Gawa sa Rattan

By jocas_

659 134 2

This is a sports-romance story where Peitha 'the ace' Altamirano of arnis team and Jusffer Troilus 'the great... More

Gawa sa Rattan
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Wakas

Kabanata 33

8 2 0
By jocas_

"May isang chikading na dumapo sa sanga... dumating ang isa, dalawa na sila..."

"Naririndi na ko, Pei." Zuie sighed.

I chuckled. "Kayo kasi eh! Nilasing-lasing n'yo ko..."

Ngumiti lang si Zuie. Nagpatuloy naman ako sa pagkanta, hindi ko na inintindi kung naririndi na si Zuie.

Nakapasan kasi ako sa kanya kaya rinig na rinig niya ang paulit-ulit kong kanta. Favorite song ko kaya iyon. Best in singing nga ko no'ng kinder eh.

"You look cute, Captain."

I smiled. "Wala akong lima, Captain."

He just chuckled. Natatanaw ko na ang dorm namin kaya pumalakpak ako.

"Pei, huwag kang malikot, baka mahulog ka eh."

Naririndi, nabibigatan, at nalilikutan na sa 'kin si Zuie pero mahinahon pa rin siya. Hindi pagalit iyong mga saway niya.

"Sorry, Zuie." Pinatong ko ang noo ko sa balikat niya. "Thank you... for everything."

"Hindi mo ko kailangang pasalamatan. Kaibigan mo ko kaya gagawin ko ang lahat ng kaya ko para sa 'yo."

Napangiti ako. Tama ulit si Tita, I'm lucky for having Zuie.

"Hoy, pakboy, anong ginagawa mo rito?"

Napatunghay ako nang marinig ang boses ni Gale. Huminto kami sa tapat ng dorm.

Nagsquat si Zuie kaya bumaba na ko. Minasahe niya ang balikat niya kaya natawa ako.

"Gusto ko lang makita na safe kayong makaka-uwi," sagot ni Mijares kay Gale bago lumapit sa 'kin. Nagpeace sign siya sa harap ko. "Ilan ito, Master?"

"Dalawa. Anong akala mo sa 'kin, tanga?"

He gasped. "Isa lang ito, Master. Grabe, lasing na lasing ka ah."

Nagsalubong ang kilay ko tapos ay hinawakan ko ang daliri niya. Natawa siya kaya binatukan ko.

"Lolokohin mo pa ko."

Hinimas niya ang batok. "Tina-try ko lang naman kung gaano ka ka-lasing."

"Bakit? Balak mong pikutin?" tanong ni Gale.

"Hindi ako gano'n ah!" Ngumiti sa 'kin si Mijares. "Pasok na kayo, Master, para makapagpahinga ka na."

Napakagat ako ng ibabang labi tapos ay pinisil ang magkabila niyang pisngi. Nagulat siya sa ginawa ko.

"Bakit ba lagi mo kong nginingitian?"

Napakurap-kurap siya. "Bawal ba? Nagpapacute ako sa 'yo kasi nga gusto kita."

Sumimangot ako. "Pangit ng sagot mo. Ngumingiti ka rin kaya sa iba, ibig sabihin pati sa kanila nagpapacute ka?"

"Ha? Hindi ah!"

Inistretch ko lalo ang pisngi niya. Napapikit siya kaya napangiti ako. "Cute mo."

"Ha?!" sabay-sabay na tanong nina Zuie, Gale, at Captain.

Si Mijares naman ay muling napakurap-kurap. Binitawan ko na ang pisngi niya at nakitang namumula na iyon.

"Cute...?" Ngumiti ng malaki si Mijares sabay takip ng mukha. "Cute ko raw...pfft..."

Kinalabit siya ni Gale. "Hoy, huwag ka masyadong kiligin. Lasing si Pei."

Tinanggal ni Mijares ang takip sa mukha bago sumimangot. "Mas honest daw kapag lasing."

"Oo nga. Pero hindi lang ikaw iyong sinasabihan niya niyan. Tignan mo ah." Tumingin sa 'kin si Gale. "Cute ba ko, Pei?"

