LUAN VILLAMORTE ―ꨄ︎
ONLINE WORLD
Monday, 7:23 pm
Agad akong nag-online ng mabasa ko sa official social meadia accounts ng Gang Raid ang magaganap nanamang Clash of the Cities. Agad akong sinalubong ng apat na naka-tingin sa malaking screen na nasa itaas ng nga buildings dito sa City ng Eclipsa kung saan naka lagay ang mga katagang...
'The Clash of the Cities will be back, stay tuned!'
"Nabalitaan mo na ba Lunaris na may magaganap nanamang Clash of the Cities?" bungad na tanong ni FantasticBliss.
"Yup, nabasa ko kanina sa mga official accounts ng game at sikat nanaman ang Gang Raid sa twitter na nakaka-ilang retweets na tungkol sa second COC," sagot ko.
"Excited nako, kailan kaya?" tanong pa ni HeyAstray.
"I-aannounce din naman daw," sagot ni Nazumi na parang wala sa modo.
"Alam mo Nazumi kanina ka pa seryoso, may nangyari ba?" tanong ni Raven.
"Simula nong pumunta ka sa cafeteria kaninang hapon nagkaganyan ka na," dagdag pa ni FantasticBliss.
"Tsk," tanging sagot nito.
Hindi nalang namin siya pinansin at pumunta sa usual spot namin. Nagkwentuhan lang kaming apat, si Nayee kasi mukhang biyernes santo kaya natatakot naman akong magtanong baka mainis sakin.
"Maiba tayo mg topic, sino kaya ang magiging partner natin no—Oh, scratch that! ninyo pala, kasi may partner na ako eh," kinikilig na sabi ni HeyAstray. Napa-irap nalang ako. Hindi talaga maka-get over ang loka kanina niya pa 'yan tinatanong e.
"Sirang plaka lang te? Malay ba namin kung sinong kumag ang mag-aaya samin," naiinis na sagot ni FantasticBliss.
"Basta si Raven meron na 'yan," ani ko pa at kinindatan si Raine.
Namula naman ang pisnge niya at inirapan ako.
Napatingin naman ako kay Nazumi na ganon pa din ang mukha simula kanina.
"Ayos ka lang ba?"
Hindi siya kumibo bagama't tinignan lang ako at umiwas naman ng tingin. Nagkibit-balikat nalang ako. Sabi ko nga huwag munang tanungin eh.
Napatingin ako sa oras at napagpasyahan nalang naming mag-log out dahil gabi na at may pasok pa kami bukas.
REAL WORLD
Tuesday, 8:56 am
"OMG, ANG OA TALAGA NI MAMA HINANAPAN NIYA NA AKO NG GOWN PARA SA PROM HAHAHA!"
Bwesit. Kailan pa kaya mapapaos 'to?
"Malala na 'yang bunga-nga mo sis, pa-check up mo na kaya," ani ko kaya ginantihan niya ako ng irap.
"Lower down your voice," naiiritang sabi ni Bliss at bumalik sa pagtulog.
"Sorry naman, nagulat lang talaga ako kahapon," wika pa niya at bumungisngis.
"Mapapa sana all ka nalang talaga 'no?" natatawang sabi ko.
"Hay naku Luan, kung ako sayo umamin ka na diyan sa crush mo baka maunahan ka pa," pagpaparinig ni Astrid.
Napailing-iling na lamang ako. Baka ireject pa ako huwag nalang. "Ayoko nga! marami na akong friends baka madagdagan lang pag umamin ako," sagot ko.
"Loka! Maganda ka kaya, matalino, malay mo magkagusto din sayo si...Khyle," ani niya at binulong ang huling salita.
"Oo nga naman, malay mo may gusto din siya sayo natatakot lang siyang umamin," dagdag pa ni Raine.
Tanginang mga kaibigan to puros gaslighter.
Napa-irap naman ako, "Hay, ewan."
Nagulat kami ng hampasin ni Astrid ang table. Napatingin pa ang iba naming classmates sakaniya.
"Dare kita, umamin ka kay Khyle na gusto mo siya at bibilhan kita ng kahit anong bagay na gusto mo!" panghahamon pa niya sabay taas-baba ng kilay.
I smirked, "Kaya ko namang bumili ng mga bagay na gusto ko, Astrid,"
"Oo nga naman, mas mayaman pa 'yan sayo e, yabang mo talaga," komento naman ni Raine.
"Okay, iba nalang," ani niya at nag-kunwaring nag-iisip. "Sige, kung hindi mo sasabihin sakanya, ipagsisigawan ko sa buong campus na crush mo siya!" wika niya at napatayo sa kinauupuan niya.
Nanlaki naman ang mga mata ko, "Hoy, huwag!"
"Edi, ikaw mismo magsabi sakanya,"
Bumuntong-hininga nalang ako. Kahit kailangan epal talaga tong si Astrid. Alam kong gagawin niya talaga yun. Wala na atang natitira na hiya sa katawan niya e. Katulad nong junior highschool kami, naiihi na si Nayee 'non kaso maraming students ang nasa cr kaya ang ginawa ni Astrid sumigaw siya na paunahin si Nayee kasi ihing-ihi na at baka sa labas pa daw mag-kalat.
