Kakatapos lang namin maglunch nung agad na humiwalay sa akin si Lou dahil hinila siya ni Lianne at ni Dave papuntang room ng Class A. Sa wakas ay nakita ko na kung sino si Dave. Buset, palayaw kasi nun sa school ay 'Divina'!
Mamaya pa namang 2pm ang event at 12:30 pa lang ng tanghali kaya may oras pa sila. Ewan ko kung anong gagawin nilang pag-aayos kay Lou eh ang ganda ganda na naman nung girlfriend kong iyon.
Habang naghihintay at nagpapalipas ng oras ay tumambay muna kami dito sa labas ng room at nagjamming. Wala naman na kaming ginagawa dahil busy na lahat sila sa event. Nakakatamad tumulong.
"Nasaan nga pala si Lou?" Tanong ni Jin at tumigil pa sa pagtugtog ng gitara.
"Hinila ng bebe mo sa kung saan." Sagot ko at nakita kong kumunot yung noo niya pero kinalaunan ay parang na-gets niya na kaya tumango tango siya.
"Si Lianne?" Tanong ni Jay.
"Sino pa ba? Eh yun lang naman yung bebe niya." Sabi ni Brian at tumawa.
"Tss. Ni hindi nga ako kinakausap ng matino nun eh." Sagot ni Jin.
"Eh ikaw din kasi, hindi mo makausap ng matino kasi naii-starstruck ka." Sagot ni Phil.
"Palibhasa kasi ikaw, magaling kang magtago." Sabi ni Jin sa kanya.
"Ng alin?" Nagtatakang tanong ni Phil sa kanya.
"Feelings." Ako na yung sumagot kaya naman ay nakatanggap ako ng katakot takot na batok sa best friend ko.
"Kanino naman?" Tanong niya ulit.
"Maang-maangan pa nga." Sabi ko na lang pero sinamaan niya lang ako ng tingin.
Talagang sa akin pa siya magde-deny, eh pareho naming kilala ang isa't isa.
"Oy, Donnie. May tumatawag sa phone mo." Turo ni Jin sa phone ko na nakalapag sa tabi ko kaya napatingin ako dun.
Napangisi ako nung makita ko kung sino ang tumatawag at tumingin kay Phil.
"Best friend! Speaking of your bebe." Sabi ko at sinagot yung tawag, "Hello, Lods?"
"Anong 'Lods'?!" Agad na bulyaw niya sa akin. "Pauso ka na naman, Kuya!"
"Lods, short for Lodi. Diba yun naman pangalan mo? Melody?"
Noong narinig ni Jin, Jay at Brian yung pangalan na binanggit ko ay agad nilang binuyo si Phil na nakasimangot at parang nababadtrip na.
"Parang gago." Sagot ni Melody sa akin kaya napakunot ang noo ko.
"Anong sabi mo?"
"Joke lang, Kuya!"
"Yang joke joke mo na yan, makakatikim ka ng pitik sa bibig, kala mo."
"Sorry na nga eh. San ka ba?" Tanong niya bigla.
"Nasa tapat ng room."
"Ay sige. Punta ako dyan." Sabi niya at ibinaba na yung tawag.
Napatingin na lang ako sa phone ko dahil sa ginawang pagbaba ni Melody. Hindi niya man lang sinabi kung bakit niya ako hinahanap. Parang ewan eh.
Mamaya pa ay may natanaw na akong naglalakad na babae na akala mo ay sa kanya tong school na to. Nakikita ko ding lumalayo yung estudyante sa kanya kaya nagkakaroon ng malawak na daan yung madadaanan niya. Loko loko talaga to si Melody.
"Yow, Kuya." Agad niyang bati sa akin.
"Bakit mo ako hinahanap? Miss mo na ako? O baka iba namiss mo?" Seryoso kong sabi sa kanya.
Kumunot yung noo niya. "Sino naman?"
"Si Tilapya." Sagot ko at tumayo. "Upo ka."
"Sino si Tilapya?" Sabi niya habang umuupo sa bench.
"Wala. Bakit ka nga pumunta dito?" Itinukod ko yung kamay ko sa sandalan ng bench.
