MISTRESS SERIES: UNRESTRICTED...

By ArjeanApolinario

365K 7.9K 856

A picture-perfect couple, that couldn't wish for anything more since they seemingly have everything anyone co... More

PROLOGUE
CHAPTER ONE
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN
CHAPTER ELEVEN
CHAPTER TWELVE
CHAPTER THIRTEEN
CHAPTER FOURTEEN
CHAPTER FIFTEEN
CHAPTER SIXTEEN
CHAPTER SEVENTEEN
CHAPTER EIGHTEEN
CHAPTER NINETEEN
CHAPTER TWENTY
CHAPTER TWENTY ONE
CHAPTER TWENTY TWO
CHAPTER TWENTY THREE
CHAPTER TWENTY FOUR
CHAPTER TWENTY FIVE
CHAPTER TWENTY SIX
CHAPTER TWENTY SEVEN
CHAPTER TWENTY EIGHT
CHAPTER TWENTY NINE
CHAPTER THIRTY
CHAPTER THIRTY ONE
CHAPTER THIRTY TWO
CHAPTER THIRTY THREE
CHAPTER THIRTY FOUR
CHAPTER THIRTY FIVE
CHAPTER THIRTY SIX
CHAPTER THIRTY SEVEN
CHAPTER THIRTY EIGHT
CHAPTER THIRTY NINE
CHAPTER FORTY
CHAPTER FORTY ONE
CHAPTER FORTY TWO
CHAPTER FORTY THREE
EPILOGUE
KAILAN TAMA ANG PAG-IBIG?

CHAPTER EIGHT

8.1K 170 14
By ArjeanApolinario

"Hello... are you still there, Raffi?" Napabalik-huwesyo naman ako nang marinig ko ang pagsasalita ng kausap ko na nasa kabilang linya. It's Trina, nasa ibang bansa ito kaya wala siyang kaide-ideya na magkasama kami ni Gabriel ngayon sa iisang bubong.

Kahit gusto ko mang ipaalam at ikwento sa kaniya ay wala akong lakas ng loob... dahil bali-baliktarin man ang mundo , mali itong ginagawa namin ni Gabriel. May asawa siyang tao at gumagawa kami ng mga bagay na hindi namin dapat ginagawa dahil isa lamang akong baby-maker niya, na mawawalan na ng koneksyon sa kaniyang buhay after nine months, kapag naisilang ko na ang anak niya. Kasabay nang pagkaputol ng umbilical cord na nagkokonekta sa amin ng baby niya ay ang pagkaputol din ng koneksyon naming dalawa. Kaya ayaw ko ng marami pang tao ang masangkot sa gulong ito, as much as possible, I will keep this on my own.

"Y-yes, Trina... kumusta?"

"Okay lang ako rito, ikaw... ikaw ang kumusta riyan, kumusta ang pagbubuntis mo, nahihirapan ka ba? Mga cravings mo, nakukuha mo naman?" tuloy-tuloy na tanong nito.

"Oo, Trina... lahat ng cravings ni baby ay napupunan ng Daddy niya. Even my cravings for his touch, his kisses, and his presence beside me ay napupunan niya mismo." Gusto ko sanang isagot kay Trina ngunit hindi maaari...

"Okay naman ako, Trina. Oh siya at baka busy ka, nakakahiya naman sa 'yo. I already caused you so many troubles this past days and months... atsaka, salamat pala ha, kasi pinunan mo pansamantala ang kulang na kalahati sa utang ng Hacienda-"

Hindi pa ako tapos magsalita nang pinutol niya naman kaagad ito.

"Oh my! Oo nga pala, about that... ano, ayos na ba? Nagkapirmahan na kayo nina Carlos De Guzman? Absuwelto ka na sa pagkakatali sa kaniya?" tuloy-tuloy namang tanong ni Trina kaya hindi ko maiwasang hindi mapangiti.

How thankful I am to this woman... Trina is one hell of a good friend, a true loyal best friend that I never wished for but God is really good to give her to me.

"Thank you, bes... I owe you all of this, oo, maayos na ang lahat. Ipinangalan na sa akin ni Mama ang buong Hacienda. At sobrang saya niya dahil hindi ko na raw kailangang ipakalulo ang kaluluwa ko sa kampon ng demonyo--"

"Gaga! Kung alam lang ng nanay mo, na sa mismong demonyo mo ipinakalulo ang kaluluwa mo para lang mabayaran ang kautangan at mabawi ang Hacienda niyo! Anyway, okay na rin, Gabriel Mondragon is a hot delicious demon naman eh!" Natawa naman ako sa pagbinigay opinyon nito. Which is true, Gabriel Mondragon is a hot demon that I will surely and gladly sold my soul to.

"Baliw ka talaga, Trina! Basta, kapag nakapanganak na ako ha, doon ko na lang ibibigay ang pinahiram mo na kulang sa akin..." pag-iiba ko na lamang ng usapan.

