Kinabukasan, araw ng sabado, muling nagkita sina Lyrica at Albert upang praktisin ni Lyrica ang kanyang mga magic tricks sa dati nilang tinatambayang lumang building.
Albert: "OK, Lyrica. Magsimula ulit tayo."
Lyrica: "Ha?! Simula ulit? Papalitan ko na naman ba ang prinaktis kong pagpapalabas ng kuneho sa loob ng sumbrero?!"
Albert: "Lyrica, Hindi! Ang ibig kong sabihin, umpisahan na natin ang pagprapraktis. Ngayon, anung mga magic tricks ang idadagdag kaya natin? Dapat makagawa ka ng 4 hanggang 5 tricks na kakaiba at walang halong daya."
Lyrica: "Eh......wala namang daya ang mga magic tricks ko kasi yung ilan sa mga ginagamit ko, mga mahikang kumpas mula sa Aklat ng Mayari."
Albert: "Kung sabagay, tama ka. Pero simulan na natin. Uhmm.....gawin mo kaya ulit ang magpalabas ng kuneho sa sumbrero na iyan?"
Lyrica: "Albert, pang labing isang beses ko ng gagawin to sa araw na ito at yung sampu mula kahapon. May plano ka bang gawing rabbit farm etong tinatambayan nating building? Eh andito pa at patalon-talon yung mga rabbit na inilabas ko mula sa sumbrero kahapon."
Napangiwe na lang si Albert ng marinig nya ang sinabi ni Lyrica at totoong nandun pa nga sa kanilang building ang mga rabbit na inilabas ni Lyrica mula sa sumbrero.
Albert: "Ehhh.....hindi ba pwedeng ibalik mo sila sa sumbrero?"
Lyrica: "Albert, kawawa naman sila kung ibabalik ko sila sa loob ng sumbrero!!"
Albert: "OK! Sige! Wag mo ng praktisin ang magic trick na yan at mukha namang maayos ang paggamit mo sa trick na iyan."
Lyrica: "Kung ganun, ano ang prapraktisin ko?"
Albert: "Ang prapraktisin mo? Gawing itlog ang ping pong balls."
Lyrica: "Albert, basic lang naman iyan. Kagagawa ko lang kahapon."
Albert: "Ahhh.....gawing paru-paru ang mga baraha!"
Kinuha ni Lyrica ang mga baraha at isinaboy nya sa ere ang mga ito. Ngunit pagsaboy nya, naging paru-paru ang mga ito. Namangha naman si Albert sa kanyang nakita.
Lyrica: "Ayan, Albert. Napraktis ko na yan kahapon sa bahay. Tsaka kasabay din nyan kagabi yung mga isinend ni Miss Marika na mga possible questions sa Chatbox ko."
Albert: "Ahhh.....ehh...kung ganun ang gawin mo na lang, ihuli mo yan cards-to-butterflies trick mo, tsaka ka mag-bow bilang panapos mo sa talent mo."
Lyrica: "OK. Gagawin ko yan sinabi mo, Albert."
Albert: "Teka! May isa pa akong naalalang trick na dapat praktisin mo."
Lyrica: "Anu naman yun, Albert?"
Albert: "Float Mid-air trick."
Lyrica: "Float Mid-air trick? Anu naman ang gagawin ko dun?"
Albert: "Simple lang, palulutangin mo ako sa ere tapos gagamitin mo ang hula-hoop bilang patunay na lumulutang ako sa ere."
Lyrica: "Eh?! Eh....Albert, hindi ko pa nasusubukang gawin ang trick iyan! Panu kung magkamali ako?! Panu kung bumagsak ka sa ere? At tsaka......."
Albert: "Tsaka anu?"
Sandaling tumahimik si Lyrica dahil sa kinakabahan sya na hindi nya kayanin ang sumali sa Pageant.
Lyrica: "Panu kung talagang hindi ko kaya ang sumali sa Pageant? Mula kasi noong nakita ko ang mga possible questions na isinend sa akin ni Miss Marika kagabi, pakiradam ko parang mablablangko ako sa gitna ng Pageant. Pati na rin sa talent portion, baka magkamali ako at mahulog yung tao na palulutangin ko. Albert, hindi ko pa nararanasan ang sumali sa Pageant. Kaya sobra akong kinakabahan. Parang gusto ko ng Mag-Back-out."
Matapos marinig ni Albert ang mga sinabi ni Lyrica, hinikayat nya munang umupo sa lumang bangko si Lyrica at tinabihan nya ito.
Albert: "Lyrica, kapag nagBack-out ka, magagalit si Miss Marika pati na rin si Reysha. Dahil ginagawa nila ang lahat ng makakaya nila upang tulungan ka sa Pageant. Lahat kami halos tumutulong sa paggawa at pagreresearch ng mga kakailanganin mong mga gamit at sagot sa Q&A para lang makatulong sayo. Kasi may tiwala kami na magagawa mong manalo sa Pageant. Kaya ganito na lang ang pagtulong namin sayo. Siguro kung nandito si Jett, sigurado sasabihin nya ng direkta sayo, magtiwala ka sa sarili mo at wag kang kabahan. Kaya naman, magtiwala ka sa sarili mo Lyrica. Kasi may tiwala kami sayo."
Mula sa mga sinabi ni Albert, napagtanto ni Lyrica na umaasa ang mga kaibigan nya na magagawa nya ng maayos ang pagsali sa Pageant. Kaya naman, tumayo si Lyrica at nagsalita.
Lyrica: "Albert! Susubukan ko ang pagpapalutang na trick sayo. Kaya humiga ka sa bangko."
