His Opposite Intention (Compl...

By Bsmsunny

15.8K 2.6K 4.2K

Matinding galit ang nadarama ni Mia Marie Rosales, isang fourth-year criminology student ng Hanclifford Unive... More

His Opposite Intention
Prologo
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Epilogo
Espesyal na Kabanata

Kabanata 26

224 8 34
By Bsmsunny

Kabanata 26

Suspect

Hindi agad ako nakakilos sa narinig. Ramdam ko pa ang panginginig ng buong katawan ko. Hindi rin nakawala ang mga luha sa aking mga mata. Nang maputol ang linya sa kabila ay nanlambot bigla ang magkabilang tuhod ko. Handa na sana ako mapaupo sa sahig nang may biglang humawak sa magkabilang braso ko.

"Hey, are you okay? Bakit ka umiiyak?" Inalalayan niya ako makatayo ng maayos. Naramdaman ko pa ang magkabilang palad niya sa pisngi ko. Nang magtama ang mga mata namin ay naramdaman ko ang pag-aalala niya.

"Si S-Sky. Nawawala si Sky. Nawawala ang kapatid ko, Chadrick!" sigaw ko.

Walang pag-aatubiling hinigit niya ang pulsuhan ko. Dahil sa paghigit niya ay tumama pa ang mukha ko sa dibdib niya para pakalmahin ako.

"Hahanapin ko si Sky." Kumalas ako sa pagkakayakap niya. Handa na ako humakbang paalis nang hinawakan niya ulit ang kamay ko.

"Hindi na kailangan. Mga pulis na ang kumikilos ngayon para mahanap ang kapatid mo."

Gulat nang mapatingin ako sa kaniya. May alam ba siya sa nangyayari sa kapatid ko?

"Hahanapin ko pa rin siya. Tutulong ako sa paghahanap sa kapatid ko," disididong sinabi ko.

"No. Stay here."

"Anong gusto mong gawin ko? Manatili rito habang nawawala ang kapatid ko? Mababaliw ako Chadrick kapag hindi ako tutulong sa paghahanap sa kapatid ko!"

Mabilis akong lumabas. Narinig ko pang sinigaw niya ang pangalan ko pero binalewala ko lang iyon. Nang makitang nagsisiksikan pa ang mga tao sa elevator ay hagdan na ang ginamit ko. Binilisan ko pa ang pagbaba. Nang tuluyang nakalabas ako ng ospital ay pumara agad ako ng taxi. Ilang minuto ang naging byahe bago huminto ang sinasakyan ko sa tapat ng bus terminal. Dalawang oras ang byahe bago ako makarating sa amin. Ang unang pumasok sa isip ko ay baka umuwi mag-isa sa bahay si Sky dahil miss na niya kami. Kaya naman ang unang pinuntahan ko ay ang bahay namin.

Nang nasa tapat na ako ng aming pintuan ay kumunot ang noo ko nang mapansing hindi ito naka-lock. Bukas ito kaya nakapasok agad ako sa loob. Ang unang bumungad sa akin ay ang makalat sa loob. Halos hindi ko na alam kung ito ba ang bahay namin. Halos sira lahat ng kagamitan.

Anong nangyari? Bakit ganito ito? Pinasukan ba kami ng magnanakaw? Maniniwala sana ako ngunit wala kaming kayamanan o mga gold man 'yan na minana ng mga ninuno namin!

Nasa loob ako ng aking kuwarto ngayon. Makalat din at sira ang ilang mga kagamitan ko. Naagaw lang ang pansin ko nang may naapakan ako sa aking paa. Isang litrato. Nakabukas ng bahagya ang cabinet kaya siguro nahulog ito. Nang pinulot ko ay hindi ko maiwasan mapakunot-noo. Mukha ng kapatid ko ang nasa litrato. Nakahiga siya sa isang hindi pamilyar na silid. Nakatali pa ang dalawang kami sa likod niya.

Nanginig ang dalawang kamay ko sa nakita. Napatakip pa ako ng bibig. Nang binaligtad ko ang litrato ay nagdulot pa ito ng kaba sa aking sistema. Naramdaman ko pa ang paninigas ng kamay ko habang binabasa ang nakasulat.

Kung hindi mo ibibigay sa amin ang teddy bear ay huwag ka ng aasa pang maililigtas ang kapatid mo.

Tang ina. Anong ibig sabihin nito? B-Bakit damay na rin pati ang kapatid ko? Ano bang meron sa teddy bear para umabot pa sa ganito ang nangyayari sa pamilya ko?!

Biglang naalala ko ang sinabi ni Trina sa akin noon.

Nakatagong kayamanan ng pamilyang Villafuerte.

Hindi kaya...ang teddy bear na ito ang susi para makuha ang kayamanan?

