Chapter 7 - Mr. Patatas
Ilang minuto kaming namalagi ni Tina sa cafeteria dahil ang tagal niya kumain. At sa mga oras na 'yan ay nasa malayo lang ang tingin ko. Ayoko na kasing lumingon sa direksyon kung nasaan ang TUD dahil baka hindi ko kayanin. Lalo na't may balak yata akong tambangan nung mokong na 'yon.
Halos tulungan ko na siya sa pagkain. Doble ang isinusubo ko kumpara sa sinusubo niya. Kanina ko pa siya sinasabihan na bilisan niya subalit ayaw nito makinig. Baka raw kabagin ito pero tingin ko gusto lang 'ata ako nito pagtripan.
"Huy, Tina. Hindi na ba siya nakatingin dito? Tignan mo nga!" Sabi ko sa kanya habang hindi na maawat sa pagnguya. Kasi naman!
Saglit siyang lumingon sa grupo ng TUD bago siya humarap sakit at saka sumagot.
"Hindi na, Ya. Hehehe." Sabi nito habang nagpipigil siya ng tawa.
"Sigurado ka?" Tanong ko sa kanya na tinanguan niya lang naman. Medyo duda pa ako nung una pero para makasiguro ay lumingon ulit ako.
Anak ng teteng! Tarantado talaga 'tong si Tina. Nakatingin parin sa'kin si Chaos habang umiinom ng chuckie na hawak niya. Kaya naman sinamaan ko siya ng tingin. Hindi na kaaya-aya 'yong malademonyo nyang ngisi. It's pure evil!
Naalala ko nung unang beses ko siyang makitang ngumisi ng gano'n. Sa isang iglap ay minalas ako at napagtripan ng ka banda niya. Dapat lang na siya rin ang sisihin sa panahong 'yon. Siya ang may pasimuno kung bakit ako nabugbog ng yakap at bigat ng mga lalaking 'yon.
Eh kung ipukpok ko kaya sa ulo niya 'yong drumsticks na nasa bag ko? Mukhang magandang ideya 'yon! Matutuwa pa ako at matatahimik sa buhay 'pag nagkataon.
I'm starting to hate him, everything about him. Lalo na 'yong ugali't mukha niyang gwapo kahit hindi naman talaga. Duling lang siguro 'yong mga fans at mga nagkakacrush sa kanya. Bakit di niya sila samahan magpa-EO? Literal na nakakainis!
"Hi Jersey!" Napukaw ang tingin ko kay Flores na nasa tabi lang ni Chaos. Bumati siya sa'kin at saka kumaway. Napatango rin ako sa kaniya at pilit ngumiti. Kumaway rin ako pabalik. Pesteng kaway na naman 'yan! Nakakatrauma!
Noong una ay nagulat pa si Tina kung ba't kilala ako ni Flores pero nang muli kong banggitin sa kanya 'yong salitang sapak ay muli niyang naalala at sinimulan ulit humagalpak ng tawa.
Napansin ko namang nagbulong bulongan 'yong mga babaeng nasa paligid namin. Some gave me death glares and creased eyebrows.
"Naku! 'Wag mong pansinin 'yang mga, Ya. Ganyan talaga 'yong ibang fans lalo na kapag may pinapansin ang bandang TUD. Mga insecure." Napalingon ako kay Tina dahil sa sinabi nito. Siguro'y napansin niya rin 'yong naging kilos ng ibang fans.
"Hi Lucas!" Nakibati na rin si Tina sa grupong TUD. Kinindatan lang din siya ni Lucas, 'yong lalaking may kulay ang buhok. Napansin kong muling nagbulungan 'yong ibang tao. At gaya ng nangyari sa'kin kanina, nakatanggap din siya ng masasamang tingin na may kasama pang pambabatikos.
"Oh my gosh! Ang papansin nila."
"Yeah, right! Sinabi mo pa."
"As if naman may pag-asa siya. Lucas si mine!"
