"Simala Shrine Church is a religious structure and establishment here at Sibonga Town, Cebu's southernmost province. In the 16th century, European missionaries which are the Spanish, planted the seeds of Catholicism in Cebu Province, and churches were built," k'wento ng instructor namin sa Philippine History. "Simala Shrine Church is now one of the most popular religious destinations in the Philippines. One of the most important aspects of most Filipino Catholics' lives is pilgrimages or visits to religious sites. This feature helps them maintain their confidence and persevere in the face of adversity."
Patuloy lang ang pagsasalita ni Ma'am pero hindi ito ina-absorb ng utak ko. Lumulutang ang isip ko at kahit anong pagkagusto kong makinig, hindi ko magawa. Naririnig ko naman ang mga sinasabi niya tungkol sa history ng simbahang ito pero hindi ko alam kung bakit wala pa rin akong maintindihan. Ang utak ko kasi ay lumulutang sa hangin kaya hindi ako maka-focus ngayon. Dahil ito sa sobrang kahihiyan na nangyari kanina. Napapabuntong hininga na lang ako sa tuwing naiisip ko ang ginawa kong katangahan.
Nakapasok na kami sa bungad ng Simala Shrine at unang apak ko pa lang sa loob, may naramdaman na akong kakaiba. Nakikita ko ang Kaharian ng Norland sa simbahang ito dahil sa pagkakahawig nila ng estruktura. Kaya naman pakiramdam ko ay nasa Kaharian ng Norland pa rin ako ngayon.
Mapapamangha ka talaga dahil sa disenyo na mayroon ang simbahang ito. Tila isa itong palasyo dahil sa sobrang ganda!
Palasyo...
Inilibot ko ang aking paningin. Sobrang lawak ng espasyo na nilaan para maipatayo lamang ito. Ang disenyo nito ay inspired sa mga palasyo na nakikita noong unang panahon ngunit ang pinagkaiba lamang ay mas in-extend ito. Mapapagod ka talaga kung lilibutin mo ang kabuuan ng simbahan. Nasa kalagitnaan ka palang, hinihingal at pasuko ka na. Ganoon kalawak ang simbahang ito na gaya rin sa palasyo ng Norland.
Kasalukuyan kaming naglalakad upang tuluyang makapasok sa loob ng mismong simbahan. Nangunguna ang mga instructor ng iba't-ibang department at nakasunod naman sa kanila ang mga student council, isa na nga roon si Raven o mas kilala bilang si Prinsipe Ravi. Hindi man nito aminin, malakas ang hinala kong siya ang reincarnate ng dating Prinsipe. Base na rin sa ipinayo niya kanina, masasabi kong may alam siya tungkol sa nakaraan. Pero naiinis pa rin ako sa kaniya ngayon dahil sa ipinayo niya kanina sa 'kin na agad ko namang sinunod. Dahil sa kaniya, mas napahiya ako kay Klein. Nagsisisi ako na nakinig ako sa kaniya. Sana ay hindi ko na lang ginawa iyon dahil never ko yata 'yon makakalimutan. Sa tuwing naaalala ko, kahihiyan ang aking nararamdaman.
"Hindi ba't napakaganda ng simbahan na ito?" tanong ni Ma'am Noble nang huminto kami sa gitna. Pinagitnaan kami ng magkabilaang hagdan. Tanaw na tanaw rin namin ang mismong simbahan.
Tumango ang lahat sa sinabi ng isang instructor. Maraming mga estudiyante ang sumang-ayon dahil totoo naman. Busog na busog ang aming mga mata sa ganda ng aming nakikita. Lalo na ang mga first time lang makapunta sa mga ganitong klase ng simbahan, hindi maitatanggi ang kanilang pagkamangha. Habang naglalakad ay kinukuhanan nila ng mga picture ang paligid.
Aside from the beautiful structures, spacious and green environment, you'll find various religious things inside and outside of the church.
