Chapter 26: Nostalgia Kingdom
A/N: Nostalgia as techno kingdom.
Ivan's P.O.V.
Nagising ako sa sinag ng araw na pilit gumigising sakin na nagsasabing masyado nang naging mahaba ang tulog ko.
Sa dami nga naman ng gagawin ay mas pinili kong bumangon at balewalain ang katamarang bumabalot sa akin.
Nanghihina pa ako. Ano ba nangyari nang nawala ako?
Bumangon akong walang kahit isang nakabantay sa akin sa tent.
May narinig akong ingay ng nagkwekwentuhan sa labas.
"Uy Pat para kang timang! Pabalik balik ka diyan puwede bang pumirmi ka diyan ng pagkakaupo?! Ako ang nahihilo at natatakot sayo!" Naiirita na si Carlo dahil sa harapan nito habang naglalakad ng naglalakad si Pat.
Himdi maipinta sa kaniya ang pag-aalala at pag-iisip na ikinangiti ko.
Di ko aakalaing concern siya sakin.
Pinipigilan ko ang sayang pilit sumisilip sa aking mukha bago lumabas sa tent.
"Ivan!" Tulad ng inaasahan ko ay siya pa ang unang nakapansin at bumati sa akin bago tumakbo at yumakap sakin ng napakahigpit.
"Kamusta ka? Ok kana ba? Nagugutom kaba? Teka ikukuha kita ng pagkain." Sunod-sunod na tanong niya.
Tila nababaliw na siya sa ikinikilos niya kaya aksidente kong napaglapat ang aming mga labi ng mahigit isang segundo kaya smack lang siya.
Natigilan ito at pinaghahampas ako sa braso bago ako yakapin.
"Ayos lang ako Pat, pangako na ilalabas kita sa lugar na ito. Masaya akong lalabas tayo rito ng masaya at magkakasama." Positibo kong sagot sa kaniya habang hinahagod ang buhok niya.
Tila humikbi lang siya sa dibdib ko habang nilalabas ang kaniyang sama ng loob.
"Nakakainis ka! First kiss koto tas ang pangit pa ng situwasyong napili mo para gawin 'yan!" Inis na sabi nito.
"Akala ko hindi kana magigising." Dagdag pa nito.
"Pangakong hindi kita iiwan, kaya kong isugal ang buhay ko sa 'yo mailabas kalang sa lugar na ito." Sorry mama, masaya akong mamamatay para sa taong minamahal ko.
"Ivan matutuwa ka sa malalaman mo." Natutuwang sabi ni Adan na may dala-dalang magandang balita.
"Maglabas ka ng apoy sa kamay mo." Excited na utos ni Adan kaya naweweirduhan na ako dito.
Nag-aalangan akong maglabas ng kapangyarihan dahil sa hindi pa nanunumbalik ang aking lakas.
Naglabas ako ng maliit na bola ng apoy ngunit naramdaman kong hindi nabawasan ang lakas ko.
At ang mas ikinagulat ko ay ang kulay kahel kong apoy ay naging asul o lilang apoy.
"Nagkaroon ng resulta ang ginawa natin, nakakuha ka ng konting lakas sa bawat orb." Pagpapaliwanag ni Adan.
"Ibato mo." Utos nito.
Ibinato ko ito sa isa sa mga patag na damuhan.
Kahit maliit ay makikita na ang pagkakaiba ng kapangyarihan ko.
Bukod sa kulay ay mas mabilis na itong bumulusok at kumakalat ang apoy sa isang partikular na direksyon na iyong nanaisin.
"Patricia, maglabas ka ng tubig patungo sa apoy ni Ivan." Utos muli ni Adan.
Hindi man maintindihan ni Pat ay sinunuod na lamang niya ang inutos ni Adan at nagsimulang maglabas ng tubig patungo sa ginawa kong apoy.
Nakakapagtakang hindi kaagad-agad natupok ang apoy samantalang tubig ang kahinaan nito.
"Ang kapangyarihan ng tubig ang mismong lumitaw at nakiisa sa kapangyarihan ni Ivan dahil sa pagsugod ni Patricia habang nangyayari ang pagsasanib ng kapangyarihan." Pagpapaliwanag nito.
Ipinaliwanag lahat ni Adan ang dapat naming malaman.
Marami kaming natutunan mula sa kaniya sa totoo lang.
Matapos kumain at magpahinga saglit, napagdesisyunan naming maglakbay muli ngunit gamit na ng kapangyarihan ni Carlo.
Sa paglutang niya ng mga bawat bato, ito ay umaayos kaniyang kagustuhan.
Tila yumuko ang mga bato at sinasabing si Carlo ang hari at dapat sundin bago kami isa-isang sumakay sa mga bato at umangat sa kalangitan at nagpatuloy sa aming paglalakbay.
