ALTHEA'S POV:
Nagising ang diwa ko at ang sakit-sakit ng leeg ko parang may kumagat doon pero hindi ko minulat ang mga mata ko, gumalaw lang ako sa pagkaka-higa ko at saka ako tumagilid ng higa at naramdaman kong parang may nasagi ako na malaking bagay na para bang may katabi ako pero hindi ko na iyon pinansin siniksik ko na lang ang sarili ko sa kung ano naman itong katabi, parang ang sarap-sarap sumiksik dito dahil medyo mainit yun.
Pero na bitin ko ang hininga ko ng may pumulupot na kamay sa bewang ko at hinapit ako palapit dito sa katabi ko at saka niya siniksik ang sarili sa may leeg ko at saka ramdam ko doon ang hininga nitong katabi ko, dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko at laking gulat ko ng iba na ang desinyo ng kwarto ko, hindi na iyon kulay pula kundi itim na pati ang mga kurtina ay iba na at ang veranda ay nasa kaliwa na hindi nasa kanan! Gumalaw itong katabi ko at mas siniksik ang ulo niya sa may leeg ko halos malapit na siya sa may dibdib ko!
Tumingin ako doon at ulo ng isang lalaki ang nakita ko, nanigas ako sa kinahihigaan ko at saka ko dahan-dahan inangat ang kumot namin at laking pasalamat ko na ang suot ko kagabi ay yun padin ang suot ko hanggang ngayon pero itong katabi ko ay walang pang-itaas na damit! Agad akong bumangon kaya naman nagising itong katabi ko, umupo ako sa kama habang mahigpit ang kapit sa kumot na akala mo ay may gagawin na iba itong kasama ko, pero malay natin e hindi ko naman kilala toh!
Nag-mulat ng mata itong katabi ko at saka humikab at saka tumingin sakin na ikina-gulat ko! Hindi pwedeng ang lalaking toh ang kasama ko ngayon dito! Pano nangyari toh!?
"Bakit ka ba nang-gigising? It's saturday walang pasok, matulog ka ulit." Sabi nito at saka humiga ulit ng maayos.
"P-pano ako napunta dito?" Utal ko pa na tanong ko.
Tinignan niya ako. "Dala ka kagabi ng mga guard ni Dad, wala kang malay." Sagot niya at saka tumagilid ng higa paharap sakin.
"I-ibig sabihin ikaw ang anak ni Mr. Yap?" Tanong ko pahigpit ng pahigpit ang kapit sa kumot.
"Ako nga." Naka-pikit na sagot niya.
"I-ibig sabihin.." Hindi ko matuloy ang sasabihin ko.
"Pwede bang mamaya ka na mag tanong, patulugin mo na muna ako." Sabi niya kaya tumahimik na ako.
Hindi ko alam kong anong mararamdaman ko matatakot ba ako o mahihiya, lalo na at alam kong ang pantulog ko lang ang suot ko at wala akong suot na panloob sa itaas at wala akong short naka-panty lang ako dahil matutulog lang naman ako! Na hindi ko akalain na mapupunta ako dito!
"Di ka ba matutulog? 5:12am pa lang." Sabi na naman ni Zander! Oo si Zander! Ang leader ng X-hunter na anak ni Mr. Yap!
Hindi ako sumagot sa kaniya umayos na lang ako ng higa at saka ko ini-isip kong pano ako na punta dito at kung kumusta na sila Mama sa bahay, pero lahat yun ay na wala sa isip ko ng bigla na lang akong nakaramdam ng kamay sa bewang ko at saka ko naramdaman ang hininga ni Zander sa leeg ko, hindi ako naka-hinga para akong kaka-pusin sa hangin dahil sa ginagawa niya!
"Breath lady, ayukong ma-byuda ng maaga." Sabi niya na ikina-gulat ko, pero na wala naman yun at dahan-dahan kong pinaka-walan ang hininga ko.
"P-pwedeng ano... ahm... p-paki tanggal ng kamay mo... ano.. kasi... h-hindi ako sanay." Utal-utal pa na sabi ko pero hindi nakinig si Zander!
"Masanay ka na." Sabi niya at saka mas humigpit ang yakap niya.
Hindi ako naka-galaw, hindi ko na alam pero pinilit ko na lang na matulog baka sakaling panaginip lang lahat ng toh! Ginawa ko na ang lahat para maka-tulog ako! Nag bilang na ako ng tupa pati aso, pusa at lion ay binilang ko na rin pero hindi talaga ako maka-tulog, pero itong katabi ko malalim na ang pag hinga halatang tulog na tulog na.
Hindi ko alam pero bigla na lang akong dinalaw ng atok ng mga ilang minuto at saka ko na lang ipinikit ang mga mata ko at saka ako naka-tulog ng mahimbing.
"Wake up newbies!" Isang sigaw ang pumukaw sakin.
Hindi ko minulat ang mga mata ko gumalaw lang ako, hanggang sa agad akong nag-mulat dahil sa isang halik sa may leeg ko at ng tignan ko ay gising na din si Zander at nag-uunat na ng braso niya, humawak ako sa leeg ko at pinakiramdaman kong may ginawa ba si Zander don. Tumingin naman si Zander sakin ng naka-ngisi bago tinignan ang leeg ko at saka siya ngumiti sakin.