Albert: "OK. Basta tandaan mo, magtiwala ka lang."
Agad na humiga sa bangko si Albert at nakahanda na si Lyrica na palutangin sya. Ikinumpas ni Lyrica ang kanyang mga kamay at bumulong sya ng inkantasyon ng pagpapalutang. Dahan-dahan namang lumutang si Albert sa ere at nang maabot nya ang isang metrong paglutang nya mula sa lupa, itinigil ni Lyrica ang kanyang pagkumpas.
Gamit ang kanyang kamay, pinadaan Lyrica sa ilalim ng likod ni Albert upang makita na lumulutang nga ito, tsaka nya sinabihan si Albert na lumulutang ito.
Lyrica: "Albert, lumulutang ka na sa ere. Sumilip ka lang ng bahagya sa likod mo."
Lumingon sa kanyang likuran si Albert at nakita nyang lumulutang sya sa ere.
Albert: "Lyrica! Ang galing mo! Napalutang mo ako sa ere!"
Natuwa si Lyrica sa sinabi ni Albert sa kanya nang bigla syang nawalan ng konsentrasyon at nalaglag si Albert. Agad na ginamitan ng mahika ni Lyrica ang bangko at ginawa nya itong Foam. Sakto namang nasalo sya ng Foam na ginawa ni Lyrica. Agad na lumapit si Lyrica upang tignan ang kalagayan ni Albert.
Lyrica: "A-Albert!! Ayos ka lang?!!"
Hindi natutuwang tinitigan ni Albert si Lyrica kaya nanermon pa sya.
Albert: "Alam mo, nakakainis ka rin noh? Hinayaan mo akong malaglag!!"
Lyrica: "S-Sorry!! Hindi ko naman sinasadya."
Albert: "Hindi pala sinasadya ha?"
Bahagyang umupo si Albert at hinawakan ang kamay ni Lyrica tsaka nya ito hinila. Paghila ni Albert, napahiga si Lyrica sa kanyang katawan at napahiga sila sa foam. Agad namang tinanggal ni Albert ang salamin ni Lyrica.
Lyrica: "A-Albert?! Wala akong makita!"
Albert: "OK lang yan. Nandito naman ako sa malapit."
Lyrica: "Oo! Ramdam ko na sobrang lapit mo kasi nakayakap ka sa akin. Pero bakit mo inalis ang salamin ko?"
Pinagmasdan ni Albert ang mukha ni Lyrica at naalala nya ang napaka-gandang mukha nito noong una silang nagkita.
Albert: "Alam mo, Lyrica. Kaya ko tinanggal ang salamin mo kasi gusto kong makita sa huling pagkakataon ang maganda mong mukha bago ka i-Make-Over ni Reysha. Naalala mo, sa ganitong paraan mo ako nakilala noong First day ng school, hindi ba?"
Lyrica: "Oo. Naalala ko. Noong araw na iyon, nabangga kita at tumalsik ang salamin ko tsaka ko hinawakan yung mukha mo kasi akala ko ikaw si Archie. Pero mukha mo pala ang nahawakan at tinitigan ko ng sobrang lapit."
Albert: "Naaalala mo pa ba kung gaano ka kasobrang lapit sa mukha ko?"
Lyrica: "Hindi eh. Gaano ka ba kasobrang lapit?"
Albert: "Ehh.....anu? Halos mahalikan mo na ako sa sobrang lapit mo noon."
Matapos marinig ni Lyrica ang sinabi ni Albert, agad syang lumayo.
Albert: "Lyrica? Bakit ka lumayo?"
Lyrica: "Baka aksidente kitang mahalikan. Tsaka ayokong mahalikan ang tao na hindi ko pa naman Jowa. Kaya lalayo na muna ako."
Nadismaya si Albert sa sinabi ni Lyrica dahil sa akala ni Lyrica ay wala syang pagtingin rito dahil sa normal na itsura nya. Ngunit, ganun pa man, nirespeto na lang ni Albert ang opinyon ni Lyrica.
Albert: "Kung sabagay, Tama ka. Pero sa ngayun naman, kailangan mo ng magpraktis nung trick. Tsaka eto ibabalik ko na sayo ang salamin mo."
Isinuot ni Albert ang salamin ni Lyrica sa kanyang mga mata at sinabihan ni Albert na magpatuloy na sila sa pagprapraktis. Sumang-ayon naman din si Lyrica sa sinabi ni Albert.
Lyrica: "Albert, naalala ko lang. Salamat pala sa pagpapalakas ng loob ko kanina. Ngayun, pakiramdam ko, kaya ko ng sumali sa Pageant ng walang alinlangan. Tsaka hindi ko babalewalain ang mga tiwala nyo sa akin."
Albert: "Natutuwa naman ako at desidido ka ng manalo. Ipagpatuloy mo lang ang ganyang Fighting spirit."
Lyrica: "OK! Ulitin natin yung trick kanina. Gusto kong maperfect yun."
Albert: "Sige! Basta nandito lang ako, Lyrica. Handa akong tumulong sayo."
Lyrica: "Salamat, Albert."
Ganun pa man, nagpatuloy sa pagprapraktis si Lyrica sa tulong ni Albert. Nadismaya man si Albert sa opinyon ni Lyrica, hindi pa rin nagbago ang pagtingin nya at handa siyang umalalay para kay Lyrica.
Matapos ang ilang oras na pagprapraktis ni Lyrica, nagawa nya nang maperpekto ang mga trick na ipapakita sa Talent portion ng Pageant. Agad na rin silang umuwi ni Albert upang magpahinga at makapaghanda para sa Pageant.