seven-year medical program?"
"Yes po. I passed the preliminary requisites to be able to be admitted for the InterMed Program just after graduating secondary school po, which was almost six years ago."
*note: InterMed is derived from a 7 year Medicine Program from a university of the Philippines.
Dumilim ang pagtingin ni Doctor Guittierez. "How much are you confident of your upbringing?"
Ano?
"Technically, you're two years short than most of the general physicians we have in our communities. What can you cover up with your lack of experience?"
"Uh--"
"Do you think just because you became part of the least percentage of our country's population who were privileged with the program, you are catching up to the extremities that most standard and traditional medical practitioners naturally get? Are you even capable of overcoming what they themselves could not?"
....
"Not that I underestimate the program, but did it not cross your mind once that your lack of years could possibly obstruct their successes? When someday, in the future, you get to be a part of their team but you're the only member that isn't technically one of them who have gone through more than enough, wouldn't that make you a burden?"
What is this. What is with all of these provocative questions?!
"Ms. Reyes. Are you still listening?"
.... mag i-ilang segundo na, hindi parin ako nakapagsalita.
Doctor Guttierez sighed, shaking his head disappointingly. Sinimulan niyang sulatin ang resume ko na parang nag-gagrading na.
Patay na.
"Sir. Becoming a doctor, one that is great, does not look into how many years of medical school one went through, whether you're short with two years or not, the objective isn't the degree, but the chances you get in saving lives of people." huminto si Doc Gutierrez sa pagsusulat. Nananatili akong nakatingin sa mga kamay ko sa aking paa. "I believe we have encountered so many unwanted death scenarios and that is one of the many reasons why I want to become a physician so soon, so that I may be able to help more patients overcome the same dreadful situations." kinagat ko labi ko, nagda-dalawang isip pa bagong piniling sumagot ulit. "I thought, the sooner I could finish... the sooner I could help. But that isn't only the case. Before I even decided to get into this program, I already believed that I am able to do it because I have a God who makes things possible for me."
Tahimik si Doctor Gutierrez na nakatitig sa akin habang pinoproseso pa sa kanyang utak ang lahat na sinasabi ko. Di rin niya maiwasan na suriin ang mukha ko.
Sana may mirror dito, kanina ko pa gustong makita kung anong ekspresyon nang pinapakita ko kase baka naman tingin ni Doctor na iniinsulto ko siya.
Sa totoo lang, nirerespeto ko talaga si Doctor Gutierrez pero di ko maiwasang matakot din sa kanya lalo ng ang strict niyang tingnan ngayon.
Tska, kinakabahan na rin ako anong grade makukuha ko sa mock interview na ito.
Hindi ko na namalayan na lumipas ng oras at natapos na ang interview namin. Nasagot ko naman ng maayos lahat mga tanong ni Doc pagkatapos dun sa long speech ko.
I think I did a good job. I HOPE that I did.
"Rey, how was it?" lumapit sa akin si Margaret sa dulo ng main hall lapit sa stairs. Nasa aming department kami ngayon. Kanina pa ata ito naghihintay na matapos interview ko. "Kinaya mo ba ang questions? Was there any form of haze? Kung meron, pwede natin siya kasuhin no, gusto mo?"
Iba talaga 'tong law student.
"Wala oy. Hahaha" pinasok ko ang pera sa money slot ng vending machine sabay pindot dun sa coffee drink at kinuha iyon sa kanyang take-out port sa ibaba.
"Tsk. Sayang, garantiyadong pasado ka sana dun sa interview mo kung iyon ang mangyari." bago kong mailapit sa labi ko ang kape ay inagaw na niya ito at naunang uminon sa kape ko.
"Ba't nag-lalaw ka pa kung idadaan mo lang naman din sa pandadaya ang lahat." kinuha ko sa kanya kape ko at napasimangot.
Dami na niyang nainom o! Pera ko ginastos dito. Napakawalang kwentang kaibigan.
"Anong pandadaya sinasabi mo? Tinanong kita ng maayos at sinisigurado ko kung mabuti ba talaga trato ng interviewer sayo. Kung hindi, eh alam naman natin ang consequences matatangap niya at compensation sayo. Praktikal lang naman iyan lahat."
Inirapan ko siya bago tinapon ang aking drink box sa trash container. Pagkatapos dun ay kumapit na sa aking braso si Margaret sabay hila sa akin palabas.
"Anyway, remember that we're going to meet with the group sa Tita Q's Diner mamaya?"
"Huh?"
Huminto siya sa paglalakad at humarang sa aking daanan. Inilagay niya ang kanyang mga kamay sa kanyang bewang sabay taas ng kanyang isang kilay, giving me that what-do-you-mean-'huh'-look. "Anong 'huh'? Tumatanda ka pala? Nalimutan mo ba yung usapan natin?"
