Out of Her Reach

By iwritex

41 4 0

Cinna Jimenez takes a new leap in her life in province, away from a place she despise. Living alone in provin... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6

Prologue

20 1 0
By iwritex


I took a sip of coffee while watching the rain stop inside the convenience store. People are flocking outside to dry themselves. Dama ko ang lamig ng aircon kaya nilapitan ko ang crew para pahinaan, umayon naman siya dahil mukha din itong nilalamig. Nang maubos ang kape ay siya din tila ng ulan kaya agad kong kinuha ang mga dala ko at tumungo sa labas para pumila sa bus. Ang iba ay nakikipag unahan pa pero hinayaan ko lang sila dahil may tamang upuan naman para sa lahat.

I felt my cell phone vibrate inside my pocket so I reached it to answer the call while struggling to light my cigarette.

"Hello Ms. Jimenez, all the documents are accepted for your transfer. There are few subjects that are not credited in our school. We will just email you for the subjects you will take," She said.

I let the smoke along with my breath, "Okay, thank you."

Umupo ako sa tabi ng bintana dahil ito na lang ang natitirang pwesto at medyo malamig din dahil sa nakatutok ang aircon sa akin. Naiinip ako dahil sa tagal ng bus lumarga dahil ang iba ay bumibili pa ng kakainin at meron ding mga umaakyat na vendors upang mag benta ng pasalubong. Nakatuon lang ang mata ko sa maliit na sim na hawak ko, playing it with my hands while contemplating. Before the bus starts its engine, I break into two to throw outside the window.

I watched how the city lights were fading in the thin air. The longingness freedom in me developed; however, I couldn't think of how many bags I carried along this new journey. Paano ko sila gagawing pagkasyahin?

I sighed, competing with myself if this is worth it? Pagsisihan ko ba 'to sa huli? O itatanggi ko na lang sa sarili ko na mali pala ang desisyon na umalis. But why would I regret something I ever wanted, once in my whole life. If I didn't have any courage to finally step out from hell, I would be an irrelevant death inside my room and be recorded on statistics, same with people that died the same day. My moron family will move on from it easily or even don't have to go through five stages of grief, without lifting any finger, they can bury me or lit my remains without single sympathy.

I shook my head. I always did great gaslighting myself... that's the best option of denial.

My thoughts rested along with my eyes and I woke up when the sun rays started to touch my skin. Tinignan ko ang location ko sa google map at ilang kilometro na lang ay bababa na ako. Pinunasan ko muna ang mukha ko habang nakatingin sa salamin, hindi pwedeng panget ako sa pupuntahan ko. Hindi ko naman need ng validation nila pero gusto ko lang na maayos ako. Tiniyak ko din na natatakpan ang balat ko ng jacket.

Sumakay ako ng tricycle dahil sabi ng landlady ay ito daw ang sakyan. Tumatama ang malamig na hangin sa akin na amoy probinsya. The smell of fields, planted rice, and especially the poop of carabao feels more serene.

Inihinto na ako ng driver, sa harap ko ay magarang bahay. It's a Spanish style, ang hagdan ay nasa labas at ang bintana ay gawa sa capiz at puno din ng mga halaman ang bawat sakop ng bakuran, tumingala ako at nakita ang babaeng matanda sa binatana. Ngumiti ito upang anyayahan akong pumasok sa bahay.

Hinawi ko ang maliit na gate na abot ng aking tenga habang dinig ang mga kumakantang ibon sa umaga. Tahimik din ang lugar at mag kakalayo ang mga bahay. Halatang alaga ang bakuran ng matanda dahil sa mga damo na bagong tabas at ang kanyang malulusog na halaman. Umakyat ako sa kamagong na hagdanan at sinalubong ng matanda sa veranda na naka hilera na upuan na gawa sa matibay na kahoy at mistulang antique na.

"Kahapon pa kita hinihintay kahit na ang sabi mo ay kinaumagahan ka pa makakapunta," mahinahon nitong sabi, "Halika at ipapasyal kita sa bahay."

