Hindi ko alam ang sasabihin ko dahil wala naman akong balak talaga. Tsaka baka masaktan ko yung damdamin niya kaya kailangan kong sabihin sa maayos na paraan. Maiintindihan niya naman eh. Buti sana kung malapit na akong maging vet eh hindi pa naman. Kailangan ko pa mag-aral ng dalawang taon sa isang veterinary school .Hindi ko nga alam kung kaya ko ba o ewan eh. Pero sabi ni Therd ay dapat laban lang kaya yun ang ginagawa ko ngayon.
"Ammm Berlin alam mo naman na busy ako sa pag-aaral diba? Syaka wala pa kasi akong plano sa isang relasyon. Hanggang pagkakaibigan muna siguro. Okay lang ba?" malumanay kong sabi sa kanya. Umusad na kami mula sa trapiko kaya sa daan ulit ang tingin niya. Tumingin lang siya ng mabilisan sa akin na nakangiti.
" Alam ko ang isasagot mo at naiintindihan ko yun. Basta kung kailangan mo ng tulong o kaibigan sa mahirap na sitwasyon, tawagan mo lang ako. Darating ako lagi, Brielle. "
Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Kahit pala kulang ang pamilya ko ay sobra sobra naman ang mga totoo at maaasahan kong kaibigan lalo na kapag may problema na kailangan ko nang makikinig sa akin. Maswerte pa din talaga ako kahit papano.
Naging tahimik na ang byahe hanggang sa nakarating na kami sa school at nakapark na din siya kaya bumaba na ako bago niya pa ako pagbuksan . Hindi naman mabigat ang pintuan ng sasakyan kaya pwede ko naman buksan ng walang tulong. Oo pagiging gentleman lang naman yung ginawa niya. Sa akin lang ay wala na akong oras.
"Thank you ah, mauna na ako. Malalate na ako eh. " pasasalamat at pamamaalam ko.
"Sige. " maikling sabi niya kaya humakbang na ako pa layo pero tinawag niya ako ulit.
"Mag-iingat ka. "
........
"Pupunta kaming Thailand next week Elle dahil ojt namin ni Jia. Buti nga magkasama kami eh. Okay lang ba kayo nila Lola dito?" tanong ni Mira sa akin ngayon habang naghuhugas kaming dalawa ng pinggan.
Buti pa sila pupunta ng ibang bansa at maggragraduate na eh ako ang tagal pa. Pero alam ko naman na worth yung pag hihintay ko sa tamang panahon ko para makuha ang gusto kong trabaho.
"Okay lang syaka ilang days kayo dun? May bagyo ata eh next week na nadarating, tutuloy pa din kayo?" taka kong balik tanong sa kanya.
"Hindi ko alam baka hindi pero kung maganda daw ang panahon ay tutuloy kami. Kapag naman hindi ay siguro pagkatapos na lang ng bagyo. " tumango lang ako at pinagpatuloy ko ang pagsasabon, siya naman ang nagbabanlaw.
"Elle, musta kayo ni Therd?" biglaan niya ulit na tanong.
Bakit niya tatanungin? Okay naman kami ni bosh, madalas na nga lang kaming mag-usap pero okay naman kami eh. Busy kasi talaga siya, review ng review.
" Wala naman kaming problema, busy lang kami pareho pero okay naman kami. Bakit mo natanong? Syaka nga pala, kayo na ba ni Aiden?"
"H-ha? H-hindi pa ah!"
"Hindi pa?" may meaning kong tanong sa kanya. Alam niya naman kung ano yun. So hindi pa dahil hindi niya pa sinasagot? So nanliligaw na siya matagal na? Hindi man lang siya nagsabi sa akin. Mamaya bigla nalang akong magugulat dahil iiyak siya sa isang break up na wala akong kaalam alam ha.
" Syaka na natin yan pag-usapan. Tapusin na natin to para makapag-aral ka na. "
Hindi ko nga alam kung kaya ko pa ba ang mag-aral, tuwing naghahanap naman ako ng advise sa kanila lalo na kay Therd, nagagalit lang sila sa akin. Nagagalit sila dahil nararamdaman ko nang sumuko which is huwag dapat. Laging pinapaalala ni Therd sa akin na, I should do all the things that may help me get what I want. Normal lang naman siguro ang mapagod diba? Pero sabi ni Lola dapat ay magpahinga lang kung pagod na at huwag susuko. Kaya anong choice ko? Kundi ang mag-aral para maging veterinarian balang araw. May mga asong kalye na nagugutom at gusto ko silang iadopt kung sa hinaharap kung meron na akong sariling pet shop. Sabi ni Safa magtutulungan daw kami nila Aiden at Wyatt para matupad ang mga pangarap namin. Ang saya ko nga dahil may mga lalaki pa din na malapit ang puso sa mga hayop.
Ilang linggo na nanaman ang nakakalipas ay dumating ang kinakatakutan ko. Hindi ako pasado sa isang importanteng quiz dahil mas inuna kong alagaan si lola bago ako magreview. Inantok na kasi ako nang gabing yun kaya ang ending ay wala na akong oras magfocus sa review ko.
