BGT 03: HIS BEAUTIFUL PUNISHM...

By AshQian

75.4K 3.7K 199

Love, and ignorance of loving brought her inside the cold corners surrounded by bars. She was left alone with... More

UNANG YUGTO
Chapter 1 - Unang Yugto
Chapter 2 - Unang Yugto
Chapter 3 - Unang Yugto
Chapter 4- Unang Yugto
Chapter 5 - Unang Yugto
IKALAWANG YUGTO
Chapter 1 - Ikalawang Yugto
Chapter 2 - Ikalawang Yugto
Chapter 4 - Ikalawang Yugto
Chapter 5 - Ikalawang Yugto
IKATLONG YUGTO
Chapter 1 - Ikatlong Yugto
Chapter 2- Ikatlong Yugto
Chapter 3 - Ikatlong Yugto
Chapter 4 - Ikatlong Yugto
Chapter 5 - Ikatlong na Yugto
IKAAPAT NA YUGTO
Chapter 1 - Ikaapat na Yugto
Chapter 2 - Ikaapat na Yugto
Chapter 3 - Ikaapat na Yugto
Chapter 4 - Ikaapat na Yugto
Chapter 5 - Ikaapat na Yugto
IKALIMANG YUGTO
Chapter 1- Ikalimang Yugto
Chapter 2 - Ikalimang Yugto
Chapter 3 - Ikalimang Yugto
Chapter 4 - Ikalimang Yugto
Chapter 5 - Ikalimang Yugto
HULING YUGTO
Chapter 1 - Huling Yugto
Chapter 2 - Huling Yugto
Chapter 3 - Huling Yugto
Chapter 4 - Huling Yugto
Chapter 5 - Huling Yugto
DENOUEMENT

Chapter 3- Ikalawang Yugto

2K 109 3
By AshQian

"Javier, no...magigising si Aki..." kulang sa lakas ang pagtutol na sinambit ni Roanne nang pisilin ni Javier ang dibdib ng dalaga.

"Bathroom," lumandas ang dila niya sa leeg nito paakyat sa baba at muling siniil ng halik ang labi nito. Nagpatangay na ito sa kanya sa loob ng banyo.

He is about to pull her dress off when Aki's cry echoed, calling them. Parehas silang natigilan at itinulak siya ni Roanne. Tumalilis ito palabas. Naiwan siyang naghahabol ng hininga at ng lakas upang mapababa ang pag-angat ng pagnanasang humalukay sa puson niya. Binuksan niya ang dutsa at itinapat doon ang ulo. That night he ended up sleeping at the couch in the living room.

Javier opened his eyes. The heated scenery from the other night kept coming back, creating a riot in his brain. He can't trust himself around her anymore. Nakalimot na naman siya. Pagkatapos ng tagpong iyon ay nakiusap sa kanya si Roanne kung pwedeng pag-isipan muna nito ang alok niyang doon na ito tumira at si Aki sa bahay niya. Pinagbigyan niya ang dalaga.

Binitbit niya ang laptop at drone palabas ng terrace. Pinakawalan patungo sa bahay ng mag-ina niya habang sinisipat ang monitor. Walang pasok ngayon si Aki dahil may seminar ang teachers nito. Nasa labas ng bahay ang bata, sakay ng mini-car na binili niya at minamaneho nito paikot-ikot sa bakuran. Nanonood dito si Roanne at pumapalakpak.

He smiled at the soothing sight, and enhanced the view, captured a good shot of her laughing. He took few photos of Aki as well, chuckling from ear to ear. Pinagmasdan niya ang nakuhang anggulo ng dalaga. Zoomed it in.

Ngayong hindi na gaanong babad sa make-up ang mukha nito'y mas lalong tumingkad ang ganda nito. Dati kapag nakikita niya ito sa commercials sa tv at sa mga palabas, hindi niya matukoy kung totoo ang hulma ng anyo nito. Make-up make her features unrealistic, and dull.

Naningkit ang mga mata niya nang makita ang sasakyang huminto sa labas ng gate. Iyon ang SUV ni Jimrexx Durano. Bumukas ang pinto sa tapat ng driver at bumaba ang lalaki. Pabagsak niyang itiniklop ang laptop at pinabalik ang drone. The animosity inside him is getting bad. Is he freaking jealous? No way! Why would he? Hinambalos niya ng mabigat na kamay ang balustre.

"Where are you going, Javier?" Humabol sa kanya sa labas ng bahay si Xiellou.

"Sa anak ko," matigas niyang sagot.

"Bakit ganyan ang hitsura mo? Para kang may papatayin."

