[AYAME NAKAHARA]
Pagkatapos kong bisitahin si Lola at ang anak ko sa kubo ay umuwi na rin ako. At kahit gustuhin ko mang mag-stay pa ng matagal doon ay, hindi puwede, dahil may pasok pa ako bukas.
Alam kong naguguluhan na kayo, pero oo, may anak na ako. At kung tinatanong niyo kung sino ang ama eh, siguro ay kilala niyo na. Ayokong galing mismo sa akin na siya ang ama, dahil nasasaktan lang ako. Hindi ako bitter, sadyang nasasaktan lang talaga ako.
Nagtataka ba kayo kung paano ako nagkaanak? Well, maaga ko kasing ibinigay ang sarili ko, 'di ba? At rememmber, noong kinupkop ako ni Lola roon sa bahay niya? Noong nagising ako after 1 week? Well, nung pagkagising ko noon ay doon na ako nakaramdam ng normal na sintomas ng pagbubuntis. At kung hindi pa napansin ni Lola na nakararamdam ako ng mga sintomas ng pagbubuntis eh, hindi pa namin malalaman na buntis na ako. At dahil malayo ang hospital na pwedeng kumonsulta sa akin sa baryo nina Lola eh, inalagaan kong mabuti ang sarili ko. At nagtagumpay naman ako sa loob ng siyam na buwan. Maayos na nailabas ko si Hiro sa kubong iyon.
Noong inilabas ko si Hiro, parang biglang bulang naglaho ang lahat ng galit ko sa mundo. Napaka-gwapo at napaka-healthy ng anak ko noong lumabas siya sa akin. At dahil sa sobra-sobrang tuwa ko noong mga panahon na iyon, umiyak talaga ako ng umiyak habang buhat-buhat ko sa mga bisig ko si Hiro. Hiro ang ipinangalan ko sa baby ko, dahil isinunod ko ang pangalan niya sa tatay niya. Hindi naman masama iyon, hindi ba? Ayos lang naman iyon, dahil tutal naman ay siya ang ama ng anak ko. At saka, bagay na bagay sa kaniya ang pangalang Hiro.
Malaki ang pasasalamat ko kay Lola dahil sa pag-aalaga niya sa Hiro noong umuwi ako rito sa mansyon. At pati na rin sa pag-kupkop at pag-alaga niya sa 'kin noong mga panahong basag na basag ako at walang patutunguhan. Siya ang tumayong ina ko noong mga panahong iyon. Kaya nga isasama ko si Lola dito kasama si Hiro sa mansyon at patitirahin pagkatapos ng aming Graduation, para sa pasasalamat ko na rin sa kaniya. Malaki ang utang na loob ko kay Lola, at gagawin ko ang lahat, sumaya at maging maayos lamang ang buhay niya.
Matagal ko na rin pinag-iisipan kung kailan ko sasabihin kay Jiro na may anak na ako at siya ang ama nito. At kahit gaano ko man gustong i-tago na lamang si Hiro mula sa kaniya, eh, hindi pu-puwede. Dahil alam kong hindi maaaring mangyari 'yon. At isa pa, ayaw kong lumaki si Hiro na walang kinikilalang ama.
Eh, paano ko nga pala sasabihin kay Jiro na siya ang ama ni Hiro, eh, 'di ba nga? Pinalayo ko na siya sa akin? Pero ano naman kung pinalayo ko na siya sa 'kin? Puwede ko namang sabihin sa kaniya nang walang halong damdamin, ah?
Pero natatakot ako...
Napa-takip ako ng unan. Ano ba, Ayame! Be a Woman! Hindi ka na bata para matakot pa! Eh, ano naman ngayon kung kunin ni Jiro si Hiro mula sa iyo? Eh 'di, lumaban ka! Mas malakas ang laban mo kaysa sa kaniya.
Pero paano kung tuluyan na talaga niyang makuha si Hiro mula sa akin?
Idiniin ko pa ang unan ko sa ulo ko. Hindi, hinding hindi mangyayari iyon. Hindi ko kakayanin. Sa akin galing si Hiro. Ako ang nagpalaki sa kaniya nang walang amang gumagabay sa kaniya. Lahat nag pag-hihirap, tiniis ko nang wala si Jiro. Kaya ang kapal naman ng pagmumukha niya kung kukunin niya ang anak ko mula sa akin, hindi ba? Ayos lang na tumayo siyang ama ng anak ko, pero huwag lang niyang masubok-subukan na kunin si Hiro mula sa akin. Kapag kinuha niya sa 'kin ang anak ko, hindi ko kakayanin. Ngayon pa nga lang na naiisip ko pa lang, nasasaktan na ako ng sobra. Paano na lang kaya kung totoong nangyari na? Hindi, hindi puwede. Hindi ko kakayanin ng sobra kapag nagkataon.
Pumikit ako. Itutulog ko na lang ito. Pagod lang siguro ako.
