Sweet Vittoria Reigns

By solaceinstellar

297 66 0

The day I fell in love with him was also the moment I took the first step in dancing with the devil. More

PANIMULA
KABANATA - 1
KABANATA - 2
KABANATA - 3
KABANATA - 4
KABANATA - 5
KABANATA - 6
KABANATA - 7
KABANATA - 8
KABANATA - 9
KABANATA - 10
KABANATA - 11
KABANATA - 12
KABANATA - 13
KABANATA - 14
KABANATA - 15
KABANATA - 16
KABANATA - 17
KABANATA - 18
KABANATA - 19
KABANATA - 20
KABANATA - 22
KABANATA - 23
KABANATA - 24
KABANATA - 25
KABANATA - 26
KABANATA - 27
KABANATA - 28
KABANATA - 29
KABANATA - 30
KABANATA - 31
KABANATA - 32
KABANATA - 33
KABANATA - 34
KABANATA - 35
KABANATA - 36
KABANATA - 37
KABANATA - 38
KABANATA - 39

KABANATA - 21

5 1 0
By solaceinstellar


"Blooming naman talaga!" parinig ni Mara. "Sana all! When kaya!"

Nangisi lang ako sa mga sinabi niya habang bitbit ang tray papuntang table 4.

"Here's your order, Ma'am," ani ko sa isang babae. Pinakatitigan niya ako saglit bago binaba ang tingin sa order niya.

"Thank you," ngiti niya.

Tumango din ako at ibinalik ang tray sa counter. Bago pumasok sa kusina. Lahat ng naroon ay abala sa kani-kanilang ginagawa. Umapoy ang kung ano mang niluluto ni Chef Luigi ng lagyan niya ito ng wine. Di kalayuan ay kunwari'y nag-oobserba si Ma'am Fernandez sa mga ginagawa ng mga tao roon pero nakita kong tumatagos ang paningin kay Chef.

Nginitian ako ni Chef ng nakita niya akong kinuha ang trolley na sink kung saan nilalagay ang mga pinanggan na pinagkainan.

Ma'am Fernandez's head snapped toward my direction and her eyes turned slit. Nag-umpisa siyang lumapit sa amin kaya mabilis akong umalis roon. Natatawa na lang ako kay Ma'am Fernandez. Ang cute niya pag binabakuran si Chef.

Kung hindi niya lang alam na patay na patay din naman iyon sa kanya.

Kinuha ko ang mga plato sa mga mesa na inalisan na ng customer. Pinunasan ko ang mesa para makuha ang mga natirang pagkain. Nag-spray din ng disinfectant at pinunasan ulit.

Ganoon lang din ang mga ginawa ko sa ibang mesa. Paunti ng paunti ang customer dahil palalim na ng palalim ang gabi. Malapit na mag-end ang shift ko.

Nagpaalam si Lucas na hindi siya ngayon makakasabay dahil marami siyang inaasikaso na trabaho sa opisina niya. Palagi kong nadidinig sa mga kausap niya sa phone na pinapabalik na siya sa headquarters mismo ng kompanya nila.

Ayaw niyang sumunod. Palaging 'No' ang sagot kaya ang kapalit, hinahatid o pinapa-send through email ang mga paper works niya at mga proposal na dapat i-review.

Nagpadeliver na nga lang siya ng dinner sa akin. Hindi ko naman shift pero dahil mula sa kanya ay hindi ako pwedeng tumanggi. Dalawang meals ang in-order niya iyon pala ay sabay kaming manananghalian sa opisina.

Tinapos ko na muna lahat ng natitirang gawain bago nag-out. Nagpaalam ako kay Mara at lumilibot na lang ang mga mata ko sa kung ano-anong lumalabas sa bibig niya.

"Ang sarap ng buhay ni Torry. Tapos ng work, ror ror agad,"

Na-e-eskandalo akong tumingin sa paligid dahil baka may maka-rinig. "Bibig mo, Mara ha," ismid ko pero nangingiti.

"Bibig ko masarap humalik,"

Napahalakhak ako. "Mabigat ba? Mabigat ba magbuhat ng sariling bangko?"