Nanguna sa paglalakad ang mga instructor sa kanang hagdan. Nakasunod pa rin kaming lahat. Hindi raw kami p'wedeng magkaniya-kaniya dahil napakastrikto ng simbahan na ito. Kailangan na i-maintain lagi ang disiplina.
Maging sa pananamit nga ay may guidelines na dapat sundin, bawal magsuot ng maiksing short or skirt at bawal ang mga sleeveless tops. Kaya sinadya talaga namin na magpagawa ng sariling t-shirt para sa araw na ito, may sarili ding design ng shirt ang bawat department kaya categorized pa rin kami based on the color of our shirts. Kaming Accountancy ang Business Administration students ay kulay yellow. Ang mga Engineering at Architecture students naman ay kulay Maroon, katulad ng suot ni Klein kanina at ni Leslie. Hindi ko na alam ang ibang kulay at courses na narito. Sa kulay ng shirt namin, makikilala agad kung ano ang course namin.
Paakyat na kami sa hagdan nang sundutin ako ni Kaith sa tagiliran. "Hoy!"
"Oh? B-Bakit?" tanong ko.
"Sabi ko na nga ba, eh. Lutang ka na naman kaya 'di mo narinig mga dinadaldal ko rito. Ang sabi ko, picture-an mo ako mamaya sa lawa na 'yon." Itinuro niya ang parang lawa na nasa gitna. Tanaw na tanaw namin dito sa hagdan ang maliit na lawa na naroon. May ilang puno ang naroon at pinalibutan ng luntian na damo. Kung papansinin mo, para siyang isang hardin ngunit kulang ng mga halaman. Bilang lang kasi ang mga halamang nakatanim doon.
Pamilyar...
Tila ito ang hardin na nasa palasyo ng Norland. Katulad ng tanawin namin ngayon, may lawa rin ang hardin sa palasyo. Hardin na punong-puno ng magagandang ala-ala na binaon ko hanggang ngayon.
"S-Sige, kukuhanan kita ng picture mamaya. Gusto ko ring puntahan ang lawa na 'yan," ani ko.
Dahil sa pagk'we-kwentuhan namin ni Kaith, hindi namin namalayan na nauna na pala sa paglalakad ang mga kaklase namin samantalang naiwan kaming dalawa. Saka lang namin narealized noong ibang department na ang kasabayan namin sa pag-akyat sa hagdan.
"Buti na lang pala nahuli tayo," bulong ni Kaith sa tabi ko. Alam ko na ang tinutukoy nito dahil ang kasabayan lang naman namin ngayon ay mga Engineering at Architecture students na lagi niyang suki sa mga kaharutan.
"Oh, Kaith!" ani ng pamilyar na boses. "Nahuli yata kayo?" Sumabay sa amin si Leslie na pinsan ni Kaith, ang pinagkamalan kong si Prinsipe Dern.
Tumango lamang si Kaith sa pinsan niya.
Napansin kong may katabi pang isang lalaki si Leslie. Nang tinapunan ko ito ng tingin,gano'n na lamang ang kaba na naramdaman ko. Gusto ko tuloy magtago sa likod ng kaibigan ko.
"Nga pala, si Klein. Kaibigan ko simula high school days at katra-transfer niya lang sa University."
Dinaplisan lang kami nito ng tingin. Hindi 'yon nagtagal at itinuon din niya agad ang kaniyang atensiyon sa dinadaanan.
Ramdam kong nangamatis ang pisngi ko dahil naalala ko na naman ang ginawa ko sa kaniya kaninang nakasakay kami sa bus.
"Kilala namin siya, kaklase namin siya sa Philippine History." Tiningnan muli ni Kaith si Klein. Alam ko na ang gagawin nito, aasarin niya si Klein. "Hoy, Klein! Ngumiti ka naman kahit minsan. Alam mo mas malamig ka pa yata sa yelo dahil sa sobrang cold mo, eh."