Tumango ako and hummed. Nginisian naman ni Gale si Mijares.

"Panira ka rin eh." Inirapan ni Mijares si Gale tapsi ay hinawakan niya ko sa pulso. "Tara na, Master. Pasok ka na sa loob."

Hinatak na niya ko papasok. Nanatili siyang nasa labas na hawak pa rin ang pulso ko.

Bawal siyang pumasok sa loob. Kahit dulo ng daliri ng mga lalaki ay bawal lumagpas sa pinto.

"Goodnight, Master. Magpahinga ka na ah. Simba tayo bukas."

Ngumiwi ako. "May hangover ako bukas."

"Alam ko kaya sa hapon tayo magsisimba."

"Tayo lang?"

Nakangiti siyang umiling. "Hindi eh. Gusto mo ba tayo lang?"

Umiling ako. Tinignan ko sina Zuie na nag-uusap-usap.

"Zuie!" Nilingon nila kong tatlo. "Kiss mo na ko, aakyat na ko. Gale, tara na."

"Gusto mo ako nalang kumiss sa 'yo, Master?"

Tinaas ko ang kamao ko. "Ito, gusto mo?"

"Hehe."

Lumapit sa 'kin si Zuie tapos ay kiss ako sa tuktok ng ulo. "Sige, tulog na. Goodnight, Pei, Gale."

"Goodnight." Kumaway ako kay Captain. "Good night, Captain!"

He smiled. "Sleep well, Captain."

Nginitian ko sila bago ko akbayan si Gale. "Arat na."

"Bye sa inyo!" Pahabol ni Gale.

Nasa elevator na kaming nang pumalatak si Gale. Hinarang niya ang sarili sa pinto.

"Kaya mo bang pumunta sa room mag-isa?"

Sumandal ako sa sulok. Kanina pa ko nahihilo dahil sa kalasingan pero hindi ko lang pinapahalata.

"Bakit?"

"Ngayon kasi dumating iyong parcel ko, hanapin ko muna ro'n. Mauna ka na?"

Tumango ako. "Sige. Una na ko."

"Okay. Saglit lang ako."

I hummed. Lumabas na siya kaya pinindot ko na ang third floor.

Pwede namang bukas nalang niya kunin. Tsk.

Matatagalan din siyang maghanap do'n dahil panay ang order ng mga babae kaya for sure, maraming parcels do'n.

Pinilit kong maglakad ng maayos pagkalabas ko sa elevator. Medyo madilim na sa hallway at tahimik na dahil tulog na ang karamihan.

Binuksan ko ang pinto ng room namin tapos ay naghubad ng sapatos at medyas. Lalapit na sana ako sa kama ko nang makita ang dalawang babae na gulat nang nakatingin ngayon sa 'kin.

"Ahm... anong kailangan mo?" tanong ng isa na medyo chinita. Iyong isang babae ay short-haired.

Kumunot ang noo ko. Sino itong dalawang ito?

"Wala. Kayo, may kailangan kayo?"

Umiling siya. "Wala rin."

"O... kay. Bakit kayo nandito?"

Nagkatinginan sila dahil sa tanong ko.

"Kasi... room namin ito...?" patanong na sabi ng chinita.

"Eh? Room ko rin ito. Roommate namin kayo?"

"No, miss. Room na namin ito. Nagkamali ka yata ng pinasukang room," sabi ng short-haired. "Saan ba talaga iyong room mo? Ihahatid ka na namin."

"Ito nga iyong room ko!"

"Hindi nga! May gamit ka ba rito?" She rolled her eyes. "Iinom-inom kasi tapos ngayon maliligaw ng room. Nang-iistorbo ka, alam mo iyon?"

"Tama na..." saway ng chinita.

I let out a sigh. Ang yabang nito ah.

"Labas na, Miss. Matutulog na kami dahil may training pa kami bukas."

Nameywang ako. "Bakit mo ko pinapalabas sa sarili kong kwarto? Room 301 'to, di ba?"