Kailangan kong puntahan ngayon si Papa sa ospital upang sabihin sa kaniya ang lahat ng ito. May kinalaman ito sa pagkidnap kay Sky kaya dapat malaman ito ng mga pulis. Kailangan mailigtas ang kapatid ko sa madaling panahon. Napapikit ako nang mariin at napakuyom ang isang kamay.

Mga hayop sila! Dinamay pa nila ang isang inosenteng bata!

Hindi ako nag-aksaya pa ng oras. Paglabas ko ng bahay ay sumakay ako ng taxi para puntahan si Papa sa ospital. Sa huling balitang nalaman ko mula kay Mama ay nasa maayos na rin ang kalagayan ni Papa at ilang araw nalang makakalabas na siya.

Pagkarating ko sa ospital ay nagtungo agad ako kung saan ang room ni Papa. Nang nasa tapat na ako ng pintuan ay napansin kong bahagyang nakabukas ito kung kaya't papasok na sana ako sa loob ngunit napatigil ako nang makarinig ng boses.

"Sir, kumusta ang sugat niyo?" boses lalaki. Hindi ko kilala.

Nang sumilip ako ng kaunti ay nanlaki ang mga mata ko sa nakita. Maliban kay Mama ay may dalawang naka-unipormeng pulis ang nasa loob at ang pinagtataka ko ay kung bakit nasa loob din ang pamilya ni Chadrick, ang mag-asawang Aldovar, si Lola at Mang Gardo.

"Maayos na rin ang kalagayan ko. Mabuti nalang hindi malalim ang natamong baril sa likod ko. Makakapasok na rin ako bukas sa trabaho," si Papa at tinapik pa ang balikat ng lalaking pulis.

Napatigil ako. Parang ayaw gumalaw ng katawan ko sa narinig. Paulit-ulit pang pumapasok sa isip ko ang sinabi ni Papa sa katrabaho niyang pulis ngunit parang may mali.

Akala ko ba bumalik ang sakit ni Papa kaya kailangan niya operahan ulit? Pero hindi. Bakit nagsinungaling sila sa akin? Bakit hindi nalang nila sinabi sa akin ang totoo?

Napabaling lamang ako kay Papa nang lumapit siya sa mag-asawang Aldovar. Naagaw ang pansin ko nang makita ang hinanakit sa itsura ni Mrs. Aldovar kay Papa. Anong nangyayari?

"Mr at Mrs. Aldovar, hihingi sana ako ng kapatawaran sa inyo dahil pati ang anak niyo ay nadamay sa gulo. Kung hindi lang sana ako humingi ng tulong sa kaniya upang maprotektahan ang anak ko ay hindi sana siya nasaktan." Napansin ko pa ang pagyuko ni Papa sa mga magulang ni Chadrick.

Nang hindi ko na makaya ang pinag-uusapan nila ay pumasok na rin ako sa loob. Gulat ang mukha nila nang makita ako.

"Pa, anong ibig mong sabihin? Humingi ka ng tulong kay Chadrick para maprotektahan ako? May dapat ba akong malaman? May kinalaman ba ito sa pagkamatay ng pamilyang Villafuerte?"

Nagulat si Papa sa sunod-sunod kong tanong. Hindi siya nakapagsalita. Kahit hindi na niya ako sagutin dahil alam ko na ang sagot. Alam pala ng pamilya ko na nanganganib ang buhay ko sa mga kamay ng mga suspect. Shit. Napansin ko ang paglapit ni Mama sa akin.

"Hija, lahat ng ginagawa namin ng Papa mo ay para sa kaligtasan mo. Sana maintindihan mo kung bakit nagsinungaling kami sa'yo," Hinawakan ni Mama ang isang kamay ko.

Magsasalita na sana ako ngunit napabaling lamang ako sa likod nang makarinig ng pamilyar na boses.

"Iba talaga ang nagagawa kapag inlove," rinig kong sambit ni Lola.

Halos napabaling kaming lahat sa sinabi niya. Ngunit napapikit ako nang mariin. Naiintindihan ko kung bakit nila nagawang magsinungaling pero ang hindi ko matanggap ay si Sky ang mas naagrabyo sa sitwasyong ito. Mas mahalaga sa akin ang kaligtasan ng kapatid ko kaysa sa kaligtasan ko! Bumaling ako kay Papa. May dapat siyang malaman ngayon.

"Pa, hindi nawawala si Sky. Dinakip siya ng mga suspect," madiing sinabi ko kay Papa.

"Alam ko, anak. Isang grupo ng kabataan sila dinakip ng mga suspect. Hindi ko pinaalam sa'yo dahil ayokong mabahala ka. Huwag kang mag-alala ginagawa ng mga pulis ang lahat upang mailigtas sila."

