Chapter 8
Hindi ko na alam kung gaano ako katagal na nanatili sa loob ng kotse ni Aziel. Iyak lang ako ng iyak habang siya ay tahimik lang na nakikinig sa lahat ng hinanakit ko.
Nang tuluyan na akong kumalma ay saka niya ako hinatid sa amin. Pagpasok ko pa lang ng bahay ay agad na napansin nila ang itsura ko pero hindi ko na sinagot ang mga tanong nila at dumiretso na sa kwarto.
At ngayong mag isa na lang ako ay tuluyan ko nang narealize na totoo ang lahat. Hindi ito panaginip. Kundi totoo talaga na niloko niya ako.
Nakatulala lang ako sa kisame habang muli na namang tumulo ang aking mga luha. Pero di tulad kanina ay tahimik lang akong umiiyak at halos wala ng reaksiyon.
Wala na akong magagawa kasi nangyari na. Nandiyan na. Ano pang laban ko, e, magkaka anak sila.
Ang sakit.
Yung taong pinangarap mong makasama sa habambuhay. Yung taong gusto mong makasamang bumuo ng sariling pamilya. Hindi pala para sa 'yo.
Galit ako sa kaniya pero ano pang silbi nun. Ano pang silbi kung sigawan ko siya at saktan. At isa pa.. ni hindi ko na alam kung paano ko pa siya haharapin.
I sleep that night with a heavy heart and in tears. And when I woke up I feel like I lost all my emotions and I really feel empty inside.
My family kept on asking if I have a problem but I just kept silent and give them a faint smile in response.
Naabutan ko si Gwen sa gate nang school kaya ng makita niya ako ay agad siyang humiwalay sa mga kausap para lumapit sa akin. Nakangiti siya at masayang kumapit sa akin.
"Nagkikita nga tayo araw-araw pero sa classroom naman. Bakit ba lagi kang busy nitong mga nakaraan? Kinalimutan mo na ako." Nakasimangot pa siya kunwari.
"May mga ginawa lang..."
"Sus! Panay kasi ang date niyo ni Inigo!"
Natahimik ako at agad namang napansin ni Gwen ang reaksiyon ko.
"May problema kayo? Ulit?"
Tumango ako.
"Gusto mong pag usapan?" Maingat niyang tanong.
Muli ay tumango ako. Pakiramdam ko kasi ay anumang oras ay sasabog na lang ako.
Agad niya akong hinatak sa isang hallway kung saan walang tao. Maaga pa rin naman at maya maya pa magsisimula ang klase.
"Ano bang nangyari?"
"Si I-Inigo kasi...." Ang hirap pala. "M-mag... magkaka baby na kasi siya." Kasabay nun ang pagtulo ng luha ko.
"H-ha? Anong ibig mong sabihin?" Sa tono ng boses niya ay kinakabahan siya. Natataranta na siya kung anong uunahin. Ang patahanin ako o ang malaman ang kasunod.
"Mag kaka b-baby na sila... ni Astrid."
"Ha?! Paanong..."
Laglag ang panga niya at halatang gulat sa narinig. Natahimik din siya habang hinahagod ang likod ko.
"Ang gago, " bulong niya. "Sigurado ka talaga diyan?"
Dahil dun ay ikinuwento ko sa kaniya ang lahat ng nakita at narinig ko sa garden. Iyak lang ako ng iyak habang siya ay umuusok na ang ilong sa galit nang bigla niya akong hilahin.
"Sandali, saan tayo pupunta?"
"Dun sa hinayupak na yun! Ipapahiya ko siyang lintik siya!"
Agad naman akong naalarma sa sinabi niya at buong pwersa ko siyang pinigilan kaya nahinto kami ulit.
"'Wag na...hindi niya pa alam na alam ko na."
"E di kaya nga sabihin natin!" Muli niya sana akong hihilahin pero umiwas ako.
"Oh bakit? 'Wag mong sabihing.... Hahayaan mo lang?! Ano ka ba!"
Tanging paghikbi lang ang naging tugon ko. Tumingin siya sa akin na parang hindi siya makapaniwala. Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat.