"Is that new?" Binalya niya ang gate at lumabas.

"Javier!"

Anong ginagawa ni Jimrexx doon? Bakit bumalik-balik ang sira-ulong iyon? Wala na sa bakuran ang mag-ina nang sapitin niya ang bahay.

"This is the designs of the drift wood. Balak ko ring gumawa ng mga paso mula sa kahoy, pero pag-aaralan ko pa ang proseso para hindi mabubulok ang kahoy lalo na kung exposed sa tubig araw-araw." Boses ni Roanne na nasagap niya pagpasok niya ng pinto.

Nasa sala ang mga ito at may ipinapakita ang dalaga kay Jim sa hawak nitong hardbound clearbook. Kapwa nag-angat ng tingin ang dalawa papunta sa kanyang direksiyon. Namutla si Roanne habang si Jim ay bahagyang kumunot ang kilay.

His presence is on point.

"Papa! Papa!" Masayang sigaw ni Aki habang tumatakbo patungo sa kanya.

"Hey, Papa's boy!" He picked his son up to his arms. Pinauulanan nito ng maliliit na halik ang mukha niya habang nakatuon ang matiim na titig kina Roanne at sa lalaking bisita nito.

Tumayo si Jim at tinanguan siya. Habang itiniklop ng dalaga ang clearbook at itinabi sa mesita. Now her cheeks are flushed. Dalawang beses na muntik nang may mangyari sa kanila. Siguro naman pabalik-balik din iyon sa utak nito gaya niya.

"Javier," nag-alok ng palad si Jim sa kanya.

"Kumusta, Jimrexx." Mahigpit niyang hinawakan ang kamay nito at nakipagsukatan ng lakas dito.

"Go on with your discussion," aniyang malagkit na sinulyapan si Roanne. Saglit na nagtagal ang titig niya sa labi nitong bahagyang nakaawang. Nasa bibig pa rin niya ang pakiramdam kung gaano iyon kalambot halikan.

Hinayaan niyang ituloy ng dalawa ang pag-uusap. He, and Aki stayed at the opposite side of the living room while playing legos. He's curious if Roanne told Jim about him, and their son. Mukhang hindi na nagulat ang lalaki nang makita at maging nang tawagin siyang Papa ni Aki.

He caught her stealing a glance at him. Wala siyang ideya kung anong business ventures ang pinag-uusapan ng dalawa. He's in no position to stop her effort but he couldn't agree and be comfortable that she's having Jimrexx to be her business partner or whatsoever.

***
Hinatid ni Roanne sa may gate si Jim. Nagkasundo sila sa investment capital na paghahatian nila para sa pagsisimula ng furniture shop. Bukas ay babalik ang lalaki at bibisitahin nila ang shop.

"I'll be here, probably after lunch," sabi nito at binuksan ang pinto ng sasakyan.

Tumango siya. "Maraming salamat pala sa tulong mo roon sa police station. Tumawag sila sa akin kanina, humingi ng sorry."

Napabilis pa ang pag-asikaso sa mga dokumento niya dahil may mga kaibigan sa National Office si Jim at nabigyan ng priority ang proseso. He is one of the top guns in the country's police force.

"No problem, see you tomorrow." Pero naudlot ang pagsampa nito ng sasakyan. May nakalimutan yatang sabihin. "Manang Wena told me something about Aki. I'm open for the idea of becoming the boy's Daddy, if it is really necessary."

"Sorry for the inconvenience, Rex. Ako ang nagbigay ng ideyang iyon kay Auntie. Hindi kasi ako makapag-isip ng mabuti."

"Sa nakikita kong pagbabakod ni Javier sa iyo, mukhang mahihirapan tayong makalusot. And the fact that they were so much alike, no one will ever believe us. Why don't you just tell him the truth?"

Umiling siya. "Hindi pwede. Ayaw ko siyang bigyan ng armas na magagamit niya balang araw para kunin sa akin ang anak ko. Bahala siyang mag-isip at maniwala na anak niya si Aki. Basta't wala akong sinasabi, wala siyang mapanghahawakan laban sa akin."

"Bakit mo naisip na ilalayo niya sa iyo ang bata? Nagbanta ba siya?"

"Hindi naman."

"Javier is into you, Roanne." Jim's eyes hinted her about someone behind.

Lumingon siya. Si Javier nakatayo sa may pintuan. Nakatanaw sa kanila. May init na humaplos sa tumatahip niyang dibdib.

Pagkaalis ni Jim ay bumalik siya sa loob ng bahay.