Hay nako, mawawalan ka talaga ng dignidad pag si Astrid ang kasama mo.
"Okay fine, gagawin ko mamaya," ani ko at inirapan siya.
Hinawakan niya naman ang balikat ko, "I'm just making things simplier for you my friend, alam ko namang hindi ka aamin kasi nahihiya ka. Ikaw din naman ang magsisisi sa huli kapag may naka-una na sayo kay Khyle," sabi niya.
"Pag ako napahiya Astrid!"
"Hindi 'yan, trust me!" she said and gave me an assuring smile.
Whoo, kaya mo to Luan. Pag nireject edi sabihin mo dare lang, simple as that!
Matapos ng klase namin ay as usual sa cafeteria ang tungo naming lima. Habang kumakain kami ay napansin ko si Khyle kasama ang mga kaibigan niya. Nakasunod lang ang tingin ko sakanya habang papasok ng cafeteria. Sana naman hindi ako ma-reject mamaya, nakakahiya pag-nangyari yun.
Matapos naming kumain ay agad kaming bumalik ng room dahil may test kami sa first subject namin ngayong hapon. Natigil ako sa pagsusulat ng maramdaman na naiihi ako. Napatingin ako kay astrid na imbes mag-review ay panay ang chat sa jowa niya.
"Astrid, cr lang ako," pagpaalam ko.
Napatango naman siya pero ang atensyon ay nasa cellphone parin, nakangiti pa ang tanga.
Napailing-iling na lamang ako at tumayo sa kinauupuan ko. Lumabas na ako ng room at naglakad papunta sa cr. Mabuti nalang at walang tao kaya mabilis akong naka-ihi. Tiningnan ko muna ang sarili ko sa salamin bago lumabas.
Pag-sara ko ng pinto ng cr ay agad na bumungad sakin si Khyle at may kasama siyang babae na nakangiti pa ng malawak sakanya at naka-kapit pa sa braso niya.
Etchuserang palaka to ah.
Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko ng bigla akong naglakad papalapit sakanila.
"Khyle!" tawag ko sakanya.
Bumaling naman ng tingin sakin ang babae at bahagyang itinaas ang kanyang kilay.
Napalingon naman sakin si Khyle at ngumiti sakin. "Ano yu—"
"Crush kita!"
Namilog naman ang mata nong babae habang si Khyle ay nakatingin lang sakin ng diretso. Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya kasi hindi ko mabasa ang ekspresyon niya.
Shemay talaga! Ganyan ba talaga pag nagseselos? Bigla-bigla ka nalang magsasalita ng kung ano-ano?
Napakamot naman ako sa batok ko. "Hehe, joke lang! Dare lang yun sakin, sige alis nako bye!" mabilis kong sabi at agad na tumakbo papalayo sakanila.
Hingal na hingal ako ng makarating sa classroom. Agad akong umupo sa upuan ko at dali-daling uminom ng tubig. Shit talaga! Bakit ko ba biglang ginawa yun? Naghahanap pa nga ako ng tamang timing tapos yun agad ang nangyari? Last mo na 'to Luan!
"Hoy, anyare sayo?" tanong ni Raine ng mapansing hinihingal at pinagpapawisan ako.
"A-ano kasi," Napatingin naman yung tatlo sakin.
"Ang ano?" tanong pa ni Astrid.
Bumuntong-hininga na lamang ako, "Sinabi ko na kay Khyle na crush ko siya," pabulong kong sabi.
"Ano? hindi kita marinig," wika pa ni Nayee.
"Ang sabi niya, sinabi niya na daw kay Khyle na crush niya ito!" pag-uulit ni Astrid.
"Grabe talaga yang tenga mo Astrid basta chismis e," komento pa ni Bliss.
"So, anong nangyari?" excited na tanong ni Astrid.
Napakamot naman ako sa aking braso, "Pero, sinabi ko agad na dare lang,"
Nalaglag naman ng sabay ang mga balikat nila pagkatapos kong sabihin yun.
"Ha? Bakit naman Luan?" nanghihinayang na tanong ni Astrid sabay hampas ng mesa.
"Eh, ano kasi nag-panic ako sa magiging reaction niya kaya nasabi kong dare," paliwanag ko.
"Malay mo, crush ka din pala niya," ani pa ni Astrid. "Hay! ano ba 'yan."
Hindi nalang ako umimik at nagpatuloy sa pag-aaral. Ilang oras ay dumating na ang teacher namin at nagsimula na kami sa test. Buti nalang mataas ang score na nakuha ko kahit occupied ako sa nangyari kanina.
Kasalanan mo to Astrid e!
Pagkatapos ng klase namin ay agad kaming lumabas ng room. Habang naglalakad kami, napapansin namin na halos lahat ng students naka-pokus sa cellphone nila. Yung iba parang nagulat, yung iba nagsisigawan dahil sa saya.