She scoffed. "Hindi ako babalik-balikan ng mga banyagang iyon kung hindi iyon totoo!"

"Alam mo para kang Pilipinas noong unang panahon. Palaging nasasakop ng mga banyaga,"

Humagikhik siya. "Anong magagawa ko kung katulad ng Inang bayan ay maraming naakit sa kagandahan at pagiging puro nito?" she batted her eyelashes.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Puro ka pa ba?"

"Oh, you have to try me for you to find out," ngisi niya. Fluent ang English niya in fairness.

"Kadiri ka!" ani ko.

Humalakhak siya sa nandidiri kong reaksiyon. "Mandiri ka hanggang gusto mo, Torry. Pero sa iba katakam-takam naman ako,"

Sobrang ganda ni Mara. At alam niya iyon. Ginagamit niya para mapaamo ang natitipuhang lalaki.

Umikot ulit ang mata ko at iniwan na talaga siya doon. Bumalik na ako sa room ko ng pihitin na ang doorknob ay huminto ako. Ni-lock ko ulit ang pinto at tinungo ang suite ni Lucas.

Binigyan niya ako ng spare key kaya malaya akong nakakapasok doon kung kailan ko gusto. Kumunot ang noo ko ng wala naman siya doon. Tinawag ko ang pangalan niya sa loob pero wala talagang tao. Hinalughog ko ang buong silid pero wala siya doon. There's no sign that he already went to his room.

Lumabas ako at tinahak ang daan papuntang opisina niya. Nag-aalangan pa akong kumatok.

"Come in." Ang malalim at baritono niyang boses ay lumakbay sa bawat himaymay ng katawan ko.

Sa mga nagdaang araw ay hindi ako sanay na hindi siya nasisilayan bago matulog. Hinahanap siya ng mata ko.

Pumasok ako at hindi man lang siya nag-angat ng tingin. Nakayuko siya sa tambak na mga papel sa lamesa at may sinulat o pinipirmahan yata. Masyado siyang abala sa kung ano mang ginagawa na hindi niya ako napansin.

Nakasuot siya ng black-rimmed glasses at nakakunot ang mga noo. Seryosong-seryoso sa ginagawa niya habang ako ay nanatiling nakatayo sa hamba ng pintuan.

Balak ko na sanang umalis doon dahil ayaw kong disturbohin siya... pero gusto ko na din na magpahinga siya. Malalim na ang gabi. Kanina pa siya dito tutok sa trabaho. Oras na din para magpahinga.

Umatras ako para lumabas pero siguro'y may titingnan si Lucas sa laptop niya kaya nagtaas siya ng tingin. At nang pag-angat ako ay doon lang nagtama ang mga mata namin.

His lips slightly parted and he heaved a sigh of relief. Lumambot ang mga mata niya. Sumandig siya sa swivel chair at tinitigan ako mula roon.

"Mag-a-alas-dose na," paalala ko at lumapit sa kanya.

Nangunot ang noo niya at mabilis na napatingin sa relo sa palapulsohan.

"Fuck," he cursed. Tinanggal niya ang salamin at minasahe ang pagitan ng mga mata.

Inilapag ko ang tote bag sa may sofa kaharap ng desk niya at pumunta sa likod nito. Inumpisahan ko siyang i-massage sa balikat.

Nanigas pa ang katawan niya noong una. Nag-relax din naman kalaunan sa mahihinang masahe ko. Dati noong high school at hanggang noong buhay pa si Lolita ay minamasahe ko siya. Palagi kasing masakit ang katawan 'nun dahil sa araw-araw na pagkayod.

"Hmm. That's good," he mumbled. "Where'd you learn it?"

"Sa sarili ko lang din. Minamasahe ko kasi si Lolita noon... pati si Vlady minamasahe din si Lolita. Ako pa nga sa kanya nagturo,"

Tumango siya at ilang sandaling katahimikan ang lumipas habang patuloy ko siyang minamasahe sa balikat.

"Do you do this to your customer back in the strip club?"

Natigil ako. "Hindi," ani ko bago nagpatuloy.

Muli kaming natahimik dalawa. Ilang minuto ko pa siyang minasahe bago siya nagsalita.