As expected, parang hangin lang si Kaith dahil hindi na naman siya pinansin ni Klein.
Hindi na ako magtataka dahil ganoon din si Prinsipe Arsh noong unang yapak ko sa Kaharian ng Norland. Napakaseryoso at walang pakialam sa kaniyang paligid.
Naiilang na ngumiti si Leslie. "Pagpasensiyahan niyo na itong si Klein. Noong umulan yata ng pagka-cold, nalunod pa itong kaibigan ko."
"Okay lang 'yon. Kahit naman cold siya, 'di nakakabawas sa kapogian niya. For sure, mas marami pang magkakaguto sa kaniya dahil ayon na rin sa sinabi ni Zariya, mas nakaka-attract kapag may pagka-mysterious. 'Di ba, Zariya?" Kinurot ko nang palihim si Kaith. Nagsimula na siyang magdaldal kaya kailangan ko nang patigilin. Ako ang nahihiya dahil sa kaniya, eh. "Aray!" daing nito.
Pinandilatan ko siya ng mata. Ayokong magkaroon ng any conversation sa kaniya dahil sa kahihiyan na natamo ko kanina tapos ngayon, isasali pa ako nitong si Kaith sa pagdaldal niya kay Klein.
"Is that true? Na-aattract ka sa lalaking may pagka-mysterious?" Halos lumundag ang puso ko dahil sa tingin na pinukol niya sa akin. "Now I know why you did that to me awhile ago, because you are attracted to me."
Napaawang ang bibig ko dahil sa hindi inaasahang sinabi niya. Talaga namang pinaalala pa niya ang ginawa ko kanina. "H-Hoy! Hindi, ah! Anong attracted ako sa 'yo?" Pinilit kong tumawa para magmukhang hindi apektado. "Asa!"
I heard him chuckled.
Naguguluhang nagpabalik-balik ng tingin sa amin si Kaith. Si Leslie naman ay nahuli kong ngumigiti nang palihim. Anong trip niya?
"Teka? Anong sinasabi ni Klein na ginawa mo kanina?" nagsimula na siyang maganong. Pero imbes na sagutin ko ang tanong ni Kaith, hinila ko na lamang siya upang makahabol sa mga kaklase namin. Hindi naman kami nahirapang sumingit sa mga iba pang estudyante at ilang minuto lang ay kasabayan na namin sa paglalakad ang mga ka-department namin.
Sinipat ako nang marahan ni Kaith. "Hindi mo pa sinasagot tanong ko. Anong tinutukoy ni Klein? Close na pala kayo?"
"Eh, kasi nga ano... Siya 'yong katabi ko kanina sa bus."
Tiningnan niya ako ng 'oh, really?' look.
"Tapos?"
Nagdadalawang-isip ako kung sasabihin ko ba sa kaniya. Pero at the end, sinabi ko pa rin. "Hinalikan ko siya!"
Napatakip siya ng bibig dahil sa pagkabigla. "Hala! Seryoso?"
Tumango ako.
"Gwapo si Klein at 'di ako magtataka na magkagusto ka sa kaniya pero 'yong halikan siya? Zariya, anong sumapi sa 'yo?" Natatawa niyang tanong.
"Akala ko kasi kapag hinalikan ko siya, maaalala na niya ako."
Mas lalong kumunot ang noo ni Kaith sa sobrang confusion. Magtatanong pa sana ito ngunit hindi ito natuloy dahil nakaakyat na kami sa mismong simbahan.
Nagsimula na muli magsalita ang instructor namin tungkol sa history ng Simala Shrine. Ngunit ang isip ko ay nanatiling nakalutang dahil hanggang ngayon, iniisip ko pa rin ang paghalik na ginawa ko kay Klein.
Matapos ko siyang halikan, akala ko ay babalik na muli ang ala-ala niya ngunit hanggang akala lang ako. Hindi pa rin niya ako maalala pagkatapos ng halik na 'yon bagkus tinanong niya ako kung bakit ko siya hinalikan.