I was welcomed by the two wooden doors. Sinilip ko bawat pasilyo ng bahay, may salas na nasisinagan ng malaking bintana at malaking espasyo para sa hapag kainan. Ang kwarto ko naman ay sobrang aliwalas na may lamang kama na makikita mo lamang sa sinaunang palabas at natatakpan ito ng manipis na puting kurtina. Ako lang ako mag ookupa ng pang pamilyang bahay na 'to.

Masyado akong namangha sa bahay na pagmamay ari ko na ngayon... well I am renting this whole house but I will assume it's mine.

"May pupunta lagi dito kada buwan upang maningil ng renta," ngiti niya at naputol ang tingin ko sa bawat sulok ng bahay. "Siya nga pala, bakit ka ba nagpasya na tumira dito? E, sa syudad ka na nakatira, hindi ba masaya doon?"

"Mas gusto ko lang po dito," simplle kong sagot at tumango-tango lamang siya.

Bago siya umalis ay pinakain niya ako ng sinigang na niluto niya para sa akin. Hindi ko alam kung ilang kanin ang nakain ko dahil sa sarap ng luto niya. Pag katapos ay pinanood ko ang matanda na sunduin ng mga anak niya para tumungo na sa syudad.

Ang pagtira sa bahay na 'to ang pinaka mapayapang nangyari sa akin. Malamig ang simoy ng hangin dahil sa mga naglalakihang puno sa bakuran ng bahay at sinisigurado ko na inaalagaan ko ang mga halaman ng matanda.

Pahirapan naman ang isang oras pala ang byahe patungo sa bayan upang mamili ng mga pagkain sa isang linggo. I am also finding a supermarket pero sabi ng tricycle driver ay dalawang oras ang byahe doon kaya nag tiis akong bumili sa wet market nila. Habang bumibili ako ng ice cream sa convenience store ay nakita ko ang nakapaskil sa glass window. They are hiring a new crew, I rolled my eyes as my interest urge kaya kinabukasan kahit mainit at matagal ang byahe ko ay nag pasa agad ako ng resume. .

Tanghali na at nasa harap padin ako ng laptop habang tinitignan ang email na binigay sa akin ng school. Ilang subject lang talaga ang tinanggap nila kaya parang kailangan ko mag habol. Sa katapusan ng Agosto ang pasukan. Kaya ko naman siguro pagsabayin ang school at ang trabaho ko dahil kakatanggap lang nila sa akin kapahon. Next week na daw ang simula ko kaya may konti akong kaba dahil unang beses ko lang talaga mag trabaho.

Nang mag simula ako sa una kong trabaho ay tinuruan muna ako ni Joimi sa aking gagawin. Dapat ay palagi kong sinisigurado ang mga stock na madaling maexpired katulad ng tinapay para sa mga hotdog at mga siopao. Kada oras ay kailangan kong tignan kung meron pang stock ang lagayan nila. She also said that I need to lift the bag of ice cubes to refill it for drinks.

Ilang araw kong ginawa ang sinasabi niya and I never felt tired before. Sa isang shift ay parang katumbas ng isang linggo na gawain. Maybe this is the reality of life we have, the struggle is always there. There's no such as rainbows everyday or flowers when you wake up in the morning.

Busy with my cigarettes after my shift, isang oras na lang ay aangat na ang araw at uuwi na ako. Wala akong masakyan sa oras ng tapos ko sa trabaho kaya ginugol ko ang isang oras ko para hintayin na sumilip ang araw.

Sa dalawang linggo na naninirahan dito ay trabaho, tulog, gising lang ang nakasanayan kong gawin.

"Ah- m-miss, yung ano nga," sabi ng lalaki na nau-utal.

Bahagyang tumaas ang kilay ko, "Condom?" diretso ko.

"Oo," sagot nito habang naka yuko.

Umiling ako. Dalawang oras na akong nakatayo sa counter at ilang lalaki na ang ganito bumili. Kulang na lang ay mag bulungan kami dito.

"Size?" I asked in a low tone so he don't feel uncomfortable.

Namula ang tenga, "L-large."

Ngumisi ako at prinoseso na ang binili niya. "Sure ka eighteen ka na?" 'wag ka ng mahihiyang bumili ng condom dahil mas maganda pa 'yan kaysa mag karoon ka ng unplanned child."