Tilapya yung favorite na ulam ni Phil, by the way.
"Bored ako dun sa room. Wala naman akong kausap don." Sabi niya at sumandal ng maayos sa sandalan. Nakakunot yung noo niyang humalukipkip.
"Bored ka pala, bakit hindi mo ako tinawagan? Edi sana pinuntahan kita." Biglang sabi ni Phil.
Naniningkit yung mata ko habang tinitignan si Phil na wala sa akin ang tingin kundi na kay Melody na nakatulala lang.
"Eh kasi akala ko, nagpapratice kayo kasi hindi ba, tutugtog ka? Kaya si Kuya Donnie yung tinawagan ko kasi hindi naman siya tutugtog. Yun naman pala, hindi kayo nagpapractice." Sagot ni Melody.
"Eh wala si Louielie eh. Tsaka nakapagpractice naman kami kahapon." Sagot ni Phil.
"Bakit? Nasaan si Louielie, Kuya?" Tanong sa akin ni Melody.
"Nasa Class A ata." Sabi ko.
"Ayun na siya!" Sabi ni Jay at may tinuro sa hallway.
Nang lumingon ako ay ganun na lang yung gulat ko kaya nanghina yung braso kong nakatukod sa sandalan ng bench kaya muntik na akong masubsob.
Habang naglalakad palapit si Lou ay hindi ko maiwasang mapanganga. Parang slow motion yung paligid. Teka bakit parang late ko na naramdaman tong slow motion?
Ramdam ko din yung baga kong hindi nagpa-function ng maayos at yung tibok ng puso kong akala mo ay nakikipagsprint sa Track and Field. Gandang ganda na ako sa kanya pero may igaganda pa pala siya.
Simple lang naman yung ginawang ayos sa kanya. Namula lang yung pisngi niya, nagkakulay yung labi at nagkaron ng parang check sa talukap. Ayun lang. Pero bakit ganon?! Bakit ang ganda niya?
Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa makalapit siya sa akin. Napakurap-kurap ako nang ngumiti siya sa akin.
"Ayos ba?" Tanong niya habang nakathumbs up sa akin, nanghihingi ng approval.
Wala sa sariling napatango ako habang nakatulala sa kanya kaya naman narinig ko yung tawanan nung mga kasama namin.
"Aba! Nagpaganda ka, himala!" Sabi ni Jin.
"Kasalanan ng bebe mo. Dinamay ako sa pagpapaganda niya" Sabi ni Lou at tumawa bigla.
Hindi umimik si Jin dahil nabanggit na naman si Lianne. Napakatorpe kasi eh.
"Magpapasada ba tayo? O oks na yung kahapon?" Tanong ni Lou.
"Hindi na. Oks na yung kahapon." Sabi ni Jay.
"Ah okay."
"Tara na sa clubroom." Yaya sa amin ni Jin kaya nagsitayuan na sila sa inuupuan nila.
"Hala, iiwan niyo ako?" Sabi ni Melody na natatanging hindi umalis sa kinauupuan niya.
"Pres, pumunta ka sa clubroom niyo." Asar ko sa kanya.
"Kanina ko pa sila nameeting eh. Kaya wala na akong gagawin ngayon kasi nadesignate ko na yung tasks." Sagot niya.
"Sama ka na lang sa amin." Sabi ni Phil.
"Hindi ako part ng Music Club."
"Ayos lang yun. Kaysa mabored ka, baka kung anu-ano pang kalokohan magawa mo."
Hindi na kumibo si Melody pero tumayo na siya at tumabi kay Phil.
Hindi ko alam kung anong meron sa dalawang to pero alam kong sila lang ang nagkakaintindihan sa ginagawa nila.
Kung sakaling magkagustuhan naman sila, hindi ako tutol. I know Phil very well. Alam kong hindi niya ugali ang manakit ng babae kaya tiwala akong hindi niya sasaktan si Melody. Baka yung pinsan ko pa nga ang manakit sa kanya.
Habang naglalakad kami papuntang clubroom ay hindi ko maiwasang hindi sumulyap kay Lou.