Makakapunta kami agad sa kinaroroonan namin kung ganito ang paraan ng pagunsad namin patungo sa kaharian.
Habang nasa kalangitan ay pinapakitaan kami ni Carlo ng skateboarding tricks niya.
Kailan pa siya natuto ng ganoon? Kung sa bagay nasa kaniya ang kontrol ng sinasakyan niya.
"Ang balita ko, ang Nostalgia kingdom ang isa sa mga kahariang nagtataglay ng mga makabagong teknolohiya. Sila ang mga taong mauutak pagdating sa teknolohiya, maghanda kayo sa mga patibong na maaaring lumitaw sa atin." Pagputol niya sa gingawa ni Carlo.
Wala pang tatlumpong minuto, nakikita na namin sa di kalayuan ang isang kakaibang kaharian.
Kung makikita niyo man ang Steam Punks sa movie, maiintindihan niyo agad ang tinutukoy ko.
Sa taas ng kaharian makikita niyo ang nagsisilabasang usok at mga teknolohiyang gumagamit ng pakpak na malayang lumilipad sa buong kaharian.
Kung titignan ng mabuti, ang lahat ng tirahan at kagamitan sa tirahan ay gawa sa metal at himdi hindi basta masisira.
Ito na ata ang kahariang napakataas sa depensa.
Sa aming pagtuloy patungo sa kaharian, biglang yumanig ang lupa mula sa baba.
Unti-unting lumilitaw mula sa hidden trapdoors sa baba ang mga parang mini eiffel towers na kahit ano mang oras ay maaari itong maglabas ng kidlat na nagmumula sa metal na tip nito sa tuktok.
Ano tong mga 'to?
"Mga hidden tesla. Mag-iingat kayo." Parang alam ni Adan ang nasa isip ko.
Mabilis kung tumira at bumulusok ang mga kidlat na nilalabas ng tesla parang kay Mia lang.
Pilit namin itong iniiwasan dahil tila mga batong sinasakyan namin ang tinitira ng mga ito para mahulog kami sa lupa.
Sinisira namin ang mga nadadaanan namin nang may maisip si Mia.
"Hindi natin kailangang umiwas, ako ang reyna ng kidlat sa kalangitan! Ngayo'y kayo'y dumapa at sumamba sa inyong reyna!" Sambit nito bago magsibalikan ang kidlat at tumama sa lahat ng tesla.
Aba! Walang kahirap-hirap namin 'tong mapupunta—.
Hindi na natapos ang sasabihin ko nang kumitaw naman mula sa lupa ang mga missiles.
"Augh! Kairita! Di ba nila alam kung sino tayo? Hmp!" Hahaha mukhang tinotopak na si Mia.
Mukhang ako naman ang dapat kumilos.
Gamit ng kapangyarihang ipinagkaloob sakin, ang mga apoy na lumalabas sa hulihan ng missiles ay pilit kong ininabalik sa pinanggalingan nito at epektibo ito. Nasira ang lahat ng missiles.
Ito na malapit na kami.
Nako andito na ang mga tauhan ng kaharian! Natatanaw ko ang kanikang pinuno na tila may sinasabi.
"Sumuko na kayo mga kampon ng kadiliman! Hinding hindi namin ibibigay sa inyo ang armas!" Bukyaw nuto gamit ng isang bagay na nagpapalakas ng boses. Hmmm megaphone ata tawag rito. Uso na pala 'yon dito?
Teka isa siyang... Bata?!
"Hindi kami kalaban! Wag kayong magsisimula ng gulo!" Pagpigil ni Adan sa mga tauhang nagkakasa na ng baril.
"Kuya Adan?! Anong ginagawa mo dito?" Gulat na tanong ng babae na kilala ata si Adan.
"Beatrice! Huwag kang magpapaputok! Mga kakampi namin sila. Sila ang ating mga tagapagligtas." Pagpapakilala ni Ivan sa amin.
"Sigurado ka? Paano naman ako maniniwala sa sinasabi mo? Eh tanga ka pa naman, madali kang mauto sa mga bagay-bagay!" Pananarat nito kay Adan.
"Hoy kayo, ipakita niyo sa akin ang dapat kong makita para maniwala ako." Sabi nito habang nangliliit ang mga mata nito sa amin.
Ipapakita ko dapat ang aking kapangyarihang nang unti-uning lumabas ang orbs mula sa amin bago ito lumapit kay Beatrice at pinalibutan ito.
Nakakatawa lang dahil naglabas ng sari-sariling kapangyarihan ang aming orb sa kaniya na parang sinasabing maniwala na siya at huwag magpakatanga bago ito bumalik sa amin.
"A-aray! Ito na nga naniniwala nako! Sorry ha! Maligayang pagdating sa Nostalgia kingdom. Pasok kayo." Paanyaya niya sa amin.
