Chapter 15
Tahimik kong tinahak ang magandang entrada ng hotel ang dami ng mga dumalo at puro naka pang mamahaling kasuotan silang lahat.
"Wow! who's that guy?" Rinig na rinig kong sambit sa ng isang babae sa gilid.
"I think he's one of the Governor sons,"
Oo hindi na 'to bago sa 'kin pero hindi ko talaga kayang itago ang takot sa aking pagkatao.
"Hey!" Napalingon ako sa tumawag sa 'kin pero ganon nalang ang gulat ng taong 'yun nang marahan akong umatras dahil nahagilap ko ang isang kulay ng uniformeng ayaw kong makita buong buhay. I can't help it! Nanginig ang kanang kamay ko sa takot. What was that?
"Are you okey?" Takang tanong niya.
Umiling ako at di na siya pinansin mabilis akong tumalikod at nagmamadaling pinasadahan ang paligid, masaya ang lahat habang nag uusap at nag papakilala sa mga bibigating tao. Maraming mga mata ang natuon sa 'kin at ayaw ko non.
I need to breath... I need it! Naramdaman ko ang pawis na namuo sa noo ko, linakad ko ang gilid at marahang hinawakan ang dibdib ko. Hindi ko kaya ay ang mga tingin ng mga taong naka uniforme sa may bandang gilid. They're four, wearing the same uniform of an official.
"He's like a model,"
"Sir!" Nagulat ako dahil sa boses ni Kaliw. Thanks god! Agad ko siyang hinawakan sa braso.
"Where is mom,"
Ewan ko, pero sa tono ng pananalita ko'y mahahalata mo talaga ang takot.
"Sir. Wag kang mag alala hahanapin ko ang mama mo," concern na tumutig sa 'kin si Kaliw. Agad niyang inalerto ang mga bantay ko. Nakahinga ako ng malalalim at napasandal sa pader sa may espasyo na medyo hindi kita ng mga tao kung meron man nasisiguro kong kulang lang ito, puno ng nagkikislapang chandelier ang venue, naka arrange ang mga table, mismo ang red carpet sa gitna hindi ko na napansin dahil sa takot.
"You okey?" halos mapatalon ako nang makita ang isang nag dadalagang babae sa gilid ko. He's wearing an elegant red dress with luxury stuff, Pero napakunot ang noo niya nang mamukhaan ako.
"Wow! We meet again," napangisi siya at napalingon sa likuran niya nang may mga taong napapangiti habang kinakamayan ang isang matangkad at makisig na lalake, batid ko na hindi taga rito. He's alone, kulang nalang mag kanda rapa ang mga babae habang kinakamayan siya.
"Anong ginagawa mo rito?" nabalik ako sa wisyo nang tanungin ako ng batang ito.
"Anong pake mo!" Bigwas ko rito at inayos ang pagka tindig. Napangiti siya at tinitigan ang baso niya na may lamang mamahaling juice.
"Where is Kate?" inosenteng tanong niya.
"Bat mo siya hinahanap,"
"Nag babakasali lang naman." Ngiti niya at mabilis naglahad ng kamay.
"I'm Riyha Veil Tatsuya by the way,"
Nan aalinlangan akong kunin ang nakalahad niyang kamay, bahagya akong natawa nang maalala ang mga ginawa niya kay Kate nung mga nakaraan.
"I don't take a hand of a brat." Ngiwi ko at mabilis na inayos ang coat ko at deretsong nag lakad papunta sa gawi ni Mama na ngayon ay halos maingiyak ngiyak nang matanaw ako, halata ko naman ang pag aalala sa mga muka niya habang kasama sina Kaliw at Lei.
"Anak..."
Mabilis akong humalik sa noo ni mama para maalis ang pangamba niya.
"You okey," nahihimigan ko ang takot sa boses niya. Tumango ako at liningon ang batang babae na si Riyha, nagpapasalamat din naman ako at panandalian kong nakalimutan ang takot. Hindi ko na nilingon ang mga taong may umiforme ng official.
"Mom... I don't want to see those uniforms," ewan ko pero 'yun ang lumabas sa bibig ko habang titig na titig sa table na kinaroroonan namin.
"Hey! How have you been," hindi ako nakasagot si mama dahil sa biglaang paglapit ng mga amiga niya. Nanatili lang si Kaliw sa gilid ko habang nag mamatyag naman si Lei sa gilid, may mga dumating na bibigating tao at halos mag sidagsaan ang mga bodyguard sa paligid.
"I hope you'll support my husband this year," pangiting wika ni mama sa kasama niya, may mga eleganteng babae silang kasama at natuon ang kanilang titig sa 'kin.
