AUTUMN HERNANDEZ
"Wala ka talagang kwenta!" Sigaw ni Henry pagkatapos nya akong sampalin. Nakauwi na kami at pagkapasok palang namin sa bahay ay sinalubong nya ako nang malakas na sampal.
Napaupo ako sa lakas. Hindi ko na napigilang maiyak. Bukod sa masakit ang sampal ay mas masakit na walang emosyon akong tingnan ni Storme kanina.
"Ikaw na babae ka. Wala ka na ngang kwenta ipapahiya mo pa ako?! Hanggang umalis yung tao hindi ka na nakabalik! Ano?! May nakita kang lalaki ha?!" Galit na sabi nya habang hinihila ang buhok ko kaya napatayo ako.
"M-masakit." Daing ko sakanya
"Talagang masasaktan kang malandi ka!" Galit na sigaw nya bago nya ako itinulak pabalik sa sahig at sinipa sa tyan. Matalino sya, sasaktan nya ako sa parteng hindi makikita nang tao.
Sanay na ako. Naging punching bag nya ako for three years now. Noong una ay ilang buwan kaming okay. Pero kalaunan ay naging bayolente sya. Na adik sa pagsusugal at droga.
Nung biglang umalis si Storme ay agad akong nagpunta sa mga barkada nya pero pati sila ay gulat din. Ang sabi din nang kuya ni Storme ay biglaan lang daw ang desisyon nito.
Sobrang sakit. Masakit na iniwan nya ako pero mas masakit na sinaktan ko sya kaya sya umalis. Ang gago ko, alam ko yon.
I love her. So much. Kaya nga ako bumabalik sakanya pero hindi ko kayang panindigan ang desisyon ko kaya nasasaktan ko nanaman sya. That was my biggest mistake, ang paulit-ulit syang paasahin at saktan.
I was really happy nang umamin syang gusto nya ako. Dinala ko sya sa Batangas para makasama nang walang nakamasid samin pero nalaman padin ni Mama at ipinadala nya si Henry.
Hindi alam nang lahat pero, i'm not a Hernandez. Pangalawang asawa lang si Mama ni Papa at kabit lang sya noon. Kahit na may anak na si Mama ay pinakasalan parin sya ni papa, kaya na rin naging Hernandez ako.
Mabait si Papa, he's been good to me na aakalain mong sya ang tunay kong ama. Kung hindi nga lang napilit ni Papa si Mama ay hindi ako magiging teacher. Laging sinasabi sakin ni Mama noon na kailangan kong gawin ang gusto nya kung hindi ay palalayasin kami ni Papa, I was 5 at that time.
Hanggang sa lumaki ako ay kailangan kong i-please si Papa kahit hindi naman kailangan, I guess I was pleasing my Mother instead. Mama has always been a witch, mukhang pera. Inakit nya si Papa para hiwalayan nito ang dating asawa. Nakakahiya man pero yeah.. She's my mother.
"Fuck! Get up you bitch!" Sigaw ni Henry at hinila ang braso ko pero hindi ko kayang tumayo. Ang sakit.
"Hey! I said get up!" Sigaw nya pero namimilipit ako sa sakit. I guess I broke my ribs. fuck.
Nagising ako at nakita ang puting kisame. Inilibot ko ang paningin ko at nakitang ako lang magisa sa kwarto.
I sighed in relief. Ayokong makita ang pagkumukha nang walangya kong asawa.
Two years after Storme went to New York ay sumunod ako. May balak akong magtago nalang doon dahil gusto nila Mama na ikasal ako kay Henry. But it didn't work dahil nalaman ni Mama. Pinapasundan nya pala ako. Kaya naman dumating si Henry sa New York nang galit na galit. Kinaladkad nya ako pauwi at agad kaming ikinasal ilang araw lang.
Wala akong choice kung hindi ang sumunod. Kailangan kong protektahan si Storme at si Papa.
Matagal na akong tinatakot ni Mama na sisirain nya ang buhay ni Storme kapag hindi ako lumayo. Pero ang lakas nang tama ko sakanya at hindi ko parin ma control minsan kaya napapaasa ko sya.
Hanggang sa muntik nang mapaalis sa pwesto nya ang nanay ni Storme kaya agad akong pumayag sa gusto ni Mama na sagutin si Henry. Ginigipit din noon nang landlady nang restaurant ang tatay ni Storme. Minsan ding nabugbog si Brylle. Walang alam si Storme dahil itinago sakanya iyon. Tumigil lang ang pang gugulo ni Mama nang umalis si Storme.