"That's enough. Come here," ani nito bago hinawakan ang kamay ko na nasa balikat niya at iginaya paupo sa kanyang kandungan.

He wrapped his arms around me and grazed his lips on my collarbone. Nagtanim siya roon magaan na halik. Gumapang iyon pataas sa panga ko hanggang mapadpad sa ilalim ng tenga ko.

"I miss you," he whispered and softly sucked my collarbone.

Napahawak ako sa mga matititas at malalaki niyang braso. "N-Nagkita lang tayo kaninang tanghali,"

"And I miss you still." Bawat kibot ng labi niya ay nadadama ng balat ko.

His hands started wandering until it's inside my shirt. He touched my ribs back and forth just below my boobs. Napahinga ako ng malalim. Natunaw ako sa mga bisig niya.

Ikiniskis niya ang ilong sa kahabaan ng leeg ko at sinipsip lang ng bahagya ang balat roon. He was tugging the collar of my T-shirt down my shoulder so he can kiss them better. Mas lalo akong napasinghap ng naramdaman ko ang mainit at unti-unting lumalaki na bagay na inuupuan ko.

He wants me.

He groaned and stopped on his track. Isiniksik niya ang mukha sa leeg ko at mas lalong humigpit ang yakap sa akin.

"Vittoria baby, please stop seducing me," pakiusap niya.

Napaawang ang labi ko at hindi makapaniwalang tumingin sa kanya. "Wala naman akong ginagawa ah!" anas ko.

"Kahit na." Iling nito. "Kahit tumayo ka lang sa sulok... wala, nauulol pa din ako." His hot breath joined his stubble that was tickling me.

"Hindi ko kasalanan na puro sex lang ang pumapasok sa isip mo tuwing nakikita mo ako," ismid ko.

Umahon siya at supladong nakatingin sa akin. "That's not true," may diin niyang saad.

"Eh anong ibig sabihin mong nauulol ka?"

"I..." he frowned then sighed. "I'm so physical with you. Hindi ako mapakali na nakikita ka pero hindi naman nalalapitan, nahahawakan o nakakausap," ani nito. "Pero mas lalong hindi ako mapakali kung hindi kita nakikita,"

Napatikom ang labi ko. Hindi ko alam ang sasabihin dahil ang mga paru-paru sa sikmura ko ay nagulo na naman.

Muli niya akong niyakap at ipinatong ang mukha sa dibdib ko. I was sitting sideways. Hinayaan ko lang siya na ganoon. Pinaglandas ko ang mga daliri sa buhok niyang malalambot at may kahabaan na. We stayed in that position for nearly half an hour, both are silent and only our breathing and the beating of our hearts were to be heard. He was so at peace. Ramdam ko ang pagod niya at ang pagpapahinga niya doo. Nag-aya siyang bumalik na kami sa kwarto naming pagkatapos.

Hinatid niya muna ako sa kwarto ko habang hinahawakan ang aking kamay. Nang huminto kami sa harap ng pinto ko ay ayaw ko pang lumingon sa kanya. He finger-fucked me on this door. Simula noon ay hindi na ako makatingin sa pinto ng kwarto ko ng hindi iyon naaalala.

"Can't I sleep with you?" nguso niya.

Natawa ako at in-unlock ang pinto. "Hindi pwede,"

He frowned. "Bakit hindi?"

"Basta."

"We already had sex, Vittoria. I've fingered you and tasted you with my mouth,"

Kumalat ang init sa dibdib ko. Hindi ko siya magawang lingunin sa bulgar niyang mga sinabi. Nanatili akong tahimik.

Bumuntong-hininga siya. Nakatayo siya sa gilid ko, nakasandig ang balikat sa hamba ng pinto. Isinandig niya na din ang gilid na noo sa hamba ng pinto bago pinakatitigan ako ng matagal. His eyes burned my face as I look straight ahead.

"Can't you sleep with me?" lambing niya.

Binuksan ko na ang pinto at pumasok sa loob. Nanatili siya sa labas pero nakasandig ang gilid ng ulo niya sa hamba nito habang nakapamulsa.