"Bata kalang pano naging leader ang isang bata?" Tanong ni Mia.
Yumuko ito bago sumagot. "I-iniwan ni Papa sa akin ang pangarap na maging isang magaling na imbentor balang araw."
"Inabuso siya ng kampon ni Lexus para gumawa ng imbensyon na magpapabagsak sa mundo namin bago siya pinatay." Malungkot na kuwento nito.
"Sorry Beatrice." Paghingi ng tawad ni Mia
"Bea nalang ate Mia, masaya akong makilala kayo. Patingin magic mamaya ah, o siya pumasok na tayo."
Unti-unting bumagsak ang nagsisitaasang metal na gate nang pindutin niya ang pindutang hawak niya bago kami pumasok sa kaharian.
Napakaganda sa loob lalo nito. W-wala akong masabi! Gagawin ko ang lahat maipaliwang lang lahat sa inyo ang nakikita ko HAHAHA.
Lahat ng tao ay busu at may hawak hawak na parts ng imbensyon at nagmamadaling pumapasok sa paaralan, talyer o tirahan nila.
Ang bawat tinitinda ng tindero ay mga laruan at mga kakaibang appliances lalo na at remote control at di na kailangang mageffort.
Mga nagsisiliparan at nagsisitulin na laruang remote control na kotse, hot air balloon, jeys at airplane na masayang pinaglakaruan ng mga bata. Napakasosyal naman ng kasiyahan nila.
Lahat ein ng pintuan ay automatic doors na. Napakatamad ng mga tao dito for sure legit!
At panghuli sa lahat, may makikita kang teleporting pads sa bawat lugar
"Ooohh! Ansaya naman dito sa lugar niyo Beatrice! Saan ako mapupunta pag lumapit ako rito?" Nasasabik na tanong ni Carlo bago ito nawala na parang bumula.
"Luh saan napunta ang mokong nayun?" Tanong ni Mia.
"Walang kailangang ikabahala, makakabalik rin so kuya." Sagot ni Beatrice.
Walang ano-ano'y bumalik si Carlo sa pad na pinanggalingan niya kung saan ka unang pumasok.
May daladala pa itong de remote control na robot bago lumapit sa amin.
"Hoy panget! San ka nanggaling? At ano yan ha? Peram nga ako!" Pang-uurat ni Mia.
"Ayoko nga! Kinuha kolang 'to sa bata bago ko siya tinakbuham WAHAHAHA!" Halakhak ni Carlo habang kinokontrol ang robot.
"Hulaan ko, umiyak yung bata noh?
"Oo hehe. Binigyan ko nalang siya ng dummy na gawa ko bago umalis hehe." Ngiti-ngiting sabi niya kaya napabuntong hininga kami.
"Maari naba tayo pumasok sa lab ko?" Tanong ni Beatrice sa amin.
"Oki." Maiksing sagot ni Carlo bago gumawa ng skateboaed na gumawa sa bato at umalis.
Habang palapit kami ng palapit sa gitna ng kaharian. Mas umuunti ang tao ngunit ang imbensyon ay mas rumarami.
Sa totoo lang, para siyang museum dahil naka display ito sa gitna ng bayan at may nakaukit na pangalan sa baba kung sino ang gumawa nito.
Dahil sa curiousity ay sinusubukan namin ang bawat imbensyong nadadaanan namin at wow napakagaganda ng ginagawa.
"Gumagawa ng pagkain mag-isa, naglilinis ng lugar, gumagawa ng panahon sa isang partikular na lugar, at iba pa.
Sa di kalayuan ay may natanaw kami na tila isang bilog na building na mukhang conservatory.
Kulay asul na pintura na kasingkukay ng langit na gawa sa metal kaya nakakadagdag ganda sa building.
Mga babasaging bubong para makita ang bubong sa gabi. Napakagandang likha.
"Teka wala siyang pintuan." Sambit ni Carlo dahil puro pader at bintana lang ang makikita mo palibot ng laboratory."
"Wait lang kuya." Maikli nitong sagot.
May kinuha siya sa bulsa nuya at isa nanaman tong pindutan.
Nang pinindot niya ito ay naglaho kami at nakapasok sa loob.
"Teka gaano karami pindutan mo diyan?" Tanong ni Carlo.
"Marami akong pindutan dito hahaha." Kindat nito bago ipakita ang isang katutak na steam weapons dito.
"Ito ang steam weapong na aming ginawa ngunit nakatago ang armas na kailangan niyo." Panimula nito sa ginawa niya.
"Kailangan niyong subukan ito isa-isa para makita namin kung sino ang karapat-dapat para dito sa aming ipinagkaloob na armas." Sabi nito bago tumalikod.
Sana ako na ang mapili, gusto ko ng umuwi. Miss ko na sina Mama.