LOURD EROS HAVIEN
"Go Summer!" Napalayo ako nang konti dahil sa sigaw nitong katabi ko. Naiinis na talaga ako dahil sa ingay nya. Idagdag mo pang ang daming sumisigaw dito.
Ang ganda kase nang laban. Tapos ang galing ni Summer, Spiker pala ang ate nyo. And everytime she scores, the whole court will go wild. tsk.
Hindi ko naman sila masisisi dahil magaling naman talaga sya. Sya nga ang nagdadala nang team. Wala akong masyadong alam sa volleyball but I watched Haikyuu. so may konti akong kaalaman. So masasabi kong she's really great. May future sya sa volleyball.
Hindi ko alam kung ako lang ba dahil bakit parang nagiging hot si Summer sa paningin ko habang naglalaro sya? Lalo na at pawisan sya na mas nakadagdag nang appeal nya. Jeez.. I'm becoming a pervert because of Daisy. Sya ang sisihin natin dahil sya naman talaga ang nagsasabi sakin nang kung ano-anong kahalayan sa mga crush nya.
Nag time out ang kabilang team which is galing sa ibang school. Natambakan kase sila nang score.
Hindi ko namalayan na nakasunod na pala ang tingin ko kay Summer hanggang sa umupo sya sa bench at nagpunas nang pawis. She looks hot especially nung uminom sya nang tubig. Akala mo endorser sya nang absolute, pati tuloy ako ay nauhaw kaya napalunok ako.
But when she turned her eyes in my direction ay natauhan ako at agad na nagiwas nang tingin. Jeez self! Hindi ka lang madaldal, lutang kapa. Ano ba?! Ikinakahiya na talaga kita. Ang sarap mong itapon sa ilog. tsk.
"Kaaway mo nanaman ang sarili mo?" Biglang sabi ni Daisy kaya sinamaan ko sya nang tingin "Alam mo kung hindi lang kita talaga kaibigan baka ipina albularyo na kita." Sabi nya kaya hinampas ko sya sa braso.
"Baliw ka kamo." Sabi ko sakanya at uminom nang tubig. Natuyuan ata ako nang lalamunan.
"Ikaw kamo. Idamay mo pa ako."
"Damay-damay na to."
"Ang laki mong gagu."
"Same to you." Sabi ko at pareho kaming natawa.
"Confirmed. Pareho tayo." Naiiling na sabi nya. Baliw nga kami pareho. tsk.
Natapos ang game nang medyo paos na si Daisy. Kung makasigaw ba naman kase akala mo caller nang jeep. Akala mo may sweldo at todo bigay sya kanina. tsk.
"Restroom lang ako." Paalam ko sakanya. Tumango lang sya at tumuro as a sign na una na sya.
"Ayan, ano ka ngayon. Walang boses? Buti nga sayo." Natatawang sabi ko sakanya.
"Sulit naman." Mahinang sabi nya.
Naiiling nalang akong naglakad paalis. Mukha namang masaya sya kahit naubusan sya nang boses. Bilib din talaga ako sa isang yun. Taas nang energy.
Nang matapos ako ay saktong kabubukas ko lang nang pinto nang cubicle na pinasukan ko ay may biglang pumasok.
"What—" Naputol ang sasabihin ko nang takpan nya ang bibig ko bago nya ako isinandal sa may pinto.
Nanlalaki ang mga mata ko at nanigas sa kinatatayuan ko. I looked at the intruder and I was shocked to see Summer. Oh My God! Anong ginagawa nya? Don't tell me may balak syang masama sakin—
"I'm not gonna hurt you. Just stay still." Bulong nya sakin na para bang nabasa nya ang iniisip ko. Medyo nahiya ako dun, ang judgemental mo self. tsk.
I didn't move, sa halip ay napatitig nalang ako sakanya. Hindi sya nakatingin sakin at parang pinapakiramdaman nya kung may tao ba sa labas. Siguro ay may tinataguan sya pero hindi na ako nakapagisip pa.
I just looked at her with curiosity. She's really gorgeous. Hindi na ako magtataka kung bakit laman sya nang mga bulungan at pantasya nang lahat kahit ilang araw palang sya dito.
She doesn't look like the type of person who will hurt someone. It's strange but I don't feel harm in her presence. Sa halip ay kumalma ako.
Napakunot ang noo ko, she calms me? That's not possible. I always freaks out, and when I say always, as in always. No exception. But here I am admiring her face without heavy breathing kahit na nakatakip ang isang kamay nya sa bibig ko.
But the moment she looks at me with her green-hazel eyes ay nagwala na ang puso ko. I started to feel uncomfortable. I was slowly getting drowned by her stares. Seryoso lang syang nakatingin sakin but I feel like her orbs are talking to me. And that's weird, I'm weird.
"Sorry Mam." Sabi nya bago binitawan ang bibig ko. She sighed in relief afterwards. And I blinked multiple times when I realised what just happened.
"What the hell? What are you doing?" Kunot noong sabi ko sakanya
"I'm sorry. It's just that, I was hiding from someone." She said calmly. Ang kalmado nya pero eto ako at hindi mapakali. Ang bilis nang tibok nang puso at nagsimula nang maglikot ang mga mata ko dahil hindi ako komportable sa ibinibigay nyang tingin sakin. Ang init and being here in a small space with her is suffocating. Namamawis na din ang kamay ko. I need to get out.
Hindi ko na sya sinagot bago binuksan ang pinto at lumabas. Naglakad ako paalis at nakahinga lang ako nang maluwag nang makalayo na ako.
I don't know what just happened, but one thing is for sure. I don't like it. I don't like that she can make me stare at her. Ayokong tinititigan ako kaya hindi ko din ginagawa sa iba pero bakit pagdating sakanya ay hindi ko mapigilan? What's with her? I really need to avoid her, that's the plan.
Because i'm not liking these changes caused by her. Because of that Summer. Baka mamatay ako nang maaga dahil sa kinakapos ako lagi nang hininga sa presensya nya. tsk.
*****
Done posting the first three chapters. Hope you like it! Enjoy reading!