A life with you
Nakatulala lamang ako habang malalim ang iniisip. I'm incoming Grade 11 STEM student. I don't fit I'm just trying. I know that tanggap ko 'yon but every time na maiisip kong nakikisiksik pang ako napapaisip nalang din ako kasi wala akong ibang choice.
Nandito ako sa kwarto ko My safe place wala akong balak lumabas dahil hindi pwede tsaka wala naman akong gagawin sa labas. Halos magpagulong-gulong na ako sa kama hindi na bago saakin ang ganito kadalasan nga ay matapos gumulong ay matutulala ako sa kisame ng kwarto ko.
Agad akong tumayo ng tumunog ang phone ko.
Kakatapos lamang ng Moving up kaya nasa taas na ako online ginanap kaya medyo log. Binuksan ko ang phone ko at nagulat sa nakita.
Zaugustus.kiel message you
Congrats Vaine You did it:)
I almost forgot to breath!! Damn you for making me breathless eventhough I hate you. Zaugustus never failed to make me fall harder.
Hindi ko na nireplyan wala rin naman mangyayari. Kanina nanood ako ng live I connect it in our television but no one.. no one dares to watch and celebrate my Moving up ceremony. Kaya noong makita at marinig ko ang pangalan ko ay agad ko rin itong pinatay. Pinapagalitan ako kanina dahil may allergy ako at dagdag gastusin na naman.
Imagined celebrating your own success on your own.
Kanina ko lang naramdaman na may natapos ako nang maayos at kanina ko lang din naramdaman na masakit pala mag assume.
CIANE YVAINE CARO
WITH HONORS
I'm literally staring at the Television screen trying my best to stop crying cause no one cares..
Nanay don't know that Iam a completers with honors, probably your thinking that I'm overreacting because I'm crying because no one congratulate me? Well maybe.. I'm too emotional to cry for something like this.
Si Zaugustus ang unang bumati saakin, pero hindi dapat ako mag-isip na importante ako sakaniya malabo pa sa blurred.
Inopen ko 'yung fb acc ko at nagtaka kung bakit puno ng notif ang account ko. Binuksan ko ang mga nag mention saakin kumunot pa ang noo ko ng samut saring comment ang nakalagay. Nag scroll up ako at halos mangatog ng maramdaman ang pamilyar na emotion.
Zaugustus.kiel
@CyvaineCaro So proud to you L...
Napangiwi ako sa nabasa restricted ang mag comment sa live ng ganito!! Ano ba naman 'to?! Paganiyan ganiyan pa manloloko naman tsk!!
Iritable kong iniscreenshoot bago inireport ang photos and mimong post.
"Ciane!! May nagdeliver dito!!" Sigaw ni Nanay kumunot ang noo ko sa narinig. Agad akong bumaba at kinuha ang inabot saakin ni Nanay.
Umakyat muli ako at binuksan ang karton natulala ako sa nakita ng bumungad saakin ang isang piraso ng black rose napatayo ako ng makita ang larawan ko.. larawan ko?!
Isang litrato noong umiiyak ako sa puntod ni Tatay. Nakasuot ako ng cap at white shirt naka pants ako at nakaluhod sa larawan. Makulimlim at halatang malapit lamang ang kumuha ng litrato ko.
Isang litrato na naglalakad ako pauwi, pinag masdan ko ang larawan at naalala na umiiyak ako noong araw na ito dahil sa Family problem na sinabi saakin.
Marami pang litrato at madalas na nakatulala lamang ako o umiiyak. Sino ang kumuha ng ganitong klaseng litrato.. ang papanget ko.
Pinasok ko muli sa kahon ang mga litrato at itinago ito sa taas ng kabinet ko.
Dahil nairita ako sa mga kuha ko ay nakabusangot ako habang kumakain kami.
Kuya Cayden at kuya Crayson panganay si Kuya Cayden at pangatlo si kuya Crayson ang nag-iisa kong ate ay nasa Cavite si Ate Ryse.
Matapos kumain ay nag-hugas at umakyat din agad ako sa kwarto ko. Dim light at simple lamang ang disenyo ng kwarto ko. May isang unan ako na lagi kong yakap hindi ako nakakatulog ng maayos kapag hindi ko ito katabi o kayakap kaya minsan naiinis si Nanay kapag buhat ko ito minsan kahit na kumakain o nagluluto ako.