"Goodmorning wife." Sabi niya at pumasok sa banyo.
Ako naman ay naka-tingin lang sa may kawalan hanggang sa hindi ko alam na nandon pala si Mr. Yap naka-ngiti sakin ng malapad.
"Goodmorning hija." Bati sakin ni Mr. Yap.
Bumangon ako ng kama at saka ko yumuko ng kaunti habang hawak ang may dibdib ko dahil makikita doon ang dibdib ko bago ako umayos ng tayo.
"G-goodmorning too Mr. Yap." Magalang na bati ko.
"Ahh how sweet of you, just call me Dad." Sabi ni Mr. Yap na ikina-gulat ko.
"P-pero nakaka-hiya---"
Pinutol na agad ni Mr. Yap ang sasabihin ko. "Your my sons, wife kaya wag ka ng mahiya. Now say it." Utos pa ni Mr. Yap.
"G-goodmorning too D-dad.," Mahinang bati ko.
Nagulat na lang ako ng yakapin niya ako pero agad namang bumitaw. "Hihintayin ko kayo sa baba, dadalaw ang balae ko at may pag-uusapan tayo." Sabi ni Mr. Yap-- este ni D-dad.
Tumango lang ako sa kaniya at saka naman siya lumabas ng kwarto, napa-upo na lang ako sa kama at saka ko hinawakan ang dibdib ko dahil sa sobrang kaba nun, ni-relax ko ang sarili ko dahil bawal sakin ang matinding kaba dahil baka magparamdam na naman ang asthma ko. Ng maayos ko na ang dibdib ko, tumayo ako at saka ko inayos ang higaan at saka ng maayos ko na yun ay tumingin ako sa bed side table at ng makita ko ang panali ko sa buhok ay kinuha ko iyon at saka ako pumunta sa may veranda.
Binuksan ko ang malaking kulay gray na kurtina at saka tumama sakin ang sinag ng araw, binuksan ko ang slide door at saka hinayaan na liparin ang buhok ko ng hangin na pumasok sa loob, huminga ako ng malalim at saka ko tinali ang buhok ko. At habang nagtatali ako ng buhok may tumikhim sa likod ko kaya naman humarap ako doon at si Zander ang nandun na naka-tingin sa may baba kaya ng sundan ko ang tingin niya ay agad kong tinapos ang pagtatali sa buhok ko dahil uma-angat na ang pantulog ko at nakikita na ang legs ko na malapit na sa may hindi dapat makita.
Agad kong binaba ang kamay ko at inayos ang damit ko at saka naman siya tumikhim ulit at saka wakas nasa mukha ko na ang paningin niya.
"You can shower now." Sabi niya habang nag-tutuyo ng buhok.
"P-pero wala akong dalang damit." Naka-yukong sabi ko.
"I have my t-shirt their, saka may boxer dun gamitin mo na lang." Sabi niya kaya gulat akong tumingin sa kaniya. "What? Anong masama dun, asawa naman kita." Sabi niya.
Hindi na lang ako umimik, pumasok ako sa banyo ng tahimik at ng maka-pasok ako sa shower ay kompleto na lahat may pang-babae na gamit sa banyo at may pang-lalaki din, agad na akong na ligo ng maalala kong pupunta sila Mama ngayon, ilang minuto din ang pag-ligo ko hanggang sa matapos ako at saka ako kumuha ng tuwalya na nasa labas ng shower at saka ko pinulupot yun sa katawan ko at saka ako lumabas ng banyo. Nakita ko si Zander na naka-upo sa kama habang hawak ang phone niya.
"Ahm... asan yung closet mo?" Mahinang tanong ko.
Tumingin siya sakin at napa-higpit ang hawak ko sa tuwalya ko ng hagurin niya ng tingin ang katawan ko sabay lunok, huminto ang tingin niya sa may hita ko hanggang sa binalik niya ang tingin sa mukha ko at dahan-dahan tinuro ang isang pinto sa may kaliwa na katabi lang pala ng banyo.
Agad akong pumasok doon at saka ko ni-lock ang pinto at saka naman ako nag-hanap ng pwedeng ma-isuot sa damit ni Zander, at habang nag-hahanap ako narinig kong may pumasok sa kwarto at dinig ko ang yabag ng paa nun.
"Mom!" Dinig kong sabi ni Zander.
"Where's your wife?" Tanong ng Mommy ni Zander.
"In the closet." Sagot ni Zander.
"Ito ipa-suot mo sa kaniya, i buy that dress bago ako pumunta dito." Sagot ng Mommy ni Zander.
"Thanks mom." Sagot ni Zander.
"Sa baba lang kami, nag-aayus na kami ng kakainin." Sabi ng Mom ni Zander.
Doon ko na narinig ang pag-bukas at pag-sara ng pinto mukhang naka-labas na ang Mommy ni Zander. At may kumatok naman sa pinto ng closet kaya naman binuksan ko yun ng kunti.