"Oo."

"Eh 'di, room ko nga ito! Dito ako in-assign ni Coach!"

"Dito rin kami in-assign ng Coach namin!"

"Sandali, stop shouting," mahinahong saway ng chinita. Tumayo siya sa kama ko tapos ay nilapitan ako. "Miss, I think kayo iyong dating gumagamit nitong room pero ang alam ko na-reassign kayo sa baba. Hindi ka ba nasabihan?"

Kumunot ang noo ko. May gusto akong alalahanin pero hindi ko maalala.

"Imposible..."

Lumapit sa amin si short-haired. "Alalahanin mong mabuti, Miss. Please lang, may training pa kami bukas."

"Athlete kayo?"

Proud siyang tumango. "Hindi lang kami basta athlete, we are the best athletes."

I scoffed. Ang yabang eh.

"Pei? Pei—"

Biglang pumasok si Gale sa room kaya napatingin kaming lahat sa kanya.

"Andito ka lang pala!" Mahina niyang pinalo ang braso ko. "Pasensya na kayo sa istorbo ah. Nasabi ko sa kanya na iba na iyong room namin pero mukhang hindi niya naalala dahil sa kalasingan."

"Ayun naman pala eh! Dapat kasi sinamahan mo siya sa bago n'yong room para hindi siya basta-basta pumapasok dito. Muntik na nga kong tumawag sa—"

"Ay, teka." Gale gaped. "Isusumbong mo agad dahil lang pumasok kami rito? Bakit, anong tingin mo sa kaibigan ko? Masamang tao?"

"Girl, nag-iingat lang kami."

Tumaas ang kilay ni Gale. "Hindi eh. Hindi ko nagustuhan iyong way ng pananalita mo."

"Anong gusto mo? Maging mabait pa rin ako kahit na naistorbo kami ng kaibigan mo sa gitna ng gabi?"

"Aba... hindi mo kilala kung sinong kausap mo ah."

Short-haired girl smirked. "Hindi mo rin ako kilala. Ako lang naman ang isa sa pinakamagaling na player ng—"

"Girl, wala akong pake."

Nagsalubong ang kilay ng babae. "Nakakasar ka na ah."

Sasagot pa sana si Gale pero hinawakan ko na siya sa braso. "Tama na iyan, nahihilo na ko eh."

Pumalatak si Gale. "Tara na nga. Baka mahampas ko pa ng arnis ang dila nito."

Bahagya akong yumuko sa mga babae. "Pasensya na sa abala ah."

"Wala iyon. Sige, magandang gabi sa inyo," nakangiting sabi ng chinita.

Buti pa siya mukhang mabait.

"Nasaan sapatos mo, Pei?"

Tinuro ko ang sapatos ko sa gilid. Kinuha naman iyon ni Gale.

"Tara na." Hinawakan ni Gale ang braso ko at hinatak ako palabas.

"Pei...?" bulong ni chinita pero lumingon ako. Ngumiti siya sa 'kin. "Ikaw si Pei?"

Tumango ako. "Kilala mo ko?"

"Ahh, oo naman! Arnis player ka, 'di ba?"

Tinignan ako ni short-haired mula ulo hanggang paa.

"Hoy, anong titingin-tingin mo?" tanong ni Gale.

"Wala! Huwag na kayong babalik ah!" sabi nito bago sinara ang pinto.

"Bwisit na 'yon. Sarap ipitin sa pinto."

Inalalayan ako ni Gale papunta sa bago naming room. Sinermunan niya pa ko na sinabi na raw niya sa 'kin no'ng isang araw na nalipat kami kaya bakit sa dating room daw namin ako dumiretso.

Nakatulugan ko na nga lang ang sermon niya eh.

Kinabukasan ay tanghali na ko nagising. Naligo agad ako at paglabas ko sa CR ay nakabalik na si Gale. Inutusan ko kasi siyang bilhan ako ng pagkain.

Tinignan ko ang pagkaing binili niya. Kumunot ang noo ko nang makitang soup iyon.