But two years after nalaman naming palugi na ang negosyo ni Papa. Pasimple palang nagnanakaw si Mama at nagsusugal. Kaya naman ipinakasal ako kay Henry.
Naging kalbaryo ang buhay ko sa kamay nya. Ilang buwan lang kaming okay at naging bayolente na sya. Walang araw na hindi nya ako pinagbubuhatan nang kamay. I was his trophy outside and his punching bag kapag kaming dalawa nalang.
Ibinaling nya sakin ang galit nya dahil sa pagiging impotent nya. He's frustrated na hindi nya ako magalaw, at nabaliw sya sa isiping maghahanap ako nang ibang lalaki dahil hindi nya ako mapapaligaya sa kama. The hell I care. Madalas nya din akong ikulong at pinagbabawalang lumabas. Kaya nga ako nag resigned as a teacher. Hindi ko alam kung magpapasalamat ba ako sa kundisyon nya o hindi.
Dahil hindi kalaunan ay na adik sya sa sugal at natutong mag droga. Nadagdagan ang pagiging bayolente nya. Hindi nya matanggap na sya ang walang kwenta sa aming dalawa.
At dahil doon ay malapit na ding malugi ang negosyo nya. Ang kay Papa naman ay wala na talaga dahil hindi tumigil si Mama sa bisyo nya. Sira na, sira na ang pamilya ko pati ang sarili ko.
Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako. Ang sakit na nga sa puso ang sakit pa sa pisikal. Bakit ba ganito ang buhay ko? Binigyan nang walang kwenta at gahaman na Ina. Ikinasal sa bayolenteng asawa. Nawala sakin ang pinakamamahal ko. Pati ang sarili ko ay hindi ko na makilala. fuck this life!
—
"You can come in now, Mrs Alonso." Sabi nang secretary ni Storme. Ngumiti ako sakanya bago humugot nang lakas at pumasok sa opisina ni Storme.
Sobrang kaba ang nararamdaman ko ngayon. Makikita ko nanaman sya. I love seeing her nang hindi na sa picture lang.
I saw her sitting in her swivel chair at busy'ng nagbabasa nang mga papel na nasa lamesa nya. Hindi ko napigilang mapangiti. She's successful now. Alam kong magiging successful sya balang araw, she have every traits a business woman should have.
"What are you doing here?" Tanong nya nang hindi man lang ako sinusulyapan
"Ah.. I.. uh..—"
"Cut the crap Autumn. I don't have time for nonsense." Sabi nya at halos tumalon ang puso ko nang tingnan nya ako. How I missed those eyes, pero hindi sa ganitong paraan nang tingin. Parang wala akong kwenta sa paningin nya.
"H-Henry asked me to talk to you. Hindi ka kasi sumasagot—" Naputol ang sasabihin ko nang ibinagsak nya ang kamay sa lamesa at tumayo.
"Are you nuts?" Sabi nya bago naglakad palapit sakin kaya napalunok ako "You know for a fact na hindi worth it ang negosyo nang asawa mo. Hindi ako baliw para patulan iyon." Nakangising sabi nya kaya napaatras ako lalo na at palapit sya nang palapit pagkatapos ay bigla nya akong hinila at isinandal sa pader.
Napapikit ako nang mariin nang ilalapit nya ang mukha nya sakin "But if you want I can do that for you." Bulong nya na nagpataas nang balahibo ko "Just one night baby." Malanding sabi nya kaya naitulak ko sya at sinampal.
Nakangisi lang sya sakin habang ako ay umuusok na sa galit. "Why? Hindi ba't ginawa mo din yun four years ago sa New York? You gave yourself to me." Sabi nya bago kumuha nang pera sa wallet at inaabot sakin "This was my payment for that." sabi nya kaya napakuyom ang kamao ko.
"Fuck you!" Galit na sigaw ko sakanya pero lalo lang syang ngumisi
"Oh you can fuck me. Magkano ba?" Hindi ko na kinaya at itinulak ko sya bago nagmamadaling lumabas nang office nya.
"Are you okay Mrs—" Nilagpasan ko nalang ang secretary nya at patuloy na naglakad paalis. Pinagtitinginan ako nang mga tao kaya agad akong nagpunas nang luha pero wala ding kwenta dahil hindi ito tumitigil.
I know malaki ang kasalanan ko sakanya. Pero wag naman sana nya akong tratuhin na parang isang bayarang babae. I gave myself to her because I love her.
It's funny how a person can break your heart, and you can still love them with all the little pieces.
I love her. I really do, so damn much.