Starts with a Promise

By veeranee

10K 267 52

He hates it, that he needs to marry a young girl from a province,he's still young and if he wants to marry, h... More

Chapter 1
chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chaptet 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
The end

Chapter 19

314 9 0
By veeranee

Pagkauwi sa hasyenda ay sinalubong siya agad ni Clyde at ng kanyang itay saka ang mama at papa ni Miguel, nagkaroon sila ng konting salo salo sa hasyenda bago nila hinatid si Elisa sa bahay nito at bumati din sa mga magulang nito.

Ang laki ng pinagbago ng hasyenda, mas naging maaliwalas at pinabago ang mga ibang gamit. Halos hindi maubos ang pagkwentuhan nilamg magkapatid ni Clyde. Narutuwa siyang balak nitong bumili ng lupa sa katabi ng bahay at lupa nila. Mukhang gusto din nitong maging hasyendero, sa tulong din ng pamilya ni Miguel ay nagpupursige din itong mag aral sa bayan, agriculture ang kurso nito dahil hilig nito ang halaman at mag alaga ng hayop.

Si Miguel naman ay nakikipagusap sa magulang at paminsan minsan ay sumusulyap sa kanya saka ito nagpaalam na babalik sa Manila, may maaga itong meeting pero hindi nagsabi kung kelan babalik. Hinatid niya si Miguel hanggang sa sasakyan nito pero bago ito sumakay ay hinalikan siya sa labi. Naki ayon na lamang siya sa sitwasyon, nang umalis ito saka siya pumanhik sa kwarto ni Miguel. Ito na rin ang magiging kwarto niya?

The room is so masculine, white ang dingding at ang mga furinture ay itim, pati ang headboard, ang sahig ay kahoy na mahogany ang kulay. Binuksan niya ang closet nito, lahat at nakaayos magkakasama ang mga parehong kulay saka niya binuksan ang drawer, mga underwears ang nasa unang drawer, agad niyang sinara dahil naisip niya ulit ang nangyari sa kanila nung huli, maayos ang mga medyas pati mga sando at mga pambahay nito, binuksan niya ang kabilang closet at nandoon na ang mga gamit niya na iniwan niya sa hasyenda, agad niyang nilagay ang gamit niyang dala saka pumunta naman sa banyo.

Namangha siya sa ganda din ng banyo, isa lang masasbi niya. Karangyaan ang nakikita sa bawat sulok ng kwarto ni Miguel, halos pareho ang gawa sa condo nila. Naligo siya agad at saka nahiga, pakiramdam niya ay niyayakap siya ni Miguel pero ayaw niyang maasiwa kaya pinilit niyang ibaling ang isip sa ibang bagay Saka naman tumawag si Ruben. Napagusapan nilang mamasyal sa bayan at saka magpicnic sa burol ng hapon bukas. Kasama syempre si Elisa.

Kinaumagahan ay agad niyang dinalaw ang ama saka naman nakipagkwentuhan kay Clyde, kagagaling nito sa bukid at pawis na pawis. Masayang masaya ito sa ginagawa sa hasyenda. Nagpaalam siya sa mga ito para sa lakad nila ni Elisa at Ruben, nagbihis siya saka nagpaalam sa mga katulong na lalabas siya kasama ang mga kaibigan. Mas gusto niyang sumakay sa tricycle kesa gumamit ng sasakyan sa hasyenda. Pagdating sa bayan ay agad silang naglibot nila Elisa at Ruben at bumili ng babaunin para sa picnic nila sa burol. Nang makarating sila sa burol ay agad nilang nilatag ang banig saka inayos ang mga pagkain na kakainin nila. Parang bumalik siya sa kanyang kabataan. Ang pagkakaiba lang ngayon ay mas may pagkain na sila hindi noon na wala silang makain.

Lumayo sa kanila si Elisa dahil may kausap ito sa telepono at mukha ayaw ipaalam sa kanila ang usapan kaya naiwan sila ni Ruben na nakaupo sa banig at kumakain ng chips. Pareho nilang tinitingnan ang paglubog mg araw.

" namimiss ko tong mga ganitong pagkakataon." Sabi ni Ruben sa kanya.

"Ako din naman, lalo na mas lumalayo ka na sa amin ni Elisa." Pabirong tampo niya dito.

" hindi ko alam kung paano ba sasabihin sayo, pinipilit kung labanan Carla pero hindi ko kaya.."