"Bigay ni Mom." Sabi niya sabay abot ng isang kulay baby pink na damit na naka-yupi.
"T-thanks." Sagot ko at inabot iyon.
Ni-lock ko ulit ang pinto at saka ako nag-bihis mabuti na lang talaga at kompleto ang nandun meron na akong panloob kaya naman hindi na ako kinabahan pa dahil kompleto ang suot ko, pagkalabas ko ng closet ay andun parin si Zander naka-upo sa kama habang naka-tingin sa paanan niya at tumingin lang sakin ng makita niya ako. Hanggang hita ang dress at hapit na hapit ang sa may dibdib ko kaya naman medyo nakikita ang clevage ko pero hindi naman masyado, spaghetti strap siya pero hindi naman masyado nakaka-ilang suotin.
"Here." Sabi ni Zander sabay abot ng flat sandals na baby pink rin habang may pa tali-tali pa iyon hanggang tuhod.
Kinuha ko iyon at saka ako na-upo sa may upuan malapit sa kama at saka ako yumuko para masuot ang sandals, pero nagulat na lang ako ng lumuhod bigla si Zander sa harap ko at siya ang nag-suot ng sandals sakin.
"Nakikita ko dibdib mo." Mahinang sabi niya.
Umayos ako ng upo at hinayaan na lang siya na mag-suot nun, nang matapos na niya ang pag su-suot nun ay tumayo na ako at saka ko pina-tuyo ang mahaba kong buhok at saka ko tinignan ang sarili ko sa vanity table at ng maayos na ang mukha ko ay doon na ako humarap kay Zander, hindi na ako nag-lagay ng kahit ano sa mukha ko dahil wala naman gagawin kakain lang naman at saka yun lang.
Pero binalik ko ang tingin ko sa mirror dahil parang may nakita ko sa may bandang leeg ko, ng hindi ko pa naayos ng kita ay mas lumapit pa talaga ako sa salamin at laking gulat ko ng namumula ang bandang leeg ko nung may naramdaman ako kaning umaga, medyo umiiba ang kulay pero alam ko kung ano toh! Agad akong tumingin kay Zander habang hawak ang leeg ko.
"What?" Tatawa-tawa niyang tanong.
Hindi ko siya sinagot binalik ko sa salamin ang tingin ko at saka ko binuksan ang drawer ng table at ng may nakita akong pulbos at liptint doon ay kinuha ko, kumuha ako ng kunting liptint na may pagka-brown at saka ko nilagay sa may namumula at kinalat ko at saka ko nilagyan ng pulbos, hindi na siya masyado halata pero ok na masasabing kinagat lang ng lamok.
Umayos na ako ng tayo at saka ako tumingin kay Zander na ngayon ay naka-ngisi na, sinamaan ko lang siya ng tingin at saka ako lumabas ng kwarto hindi ko na siya hinintay pero naabutan niya parin ako, hinawakan niya ako sa bewang na ikina-iktad ko ng kaunti bumulong pa siya sa tenga ko.
"Your my wife, so be nice." Bulong niya habang nasa hagdan kami bumababa.
Hindi ko siya sinagot at ng maka-baba na kami agad kong nakita si Mama at Dad sa sala kausap sila Mr. And Mrs. Yap, mukhang masaya sila lalo na si Mama habang kausap si Mrs. Yap. Agad silang tumayong apat ng makalapit kami at agad naman akong lumapit kay Mama at yinakap ng mahigpit.
"Ma." Tawag ko kay Mama.
Hinagod ni Mama ang likod ko at saka naka-ngiting kumalas ng yakap sakin at hinawakan ako sa dalawang pisngi ko.
"Maayos ba ang tulog mo?" Tanong ni Mama at tumango naman ako. "Dala namin ang gamit mo." Sabi ni Mama na ikina-kunot ng noo ko.
"Bakit? Hindi ba tayo uuwi?" Takang tanong ko.
"Thea..." tawag ni Dad sakin kaya napa-lingon ako sa kaniya. "Asawa mo na si Zander, at dito na kayong dalawa uuwi." Sagot ni Dad.
"Bakit? Hindi ba pwedeng umuwi kami sa sarili naming bahay?" Tanong ko.
Si Mama ang sumagot sakin. "Thea, alam kong hindi ka pa sanay, pero may asawa ka na ngayon." Sagot ni Mama.
"Ma alam mo namang hindi kita kaya iwan sa bahay." Sabi ko.
"Maayos na ang lagay ko at saka wala ka bang tiwala sa Daddy mo?" Tanong ni Mama na ikina-tingin ko kay Dad.
"H-hindi ko alam." Mahinang sabi ko.
"Thea, alam kong marami akong nagawa pero dati yun, aalagaan ko na ngayon ang Mommy mo, ang takot ko lang sa ate mo." Sabi pa ni Dad.
Bumuntong hining ako at saka ako tumingin sa pamilyang Yap na ngayon ay naka-masid lang samin ng naka-ngiti.
-𝒿ℯ𝒾𝓏ℯ𝓁𝓁ℯℯ✯