"Have you decided about moving in to my place?" tanong ni Javier pagkalagpas niya rito.

"Hindi pa. Iniisip ko si Auntie, maiiwan siyang mag-isa rito."

"Bring her then. My guestroom is vacant."

"Hindi aalis si Auntie rito. Hindi niya iiwan itong bahay."

"We'll provide househelp for her, para may kasama siya." Inuubos ng talaga ng lalaki lahat ng excuse niya. "Aki will occupy Xiellou's room once she is back to Manila soon."

Tumango na lang siya. "Saka na lang siguro kami lilipat kapag nakaalis na si Xiellou."

"Up to you. I'll stay here for the meantime."

"Ano?"

"Dito muna ako, I can sleep in Aki's room or yours if you want." He is back to seducing her again, and her defenses is getting weaker day after day.

Hindi na siya mapakali sa kakaibang init na umusbong sa kanyang puso. Pamilyar sa kanya ang ganitong senyales. This isn't just lust. This is the kind of evolving emotion that is scary, and inescapable. She didn't like it one bit. Kung pwede sana ayaw na niyang makaramdam pa ng ganito.

"I'm sorry again for the other night. This crazy reaction of my body when I'm with you is harder to control than I thought. I've never been with regular girls for the last couple of years now. I'm scorching dry as hell be like."

"You're a jerk!" Marahas niya itong itinulak paalis. Ibig sabihin tigang lang ito kaya ganoon ang reaksiyon ng katawan nito? Parausan lang ang tingin nito sa kanya. Hindi totoo ang sinabi ni Jim kanina. Sa sobrang inis ay naiyak na lang siya pag-akyat niya sa kanyang kuwarto.

Hindi niya alam kung gaano siya katagal nagkulong doon. Pagbaba niyang muli ng sala ay nasa labas ng bahay ang mag-ama at naglalaro. Pilit niyang hinamig ang sarili at sinimulan ang pag-aayos ng lay-out sa operation at marketing ng shop.

Natigil siya sa ginagawa sa harap ng laptop nang umagaw sa pandinig niya ang ingay mula sa labas. Tinungo niya ang pinto. Si Rowena rin ay sumilip mula sa kusina. Pumanhik ng bahay si Javier, madilim ang mukha habang karga si Aki.

"Take Aki upstairs, Manang."

Kinuha ng Auntie niya ang bata at umakyat sa taas ang mga ito. Habang sila ni Javier ay magkasamang lumabas ng bahay. Isang babaeng may katabaan at hitik sa alahas ang katawan ang nagpupumilit pumasok sa gate.

"Ito na pala ang higad! Hoy, putang babae ka! Mabuti naman at nagpakita ka!"

"Anong problema? Sino ka ba?" Hindi niya gusto ang timpla ng dila ng babae. Dahil sa ingay nito, ilan sa mga kapitbahay nila ay lumabas at kumalat sa kalye.

"Ako lang naman ang asawa ng police na kinabit mo, malandi ka. Kaya ka nabigyan ng parole dahil inasikaso iyon ng asawa ko!"

"That's a grieve accusation, Ma'am. Do you have proof? And this is trespassing. I can call the cops," sabat ni Javier.

"Tinatakot n'yo ako? Subukan n'yo!" mayabang nitong hamon na inaalog ang gate.

Binuksan ni Javier ang sub-entrance, pero sapat lang upang makalabas ito. Nilapitan ng binata ang kotse ng babae at ibinagsak ng malakas ang isang sipa sa windshield. Sumabog iyon na halos magpatalon sa kanilang lahat.

"Now, are you scared? I can do this to your precious face or to your lucky head, you'll see what terror would be like."

Napaurong ang babae. Namutla. Nagmistulang tinubuan ng mga mata ng owl ang mukha.

"Get your fucking butt out here, and never mess with my girlfriend again!" matigas na babala ni Javier.

Kandarapang sumakay sa kotse ang babae at pinasibad iyon paalis. Habang siya at ang mga kapitbahay niyang nakiusyuso ay nag-ugat sa kanilang kinatatayuan.

Continue Reading

You'll Also Like

4.9M 66.2K 45
Elize Montemayor has been in love with Jared Villaflor ever since she has heard of his name. Thing is, Jared is too out of her league and taking noti...
206K 6.7K 50
Tagalog-English BL - There's an urban legend saying that people with the same name cannot live together. It's a curse. Romeo Andres is a basketball h...
31.1K 634 61
A girl had a voice and a guitar. She wanted everything to be right and fair and so -- she made a selfish sacrifice. All of her memories were tucked s...