Sobrang pagkadismaya talaga ang naramdaman ko.
Bakit? Bakit 'di niya ako maalala?
Tahimik kaming pumasok sa loob ng simbahan. Kabilin-bilinan na huwag kaming mag-iingay dahil iyon ang isa sa mahigpit na pinagbabawal. Hinati by department ang mga papasok dahil hindi naman kami kakasya sa loob kung magsasabay kaming lahat. Hindi lang kasi kaming mga estudyante ang narito. Marami ring ibang tao na galing pa sa malalayong lugar ang bumisita sa simabahan ngayong araw.
Nauna ang department naming CABA na pumasok sa loob. Pagkapasok na pagkapasok, agad maagaw ang paningin mo sa mga paintings na nakasabit at nakaukit sa pader ng simbahan. Makikita rin sa loob ang massive statue of the Virgin Mary, sculptures or idols of various saints, and various depictions and statues of the Virgin Mary from various cultural contexts, such as the Virgin of Guadalupe or the Virgin in a kimono.
Iginaya kami ng mga instructor ng tamang pagluhod bago taimtim na nagdasal. Sinulit ko na ang pagkakataong ito, lahat ng mga importanteng tao sa buhay ko ay isinama ko sa dasal ko. Nangunguna na ang pamilya ko na sobrang miss ko na. Alam kong ilang minuto lang ang pagkawala ko sa modernong mundo ngunit ang pananatili ko sa Kaharian ng Norland, ay umabot din ng ilang buwan. Hindi na ako makapaghintay na makauwi na upang yakapin nang mahigpit sina Mama at Papa.
Pero sana bago kami makaalis sa lugar na ito, maalala na niya ako.
Matapos kaming nagdasal, nag-aya ang isa kong kaklase na pumunta sa sinasabing Nazareth Well ng Simala Shrine Church. Halos lahat kami ay nais puntahan 'yon kaya naman noong ibang department na ang nasa loob ng simbahan, grinab namin 'yon as opportunity para magpaalam na mauuna na kami sa wishing well. Pumayag naman ang instructor namin kaya abot hanggang tenga ang ngiti naming nakarating sa Nazareth Well.
Naunang lumapit ang iba kong mga kaklase sa wishing well, kasama na ang mga kaklase ko. Nagpaiwan muna ako dahil masiyado na silang marami na nakalibot sa balon. Nakangiti lamang ako habang pinagmamasdan sila.
That was a replica of the Nazareth Well, where people throw coins into the well while secretly wishing for something. Wishing wells were undoubtedly inspired or introduced by European culture, but has been embraced by other cultures, including Filipino culture.
Nang isa-isa na silang nagsialisan, saka naman ako lumapit. Wala nang estuyante ang natira maliban sa akin. Kinuha ko lahat nang coins na nasa wallet ko, buti na lang at hindi ito nawawalan ng barya. Bago ko ito hinulog, inilapit ko muna ang kamay ko na naglalaman ng barya sa tapat ng bibig ko. Ipinikit ko ang mga mata ko at taimtim na humiling.
Sabi nila, mapagmilagro ang wishing well na ito kaya umaasa ako na didinggin ang hiling ko.
Taimtim akong humiling.
Kasabay nang pagmulat ng mga mata ko ang pagtapon ko ng mga baryang hawak ko sa balon.
"Anong hiniling mo?"
Napalingon ako sa nagsalita. Nasa tabi ko na siya at seryosong nakatingin sa akin. Sa tuwing nagtatama ang mga mata namin, hindi ko mapigilang hindi tumitig sa kaniya pabalik.
Naghihintay siya ng sagot ko.
Ngumiti ako sa kaniya. "Hiniling ko na sana... maalala mo na ako."
Sana maalala mo pa ako, Prinsipe Arsh.