"Good night, Lucas," ani ko.

Tumaas ang sulok ng labi niya at namumungay ang mga mata akong tinitigan ng ilang segundo bago nagsalita.

"Good night, Vittoria," sagot niya sa namamaos na boses.

"Sa sabado? Ano, Torry?" tanong ni Mara sa amin habang umuupo kami sa bakanteng mesa kasama sina Jeff at Gerald.

Nag-isip-isip ako saglit. "Anong oras ba?" nguso ko.

Umismid si Mara bago sumagot. "Gabi naman! Mga alas-otso,"

"Si Torry naman, birthday ko na nga lang iyon di ka pa pupunta," pangongonsensya sa akin ni Mara.

"Kumalma ka nga," ani ko kay Mara. "Pupunta naman ako, tinatanong ko lang kung anong oras kasi baka..." Binitin ko ang sasabihn sa ere ng napagtanto kung ano ang sasabihin.

Nanliit sa akin ang mga mata ni Mara at Jeff sa kung ano man ang dapat kong sabihin. Si Gerald ay nakatutok sa cellphone pero alam naming nakikinig siya sa anumang pinag-uusapan.

"Totoo ba daw, Torry? Na pumunta kayo ni Sir sa mga Lagoons?" usyuso ni Jeff, hindi na napigilan. Kanina pa 'to patingin-tingin sa akin, eh. Nangangati na yata ang dila sa pagtatanong.

"Hmm." Tango ko. May pakpak nga talaga ang balita.

Kinabukasan sana pagkatapos bisitahin ang mga Lagoons ay susunod na naming bibisitahin ang Snake Island, Shimizu Island at Nacpan Beach. Hindi nga lang natuloy dahil dumating ang period ko. Sobrang sakit ng puson ko na binaon ko ang sarili buong araw sa kama.

Imbes na magpahinga o magtrabaho si Lucas ay siya na nagluto ng pagkain ko at ihahatid sa kwarto ko. Dala niya ang laptop niya at doon mag-tatrabaho pati virtual meetings sa coffee table.

Binabantayan ako ng tingin niya madalas at sa hindi malamang kadahilanan ay binabalik ko tingin niya. Our eyes talked. Natagpuan ko na lang siyang sinisiil ako ng halik. We ended up making out while his on a meeting.

"Sabi sayo ayaw mo maniwala eh! Narinig kong pinag-uusapan sila doon sa kabilang resto," ani ni Mara kay Jeff tapos bumaling sa akin. "May narinig at nakapagsabi pa nga sa akin na labas-masok daw si Sir sa room mo,"

Nasamid ako sa sarili kong laway. Umahon ang ulo ni Gerald at nanlalaki ang mga mata ni Jeff. Kasalanan 'to ni Lucas, eh.

Sinabing wag madalas pumasok sa kwarto ko pero ang tigas ng ulo. Wala talaga siyang pakialam sa iisipin ng ibang tao. Even if it's us consitently fucking each other behind the closed doors of our room.

Kita ko ang malisya sa mga mata nila. Hindi ko sila masisisi kung iisipin nilang may nangyayari sa amin tuwing pumupunta si Lucas sa room ko. Halikan lang ang nagawa naming sa kwarto ko pero ang huli ay ang sa pinto ko. At mahabagin, mga daliri at kamay niya nga lang ang ginamit niya noong panahon na iyon.

"Ano na ba kayong dalawa ni Sir, Torry?" si Gerald na nangungunot ang noo.

Nag-aabang na mga mata ang iginawad sa akin nila Mara at Jeff. Bumuntong-hininga ako bago tumingin sa labas. May mga pamilya sa dalampasigan. May mga batang naglalaro ng buhangin habang pinipicturan sila ng mga magulang nila.

"Hindi ko alam," tanging saad ko. Ang pakiramdam ay nasa relasyon kami minus ang label.

"Pero M.U. naman kayo?" si Jeff.

"Oo,"

"Nanliligaw ba siya sayo?" si Gerald ulit. Ibinaba niya na ang phone niya at itinabi.

Tumango ako.