"Wait. That gathering was supposed to be today?"
"Anong problema?" taray niyang pagkasagot. "Wala ka naman ibang gagawin pagkatapos ng interview mo diba? I know your sched. You have nothing to hide from me. Unless may tinatago kang date mamaya, then I will not stop you."
"Anong date sinasabi mo oy." inirapan ko siya.
Itinututok niya ang kanyang daliri sa akin. "O, diba wala naman? Kaya halika na."
Wala na akong ibang excuse kaya hinayaan ko na lang si Margaret na dalhin ako sa Diner kung saan naplanuhan na ng group namin magkikita.
Naging barkada ko lang sila nung onang years ng college at hanggang ngayon ay matuturing stable parin ang friendships namin sa isa't isa.
"Ang aga niyo ah. " onang bati ni Sultan, nag iisang musician sa aming group.
Naka pwesto siya dun sa sopa sa sulok ng aming table reservation.
Kausap niya ang only dentristy couple sina Dexter at Odette.
Kakapasok lang din sa diner ang aming youngest sa group at ang nag iisang engineering student na si Layla. Nahuli ng sumali si Layla sa group kasi mga seniors na kami noon nung nakilala namin siya bilang freshman pa.
Yung always late sa mga meeting na ganito ay mismong oldest din sa amin lahat. Almost 3 years layo niya sa akin, pero kakatapos lang din niya ang kanyang PhD in Mathematics at his age. Naalala ko maaga siyang pumasok sa college because he was that smart. Kakainggit.
"Late na naman yung isa?!" saway ni Margaret sabay tulak kay Sultan palayo para makaupo siya dun sa onang pwesto ni Sultan.
"Margaret, sabihin mo naman sa akin kung gusto mong umupo diyan. Hindi mo kailangan akong tulakin pa...." nag pout si Sultan. Ang bait nito. Kabuuang kabaliktaran ni Margaret.
Pero minsan pansin ko kahit kailan hindi talaga totoong nagagalit si Sultan kay Margaret kahit gaano siyang kairitang kasama. Hindi ko alam kung pansin din ng iba pero yun talaga tingin ko.
"Nag order na ba kayo?" tanong ni Margaret, pasimpleng iniignore si Sultan.
Unusual. Hindi naman siya ito kayamot magtatarato kay Sultan noon. Anong meron.
"Tapos na. Si Dexter daw magti-treat sa atin ngayon." sagot ni Odette.
"Sarap naman magkaroon ng mayamang boyfriend."
Can't deny. Parehas kami ni Margaret nagkagusto kay Dexter noon, hindi lang dahil sa mayaman siya.
Eventually, hindi kami nagwagi sa perpektong diwata sama kay Odette. Sino ba naman hindi magkakagusto sa kanya. Ang ganda niya, talino, mabait, mapagmahal.... ang swerte nga ni Dexter. Swerte nila sa isa't isa.
"Kamusta ang mock interview mo, Fania?" tanong ni Odette.
Dahan dahan na inilalagay sa lamesa ng aming mga tagapagdala ang mga pagkain na inorder nila kanina.
"Okay lang." kumibit balikat ako. We all instinctively whispered a prayer to thank for the food. Pagkatapos ay pinunit ko ang kutsara ko at tinusok dun sa pinakamalapit na pagkain, kumuha ng isang maliit na piraso at nagsimulang kumain. Bigla lang ako may naalala. "Hala, paano na si Lucas?"
"Bahala na 'to siya. Para namang hindi ka pa nasasanay sa tardiness niya. Pwede lang naman siyang umorder para sa kanyang sarili. Kawalan niya ang treat ni Dexter pag pumili pa siyang mag papa huli." ani Margaret, ang atensyon nakatuon dun sa mga pagkain na kanyang pinagtipunan sa plato sa harapan.
"Di ba natanggap siya sa post doc position dun sa industry na ninanais niyang pasukin? Ano pa kaya ang inaabala niya ngayon?" dagdag na tanong ni Dexter.
Napansin niya ang dungis mula sa gilid ng mga namumulang labi ni Odette. Kumuha siya ng tissue at pinunasan ito.
Sabi na nga. Sana all.
"Mabuti siya nakapagtapos na siya ng pag aaral." tila na lumuluha si Layla habang kumakain ng ice cream. Naiwan sa loob ng kanyang baba ang kutsara. "Ayowko no mawg-aawal. Gwusto kwo ng mag twa twavel. Ag hiwap ng maka pag twapos. Ag hiwap ng enheniring. Ba't to kwinuha kwo!!"
Baket nga, Layla? Baket nga enginerring kinuha mo kung nahihirapan ka lang pala?
Lahat lang kami tahimik na pinanonood si Layla na humagulhol nang may anino na biglang sumulpot sa tabi ko.
"Kaninong bata ang tinutukso niyo?"