"Is that Cydon?" wika ng babae kay mama. Napangiti si mama at marahang pinakilala ako.
"No, He's Cyrus my second son,"
"Omg! Halos mag kamuka lang sila ng panganay mo,"
'Ikaw muka kang tinapay, I badly want to say that to her. Buti wala ako sa mood para mang badtrip.
"Hello po tita," hindi ako umimik ng makitang marami nang lumalapit sa gawi namin ni mama. I look at Kaliw napatango naman siya at tinawagan ang mga kasamahan niya.
"He's Cyrus my son." Liningon ako ni mama at ngumiti.
"Son, this is Elena she's the eldest daughter of Dr. Abraham Gomez,"
I nodded and let her think that I'm not a good man.
"He's like my younger brother," bahagya siyang natawa at liningon si mama.
Tch! Brother my foot.
"Mama, can we talk for a while?" I said to my mom after the woman left.
"Wait son, I'll entroduce you to the-" natigil si mama ng mag announce na ang emcee sa stage. Nag si tipon ang lahat ng guest at napatingin sa entablado, napalingon ako sa paligod. Maraming mga agent na naka pwesto at nag sisihanda sa agenda na magaganap. Dad is lying about the dinner, isa pala 'tong party para sa kanyang candidacy. Wala si tito dahil nasa ibang bansa ito dahil sa isang importanteng trip. Hindi ako nagulat sa prisyensya ng makisig na lalake sa may gitna nila papa. Ngumiti ito at tumango mahihimigan mo ang pagiging brutal at pagiging mataas nito.
"I would like get your fullest support for this coming election, I will do my best to fulfill my duty as your public servant,"
I don't want to hear anything. I badly want to stop my dad from doing it. Nakakasakal, nakaka irita. Bakit kailangan niyang maging ganito? Bakit kailangan niyang kumandidato? Nanginig ang kamay ko habang pinag mamasdan si papa sa kanyang speech. Huminga ako ng malilim at hinayaang pakawalan ito.
Nasa entablado ngayon ang mga ka partido ni papa at sabay sabay silang ngumingiti, pero napadapo ang tingin ko kay tito Ferzuel na siyang tatay ni Kate.
"I'm Ferzuel Lee Hiveres running for senator, number 23 sa balota." sabay taas ng kanyang kamao ay ngumiti sa mga tao, nag si palakpakan ang mga guest at panay ang puri ng mga ito.
That's why Kate is busy. Nang matapos ang party, pinatawag kaming mag kaka pamilya sa itaas ng hotel, my dad is preparing dinner for the candidates.
"These are my children,"
"Hi," napalingon ako sa nakalahad na kamay sa akin. Isa sa mga anak ng kapartido ni papa. Ayaw ko 'yung tanggapin pero hindi ko ginawa. Peke akong ngumiti.
"Hello,"
"I'm Jayson and you are?"
I'm not a friend just leave me alone.
"Cyrus," I immediately turn my back on him.
Tinawag ni papa ang lahat at naupo kami sa upuan ng mahabang mesa kung saan naka upo ang lahat ng kapartido niya at mga anak at asawa nito. Ma pa babae man o lalake.
"Thank you for coming everyone, especially to our special guest," wika ni papa sa lahat sabay tingin sa lalakeng tinutukoy ko kanina, pinabayaan ko sila at hindi na pinakinggan pa, napatitig ako sa mga upuang na walang tao sa may gilid namin.
"Our pleasure, Gov."
Hindi ko alam kung matutuwa ba 'ko sa mga nag sasalita o maiirita. Gusto kong magalit pero hindi ko kaya. Alam kong napaka babaw ng dahilan ko pero di ko maiwasan. Hinawakan ko ang glass wine at aambang iinumin 'to pero halos mapa atras ako nang makita ko ang isang paparating na official na naka uniformeng pampulis. Kasama niya ang isang babae na kasing edad ko at nasalikod nila si kuya na ngayon ay nag aalalang nakatitig sa 'kin. Halos kapusin ako sa pag hinga pero marahan lang akong yumuko para di nila mahalata.
"I'm sorry I'm late Gov." Ngiti nitong sabi kay daddy. Nanatili akong nakayuko, naramdaman ko ang sakit ng aking ulo.
"It's okey Captain,"
They talk about politics, some of the family were interested aside from me.
Nilingon ako ni tito at ngumiti. Napatango ako, wala siyang kasama maliban sa kanang kamay niya. Ayaw ko sa ganitong lugar.
"How about you Cyrus." Nagulat ako nang marinig ang aking pangalan. Tumango si tito.