Kahit hawak ko yung kamay niya ay hindi pa din ako makapaniwalang akin siya. This amazing girl is smiling right beside me, claiming me that I'm hers is such a great priviledge.
"Ang ganda mo dyan sa ayos mo. Bagay sayo." Hindi ko mapigilang purihin siya dahil sa itsura niya.
"Talaga? Maganda?" Paninigurado niya.
"Oo. Lalo kang gumanda." Sagot ko.
"Salamat, My Love." Malambing na sagot niya. "Siguro, mag-aayos ako paminsan minsan. Para hindi ako mukhang plain."
"Ayos lang. Do what you want, My Love. I'll just support you." Sabi ko sa kanya.
Humarap siya sa akin ng ngiting ngiti. Sa sobrang saya niya ay niyakap niya ako ng mahigpit. Nasa school grounds na kami ngayon kaya maraming tumitingin sa amin.
"You're making me fall for you over and over again, My Love." Sabi niya at bakas sa boses niya yung saya.
"What a coincidence. You're making me fall for you harder, My Love." Sabi ko at bumitaw sa yakap niya sa akin. "Tara na. Pinagtitinginan tayo dito."
Natawa siya ng mapansing marami ngang nakatingin at medyo nauuna na yung mga kasama namin kaya sabay na kaming humabol sa kanila.
Nang makarating kami sa clubroom ay kami na lang pala ang hinihintay. Medyo nagulat pa sila dahil kasama namin si Melody pero yung babaeng yun, wala namang pakialam kaya umupo na lang siya sa gilid, syempre katabi ni Phil. Echapwera naman ako sa kanya kapag nandyan si Phil eh.
Konting briefing lang ang sinabi sa amin bago kami pinapunta sa auditorium. Nang makarating kami doon at makaupo ay sakto namang nagsimula na yung program. Kaya pala nagpaganda din si Lianne dahil siya na naman pala ang MC.
Nagkaroon muna ng maiksing ice breaker sa audience bago nagsimula ang concert proper. Halos lahat ng performing clubs ay nagperform and as usual, panghuli ang Music Club pero this time, hindi pang huli ang Marahuyo kundi pang una dahil nga lagi na lang daw kami pang huli sa natugtog.
Noong malapit na ang turn ng Music Club ay tumayo na yung apat sa upuan nila. Pero bago pa tuluyang makatayo si Lou ay hinila ko ulit siya paupo. Hindi mahirap sa akin yun dahil hawak ko naman yung kamay niya.
"Galingan mo, My Love." Sabi ko sa kanya at lumapit sa tenga niya. "Mahal kita." Ibinulong ko yung ay hinalikan siya sa pisngi.
"Mas nakakakilig pala kapag tagalog." Sabi niya at bumulong din. "Mahal din kita." Hinalikan niya din ako sa pisngi. "Pampalakas ng loob, galing sa mabangis na drummer." Sabi niya at umalis na. Humabol siya kila Phil at nakita kong kumapit siya kay Jay dahil siguro ay hindi niya makita yung paligid. May Night Blindness nga pala siya.
Nang matapos ang Dance Club na magperform ay limang segundong naglights off bago umilaw muli sa stage. Agad na nagtilian yung mga babaeng estudyante noong makita si Jin sa stage lalong lalo na nung nagsalita siya.
"Magandang hapon sa inyo! Nag-eenjoy pa ba?" Masiglang sabi ni Jin dahilan para magsigawan yung audience.
Sa mga taon na naging myembro ako ng Marahuyo, ngayon lang ako hindi makakasama sa tugtugan. Ngayon lang ako naging audience. Ganito pala pakiramdam. Parang gusto mo makigulo sa sigawan.
Tinignan ko si Brian at nakitang nakikigulo din siya sa audience. Nung si Melody naman ang tinignan ko ay nakita kong nagvivideo siya. Nililibot niya pa yung camera niya at kinukuhanan ng video yung audience.
"Sana magustuhan niyo yung tugtugan namin."
Napabalik ang atensyon ko sa stage nung narinig kong nagsimula ng intro si Jay.