"What is happening to you? It's the first time Ms. David so I will let you take the quiz again. But next time I will not tolerate you. " sabi ng prof ko sa akin na nag-usap kami pagkatapos ng klase at lunch na.
" Talaga po? Thank you sir, I will be better this time. Syaka kaya lang naman po medyo mababa ako this time dahil inalagaan ko po kasi ang lola ko dahil nanghihina na. Pasensya na" pagpapaliwanag ko kahit hindi niya hinihingi.
" Oh I see, I understand. Go eat your lunch, bukas ka na magtake ulit para makapagreview ka pa . Be better this time, don't waste the opportunity Ms. David. "
"Yes, Prof. " pagkatapos ng maikling usapan na iyon ay hindi nalang muna ako naglunch kundi pumunta ako sa library para mag-aral. Hindi pa naman ako gutom eh syaka nagpaalam ako sa mga kaibigan ko at naiintindihan nila yun.
............
"Hi, pwede ba makimesa? Malapit kasi sa outlet plug tong table mo kaya pwede akong magcharge ng loptop. Okay lang ba?" sulpot ng isang babaeng nakaputi. Med student siguro to dahil base sa uniform niya. Maganda, mukhang mabait at mahinhin.
"Ahh oo walang problema maluwang naman ang mesa eh. " Nakangiti kong sagot sa kanya at ngumiti din siya syaka umupo kaya binabalik ko na ang atensyon ko sa pagrereview. Nagrereview na ako para maalagaan ko si Lola mamayang gabi at babasahin ko na lang ulit.
Ilang sandali pa ay kumakain ang babae ng tinapay. Siguro diet to kasi hindi kanin kinakain eh or baka busy din sa pag-aaral kaya tutok na tutok.
Makalipas ang isang segundo lamang ay bigla itong nagsalita, aaminin ko medyo nagulat ako dun.
" Do you want some? I can hear your tummy growling. It's not good to skip meals, Miss. " alok nito sa akin ng isnag sandwich na nakaplastic na parang mahahalin. Mayaman to for sure.
" Ammm. "
" Don't be shy, you need to eat so you can think effectively. " Nakangiti nga pa ding sambit at nasa kamay niya pa din ang sandwich kaya no choice ako kundi kunin yun. May tubig naman ako sa bag eh.
"Thank you."
"You're Vet Med student right? Napansin ko lang sa uniform mo. "
Mamaya ko na lang kakainin ang binigay niya dahil para sa akin ang bastos ko naman ata kung kakain ako habang nagsasalita diba?
" Oo, undergrad pa lang. Need ko pa ng dalawang taon para makuha ang licenses ko kung sakaling makapasa sa board. By the way, Brielle nga pala pero pwede mo naman akong tawaging Elle. " nag-alok ako ng kamay sa kanya at hindi naman siya nag-alinlangan na tanggapin yun.
"I'm Avery Leen Jonsa. Just call me Leen if you want, it's okay for me. "
A-Avery? Siya yung crush kaya ni Bosh? Abah tindi nung lalaking yun ah magaling pumili. Boto na ako sa babaeng to.
Nang malapit na ulit ang time ay nauna na siyang umalis. Pagkatapos kong ayusin ang mga gamit ko ay may nakita akong video tape sa upuan kung saan nilagay niya ang bag niya. Kinuha ko yun at tumakbo palabas para ibigay sa kanya pero hindi ko na siya naabutan.
Tinignan ko ang video tape ay may nakasulat dun na "documents" siguro mga documents sa school. Presentation ganun. Balak ko sanang pumunta sa building ng mga med students pero nagbago ang isip ko dahil hindi ko naman alam ang room niya.
Kaya nilagay ko na sa lang sa bag ko at pumasok na ulit ako.
............
" Apo, kumain ka na ba? Nasaan ang mga kaibigan mo?" tanong ni Lola sa akin na nanonood ng balita. Nagbabonding naman kami ni Knight at pinapatulog ko na siya sa paraan nang pagkamot ng kanyang tiyan habang may hawak naman akong reviewer.
" Overtime po ata eh. Hindi ko din ho alam. "
"Eh si Therd, kamusta na kayo nung bata?" tumingin ako kay lola this time na nasa TV pa din ang mga mata niya.
Hindi ko din alam dun eh. Hindi na nga ako tinetext nun.
" Ayun La, busy dahil graduating na. Syaka deretsyo trabaho na yun dahil may alok daw ang kuya niya. " nagbasa na lang ako ulit kahit sa totoo lang namememorize ko na lahat dahil sa paulit-ulit ko nang basa.
"Eh yung kapatid nilang babae? Hindi ko pa nakikita yun ah. "
Tagal ko na din hindi nakita yun eh syaka ang huli naming kita ay tahimik lang siya at parang kinikilala muna lahat ng nasa paligid niya. Parang bagong silang. Nagtataka nanaman nga ako eh. Kung nagkaamnesia yun bakit niya alam magsalita ng English? Bakit ang galing pa din niya? Eh sabi ng Doctor malabo na daw bumalik alaala nun eh. May mga hindi kapanipaniwalang bagay talaga sa mundo.