"No worries! Alam mo namang ikaw lang ang kaisa-isang taong pinapautang ko na walang interest. Basta be careful, Raffi. Lalo na kung magbalak kayong magkita ni Gabriel, it will not do good for the both of you, lalo na sa iyo. Pero kung ako sa iyo, don't let him na to see you hangga't hindi mo due date... please lang. I've heard from my reliable sources, Rowena Mondragon don't want to have an adopted child na bagong silang na bata... kaya 50-50 pa rin ang little angel natin. Basta ano mang mangyari at maging desisyon ng Gabriel na iyan, i-secure mo pa rin ang payment. Okay?" At parang naging wake up call naman ang mga sinabing iyon ni Trina sa akin ngunit wala na...

"Don't worry, Trina. I can handle this. I am sure I can.Thank you. And take care."

Kung alam mo lang ang mga kagagahang pinanggagawa ko ngayon. Paniguradong sasabunutan mo ako at sasampalin kaliwa't kanan, magising lang sa kahibangan kong ito.

I am already with him, Trina... Hindi ko lang ipinakalulo ang kaluluwa ko sa demonyo, kundi pati puso't isipan ko na rin.

I am already falling in love with him...

But I will try my very best just to keep this unrestricted desires of mine for him on my own.

Hindi niya maaaring malaman ang tungkol sa pesteng nararamdaman kong ito ngayon, may asawa na siya... at baby-maker niya lang ako. Kaya mali, maling-mali... hindi na kami puwede, hindu na kami maaari para sa isa't isa.

Isa na lamang kami sa kaso na,

Pinagtagpo pero hindi tinadhana.

**********

Naalimpungatan ako sa haplos ng isang kamay sa aking pisngi. Pagkamulat ko ng aking mga mata ay mukha ng isang gwapong nilalang ang tumunghay sa akin.

"Gabriel..." mahinang sambit ko.

"Bakit dito ka natutulog, Rafaela?" tanong niya, napaayos naman ako ng pagkakaupo sa sofa at napatingin sa oras sa wall clock.

Alas dose na pala ng madaling araw.

"I am waiting for you ..." deretso kong sagot sa kaniya na napahaplos lang siya sa kaniyang malambot na buhok.

"You should always comfortably sleep early, Raffi. Paano na lamang kung mapano ang baby ko dahil sa kapabayaan mo?" medyo may diing sambit nito, kaya napayuko ako.

"S-sorry..." Hindi ko maintindihan ang sarili ko, maayos naman ang pagkakasambit nito pero feeling ko ang laki-laki na ng kasalanang nagawa ko at pinapagalitan niya ako.

Hinaplos niya naman ang aking mukha kaya napatingala ako sa kaniya.

"Sige na, umakyat ka na sa kwarto. Magpahinga ka na... at next time, hindi mo naman ako need hintayin, Raffi. You have no responsibility to take good care of me, its a job meant for my wife. Your job is to only take extra good care to my child in you."

At parang sampal naman iyon sa akin... Oo nga naman, baby-maker niya lang ako... binayaran at inupahan niya lang ang matres ko para alagaan ang tagapagmana niya. Iyon lang... no more, no less.

Inalis ko ng marahan ang pagkakahawak niya sa aking pisngi at tumayo na...

"Goodnight," sambit ko lang at pumanhik na sa taas para matulog.

********

Hindi ako makatulog... ngunit nakatagilid lang ako at matamang nakatingin sa medyo nakabukas na kurtina na nagtatabing sa ceiling to floor na glass window ng kwarto ko. Tanaw na tanaw ko mula sa aking gawi ang kabilugan ng buwan.

Para kaming araw at buwan ni Gabriel Mondragon... Nag-eexist sa iisang kalangitan ngunit hinding-hindi magtatagpo ang mga kapalaran naming magkakasama balang araw.

Nasa ganoong pag-iisip lang ako nang maramdaman ko naman ang paggalaw ng kama, ang presensyang tumabi sa akin at ang pagyakap ng kamay nito sa aking bandang tiyan. Kaya napapikit na lang ako bigla at nagpanggap na kunwari'y tulog na.

Dinampian niya naman ng marahang halik ang aking batok...

"Goodnight, Raffi. Sana ay noon pa kita nakilala noong mga panahong malaya pa ako."

Continue Reading

You'll Also Like

10.1M 391K 36
X, the green-eyed handsome boy who hangs around Quiapo, Manila, is the suitor of Rita. She believes her future is uncertain if she ends up with him a...
626K 11.2K 65
An innocent girl unexpectedly seduces her boss even though she doesn't know.
434K 6.8K 53
"What happened to us?" -Deiva Book Cover by: Royce Alliah Dematera
3K 82 36
[Completed] Started: May 28,2022 Ended: June 7,2022 Revised: JANUARY 16,2024 END OF REVISED: FEBUARY 2,2024