Nakikisabay sa palakpakan yung mga audience kaya nakisabay na din ako at nakikanta.
Habang nagtutugtugan ay nasa iisang tao lang yung mata ko.
Simula nung makilala ko si Lou, ngayon ko lang ata siya nakitang tumugtog sa stage ng hindi ako kasama. She looked happy and relaxed. It's like she's enjoying her time. And I am happy for her as well. Tumataba yung puso ko everytime na naaalala kong isa ako sa dahilan kung bakit totoong masaya siya ngayon.
Based sa kwento ni Mommy at kwento ni Lou about sa kanya, she almost gave up her passion. But now, here she is, fighting, smiling, enjoying. I am proud that I have a fighter girlfriend. I am happy that I am with her all the way. Hindi ko alam kung ano bang ginawa ko sa kanya, but everytime she tells me that I helped her, I felt proud for myself.
Napapadako ang tingin niya sa pwesto namin pero hindi ko alam kung nakikita niya ba ako. But the moment I saw her mouthed the words 'Mahal kita', I knew she already saw me so I sent her a flying kiss. Nakita ko siyang umiling at nagfocus na sa pagtugtog.
Nang matapos ang tugtugan nila ay naglights off ulit at nung magbukas yon ay ibang banda na ang nandun. Tuloy pa din sa pagiging active yung audience. Hindi na ako nakigulo dun bagkos ay inabangan ko na lang sila Lou.
Ilang minuto ang lumipas ay nakita ko na silang naglalakad palapit sa amin. Nakita kong nakayuko si Lou at nakakapit kay Phil.
Nung makalapit sila ay agad na inabot sa akin ni Phil yung kamay ni Lou. The moment I touched her hand, she immediately smiled at me.
"You okay?" Sabi ko habang iginigiya siya sa upuan niya sa tabi ko.
"Yeah. Sobrang dilim lang dun tapos ilang beses pang naglights off kaya nahirapan makarecover yung mata ko." Sagot niya.
"Hmm. Just tell me if you're not feeling well. Lalabas muna tayo." Sabi ko sa kanya.
"Okay. I'll tell you. But for now, mag-enjoy muna tayo sa ibang banda." Nakangiting sabi niya at lumingon na sa harap para manood.
Hinawakan ko ng mahigpit yung kamay niya at hinalikan yung likod non. Tinignan niya lang ako at ngumiti na naman. Nanood na lang din ako at inenjoy yung sarili sa panonood.
Nang matapos na ang event ay nagdagsaan ang paglabas ng mga estudyante dahil alam kong excited na sila sa magiging resulta ng grades nila for this grading.
Dahil ayaw namin makipagsiksikan sa paglabas ay inantay muna namin mangunti yung tao bago kami lumabas. Per room nakapaskil yung rankings, maliban lang sa overall rankings ng buong school kasi nasa bulletin board yun.
Nang makarating kami sa room ay nandun na yung iba naming kaklase sa loob at mukhang tapos na sila tumingin dahil makikita mo sa itsura nila yung resulta ng grades nila.
Nandito din pala yung rankings per subject kaya hindi na din mahirap mahanap yung grades namin.
Una ko munang tinignan yung ranking ko per subject.
Trigonometry
#2. Madrigal - 96
Filipino
#2. Madrigal - 98
English
#6. Madrigal - 90
MAPEH
#5. Madrigal - 92
TLE
#8. Madrigal - 89
Physics
#3. Madrigal - 94
Values Education
#1. Madrigal - 98
Araling Panlipunan
#4. Madrigal - 93
Gusto kong matawa noong nakita ko yung ranking ko sa Values Education. Paano yon?! Hanep! Napakabait ko naman bata!
Tinignan ko din yung ranking ni Lou.
Trigonometry
#3. Tencio - 95
Filipino
#3. Tencio - 97
English
#3. Tencio - 97
MAPEH
#3. Tencio - 96
TLE
#2. Tencio - 97
Physics
#1. Tencio - 98
Values Education
#4. Tencio - 93
Araling Panlipunan
#1. Tencio - 99
Napa-wow ako habang tinitignan yung grades niya. Grabe. Mamaw to.