Parang nabuhayan naman siya sa sinabi ko at nakangiti na nag bayad. Mukhang nabigyan ko pa siguro ng motivation. Well, why we have to feel ashamed of having safe sex with anyone? It's no big deal. The big deal is contraceptives are not free and accessible for youths.

Dagsaan ang mga estudyante sa gate sa unang pasukan while busy catching up with their friends. Tinignan ko muna kung maayos na ang uniporme na suot ko na kagabi ko inayos bago mag trabaho. Inayos ko naman ang nakasabit na bag sa balikat ko at pumasok na. Magulo ang schedule ko dahil sa pagiging irregular student. Dama ko na naman ang tingin nila sa akin, hindi ko na pinansin iyon at nag patuloy lang sa paghahanap ng room sa unang subject ko.

After finding the room, I immediately sat. Only a few students are inside dahil ang iba ay nasa labas pa. Tinignan ko ang pasilyo, the room is fine but it doesn't have an aircon because the place is highly ventilated. Electric fan will do.

Isang oras na ang nakalipas ay wala pa rin ang prof, wala ba sa policy na pag thirty minutes late ay kailangan na umalis ang mga estudyante? Huminga ako nang malalim, this is my first day so I need to be patient. Sa mga susunod na buwan ay hindi na. May lalaking pormal naman ang pumasok sa klase namin, ito na yung late na prof. Kung pwede lang umirap paloob.

"Hi, pinapasabi ni Sir na next meeting na ang dating niya," sabi nito.

Umingay na naman ang klase dahil pwede na kami umalis. Sinukbit ko na agad ang bag ko. Sayang oras, sana ay natulog na lang ako. Unang araw pa lang ay nawawalan na ako ng gana, wala pa nga akong nahahanap na kaibigan. HIndi naman required ng kaibigan pero kailangan ko lang ng makakasama dito, wala naman akong alam sa school nila kaya mabuti ng makahanap ako kahit isa. Umalis na ako para mag hanap ng pwesto sa mga nakahilerang gazebo.

Sobrang payapa ng paligid hindi katulad sa syudad na umaga pa lang ay gahol na ang mga tao. Well, we are the future of fast pacing economy kaya kailangan, ngunit hindi ko maisip na may mas payapa pala...

I stop on diving with my thoughts when I heard a shutter. Tinignan ko sa gilid kung sino iyon at nakita ang lalaki na may hawak na camera habang sukbit ito sa leeg niya. Hindi pa rin siya tumigil sa pagkuha ng litrato.

Nang mailang ako ay agad kong kinuha ang mga gamit ko.

"Hey!" tawag nito.

Lumingon ako at narinig ulit ang shutter ng camera.

Ilang linggo ng matapos ang unang pasukan ay parang isang taon na sa akin. Ang sakit na ng ulo ko sa trabaho at eskwela. Hindi ko din alam kung bakit ko pa tinuloy ang trabaho ko pero gusto ko din naman kumita ng pera. Masarap kaya sa pakiramdam ang araw ng sweldo.

Kanina ko pa pinipigilan ang mata ko sa pag pikit habang may discussion. Ngumuya na lang ako ng kendi para mawala ang antok ko dahil bugbog na ang braso ko sa kurot. Nang matapos ang klase ay hindi ako nag dalawang isip na pumunta sa gazebo para matulog ngunit habang patungo ay napansin ko ang mga taong nag tumpukan sa gilid.

"Cinna!" tawag ni Faye, bago kong kakilala dito since last week.

Kaklase ko siya sa tatlong subject kaya we choose to approached each other. Dalawang taon na siya dito at galing din sa syudad kaya mas nag kalapit kami. She was walking towards me, wearing timid look while her black hair is mindlessly synchronizing with her movements. Ngumiti siya sa akin at hinatak ako sa mga pinagkakaabalahan ng mga estudyante.

Isang malaking bulletin board ang tumambad sa akin. 'Unang Pasukan' ang tema nito, isa sa ang mukha ko sa mga litratong naka paskil. Hindi isa kundi tatlo pa ang nakadikit. Uminit ang pisngi ko, magaganda ang kuha nito ngunit wala namang pahintulot ko.