Ilan lang 'yan sa mga narinig ko. Tumingin ako kay Tina na nasa harapan ko lang pero ngumiti lang siya sa'kin sabay kindat.
"Ayan! Pareho na tayo. HAHAHA!" Muli na siyang bumalik sa pakain.
"Ako ba, hindi mo babatiin?" Sabay kaming napalingon ni Tina sa lalaking nasalita sa tabi namin. At pagtingin namin, halos sabay kaming napanganga ni Tina. Ang miyembro ng sikat na bandang TUD ay nasa harapan na mismo namin. Sila ang unang lumapit.
"Uhh-hi J.E." Nauutal na bati ni Tina sa lalaking nagsalita. Siya 'yong main vocalist ng grupo. Biglang nagningning ang mga mata ni Tina, para siyang nastarstruck. Habang ako naman ay papikit pikit, hindi makapaniwalang andito sila ngayon, kinakausap kami.
"Jersey, do you mind if we join you with your friend, uhm..?"
"Celestina. Tina for short!" Agad na pagpapakilala ni Tina habang nakaturo pa siya sa sarili.
"Oh, hi! Do you mind if we join you?" Muli akong napalingon kay Flores na nagsalita. I was about to say yes but Tina interrupted me.
"No! We don't mind. Feel free to join us guys. Owemjiii!" Pinandilatan ko siya ng mata pero hindi niya 'yon pinansin. Wala naman na akong nagawa nang tuluyan na silang maupo sa table namin. Flores sat beside me, habang si Chaos naman ay tumabi kay Tina. The remaining two sat beside each of the member's side. Bale tatlo kami sa isang upuan, magkaharapan.
Muli kaming nagkarinig ng bulong-bulungan. Pero parang walang lang sa mga taong kasama ko ngayon. Of course! Kasi hindi naman sila ang maaagrabyado. Kun'di kami ni Tina.
Pasimple kong kinurot 'yung kamay ni Tina pero iniwas niya lang 'yon then she mouthed me 'relax'. Hindi ko kayang makapag relax 'no! Lalo na kung alam mong 'yong lalaking kinaiinisan mo ay nasa harap mo lang at nakatingin muli sa'yo!
Hindi na ako nakapagpigil pa. Kaya naman naglakas loob na akong komprontahin siya.
"Excuse me? May problema ka ba sa'kin?" Masungit kong tanong sa kanya. Pero nagmaang maang lang ito at saka nagtanong ng 'what'.
What, what mo mukha mo! Letse!
Napasinghap ako, gusto ko siyang kalmutin sa mukha at tusukin ng toothpick 'yong mga mata niya. Bahagya namang natawa 'yong mga kabanda niya dahil sa naging reaksyon ko.
"Don't mind him, Jersey. Ganyan lang talaga 'yang si Chaos." Nagsalita si Lucas kaya napatingin ako sa kanya. Napatango nalang ako sa sinabi niya at saka labas sa ilong na nagsabi ng 'okay'.
The group shared their foods with us. Formal din silang nagpakilala sa'min at hanggang sa dinaldalan sila ni Tina ng kung anu-ano. Malakas talaga ang loob ni Tina. Hindi siya natatakot at isa pa, dati na kasi siyang nagaaral dito sa school. Kaya parang wala na lang sa kanya kung magkaroon siya ng haters na Mystery. 'Yong mga fans ng TUD.
"Kamusta ka, Jersey?" Maya't maya'y natuon ang atensyon ko sa nagsalitang si Flores na nasa tabi ko lang.
"Ayos lang ako, Flores. Hindi na ako nananapak, nananadyak nalang." Pabiro kong sagot sa kanya. Kaya natawa naman ito, maski ang iba pa niyang kagrupo.
"Oo nga pala, nasabi sa'min ni Harden na ikaw nga 'yong nanapak sa kanya nung grade 4 kayo. Bakit anong ginawa niya sa'yo that time?" Tanong ni J.E.