Nanuot agad sa ilong ko ang mabangong amoy nito. Hangover soup siguro ito.

"Saan mo nabili ito? Mukhang masarap ah," tanong ko habang hinahalo ang soup.

"Hindi ko binili iyan. Binigay iyan ni pakboy," sagot ni Gale habang tutok sa phone.

Napatingin ako sa kanya. "Talaga? Nasaan siya?"

"Pumasok na sa trabaho. Sabi ni Kyell naghalf day pa raw iyon para lang umuwi sa kanila at ipagluto ka. Mukhang natakot sila na baka hindi ko ibigay sa 'yo kaya sinabi nila iyon."

I chuckled. Nagsimula na kong humigop at napangiti ako sa lasa no'n. Masarap!

Mainit-init pa kaya ang sarap higupin. Halos masimot ko nga ang lalagyan eh.

Kumunot ang noo ko nang makita ang isang papel sa ilalim ng lalagyanan nang iangat ko ito.

Simba later. Don't forget, Master.

Napangiti nalang ako. Hindi sa sulat kung 'di dahil sa handwriting niya.

Ang pangit eh.

Pero ang mahalaga naman, naiintindihan.

Nang mag-ala una ay sabay kaming bumaba ni Gale sa dorm. Siya ay pupunta sa training, na hindi pa ko pwedeng sumama, bukas nalang daw sabi ni Coach.

Ako naman ay makikipagkita kay Captain. May sasabihin daw siya eh.

Sa may garden kami magkikita kaya dumiretso na agad ako ro'n. Nakita ko siyang nakasandal sa isang puno.

"Captain."

Lumingon siya sa 'kin. Ngumiti siya at kinumusta ako. I said I'm okay.

"Ano palang sasabihin mo? About sa team?"

He chuckled, exposing his dimples. "No. Palagi bang about sa team ang sinasabi ko tuwing magkikita tayo?"

"Medyo..."

Napahawak siya sa batok. "Stupid me."

"Hmm?"

"This time, Captain, I want to say a different thing." Inabutan niya ko ng bouqet ng red roses. Hindi ko agad iyon kinuha.

Baka kasi hindi naman inaabot, pinapakita lang?

"Para saan iyan?"

"It's for you." Napa-iwas siya ng tingin. "I... want to confess..."

Napalunok ako. Mukhang alam ko na kung ano ito.

"C-captain..."

"Captain..." Diretso niya kong tinignan sa mata. "I like you."

"Ha?!" Gulat kong sambit.

Nagkamali siguro ako ng dinig?

"And... I want to court you."

Oh, jusko! Ano ba ito?!

Napakamot ako ng ulo. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko.

Nanliligaw din si Mijares eh. Paano iyon? Dalawa sila? Pwede ba iyon?

"Ano... kasi..."

"I'm sorry kung nabigla kita. I actually liked you for about two years. Ngayon lang ako nakahanap ng tyempo na umamin."

Napasulyap ako sa kanya. Hindi rin siya makatingin ng maayos at namumula ang tainga niya.

"Ahm... hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin..."

"Just tell me kung okay lang sa 'yo na bigyan ako ng chance to prove myself to you."

Napakagat ako ng ibabang labi. "Okay..."

Wala naman sigurong masama 'no?

He pressed his lips. Parang pinipigilan niyang ngumiti ng malaki. Inabot niya ulit sa 'kin ang bouqet na tinanggap ko na.

Continue Reading

You'll Also Like

175K 11K 23
Kenny Rae B. Sinclair is a fourth-year college student. Pretty handsome but aloof and prefers to be alone. She has only two friends at school and has...
227M 6.9M 92
When billionaire bad boy Eros meets shy, nerdy Jade, he doesn't recognize her from his past. Will they be able to look past their secrets and fall in...
364K 12.2K 29
[PROFESSOR SERIES II] Astrea Zaire Luceria thought she was incapable of loving someone. But the moment she laid her eyes on a certain Art Professor...
2.2M 31.4K 53
Dice and Madisson