"I..." hindi ko sila masundan.
"He does not interested in politics tito," thanks god. Kuya saved me, normal lang ang aura ni kuya, he smiles like the normal one. Habang si mama namay ay panay ang ngiti sa mga kasama niyang asawa rin ng mga kapartido. I know at nararamdaman din ni mama na hindi ako comfortable, paminsan minsan ang lingon niya sa 'kin. feeling ko ako lang ang pinaka walang kwentang tao sa ganitong okasyon.
"I have to take this call, Mr. Thebeon," ani ng lalakeng tinutukoy ko kanina.
"Excuse me," wika ko at naramdaman 'yun ni kuya, kaya tumango siya. Wala rin namang pake ang iba.
Nag madali akong tinahak ang pasilyo patungo sa Comfort room ng mga boys. Halos humandusay ako sa kaka suka ng pagkain. Pumatak ang pawis ko at napatitig sa salamin. Kinuha ko ang tishu at pinunasan ang bibig ko matapos 'kong mag mouth wash. Ramdam ko parin ang panginginig ng kanang kamay ko. The uniform of that police, naalala ko kung paano 'yun naging dahilan ng takot ko.
"Mga sinungaling," nag ngitngit ako sa galit.
"Cyrus." Napabaling ako sa nakabukas na pintuan ng Comfort room.
"Kuya,"
"Are you alright,"
"A little."
"Very well, It's okey we can do this." Tapik niya sa balikat ko. "Pa check up ka sa susunod na schedule mo."
"Opo." Yumuko ako dahil feeling ko, para akong musmos na inaalagaan. Iniwan niya ako at bumalik na, pag ka labas ko ng room ng mga lalake, halos mapatalon ako nang matanaw si Kate sa may di kalayuan.
"Hey!" parang gumaan ang pakiramdam ng kalamnan ko.
"Cyrus." Ngiti niya at marahang hinawakan ang braso ko. May mga dumaang kakilala at binati nila kami ni Kate.
"Oh! Dear!" ani ng babaeng nasa mid 30s.
"Hey! Jayka, how are you,"
Binati ako ng kasama ni Jayka. Pero may nahagilap akong imahe na nakasandal sa may dulo ng balkonahe ng palapag na ito. Nakasandal siya at titig na titig sa labas, kitang kita sa muka niya ang replextion ng ilaw sa labas ng building. Naka krus ang kamay niya at parang ang lalim ng kanyang iniisip. Ang nakatali na mga buhok at may mga hibla nito ang nahuhulog sa muka niya at dalang dala ito ng hangin. She's wearing a normal coat of an agent.
'That's Shawn.' What she's doing here?
"We will support both of your father together Cyrus, Kate." Napablik ako sa realidad at iniba ang dereksyon ang ng aking paningin.
"Well... thanks for your suppo... rt," wika ko sa kanila.
"Sige Kate, Cyrus. see you around." They say their goodbye. Then i face Kate para mahagilap ang dulo ng pasilyo pero nagulat ako dahil wala na roon ang halimaw na si Shawn.
"Why don't we go out," gusto kong mag tanong kung saan, pero hindi ko 'yun nagawa dahil pasalamat nga ako andito na siya kasama ko. At ayaw korin na magambala ng malas na babaeng 'yon.
"Na late ako," paliwanag niya sa 'kin. Kinuha ko ang susi ng kotse ko at di man lang nag paalam kina kuya. Ayoko na kaseng pumasok sa loob dahil tila nasusuka ako sa twing nakikita ko ang uniforme ng mga walang kwentang pulis na 'yon.
I ride the car like no one cares.
"Cyrus." Natigilan ako nang ibaling ko kay Kate ang aking paningin. Nasa high way kami ngayon at itinabi ko muna ang sasakyan sa may gilid. "Are you okey," parang takot niyang wika, dahil naramdaman niya ang bilis ng pagpapatakbo ko.
"I'm sorry," pekeng ngiti ko. "I'm just exhausted,"
Mukang naintindihan niya naman 'yon. Kaya naman siya mismo ang nag yaya sa 'kin na pansamantala munang tumigil sa isang bar.
Mabilis na lumabas si Kate at takang tumitig sa 'kin.
Mas lalong naragdagan ang aking kaba dahil hindi ko manlang nakontak ang mga bantay ko. Kinuha ko ang phone ko at nakita ko 'tong palowbat. Nanginig akong nag type ng message kay Kaliw.
To: Kaliw
Nasa bar ako di kalayuan sa hotel please get me here.
Message sent:
Nanginig akong lumabas ng sasakyan.