"Lumi, makinig ka sa akin.... Hahayaan mo lang talaga? Hindi mo manlang kokomprontahin?"
"Niloloko ka niya! Mas mabuti kung ngayon pa lang makipaghiwalay ka na kesa umabot sa puntong siya ang mang iwan sa iyo. Ikaw pa ang lalabas na talunan."
Ako naman talaga, ah.
Kasi ako yung maiiwan.
Kasi ako yung niloko.
"Ayoko... a-ayoko pa. H-hihintayin ko na lang... hanggang sa makipag hiwalay na siya. Para nang sa ganun.... "
"Magkaroon pa ako ng kaunting oras kasama siya."
Malungkot na tumingin sa akin si Gwen at halatang ayaw niya sa desisyon ko. Binitawan niya ako at saka umiwas ng tingin. Nakita kong maging siya ay nasasaktan para sa akin.
"Ang tanga mo naman... Nakakainis!"
I wiped my tears and I hug her. I'm thankful that I have her, I couldn't imagine my life without a friend like her.
Somehow my heart gets lighter after sharing my problem to her. I rested my head on her shoulder as I hug her from the side.
Nasa ganung ayos kami ng mahagip ng tingin ko si Aziel na nakatingin din sa amin habang naglalakad. Wala siyang reaksiyon at umiwas rin ng tingin kalaunan kaya hindi ko na rin siya pinansin.
Pero agad akong binalot ng kahihiyan nang maalala ko kung paano ako umiyak sa harapan niya.
Bakit ba kasi siya pa ang nakasama ko kahapon sana pala ay sinama ko na lang talaga si Gwen.
Buong maghapon ay dala ko pa rin ang kinahaharap na problema. Tahimik lang ako at madalas ay tulala. Pero nang uwian ay agad akong umakto na parang normal dahil nag aabang sa labas si Inigo.
"Hi...love." Pilit akong ngumiti katulad ng lagi kong ginagawa.
"Hi." Nakangiti din naman siya pero naroon pa rin ang kakaibang emosyon na lagi kong napapansin sa tuwing tumitingin siya sa akin.
Awa. Pagsisisi. Lungkot. Panghihinayang.
Dati ay hindi ko iyon maintindihan kung bakit may kakaiba sa mga emosyong nakikita ko sa mga mata niya. At ngayon ko lubos na naunawaan iyon.
Naluluha na naman ako kaya agad akong nag iwas ng tingin.
"Saan tayo pupunta ngayon?" Mas pinasigla kong sabi.
Tumatawag siya kagabi pero dahil hindi ko sinasagot ay nagtext na lang siya na gusto niyang mag date kami ngayong araw.
"Sa mall tayo, gusto mo?"
"Okay lang naman..."
Parang naging awkward kami bigla. Sa totoo lang hindi ko na alam kung paano ko pa siya pakikisamahan.
Pero ayoko pa rin naman muna na makipaghiwalay sa kaniya kaya nga hihintayin ko na lang hanggang sa siya na mismo ang magsabi sa akin.
Para maihanda ko pa yung sarili ko. Dahil baka sa panahong yun mas tanggap ko na... na hindi talaga kami.
That day I let myself to be happy once again with the man that I truly love. Baka kasi hindi na maulit pa. Kasi malay ko ba kung bigla niya na lang akong kausapin tungkol sa baby niya.
Baby nila ni Astrid.
Nung una ay galit ako sa kanilang dalawa lalo na kay Astrid pero ngayon ay pilit ko na lang tinatanggap. Para nang sa ganun ay kapag dumating ang oras at kailangan ko nang lumayo ay mas maging madali sa akin dahil wala akong bitbit na galit sa kanilang dalawa.
Sinungaling ako kung sasabihin kong wala na talaga akong galit. Syempre ay hindi agarang mawawala iyon lalo na at nakikita ko pa sila. Pero kagaya nga ng sabi ko pinipilit kong mawala ang galit na yun.
Sa ngayon ay magtitiis muna ako sa mga oras na ako pa yung kasama niya dahil alam ko darading din yung araw na ipaaalam niya sa 'kin ang totoo.
At tuluyan na akong mawawalan ng halaga sa buhay niya.