Stuck On You

By BbSeven

1.2K 30 0

A 9 year old Athena Margarette swore that she will trust no one but herself. She built her wall to protect he... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50

Chapter 26

17 1 0
By BbSeven

Athena

"Yes! We kissed and we fucked! Yes! We kissed and we fucked! Yes! We kissed and we fucked!" Para akong binuhusan ng malamig na tubig na nagpagising sa akin. Paulit ulit kong naririnig ang baritonong boses ni Anthon sa aking isip. Nanginginig ako habang dina-digest ko ang limang salita na nagmumula sa kanya. Gusto kong magpalamon nalang sa lupa. Gusto kong tumakbo palayo sa lugar na pinanggagalingan ng boses niya ngunit para akong naestatwa sa aking kinatatayuan. Naramdaman ko nalang ang pamumuo ng aking luha sa aking mga mata. Nag-uunahang dumausdos ang mga ito na di ko namamalayan. Dali-dali kong pinahid ang mga ito gamit ang likod ng aking mga kamay. Pinihit ko ang doorknob at mariing pumikit para pakalmahin ang sarili. Ganito pala ang naramdaman ni Mama noong nalaman niyang may iba si Papa. Ganito pala ang naramdaman ng lahat ng mga babaeng niloko ng mahal nila. Nag-angat ako ng tingin sabay sa bukas ng pinto. Tumambad sa aking harapan ang lalaking bahagya pang nakaharap sa aking direksiyon na parang naguguluhan sa pangyayari. Ang lalaking mahal na mahal ko na ngayo'y sinasaktan ako. Rumehistro agad sa akin ang galit at sakit. Kinagat ko ang loob ng aking pisngi para masiguro kong hindi pa ako namamanhid dahil sa sakit. For Pete's sake! Sa kay rami-raming babae ang madatnan ko ay siya pa talaga?! Hanggang ngayon pala ay may ugnayan parin sila? Hanggang ngayon pala ay ipinagpatuloy pa nila? What the heck?! Ako pala 'yung tangang nagmamahal. Tumulo ang aking luha ngunit pinahid ko agad iyon. Hindi ko ibibigay sa kanila ang pagkakataong magmukha akong tanga sa harapan nilang dalawa! Pumikit na naman ako nang mariin para itago ang lahat ng sakit at nang pagkadilat ko ay sumalubong sa akin ang pagkabahala ni Anthon. Nababahala siya? Ngayon pa siya mabahala? 'Yung oras na may nangyari sa kanila, hindi ba siya nabahala? Hindi ako magpapatinag sa harap niya. Siguro noon, nakaya ko pa siyang patawarin ng paulit-ulit, pero ngayon? No.Way. In. Hell. Napangisi ako ng pagak nang maalala ko noong nag-aaral pa kami ni Anthon. Isa siya sa naging rason ng pag-aaway naming dalawa. Nagawa ko pang patawarin si Anthon nang malaman kong nagti-text sila, worse, nagtatawagan pa. Martyr, tama? Pinatawad ko siya noon kasi mahal ko. Mahal na mahal. Pero sa mga oras na ito ay para akong bumalik sa nakaraan na inayawan kami ng sarili kong ama. I trusted him. I forgave him that time because I love him! For pete's sake! Kitang kita ko ang paghakbang niya palapit sa akin. Umiiling ako. Ayokong lumapit siya sa akin baka may magawa pa ako sa kanya na ikasisisi ko. Pero bago ko pa napigilan ang aking sarili ay agad na dumapo ang aking kamay sa kanyang pisngi. Umalingawngaw ang lagapak ng aking sampal sa loob ng kanyang opisina. Nakaramdam ako ng guilt nang rumehistro agad sa singkit niyang mga mata ang sakit at matinding pagkabahala. Agad kong iwinakli iyon at mabilis na lumabas. What an epic scene, Athena! Lakad takbo ang aking ginawa para makaalis agad ako sa gusaling kinatatayuan ko. Adrenaline rushed me. Kahit anong pilit kong pigil sa aking mga luha ay kusang dumadausdos ito at kumawala. Shit! Not this time, Athena!

"This is all your fault! Hindi ka na nadala noon!" Asik ko sa sarili habang tumutulo ang aking mga luha. Parang déjà vu ang lahat. Biglang sumariwa sa akin ang lahat ng sakit noong bata pa ako. Noong araw na iniwan kami ni Papa at ipinagpalit sa iba. Hindi ko namalayan na nakalabas na ako ng gusali at nasa gilid ng kalsada. Tumambad sa akin ang napakabusy'ng mundo, mga taong naglalakad papunta sa kani-kanilang destinasyon, mga busina ng sasakyan na napakaingay na parang naguguluhan. Nagsisitayuang gusali na parang nilalamon ako sa aking kinatatayuan. Pumara ako ng taxi at agad na sumakay. Wala na akong pakialam kong anong iisipin ng driver sa akin habang sinasabi ko ang aking address na umiiyak. Sumandal ako sa backseat at pinakawalan ko ang malakas na buntong-hininga. Pinunasan ko ang basang basa kong mukha gamit ang likod ng aking dalawang kamay.

"However good or bad a situation is, it will change, Athena. Believe me. Take a deep breath, first." Paalala ko sa sarili habang hinahabol ko ang aking hininga tanda sa aking pag-iyak. Nagpapasalamat nalang din ako dahil parang walang naririnig ang driver sa kanyang likuran.