"Let's go!" Ngiti ni Kate at mabilis akong hinigit. Nagpadala lang ako sa kagustuhan ni Kate, nasa counter kami ngayon at nag aalinlangan pa 'kong uminom.
"Yuhu!" Sigaw ng mga tao sa bar. Ang ingay ng music tila nasa ibang mundo ang mga 'to, may mga babaeng nag sasayaw kahit maiksi ang kanilang kasuotan. May mga lalake rin na sumasayaw kasama ang kanilang mga babae. Hindi na 'to bago, pero iba ang nararamdaman ko ngayon, mas lalo akong kinakabahan dahil alam kong wala akong bantay. Nanginginig ang kamay kong humawak sa baso ng vodka.
"Cheers!" Ngiti ni Kate at marahang humarap sa 'kin. Dahan dahan niyang pinulupot ang kanyang mga kamay sa leeg at ko aambang sasakupin niya ang aking labi pero agad kong itinagilid ang muka ko at hinayaang dumapo ang labi niya sa pisngi ko.
"Are you drunk." Bulong ko sa tainga niya at di nagpahalata sa takot.
"Nope," dissapointed niyang sagot.
"We should enjoy our stay Cyrus," wika niya sakin ng maubos ang pang pitong baso ng alak at marahang tumayo mula sa pag kaka upo sa high chair ng counter.
"I want to dance!" Ngiti niya at hinila ako. She jump like the other women around. Pero parang nahihilo ako sa sobrang dami ng mga taong naka paligid sa 'kin. Ibat ibang itchura ng damit. Napailing ako at napapikit.
Naramdamdaman ko ang paghawak sa 'kin ni Kate. I look at her and tried to stop thinking about my fear.
"You look hot." Nabitawan ni Kate ang mga kamay niya ng hapitin ng isang lalake ang baywang niya. Medyo nahihilo na si Kate, kaya pangiti siyang tumalikod sa 'kin.
"You too." Ngisi niya rito. Mabilis kong hinablot ang palapulsuhan ni Kate at kinaladkad siya papalapit sa counter.
"I want to dance," she said without realizing it. Damn it! Nanginginig ang kamay kong hinaplos ang muka niya.
"Kate." Bulong ko.
"Mmm?" Pikit niyang sagot. I want to hug her, but I'm weak. Nilingon ko ang mga tao, may mga nakita akong isang grupo ng mga lalake na nag tatawanan at sa 'min ni Kate sila nakatingin. Napailing ako, wala 'yon. Hindi 'yun totoo! Walang masamang tao rito.
Hinila ko si Kate palabas ng bar hinarang pa kami ng nag babantay. Pero pinakita ko ang isang bagay na patunay na nakapag bayad na kami.
"Let's go home," nanginginig kong wika kay Kate at aambang bubuksan na ang pintuan ng sasakyan. Pero pinigilan niya ako at halatang wala na sa wisyo.
"I want to stay, can please let me stay." Bulong niya sa 'kin.
"Pero Kate, you're drunk."
"I'...m n...ot... drunk," ngumisi pa siya at pa gewang gewang na sa paglalakad mula pa kanina.
"Kate, please not now." Kabado kong wika.
"Can you please let me stay!" Agaw niya sa braso niya. Nganga akong napatitig sa kanya.
"No, Kate you're drunk." pero nakapikit siyang tumalikod sa 'kin. Kaya agad ko siyang pinigilan at pinilit na iharap sa 'kin.
"Kate, look at me princess," nanginginig ang tinig ko. Hindi ko kayang sabihin sakanya. Ang tunay na gumugulo sa isip ko.
"I said! Let me stay! Don't you understand!?"
"Ka--" hindi ko naituloy ang aking sasabihin dahil sa may biglang humablot sa kamay ni Kate mula sa 'kin.
"Pare! Hindi mo ba naiintindihan ang sinabi niya," nag tiim ang bagang ko sa lalakeng humablot sa princesa ko. He's wearing a eyeglasses with his cap, kaya hindi ko siya kayang mamukhaan.
"This is none of your business," malamig kong wika sa lalake, pero napangisi lang ito at mabilis akong sinapak. Samalpak ang likuran ko sa sasakyan at sinundan niya pa 'to ng tadyak sa tyan ko. Kaya doble ang epekto nito.
"Cy... rus." Nagitla si Kate nang maramdaman niyang sinapak ako. aambang lalapit siya sa 'kin. Alam kong wala na siya sa wisyo kaya ganito ang nangyari.
"Cyrus!"