" Yaan niyo ho La. Invite ko po yung kapatid niya dito kung may pagkakataon. "
"Sige aasahan namin ni Knight yan. "
Nang matapos na ang balita ay pumunta na din ng kwarto si Lola. Yung dalawang kaibigan ko naman ay hindi daw makakauwi dahil may ginagawa daw silang importante. Ewan ko ba sa mga yun, pero kahit papano nagkakausap pa din naman kami at may bonding pa din. Pero nakakamiss lang talaga nung mga nakaraang taon na halos hindi kami mapaghiwa-hiwalay.
Nakahiga na ako ngayon at plano nang matulog pero bilang tumawag si Therd.
Kaya sinagot ko na lang habang nakapikit.
" Bosh,pwede ka bang pumunta dito sa basketball court? May ikwekwento ako sayo eh" may saya sa tono ng boses niya kaya pataas ako ng kilay. Ano kaya yun...pero ayaw ko na lumabas at alng oras na din kahit pa sunduin niya ako.
" Pwede mo naman sabihin ngayon eh. Dami mo pa alam, para kang others. "
"Sungit neto, oh sige. While I am reviewing in one of my subject sa restaurant, I had a chance to talk to Avery!" galak na galak niyang sabi kaya napamulat ako. Bat na to nag-eenglish ngayon??
" Bat ka ba nag-eenglish! Hindi mo bagay animal dahil ang barag ng boses mo ngayon. Sa susunod ka na gumamit ng english ah. "
" HAHAHAHAH okay sorry na. Nag-eenglish talaga ako kapag inlove na talaga. Ewan ko ba para akong tanga. "
Abah inamin na.
"Oh ano naman pinag-usapan niyo?" nawawalan na ako ng gana ngayon makipag-usap. Hindi ko din alam kung bakit.
"Wala, just hi and hello dahil gusto makitable. " bakit ang hilig nun na nakikimesa? Anong trip niya?
" Syaka ayun, hindi ako pumayag syempre dahil magagalit ka. " may pagkamalumanay niyang sabi. Bilis nang takbo ng pulso ko ngayon ah. Nahawaan na ata ako ng highblood kay Lola kahit hindi naman nakakahawa yun.
"H-huh? Bakit naman ako magagalit?" may taka at gulat pa din.
"Hala, eh diba sabi mo noon huwag dapat hayaan na makimesa ang babae dahil baka madistract ako sa pag-aaral. Eh effective naman dahil sure ako hindi ako makakaconcentrate kung kaharap ko crush ko" may pagtawa pa sa huling sinabi niya. Nasa bahay nila siguro to dahil tahimik eh. At kung kasama niya sila Sean sure akong maingay ang background.
"Ahhh ganun, oh share mo lang yan? Oh sige na matutulog na ako. May re-quiz pa ako bukas. " pamamaalam ko dahil inaantok na din kasi ako at baka malate nanaman ako ng gising. Mahirap na.
"Anong request mo?" tanong niya na nagpataka sa akin. Ay bobo, re-quiz yun hindi request. Pero para hindi na humaba pa ang usapan ay nag - isip na lang ako ng pwedeng irequest.
"Sunduin mo ko bukas, bye goodnight thanks. "
"Sige sige, love you best friend. "
"Corny mo. "
........
Mabilis akong gumalaw kinabukasan dahil ayaw na ayaw ko talagang nalalate, napapadami na din kasi ang bigla ang quiz namin. Ngayon nga lang ako bumaba eh medyo busy kasi talaga, dami ding subject. Sana nga may pahinga kahit na ilang araw lang, yung tipong relax muna at huwag na muna pag-aaral ang aatupagin. Nakakasawa din kaya at nakakasira ng ulo, I mean, utak! Sobra.
Hindi ako sure kung susunduin ba talaga ako nung lalaking yun eh kadalasan alas syete ng umaga meron na yun eh anong oras na ngayon, seven thirty na kaya baka sasabay nalang ako kay Mira.
" Nakakainis mga kaklase namin ni Jia! Pati wamport hindi pa magbigay. Eh ayun nalate ako magpass ng quiz. Number five na sila nasa number two palang ako. Kakainis talaga. " pagkwekwento niya habang nasa jeep na. Si Jia ay sumabay sa mga kaibigan niya dahil may pupuntahan pa daw sila at sabay sabay daw silang mag-aalmusal.
"Oh bakit hindi ka kasi humingi kay Jia? Eh girlscout yun laging may dala. " tanong ko.
"Ha-Ha-" naiinis niya pa ding tawa.
"Eh siya nga pasinuno na huwag akong bigyan eh. Inutusan niya mga classmate namin na kahit umiyak daw ako ng dugo ay huwag akong bibigyan." dagdag pa niya.
Pinipigilan ko ang tawa ko dahil baka pati ako ay sungitan niya at baka hindi ako ilibre nito ng pamasahe.
" Ano ba kasing ginawa mo at ginawa niya yun sayo? " usisa ko pa.
" Nung uupo kasi sana siya, hinila ko upuan niya kaya ayun napaupo sa sahig." napatawa kaming dalawa hanggang sa sinuway kami ng iba pang pasahero.