"Dito na po tayo, Ma'am." Kalauna'y pumukaw sa akin ang boses ng matandang driver na nasa driver seat na parang nag-aalangan pang humarap sa akin. Pinunasan ko ang aking mga luha at tumango sa kanya bilang pasalamat. Binayaran ko agad ang metro at agad akong pumasok sa aking apartment. Wala sa sarili'y binuksan ko agad ang aking laptop at nagtipa roon. Ilang sandali pa'y tinitigan ko ang screen.

"Ayoko na! Sawang sawa na ako sa buhay na ito. Sawang sawa na ako sa kadadadak mo!" Sigaw ni Papa habang nakatingin kay Mama na umiiyak. Hindi ko alam kung bakit walang ginagawa si Mama sa harap ni Papa na ngayo'y parang galit na galit siya kay Mama. Napapitlag ako ng itinapon ni Papa ang flower vase na nakapatong sa mesa. Basag na basag ito sa sahig. Umiiyak na ako habang tumitingin sa kanilang dalawa. Baka saktan ni Papa si Mama. Baka saktan niya kami dalawa.

"Sige! Pumunta ka sa kabit mo! Wala na akong pakialam sa iyo! Dadalhin ko si Athena! At huwag na huwag ka ng magpapakita sa aming dalawa!" Matapang na sagot ni Mama na hindi nagpapatinag sa kanyang kinatatayuan. Kitang kita ko ang mga luha ni Mama na dumadausdos sa kanyang makinis na pisngi. Nasa kwarto ako at sumisilip ako ngayon sa kanilang pag-aaway. Doon ko nalaman na may ibang pamilya si Papa maliban sa amin. Nakita ko nalang ang padabog na pag-alis ni Papa sa harap ni Mama at lumabas ng bahay. Hindi nga kami sinaktan ni Papa physically pero sinaktan niya naman kami emotionally and mentally! Mula noon ay naiwan na kaming dalawa ni Mama sa bahay. At nagdesisyon si Mama na magtrabaho sa ibang bansa. Naiwan akong mag-isa. Ilang taon din ang lumipas bago ko nakita si Papa...

Kring! Kring! Kring! Napapitlag ako ng tumunog ang aking telepono. Malamig na tingin ang ipinukol ko sa aking cellphone at agad na inend and call.

"Enough. I will not let you hurt me, again." Malamig kong sumbat habang nakatitig parin ako sa aking Blackberry phone na ngayo'y tumutunog na naman. Sa personalized ringtone palang ay alam ko na kung sino ang tumatawag. Isang oras na ang lumipas nang nakauwi ako rito sa apartment galing sa opisina niya. Hinintay kong matapos ang call ni Anthon na nakalabing-dalawang missed call na siya. Dali dali kong sinave ang number nina Mama, Papa, Nefea at Hannah, Kuya Jay and Bry. Napasapo agad ako sa aking mukha at ini-off ang aking phone. Tinanggal ko ang aking sim card at itinapon ito sa aking trash bin malapit sa aking old nightstand. I'm not yet ready to hear his shit explanations. Call me selfish, immature or what, but I'm not gonna let him hurt me, again. Not this time. Ipinasok ko agad ang aking cellphone sa aking sling bag na hanggang ngayo'y nakasukbit pa pala sa aking balikat. Nang akto ko ng ilagay ang aking turned off phone ay nakita ko ang pregnancy test sa loob. Tumulo na naman ang aking luha nang maalala ko na buntis pala ako, na kaya ako nagpunta roon sa opisina niya ay para sana ibalita sa kanya na nagdadalang-tao ako. Umupo ako sa kama at napasapo sa aking maliit na tiyan na hanggang ngayon ay parang walang laman. Sa lahat ng nangyayari sa akin ngayong araw, sa lahat ng pait at sakit na aking nararamdaman ay parang naglaho lahat nang maalala kong hindi ako nag-iisa rito sa mundo. May karamay na ako.

"Life isn't fair. Yes, but it's still good. You're my beautiful blessing, Baby. Don't hate Mommy in the future if I will make wrong decisions today, okay? I hope you'll understand me, someday. I'll make sure, you'll live a beautiful life with me. I'll do my best. Don't worry, Mommy will be okay." Tumutulo ang aking luha habang sinasapo ko ang aking maliit na tiyan at kinakausap ang aking anak. Parang pinipiga ang aking puso habang binubuo ko ang aking sariling plano. I know this is not the right time to make decisions. I know that it is not good to decide when you're angry. Pero it's a shame if I will wait a day for doing nothing but crying. I felt betrayed right now pero hindi ko muna iisipin ang sakit at pait ngayon. Hindi ako papayag na masasaktan na naman ako ng isang lalaking minahal ko. Hindi ako magpapatalo sa sakit. I was once survived the pain long time ago, I lived my life independently. At gagawin ko ulit iyon kung ito lang ang magpapalaya sa akin sa sakit. Ngayon pa ako magpapaka-weak na may isang buhay na sa loob ng aking tiyan na dumedepende sa aking paghinga? Kinuha ko ang aking laptop at agad akong nagbook ng international flight. Bubuhayin ko ang sarili kong anak kahit wala siya. 

Continue Reading

You'll Also Like

88.5K 399 38
"Fck my husband" "W-what?" "I need you to get fcked by my husband" "Why?" "We can't bear a child. We need you to do that" "B-but..." "Isang...
554K 3.4K 39
Highest rank #9 in Romance. Rated SPG!! Alert!! Alert!! This is just a work of fiction. If names, incident, etc. of this book is much like to a real...
477K 3.1K 14
Danica Cortez, a nineteen years old girl who got tempted to her stepfather. So she try to seduce him. She didn't know that her stepfather secretly t...
229K 1.5K 4
RE-posted dahil nawala sya so sad.....