Nagngising-aso si Mara. "Nasa sa iyon naman pala ang powers, Torry! Wala ka ng dapat ipag-alala. Basta kung hindi ka mapakali na hindi makita si Sir ng isang gabi, isama mo na lang sa birthday—"

Bumusangot ang mukha ko sa kanya. "Hindi naman sa ganoon," buntong-hininga ko. Wala na akong choice kung hindi ang sabihin sa kanila. "May plano kasi kami ni Lucas... kaya tinatanong ko kung anong oras ang handaan at baka alam niyo na... parehas pala ng oras," ani ko. "Para malaman ko na agad at masabihan si Lucas na hindi kami matutuloy,"

Sumipol si Jeff habang si Gerald naman ay nakakalokong ngumisi. Lalo lang bumusangot ang mukha ko. Si Mara ay may tinitingnan sa ilalim ng mesa.

"Gerald may natatapakan ka yata," ani nito.

Napatingin kaming lahat sa ilalim ng mesa pero kumunot ang noo ko ng wala naman akong nakikita.

"Ikaw din Torry, natatapakan mo na!" seryosong saad ni Mara at tinapik-tapik pa ang tuhod ko para itaas ang paa.

Mas lalong nagsampok ang mga kilay namin. "Asan ba?" si Gerald.

"Wala naman, Mara," ani ko habang patuloy sa pagtingin sa ilalim ng sandals na suot.

"Gerald natatapakan mo nga!" ulit ni Mara.

Dumaing si Gerald. "Asan nga?! Ang ano ba?!"

"Iyong buhok ni Torry natatapakan mo! Haba ng hair at patay-patay talaga si Sir eh," sabi niya at malakas na tumawa.

Malakas na tumawa ang dalawang lalaki habang tumiim ang mga labi ko. Tumalim ang tingin ko kay Mara.

"Mga bwesit!" maktol ko.

"Bwesit daw pero kinikilig naman," siko sa akin ni Jeff na natatawa pa.

Ngumuso sa turan nila... para na rin maitago ang ngiti.

"Bakit ako ba ang pinagdidiskitahan niyo? Eh si Mara nga may bago na naman nabudol," asik ko.

Natigil si Mara kaya bumaling sa kanya ang dalawa sa ekspresyon na 'Na naman?'

"Break na kayo 'nung koreano?" hindi makapaniwalang saad ni Jeff.

Nagkibit balikat si Mara habang painosenti ang ekspresyon.

"Mara ang bilis mong maka-move-on turuan mo nga itong si Gerald," ani ko.

"No, thanks," ani ni Gerald at tumaas ang sulok ng labi. "Mahal ko 'yun. Walang move-on move-on hangga't may natitira pang pag-mamahal,"

"Corny," tukso ng ipokritong si Jeff.

Tinaasan namin siya lahat ng kilay at eksaheradang umatras pa ang leeg ni Mara dahil sa aming lahat, siya ang totoong pinaka-corny.

Binanatan niya ba naman ng pick-up line na 'Araw ka ba?

Bakit?

Kasi ikaw ang nagbibigay liwanag sa madilim kong buhay' ang girlfriend niya. Ayun at imbes kiligin ay kinantyawan at tinawanan lang siya.

Napatingin sila sa likod ko at nagsitayuan. Kinindatan ako ng dalawang lalaki habang ang bruha ay bumulong sa tenga ko. "Galingan mo," sa mababang tono, tila takot na marining ng kung sino mang nasa likod ko.

Nagsampok ang kilay ko. Lumingon ako sa likod at tama ang hinalang naglalakad palapit sa akin si Lucas. Muli kong binalingan si Mara at tinaasan ng kilay.

"Galingan sa panlalandi," patuloy niya habang humahagikhik na lumayo. 

Continue Reading

You'll Also Like

1.8M 258K 74
Yaduvanshi Series #3 it is a book under yaduvanshi series. But it could be read as standalone too. Nitya Raghavendra is a telugu businesswoman earnin...
978K 12.2K 35
Standalone. If I had known that all it takes to shut you up is filling your pussy, I would have done this sooner," he says, a smirk playing on his li...
161K 12.9K 33
~हुस्न
835K 91.8K 103
The romance of millennial men.