"Hindi mo naman sinabi na may pa model ka nung first day," asar ni Faye.

"Without my permission," diin ko.

Tinanggal ko ang mukha ko sa bulletin board habang si Faye ay tinulungan ako. Hindi ko itatapon ito dahil hahanapin ko muna ang nag paskil nito and I will teach him how to ask permission.

Nag tanong ako sa mga estudyante kung nasaan ang facility ng student publication. Dire-diretso lang ako sa pag lalakad dahil kailangan ko lang makausap ang naglabas ng litrato ko. Kung sa iba ay natutuwa sila ngunit ako ay hindi.

Nasa harap na ako ng pasilyo nila. Walang pasubali kong binuksan ang pintuan at tumambad sa akin ang mga taong busy sa mga laptop nila. Lumipat ang tingin nila sa akin na may pag tataka sa mukha.

"Applying for our organization?" tanong ng babae sa akin.

"Hindi. May hinahanap lang ako," sagot ko.

Dumapo ang mata nito sa hawak ko na siyang pag kawala ng ngiti niya. Sa linaw ng mata niya dahil sa salamin na suot nito ay talagang malalaman niya ang tinutukoy ko. Agad nitong sinalikop ang buhok niya at tinignan ang isa pa niyang kasamahan.

"Wala ang hinahanap mo dito," aniya.

Tumaas ang kilay ko, "Why? Do you know who I am looking for?"

Umiwas siya ng tingin, "kung gusto mo ay mag hintay ka dito para makita siya. Hindi na bago dito ang mga humahanga sa kanya," ngisi nito.

Mag sasalita na sana uli ako ngunit pinigilan ko na lang ang sarili ko. Matabil ang dila ng babaeng ito. Nasa kanya lang ang tingin ko habang siya ay pilit na binubuhat ang mga dokumento sa balingkinita niyang katawan. Quite beatiful under her bronze skin.

Nawala ang tingin ko nang may pumasok. Tahimik akong tinignan nito at dumiretso sa pwesto niya. Taas ang kilay ko na sinundan siya, gusto ko lang naman ipaglaban ang rights ko. Bakit ako tatahimik? This is against the law kaya. Inilapag ko sa kanya ang mga litrato, taas kilay din siyang tumingin sa akin.

Aba! the audacity to make that face. Ano bang hangin ang meron dito sa probinsya nila at ganito ang mga tao?

"Any problem with these, Miss?"

Sumingkit ang mga mata ko. "Who told you to post my face?"

Itinuro niya ang pangalan sa table nito, Editor in Chief .

"Then? You have the power over me?"

He chuckled and directed his eyes on me. Looks like he's judging me under his eye glasses. He brushed his neat jet black hair and took a deep breathe.

"Hindi ka masaya na your face is feauture on us? It can give you exposure-."

"I fucking hate exposure, Mr. Editor. You could have ask for my permission because it's my face," turo ko sa mga litrato and I felt my dried patience.

"I'm Inno-."

"I did not ask your name. Thank me for teaching you about permission, Mr. Editor," sarkastiko akong ngumiti at kinuha uli ang litrato ko.

Days are moving so fast, I learned how to cook my own meal, clean my room, and even take care of the garden. These things are my only routine after staying here. Hindi ko alam na meron pang mas magiging payapa pa sa buhay ng tao. I thought if we are born into chaos, we have no escape... but the choices are all yours. Maybe I'm speaking in privilege? because some people don't have any choices left, most of us are deprived to choose and run.

Marahan kong inaayos ang butones ko, ilang oras na lang ay duty ko na. Ilang beses na akong bumuntong hininga dahil sa trabaho ko mamaya. Tumalikod ako sa salamin upang tingnan ang naka guhit sa likod ng braso ko, nag suot na lang ako ng jacket dahil tinatamad akong lagyan ng concealer. I neatly bun my long hair and let my excess baby hairs around.

Narinig ko na mayroong kumakatok sa pinto kaya lumipat ang mata ko sa kalendaryo at napag tanto na ngayon pala ang bayad sa upa. Nag madali akong mag ayos at buksan ang pinto. Bumungad sa akin ang mukha ng editor sa school. Kunot ang noo nitong nakatingin sa akin while wearing a white shirt and shorts.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko habang naka taas ang aking kilay.