Napakamot ako sa ulo. The heck?! Sasabihin ko ba? Nakakahiya kung malalaman nilang dahil 'yon sa palayaw ko.
"Because of her nickname. Pinagtripan ko kasi." Si Flores ang sumagot. Napansin kong nangunot naman 'yong noo ng tatlo niyang kabanda, including him, Chaos.
Luh. Chismoso din pala 'to. Kunwari walang pakialam pero gusto rin naman makinig.
"Yeah. Hopia kasi 'yong palayaw na bigay sa'kin ng papa ko. At dahil si Flores ay kilalang epal, pinagtripan niya 'yon. Nagsulat siya ng malaking 'hopia, mani, popcorn' mula sa blackboard namin no'n kaya ayun. Nasapak ko siya." Mahabang paliwanag ko sa kanila. Muli namang nagtawanan ang lahat, maski na ako. Nakita ko rin na parang nagpipigil ng tawa si Chaos habang nainom siya sa chuckie'ng hawak niya. Mabilaukan ka sana! Hmmp!
"So, is its still okay na Hopia parin ang itawag namin sa'yo?" Tanong ni Flores kaya agad akong umiling at nagsalita.
"I prefer you guys to call me by my name o 'di kaya Ya nalang, pwede rin." Sabi ko.
"But Hopia is more cuter than your name." Sagot ni Lucas na agad namang sinangayunan ni J.E.
"'Di ba, Chaos?" Dagdag pa nito. Nakita ko namamg ibinaba niya muna 'yong iniinom niya bago sumagot.
"Yeah." Simpleng sagot lang naman ni Chaos gamit ang usual type nitong boses na malalim sabay kain ng pringles. Sus! Labas sa ilong.
"More cuter." Dagdag nito 'tsaka tumingin sa'kin. Bigla naman nag-init 'yong pisngi ko sa sinabi niya. Kaya agad akong umiwas ng tingin at tumingin sa malayo.
"Magka-klase pala kayo 'no?" Tanong ni Flores sa'kin kaya napan sa kanya muli napunta 'yong atensyon ko.
"Oo, pano mo nalaman?" Tanong ko. Kasi hindi naman kami magkaklase eh. Ni hindi ko rin alam kung saang strand at section sila enrolled.
"Nabanggit kasi sa'min ni Chaos." Si J.E naman ang nagsalita. Lihim akong napangisi sa nalaman at saka nilingon si Chaos. Kitams. May pagkachismoso talaga 'tong patatas na 'to. Hindi ko ineexpect na sasabihin niya 'yon sa kabanda niya.
Hindi ko alam kung bakit siya naging patatas sa paningin mo. Basta ang alam ko lang ay nakakainis siyang nilalang. Ang sarap ihalo sa kinakain niyang pringles na malulutong.
"Ahhh." Tanging sambit ko. Sinabi naman nito na sa HUMSS siya enrolled at sa star section. Naamaze naman ako dahil do'n. In fairness since elementary kasi kami ay active si Flores sa klase at laging siyang top1 . Habang ako ay nasa top 4 lang o 'di kaya'y napupunta sa top 7 tuwing may nanay na nagrereklamo about sa grades ng anak. Samantalang 'yung dalawang natitirang miyembro ng banda ay sa ABM enrolled. Star section din at kaklase nila si Tina. So basically, kami lang ni Chaos ang naiiba ng landas.
'Basagulero kasi. Halatang walang pakialam sa grades. Mabuti pa iyong iba niyang ka-bandmates!'
Makalipas ang ilan pang minuto ay muling tumunog 'yong bell ng school, hudyat na tapos na ang break time. Kaya nagpaalam na kami ni Tina sa bandang TUD subalit sumabay na rin ang mga ito sa'min, since parepareho lang naman daw kami ng building na pupuntahan. Kaya hinayaan nalang namin 'yon at sabay sabay na nga kaming naglakad.