"Teka miss, dito kalang." Mabilis niyang hinablot si Kate pero mukang nag pupumilit si Kate na lapitan ako, pero halos pumuyok ang boses ko ng mabilis niyang sampalin si Kate.
"No!"
"Halatang may kaya kayo ah," ngisi ng lalake at may dinail sa phone niya.
"Andito na pare," naramdaman ko ang pagngisi niya, pero sadyang nawalan ako ng lakas dahil sa malakas na sapak niya kanina. Pinilit kong tumayo at aambang babawiin si Kate mula sa bisig niya.
"Ibalik mo siya sa 'kin," saad ko at hinablot ang kamay ni Kate, pero halos mamatay ako sa sakit, dahil sa lakas ng suntok niya sa tiyan ko at mabilis niyang binitawan si Kate, natumba si Kate ng hindi niya namamalayan.
"Kate!" Sigaw ko. "Gago ka!" Bigwas ko sa lalake napangisi siya sakin at mabilis na dinambaan ako ng suntok sa muka. Naramdaman ko ang sakit at pangingilo, nakita korin kung paano pumatak ang dugo mula sa bunganga ko.
"Mas gago ka," ngisi niya, ramdam kong nahihilo ako. Pero mas lalo nagpapahilo sa 'kin ang kaba. May mga lumapit sa amin at ang akala ko ay tutulangan na nila kami.
"Abat ang swerte mo ata ngayon tol,"
"Ang ganda pa naman ng kutis nito,"
Gusto kong maiyak dahil wala akong magawa. Gusto kong bumangon pero hindi na halos maka galaw ang katawan ko.
"Ano pa ah? Lalaban?" Sabi ng lalake sakin at nag tawanan sila.
"Mga hayop kayo," galit kong sagot at galit na tumitig sa kanila.
"Abat! Akala ko hindi kana makakatayo, pero mukang may maiibuga karin pala eh no?" Mabilis na hinablot ng lalake ang buhok ko. Pinigilan ko 'yon pero mukang wala na talaga akong lakas.
"Pare ang tigas naman ng ulo ng isang 'yan eh,"
Kinaladkad nila ako ako papunta sa may dilim, nanlalabo narin ang paningin ko, liningon ko si Kate na ngayon ay wala ng malay. Mabuti na 'to atleast ligtas siya.
Pilit akong kumawala sa kamay ng lalakeng naka salamin. Hindi ko na sila halos makilala.
"Oh! Dito! Pwede kanang umiyak," nagitla ako ng may makita akong naka tayo sa may dilim. Kita kong naninigarilyo ito at hindi manlang nag abalang lumabas.
"Mga demonyo kayo!" kahit mismo boses ko hindi ko kayang marinig.
"Boss, mahal siguro to?" Nagulat ako ng mabilis niya akong tadyakan at hindi lang isang beses kundi halos sampung beses. Natutuwa sila sa mga pinaggagawa nila sa 'kin.
"Wag muna kayo mag pa dalos dalos, kailangan natin ng Info bago tayo kumilos," hindi si klaro, basta ang alam ko, 6 silang lahat pati ng isang nasa sulok na hanggang ngayon ay naninigarilyo parin. At walang pake sa mga nangyayari.
"Ano! Hah!" Pilit kong sinasangga ang bawat sapak at tadyak nila sa 'kin gamit ang braso ko. Pero mismo ang mga 'yon ay tila nawawalan narin ng lakas para manangga ng ganito kalakas na sapak. Ramdam ko ang sakit at parang bumabaon ito sa buto ko, bawat tadyak nila sa 'kin habang ngumingiti at humahalakhak.
"Ano! Saan na ang back up mo?!"
"Hahaha!"
"Nasaan na ang mga bantay mo hah?!"
Halos maiyak ako sa sakit, pero pilit 'kong lumalaban, kaya ako takot dahil alam kong may mga tao parin na mag tatangkang manakit sa 'kin. At 'yun ay dahil sa isa akong anak ng mayamang tao.
"Humingi ka ng ransom, wag nyong patayin dahil pakikinabangan natin 'yan pati ng babaeng 'yon."
Gusto kong sumigaw at humingi ng tulong, hinihiling ko na sana dumating si Kuya at Kaliw para iligtas ako. Nasa dumating si tito, nasa nasa hindi matatapos rito ang buhay ko. Sagad sa buto ang sakit, nanlalabo na ang paningin ko at ramdam ko ang pag ka bingi ng paligid. Pero bago lamunin ng dilim ang aking paningin dinig na dinig ko ang boses ng lalake.
"Malaki ang papel mo para mabawi namin ang dulyar na kinuha niyo sa 'min."