"I should ask you for that pero ikaw ata ang rumerenta dito," tugon niya sa inis na tono.

"Okay... so ikaw ang maniningil ng upa ko?"

He nod as a reply. Pumasok uli ako ng bahay upang tignan kung ayos na ang lahat bago ako umalis. Ayoko naman maging pabaya sa bahay. Binayaran ko na siya at isinara ang pintuan. Akala ko ay nakaalis na ito ngunit nag hihintay pa siya sa baba habang nakatingin sa akin. I suddenly looked at myself and felt conscious. Iniwasan ko ang titig niya at diretsong bumaba. Hindi ko pinansin ang presensya nito hanggang sa makalabas ako ng gate.

"Sumabay ka na sa akin, malayo pa ang sakayan," sabi niya sa likod ko.

"I'm fine, it's just kilometers away," totoo nga na malayo ang sakayan kaya kailangan ko umalis ng maaga para sakto sa shift ko. Enjoy ko naman ang pag lalakad dahil nadadaanan ko pa ang mga bukid.

Hindi siya nag patinag kaya habang nag lalakad ako ay siya din bagal ng motor niya. Para kaming tanga sa daanan kaya huminto ako sa pag lalakad at sumakay na. I can sense his smirk. Umirap na lang ako at inilayo ang katawan ko sa kanya. I mindlessly sniffed his scent, more like a mint.

The sun is really out and I felt being toasted. Akala ko ay sa kanto na niya ako ihi-hinto pero hindi niya itinigil ang motor. Hindi na ako nag salita dahil wala akong magagawa at hindi naman ako pwedeng tumalon sa kalagayan ko

Seryoso itong nakatingin sa akin nang makababa ako sa motor. Mukhang hindi tuwid ang dila ko dahil walang lumalabas na salita sa labi ko. He stared at me with his intimidating dark eyes, waiting me to speak.

"Isang oras pa bago ang shift ko. Do you want to eat? my treat," I said while avoiding his eyes.

I took it as a yes when he parked. Umupo lang siya sa labas at ako naman ang bumili ng pag kain. Kung ano lang ang mga binili ko dahil wala akong ideya kung ano ang gusto niya.

"Apo ka ba noong matanda sa bahay?" I asked to break the awkwardness.

Noong isang linggo lang ay sinugod ko siya sa office kaya mahirap makipag usap sa kanya. Maybe I embarrassed him in front of his team but it's not my intention. I see him as an unapologetic man pero the way he looks right now is humbling. Teka...I did not received any sorry from him.

"Hindi, inutusan lang ako para kunin kada buwan ang renta."

Tumango-tango ako at tinuloy ang pag kain ng ice cream. I gave him a microwave meal.

"Your face is new here, saan ka galing?" His face turns interested in me.

"City."

I watched how his eyes got curious.

"Interesado ka?" I chuckled.

Umiling ito at tumungo ang mga mata sa kalsada. He have looks under his tanned skin, I noticed a little freckles on his fine nose and cheeks. Our eyes met, pero nanatili lang ang mata ko. My ego can't take it for avoiding again.

"City is more fun, ano ang ginagawa mo dito?" ngisi niya.

"Bye, shift ko na," sabi ko at agad na tumayo.

I immediately went to stock room for my time in. Lumabas ako ng may bitbit na stocks ng buns dahil sa utos ni Genna, katrabaho ko. Pumwesto na ako sa counter at nakita na siyang umalis.

I don't like him.


Continue Reading

You'll Also Like

700K 10.1K 34
Warning: 🔞 (This is not suitable for young readers.) BETHANY CAGLIOSTRO is a confident and brave woman. However, due to a mission assigned by her ow...
545K 31.9K 235
Rosabella Nataline swore to keep off dating when she got her heart broken two years ago. She kept herself protected and bound by a rule she establish...
127K 6.7K 27
Pangarap niyang yumaman kaya iniwan ang bansang sinilangan para makipagsapalaran sa Europa. Ang hindi alam ng karamihan, isa siyang katulong sa Italy...
352M 7.2M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...