Nagmistulang mga body guards ang mga miyembro ng banda dahil sa naging histura namin. Para silang mga hot and gorgeous 4 knights maliban pala sa isa, na prinoprotektahan ang dalawang prinsesa sa gitna nila.
Bawat hakbang namin sa corridor ay may mga estudyanteng napapalingon at natutuon ang atensyon sa amin. Panay ang bati nila sa bawat miyembro ng bandang TUD. Gano'n din sa mga estudyanteng nakakasakubong namin. Maya't maya'y titili subalit nang siguro'y mapansin kami ni Tina ay titigil at saka magbubulong bulungan. Napalingon ako sa kasama ko at gano'n na lamang ang pagkakata ko nang makitang nakasuot ito ng shades habang nakachin up na naglalakad.
Aba! Kailan pa siya nagkaroon ng shades at bakit hindi ko 'yon napansin? Hindi man lang ako na-inform.
Una ng nagpaalam sa'min si Flores dahil sa bungad ng building lang 'yong classroom niya. Maya't maya'y sumunod naman 'yong tatlo kaya naman kaming dalawa nalang ni Chaos 'yong naiwan. Hindi ko alam pero biglang naging awkward 'yong paligid, idagdag pa 'yong mga masasamang titig at bulong-bulungan ng mga taong nadadaanan namin. Kaya naman napalingon ako sa lalaking katabi ko. Bahagya pa ko pang itinaas 'yong ulo ko para lang makita 'yong mukha niya. Matangkad kasi ito at hanggang balikat niya lang ako.
"Hindi mo naman siguro ako tatambangan 'di ba?" Mataray kong tanong. Napalingon naman ito sa'kin habang nakakunot ang noo, sabay panliliit ng mga mata.
"What?" Naguguluhang tanong nito sa'kin kaya naman irita akong napakamot sa pisngi ko at saka siya sinagot.
"Ang sabi ko, hindi mo na ba ako tatambangan?" Tanong ko pero mas lalong nanliit ang mga mata niya dahilan upang mawala iyon. Bakita napakaexpressive ng titig ng mga mata niya sa'kin? Ang sarap sundutin ng tinidor!
"Huh? Bakit kita tatambangan?" Imbes na sagutin ako ay nagtanong rin ito. Kung gano'n wala siyang balak na tambangan ako? O baka naman nagmamaang maangan lang ang isang 'to?
"WALA!" Masungit kong turan atsaka siya tinalikuran. Medyo nakalayo na ako sa kanya nang muli ko siyang marinig na magsalita. Ang lalim talaga ng boses niya, bagay para sa role ng pagiging killer kontrabida.
"Anata meccha hen dayo." Bulong nito sa sarili kaya napalingon akong muli. Binalikan ko siya at saka hinarap.
"What?" Tanong ko rito. Hindi kasi maliwanag 'yong pagkakasabi niya. Baka mamaya ay kinukulam na pala ako nito o ano. Isa pa, para kasi akong nakarinig ng dayo. So anong balak niya? Magtatawag ng dayo upang tambangan ako? Aba! Hindi 'ata makatwiran 'yon. Mag-isa ko lang tapos magtatawag siya ng kasama. Napakaduwag!
"WALA!" Masungit na sagot nito sa'kin, kopyang kopya 'yong tono ng boses ko kanina. Tinalikuran niya na rin ako at saka siya naglakad papalayo, hanggang sa hindi ko na siya tuluyang makita.
My jaw dropped. Literal akong napanganga dahil sa ginawa niya. Hanggang sa magpapadyak ako sa inis.
Ako dapat 'yong magw-walk out at hindi siya! Bwiset! Isa ka talagang malaking patatas!
Simula nang araw na 'yon ay kinainisan ko na siya ng sobra. He's a total pain in the ass! Sana pala ay talagang iniwan ko na siya noon at hindi na tinulungan pa nung araw na malasing siya. Dapat pala ay hinayaan ko siyang lapain ng maligno at kapag nangyari 'yon ay dapat mag-reincarnate siya bilang patatas. Kainis!