Tinignan ko yung class ranking namin. At dito ako pinaka nagulat.
Class B Ranking
#1. Bermudez, Sabrina - 98.25
#2. Dionicio, Philbert - 97
#3. Tencio, Louielie Aurora - 96.5
#4. Guerrero, Jino - 94.75
#5. Madrigal, Donito - 93.75
Shemay. Tumaas yung ranking ko.
Tinignan ko si Lou at gulat na gulat din siya sa resulta ng grades niya.
"Putakte! Physics?! Ako?! Top 1 sa Physics? Shemay pati Araling Panlipunan?!"
Paulit ulit niya yang sinabi habang naglalakad kami papunta sa bahay nila para ihatid siya.
"Gaya ng ang sabi ni Daddy sa akin, ganyan talaga pag inspired." Natatawang sabi ko.
"Pero ang pinaka nakakagulat talaga ay yung ikaw ang top 1 sa Values Education!" Sabi niya at tumawa ng malakas.
"Bakit? Bawal ba?"
"Nagulat lang ako no!" Sabi niya at tumawa na naman.
"Ako kamo gusto kong magprotesta! Mali yun eh! Dapat si Phil yun hindi ako. O kaya si Jin. Sila yung mababait." Sabi ko at napapailing na lang.
"Pero masaya pa din ako kasi naging top 3 na ako. Last grading, top 5 lang ako eh."
"Ako naman nasa top 5 ngayon na dating top 8."
"Ang laki ng itinaas mo ah!"
"Dahil yun sa Values Education!" Dahil sa sinabi ko ay sabay kaming tumawa
Hanggang sa makarating kami sa bahay nila ay nagtatawanan pa din kami kaya nung nakita kami ni Tito Louis ay tinignan niya kami na parang nawiwirduhan siya sa amin kaya sinabi ni Lou yung pinagtatawanan namin. Nung marinig yun ni Tito Louis ay kahit pinipigilan niyang tumawa ng malakas ay hindi niya napigilan.
"Kung top 1 ka dun, hindi ko alam kung saan ka nagmana." Natatawang sabi ni Tito.
Nagpaalam na ako pauwi at ipinaalam ko na din si Lou dahil may lakad kami bukas. Gagawin ko na yung plano ko.
"San ba tayo pupunta?" Kanina pa nyang tanong yan habang nasa byahe kami. Ngiti lang ang sinasagot ko sa kanya.
Sa wakas ay nakarating na kami sa balak kong pagdalhan sa kanya. One hour ang byahe magmula sa amin hanggang dito at malapit din dito yung una naming bahay. Si Daddy ang nagsuggest sa akin na dito ko dalhin si Lou.
"Hala! Ang ganda! Puro city lights!" Manghang sabi niya.
Sinakto kong medyo pagabi na nung dinala ko siya dito sa cafe na ito para mas ma-appreciate namin yung city lights.
Nasa railings lang ng balcony si Lou at tumitingin sa paligid kaya pinuntahan ko na siya. Nung tinignan ko yung tanawin na tinitignan niya ay hindi ko din maiwasang mamangha.
"Paano mo nalaman yung lugar na to? Ang layo neto sa atin ah." Tanong niya sa akin nang maramdaman niya yung presensiya ko sa tabi niya.
"Dad told me about this place. Madalas daw sila dati ni Mommy dito magdinner date dahil sa city lights. Naisip ko na baka magustuhan mo din." Sagot ko.
Nung tinignan ko siya ay nakangiti lang siya sa akin. "Mukhang okay na okay na talaga kayo ni Tito Daniel ah."
Napangiti na din ako dahil sa sinabi niya. "Yeah. Hindi ko din alam na magiging ganun kabilis kami magiging close ulit ni Daddy. Siguro dahil dati pa din naman, close na kami. Lagi din sinasabi ni Mommy na magkaugali kami kaya kami yung nagkakasundo."
"I'm glad that you're close to your Dad again."
Nginitian ko siya. Umayos ako ng tayo at humarap sa kanya. Idinipa ko yung braso ko sa kanya. Natawa siya sa ginawa ko pero in the end ay yumakap din.