Matapos mag scroll sa phone ko ay nakatulog na rin ako.
Nagising ako ng alas sais balak ko sanang mag ikot muli sa park para makapag isip ng isusulat sa story ko. Yes I'm a trying hard Writer.
On going pa rin 'yung story na nagawa ko noon at hanggang ngayon hindi ko na ito madugtungan..hindi dahil wala na akong maisip o mailagay na scenes, kung hindi ito ang unang beses na gumawa ako ng happy story at ginawa ko ito noong kasagsagan ng saamin ni Zaug. Ngayong hindi na ako masaya, ngayong hindi ko na maalala ang pakiramdam na masaya ay nahihirapan na akong panatiliin na masaya ang bawat kabanata na naisusulat ko.
Tula noon ang sinusulat ko simula Grade six tula ang pinagdidiskitahan ko nabago lamang ngayon.
Lumabas akong naka short at over sized shirt magdidilig sana ako ng halaman kaso mukhang nag bago na isip ko. Paano ba naman kasi ang magaling si Zaug ay nagkakape sa balkonahe nila. Napa-irap ako bakit ba nandiyan pa 'yang lalaki na 'yan. Akala ko ba lumipat na sila. Tsk.
Matapos pumasok ay napangiwi ako ng makita ang aso na binigay ni Zaug saakin si Birthday ang maltese na puti binuhat ko ito at inilabas. Inilapag ko sa harap ng balkonahe nila Zaug at iniwan ko.
Aba bigyan niya ng sustento ang tuta.
Balak ko sana iwan lang saglit si Birthday dahil kukunin ko 'yung dog food niya hindi ko naman inaasahan na baba si Zaugutus at lalaruin ito!! Nagbibiro lamang ako kanina!!
Kaya ko nilapag si Birthday kasi nandoon yung bench sa tapat ng balkonahe nila Zaug hindi dahil nandoon si Zaug!!
"Come on Birthday stop running your Mama will be mad, ang dumi mo nang tignan!!" Frustrated na sigaw ni Zaug nagulat ako at napamaang ng makitang puno na ng putik si Birthday naka-awang ang labi ko at muntik ko nang itapon sa mukha ni Zaug ang lalagyanan ng dog food dahil pati siya ay puro putik na.
Damn this guy for being the father of my daughter Birthday!!
"Utang na loob Zaugustus umalis ka sa harapan ko!!" Iritadong sigaw ko. Bumaling saakin si Zaug samantalang nakalabas dilang humarap saakin si Birthday
"Birthday yari tayo!!" Biglang sigaw ni Zaug at binuhat papasok ng bahay si Birthday at napairap ako ng marinig ko ang tawa niya at kahol ni Birthday na parang siyang-siya sa reaksyon ko.
Kung hindi lang sana nangyari 'yong nakaraan hindi ako ganito kahigpit sa sarili ko.
Bakit kasi kasabay ng problemang pag dating ay ang pag babago mo Zaugustus?
Civil man kaming titignan masiyado akong malayo sakaniya kapag ganito ang ginagawa niya takot na madaplisan niya o matignan man lang takot akong maulit at lalong takot ako kay Zaugustus...
Hindi ako kailanman nagalit at sa tingin ko iyon ang pinaka mahirap. May dalawang paraan para kalimutan ang isang tao. Una ang pagiging galit sa taong iyon kamumuhian mo ito hanggang sa puro masasakit at problema nalang ang maaalala mo kaya imbis na pagmamahal ay galit ang mararamdaman mo. Ang isa naman ay Masiyadong risky ang pagpapatawad iyon ang napili kong paraan pero hanggang ngayon wala pa ako sa gitna ng proseso ng pagkalimot.
Napatawad ko na siya Oo, pero imbis na masasakit at problema ay ang masasaya at hindi ko malilimutang alaala ang naaalala ko araw-araw.
Hindi ko kailanman naging way ang galit dahil ayokong mabuhay ng puro problema ang naaalala ayoko..
Saktan man ako paulit-ulit ni Zaugustus pakiramdam ko hindi ako magagalit kahit kailan sakaniya...
Kahit na nagsinungaling at ibinaon niya ako lalo sa masasakit na alaala.
Kitkat.C