Ano raw? Hindi lang si Sky ang dinakip? Napabaling ako kay Chadrick. Sa itsura palang niya ay pansin ko na agad na may alam din siya sa mga nangyayari sa kapatid ko. Napahilamos na lamang ako sa mukha gamit ang dalawang palad ko bago binalingan si Papa.

"Pa, nang dahil sa akin kaya dinakip nila si Sky," balisang ibinigay ko kay Papa ang litrato na nakita ko sa loob ng aking kuwarto kanina.

Gulat ang itsura ni Papa nang makita ang litrato. "May pagbabanta ang ganitong gawain, anak. Pero bakit may litrato nito sa kuwarto mo? At anong teddy bear ang tinutukoy nila?"

Bago ko sagutin ang tanong ni Papa ay tinanong ko muna siya. "Pa, alam mo ba ang dahilan kung bakit hinahanap ako ng mga suspect?"

Nang marinig iyon mula kay Papa ay parang kinalibutan ako. Halos isang dekada na pala ang paghahanap ng mga suspect sa akin. Uhaw-uhaw na talaga sila makuha ang nakatagong kayaman ng pamilyang Villafuerte.

"Ang totoong dahilan kung matagal na nila akong hinahanap ay dahil sa teddy bear na ito." Ipinakita ko pa sa kanila ang hawak kong teddy bear. Kinuha ito ni Chadrick sa kamay ko.

"P-Paanong napunta ito sa'yo? Pagmamay-ari ito ni Ophelia," hindi makapaniwalang sinabi ni Chadrick.

Ikinuwento ko sa kanila ang buong detalye kung bakit napunta sa akin ang teddy bear ni Ophelia.

"At kagabi ko lang napagtanto na may recording device sa loob ng teddy bear na ito na matagal ng gustong malaman ng mga suspect, ang susi upang makuha ang nakatagong kayamanan ng pamilyang Villafuerte," Pansin ko pa ang pagkagulat ng mga mata nila. Hinintay nilang sabihin ko ang code ngunit hindi lang ganon kadili.

Sa dami ng nabasa kong action-thriller na nobela ay natutunan kong huwag basta-bastang magbitaw ng salita. Hindi tayo nakakasiguradong walang makakarinig na iba at may CCTV sa loob ng room na ito baka isa sa mga suspect ay nakikinig sa usapan namin ngayon.

"Hindi ko alam na may nakatagong kayamanan pala ang Villafuerte nila," hindi makapaniwalang sinabi ni Papa.

Silang lahat ay hindi makapaniwala.

Teka, hindi alam ni Papa na may nakatagong kayamanan ang pamilyang Villafuerte? Hindi alam ng mga pulis? Napabaling lamang ako sa pinto nang may isang pulis ang pumasok sa loob.

"Sir, hanggang ngayon hindi pa rin nagsasalita ang suspect," pagrereport nito kay Papa.

"Hello? Mario? Hindi ko inaasahan na tatawagin mo ako ng ganito kaaga. Namiss mo na ba-"

"Trina, kanino mo narinig na may nakatagong kayamanan ang pamilyang Villafuerte?" diretsahang tanong ko sa kaniya.

"Seryosong tanong ba iyan, Mario?" rinig ko pa ang tawa niya sa kabilang linya.

Napapikit ako nang mariin dahil sa naging tanong niya.

"Hindi ako nakikipagbiruan ngayon Trina. Seryoso ako. Kanino mo narinig na may nakatagong kayamanan ang pamilyang Villafuerte?"

Naramdaman ko ang pagkatigil ng tawa niya. Nagkaroon muna ng katahimikan bago niya sinagot ang tanong ko. Nang marinig ko nga ang sagot niya ay halos hindi ako makapaniwala sa narinig. Nanginig pa ang mga kamay ko.

Nang pabalik ako sa room ni Papa ay halos hindi ako makalakad ng maayos dahil sa panghihina ng magkabilang tuhod ko. Pagpasok ko ay lahat sila napatingin sa gawi ko.

"Hija, saan ka galing?" bungad ni Mama sa akin.

"M-May tinawagan lang ako, Ma."

Hindi ako makapaniwala na isa mga nandito sa loob ay suspek sa pagpatay sa pamilyang Villafuerte.

Continue Reading

You'll Also Like

550K 6.6K 24
Status: Completed Posted: November 2, 2022 - November 18, 2022 Hestia Olivia, innocent, kind and very beautiful young girl who had like the old broth...
248K 4.1K 43
Clev Valle, an undercover agent, is tasked with finishing an operation, so he pretended to be an employee of a small company in a small town in the p...
21.2K 485 44
"You're all my shades of green." Maloi looks back to when the weather was fair to her. Andrei Arellano finds themselves in a repeating pattern where...
8.8M 274K 74
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...