"Thank you, My Love. Hindi ko alam kung ano ako ngayon kung hindi kita nakilala. Baka nagbubulakbol pa rin ako ngayon. Baka hindi ako nagsisipag sa pag-aaral ngayon-"
"Baka hindi ka top 1 sa Values Education ngayon." Natatawang sabi niya kaya humagalpak din ako ng tawa habang nakayakap sa kanya.
"At kung hindi kita nakilala, baka sobra pa din yung galit ko sa tatay ko. Dahil sayo, narealize kong hindi dapat nagpapabulag sa mga nangyari sayo sa nakaraan kasi kapag nangyari yun ay hindi ka makakakita ng mas magandang opportunity sa buhay mo. Gaya nito, kung hindi ko pinatawad si Daddy, hindi kami magiging close, hindi ko malalaman na may ganitong lugar pala at hindi ko mabibigay sayo to."
Humiwalay ako sa kanya ng onti at pinakita sa kanya yung balak kong ibigay.
Nanlaki yung mata niya nung nakita yung bagay na hawak ko. Nagpapalit palit yung tingin niya sa akin at doon sa singsing na hawak ko. Alam kong confused siya kaya natawa ako at nilinaw agad sa kanya kung bakit ko siya bibigyan nun.
"Don't worry. Hindi pa yan engagement ring. Kaya huwag kang kabahan. Next time na yun kapag nakagraduate na tayo ng college."
Hindi nawala yung pagkalito niya pero nagsalita pa din siya. "Loko. Hindi yun yung iniisip ko." Mahinang sabi niya pero kita ko na sa kanya na naluluha na siya.
Kinuha ko yung kanang kamay niya na nakayakap sa akin. "This is a promise ring. Matagal na kitang gustong bigyan nito. Nung hindi pa ako nakaka-amin sayo. Kaso hindi ko alam kung paano ibibigay nang hindi kita mabibigyan ng clue na mahal kita. Pero ngayong girlfriend na kita, I finally have a reason to give this to you. Now," I looked at her teary eyes, "with this ring, I promise to love you and only you, forever. I promise that I will never hurt you and make you cry in sorrow. I promise to marry you when the right time comes. I promise to make you happy everytime. I know may mga struggles na dadating sa atin, sana gamitin natin yun para maging matibay pa yung relasyon natin. I know were not old enough for these things but it's not bad to be ready right? I love you Louielie Aurora Tencio. I love you, My Love."
I put the ring on her finger with trembling hands. Pinipigilan kong umiyak pero bigo ako, may nakatakas pa din.
May pinakita pa akong isang singsing sa kanya at ibinigay sa kanya yun. "It's your turn, My Love."
Kinuha niya yung singsing sa kamay ko at natawa. "I'm not prepared for this pero hindi naman na kailangang paghandaan yung mga ganito diba? Kaya sasabihin ko na lang gusto ko." Tumikhim muna siya bago nagsalita. "With this ring, I promise to be with you always. I promise to love you with all that I can. I promise to help you to become a better person for yourself, family and of course for me, i-claim ko na na ikaw na magiging future husband ko."
Natawa ako sa sinabi niya pero nagpatuloy pa din siya sa pagsasalita. "And most of all, I will try my best to become better, too. For you. Because aside from my family, ikaw yung ayaw kong madisappoint sa akin. Kaya gagawin ko lahat, para maging deserving ako sayo. Mahal na mahal kita, Donito Madrigal." Isinuot niya yung singsing sa kamay ko at niyakap ako. Gumanti din ako ng yakap sa kanya.
Lumayo ako ng onti sa kanya para makita yung mukha niya at pinunasan ko yung luhang natira sa pisngi niya. Habang nakatitig sa mata niya ay dumako ang titig ko sa labi niya. Onti onti kong nilapit ang mukha ko sa mukha niya hanggang sa naglapat ang mga labi namin. This is the first time that I kissed someone, and I'm thankful that it's Lou, My Love.
That night, we didn't just sealed our promises with a ring, but also with a sweet and lingering kiss.