"Anong meron?" tanong ko.
Nagkibit-balikat naman sila.
Binuksan ko ang cellphone ko at agad na bumungad sakin ang isang notification.
🔔 Gang Raid posted a new announcement!
Binuksan ko ito, napatakip ako sa aking bunganga ng mabasa ang new announcement. Kaya pala nasa cellphone ang pokus ng mga students dahil siguro dito.
"Omg, guys!"
Bumaling naman ang atensyon nila sakin, "Ano yun?"
"Nag post ng bagong announcement ang Gang Raid at ang sabi dito, magti-team up ang dalawang city like for example ang Eclipsa at Victon. Pipili ang dalawang city ng 10 na pinakamalakas na players at yun ang magiging pambato ng dalawang city laban sa natitirang city." paliwanag ko.
"Hala, talaga!?" masayang wika ni Astrid.
"Parang last COC, pinag-aaway nila ang lahat ng city tas ngayon magti-team up na ang dalawang city," komento ni Raine.
"Sana Penumbra yung partner natin no? Para makita ko si babycakes ko," kinikilig na sabi ni Astrid at hinampas pa si Nayee.
"Sana huwag," sabi naman ni Nayee at inirapan si Astrid.
"Hoy, nega ka ah!" sigaw pa niya.
Napailing-iling nalang kaming apat at naglakad palabas ng school.
Pagdating ko ng bahay ay agad akong dumiretso sa kwarto para mag-online.
ONLINE WORLD
Tuesday, 8:12 pm
"Ate Lunaris!"
Napatingin ako kay Mystical ng tawagin niya ako.
"Bakit?" nakangiti kong tanong.
"Nabalitaan mo na ba ang about sa announcement?" tanong niya at inakbayan ako.
"Ahh oo, excited na nga ako kung sinong city ang makaka-team natin," ani ko.
"Sana yung penumbra ate no?" tanong niya.
I flashed a fake smile. May part sakin na sana sila, may part din na hindi kasi nakakahiya yung ginawa ko kanina nakakatakot humarap sakanya.
Dumiretso kami sa gym ng city para doon i-announce sa amin ulit ang tungkol sa bagong rule sa Clash of the Cities.
"Settle down players!" bungad ng HeadMaster.
Natigil naman ang pagku-kwentuhan ng mga players at binaling ang atensyon sa HeadMaster na nasa gitna.
"I'm here to announce that Eclipsa will team-up with Penumbra!"
Bigla nalang tumibok ng malakas at mabilis ang puso ko. Lord naman, pinaglalaruan mo talaga ako e. Naghiyawan naman ang mga players dahil sa narinig.
"Sabi ko na nga ba e!" malakas na sigaw ni HeyAstray.
Hindi na lamang siya pinansin ni Nazumi at nagpatuloy sa pakikinig.
"Now, the representatives from the last Clash of the Cities will still be the representatives in this game," ani pa nito.
"WAHHH! KASAMA AKO ULIT!" sigaw ni Mystical.
"Shems, na miss ko ding maglaro," dagdag pa ni TheHeiress.
Pagkatapos ng announcement ay sabay kaming sampu na pumunta sa city ng Penumbra para i-meet ang mga representatives nila. Paniguradong isa na don ang Gang nina Khyle.
Pagpasok namin ng city napatingin agad samin ang mga players na nakakasalubong namin at ang iba na tumatambay lang.
"Guys, doon daw tayo sa likod ng abandoned building magkita, nag send sakin ng pm si Justnobody," bored na sabi ni Nazumi.
Agad naman kaming nag-teleport nalang papunta doon dahil nakakatamad maglakad.
Pagdating namin sa loob ng building ay bumungad agad samin ang nag-aastigan na nga representatives ng Penumbra. Wala talagang babae na naging representative ang Penumbra puro lalaki.
"Shall we start?" tanong ni Nazumi.
"Now? We should introduce ourselves first," sulpot naman ni Justnobody.
"We don't have time for that, at nasa itaas naman ang mga username natin kaya niyo naman sigurong magbasa," ani pa niya.
Hindi na naka-imik si Justnobody. Grabe, hindi ko alam kung ano ang nakain ni Nayee na bigla siyang nagkaganyan. Hindi ako sanaya sa kinikilos niya.
Nagsimula na silang magusap-usap tungkol sa magaganap na game next week. Habang nakikinig ako ay hindi ko namalayan na tumabi na pala sakin si Sparrow which is si Khyle sa totoong buhay. Muli nanamang nagflash-back sakin ang katarantaduhang ginawa ko kanina.
Hindi ako tumingin sakanya kapagkuwan ay nagpatuloy lang sa pakikinig.
"Luan," bulong niya.
Tukso, layuan moko! Ang husky ng boses!
Napalunok ako ng ilang beses at unti-unting napatingin sakanya.
"Ano yun?"
"About sa kanina—"
"Ah yun? sorry talaga, galit ka ba sakin? Dare lang naman yun ni Astrid e t-tapos, hindi ko na talaga uulitin yun promis—"
"Crush din kita,"