At bago ako makatulog, ipinalangin ko muna sa diyos na h'wag sanang kunin ni Jiro ang anak ko mula sa akin. Hanggang sa nakatulog na ako nang may luhang tumutulo mula sa mga mata ko.
______________________
[JIRO KUROSAWA]
Ano ba 'yan, lunes na naman. Tsk, nakakatamad. Pang-umaga kasi ako. At heto, nauurat ako, dahil ginising ako ng alarm clock ko ng 5:00 am. Tsk, lintek na buhay.
Kasalukuyan akong nagtu-tooth brush ngayon. At kahit katatapos ko lang maligo, ramdam na ramdam ko pa rin ang antok. Kaya heto, mukha akong zombie na nagsisipilyo ngayon. Paano ba naman kasi, napuyat ako kagabi. Napuyat ako kaka-isip kay Ay----
Umiling ako. Jiro! Umayos ka! Mapapasa-iyo din ang mahal mo. Magtiwala ka lang.
Tinapos ko na ang pagsi-sipilyo ko at lumabas na ng banyo. Nag-ayos na ako ng aking sarili. Pagkatapos kong ayusing ang sarili ko ay lumabas na ako ng aking dorm at isinara ang pinto. 'Di muna ako kakain, doon na lang sa aming unibersidad.
Pagka-dating ko ng aming unibersidad ay as usual, dinagsa na naman ako ng mga kababaihan. Minsan, nakakasawa at nakakainis na rin. Hindi na kasi nila binigyan ng kapayapaan ang buhay ko. Kasi naman, kahit sa banyo ay sinusundan nila ako. Nakakainis, 'di ba?
Pagka-dating na pagka-dating ko sa aming silid-aralan ay nakita ko ang mga kaibigan ko. Agad kong isinara ang mga pinto at mga bintana, dahil hanggang dito ay sinusundan pa rin ako ng mga babaeng ito. Hapong hapo akong umupo sa sarili kong upuan. Tinignan ko ang aking uniporme. Medyo nagusot ito. Sa sobrang inis ko, napa-yuko na lang ako sa desk ng aking upuan. Lintek na buhay 'to, oh! Tsk.
"Mukhang hindi maganda ang gising mo Jiro, ah." Napa-angat ako ng aking ulo nang marinig ko ang boses ni Raiden sa tabi ko. Nakita kong naka-upo siya sa may arm rest ng upuan na katabi ko at naka-harap sa 'kin.
Napa-kunot ang noo ko. "Oo nga, eh. Napuyat kasi ako kagabi."
Narinig kong tumawa si Raiden. "Dahil na naman ba kay Ay---"
Hindi na natapos ang sinasabi ni Raiden dahil narinig naming kumalabog ang pintuan ng aming silid at nakita ko ang mga kababaihang mukhang nababaliw ba. Ganito ba talaga kami ka-gwapo kaya pagdating dito ay sinusundan nila kami? At mukhang lalong dumami yata ang mga babae sa labas. Lintek na buhay.
"Ang hirap talagang maging guwapo." Napatingin kami kay Ryuu na umupo sa tabi ko.
"Kapal ng mukha neto. Sino namang nagsabi na guwapo ka?" Napa-lingon naman kami kay Yumi na umupo sa upuan na kaharap namin.
"Ang iingay naman ng mga babae sa labas. Pwede bang patahimikin niyo 'yang mga 'yan?" Napatingin naman kami kay Rin na umupo sa tabi ni Yumi.
Tapatawa sa Raiden. "Sisihin niyo si Jiro. Siya lang naman ang nagdala ng mga 'yan dito."
"At saka, lalong silang dumami dahil nandito kami ni Raiden." Dagdag pa ni Ryuu.
"Ang kapal talaga ng mukha..." bulong naman ni Yumi, ngunit rinig naman naming lahat.
Napa-tingin kaming lahat sa labas ng aming silid nang tumigil ang mga kababaihan sa pagkalabog ng pinto ng aming silid. At lalo kaming nagtaka sa agarang pag-alis ng mga kababaihan sa labas.
Pagka-ubos ng mga babae sa labas ay maya-maya pa'y biglang may kumatok sa pinto ng pagkalakas-lakas. Agad naman akong tumayo at binuksan ang pintuan. At nagulat ako sa taong nasa harapan ko...
... si Aya, naka-busangot ang mukha.
"Ano, titignan mo lang ba ako at hindi paparaanin?" Masungit niyabg sabi.
Nataranta naman ako kaya agad akong tumabi at pinaraan siya. Padabog naman siyang umupo sa kaniyang upuan at yumuko sa desk niya.
Lumapit naman ako kina Ryuu. At nakita ko namang lumapit sina Rin at Yumi kay Aya.
Napa-tingin kami sa isa't isa at nagkibit-balikat na lamang. Itinuloy na lang namin ang aming pagku-kuwentuhan hanggang sa dumating na ang lahat ng aming mga ka-klase at dumating na ang aming professor sa una naming asignatura.