Tumingin siya dito at hinihintay ang iba pa nitong sasabihin pero biglang hinawakan ni Ruben ang kanyang mga pisngi. Nagulat siya sa paghawak nito sa mukha niya. Kaya hindi siya agad makagalaw.

"Carla, mahal kita, pinipilit kung labanan pero hindi ko kaya, alam kung may asawa ka na pero nandito lang ako naghihintay." Patuloy nito.

Inalis niya ang mga kamay nito sa kanyang mukha saka sana magsasalita pero bigla siya nitong yumakap pinipilit niyang itulak ito pero mahigpit ang yakap nito. Nasa ganon silang tagpo ng makita niya sa kalayuan ang isang kabayo at nakasakay si Miguel. Hindi man niya maaninag ng husto ang mukha nito pero alam niyang galit ito. Agad nitong pinatakbo ang kabayo palayo sa kanila, napatingin din si Ruben sa banda kung saan siya nakatingin, malakas din ang yabag ng kabayo saka malakas niyang itinulak si Ruben.

" ano bang nangyayari sayo, anong ginagawa mo? Galit niyang tanong kay Ruben.

"Mahal kita Carla mula pagkabata minahal kita, hindi ka naman mahal ng asawa mo diba? Maghihintay ako hanggang pakakawalan ka niya" Sabi nito at lumapit sa kanya. Pero lumayo siya dito.

"May asawa ako Ruben, kaibigan lang ang turing ko sayo." Sagot niya dito.

Napatigil si Ruben sa paglapit sa kanya. Saka siya lumayo dito para hanapin si Elisa, gusto na niyang umuwi, sigurado siyang si Miguel ang nakita niya kanina na nakasakay sa kabayo, kelangan niyang umuwi agad. Nakita niya sa medyo may kalayuan si Elisa na nakaupo sa ilalim ng isang puno at may kausap pa rin sa cellphone nito. Nang makita siya ay agad nagpaalam na ito sa kausap. Napansin nitong seryoso ang kanyang mukha.

" mag ayos na tayo para makauwi na, gumagabi na." Sabi niya dito saka naunang naglakad, nadatnan nilang nakaupo sa damuhan si Miguel.

"Ok ka lang? Uwi na tayo at gumagabi na." Yaya ni Elisa kay Ruben, hindi niya alam kung bakit galit si Carla at malungkot naman si Ruben, nagkapikunan siguro. Nagmadali silang nagayos ng gamit saka naglakad pababa sa burol. Agad sumakay sa tricycle si Ruben at Elisa siya naman ay maglalakad na lamang papasok sa hasyenda.

Hindi niya maintindihan ang nararamdaman, ano ang sasabihin niya kay Miguel. Dumaan siya sa bahay ng kanyang itay at Clyde bago siya pupunta sa mansyon. Pagpasok niya sa malaking bahay ay ang mga kasambahay lamang ang bumati sa kanya, wala ang mama at papa ni Miguel. Gusto niya sanang itanong kung dumating ba si Miguel dahil sa likod ng mansyon siya galing pero ayaw nahihiya siya kaya sumilip siya sa garahe, nakaparada doon ang sasakyan ni Miguel.

Huminga siya ng malalim saka pumasok sa kwarto nila ni Miguel. Nakabukas lamang ang isang lampshade sa gilid ng kama, may travelling bag sa gilid mg pinto. Nakita niyang nakatayo ito sa pintuan ng balkonahe, seryoso ang mukha o mas masasabing galit ito.

Continue Reading

You'll Also Like

5.6K 196 25
Vanessa Garcia lumaki sa poder ng mga Lola niya ang Mama niya ay may sarili ng pamilya same din sa Papa niya samakatuwid ay parang tinapon lang nila...
15.1K 311 21
Seth is one of the richiest bachelor in the country, he loves to play with girls at walang sineseryoso pero ng makilala niya si Rhianna ay nagbago an...
9.9K 294 29
Highest Rank #5 torn James Rupert Samonte, isang matipuno, gwapo, mayaman at, aroganteng nilalang sa balat ng lupa na nakilala niya. She likes him na...
326K 7.2K 27
Ang kwentong ito ay pawang mga kathang isip lamang kaya kung sakaling may pagkakatulad ang mga tauhan sa ibang kwento o buhay ng isang tao ay hindi p...