Hopya (One Shot)

By Coccojhamm

7.4K 168 41

Kwento ng mga taong mabilis mag-assume... at yung mga taong masyadong pa-FALL!! More

Part One
Part Two
ADS.

Part Three

1.7K 54 18
By Coccojhamm

A/N : This is it guys! Bago ang lahat salamat sa mga nagbasa ng aking corning one shot. Im so flattered lalo na sa mga nagbigay ng comments and votes... 

         Ito na po yung last part guys! Hopya like it!

~~~~@@@

Patulog na ako ng gabing yun ng may biglang nagtxt sa phone ko.

si Dylan..

*Are you free tomorrow ? *- Dylan

*Aaahh.. wala naman akong gagawin bukas. Bakit? * - ako

Ang totoo nyan may recitation kami bukas sa Philosophy.

Pero mas importante si Dylan sa kahit na ano pang recitation sa class.. Ayiiieeee ☺☺

* Yayayain sana kitang mamasyal * - Dylan

* Tayong dalawa lang ? * - ako

* Yup! Tayong dalawa lang! * - Dylan

* Ah, talaga? Sige ba! * - ako

Yeheyy!! 

Ito na nga...

Ito na yung pinakahihintay ko..

For the very first time niyaya nya akong mamasyal...

...Ng kami lang!!!

Mostly kasi lagi naming kasama si Polau tuwing namamasyal..

Pero ngayon,..

Just the two of us!!

Only the two of us!!

#KiligMuch <3

Naligo at nagbihis agad ako. 

Simple lang naman suot ko. Naka Floral Shirt with matching Jeans lang ang suot ko.

Dumiretso ako sa kusina,

Balak ko kasi sanang gumawa ng Graham Cake at ibibigay ko sa kanya.

Wala lang. Pandagdag "Ganda Points" Hihihihi ☺☺

After that, tinapos ko na din yung Cross Stitch na balak kong ibigay sa kanya. Nakaburda dun yung name nya...

Weird noh?

Ako talaga yung nag-eeffort..

Kahit na hindi pa naman kami official..

Pero gusto naman nya ako e at gusto ko sya..

Our feeling is MUTUAL kaya matik na yun noh..

Pero nararamdaman ko. 

This day..

will be the BEST DAY of my life... <3

#Push

~~~OO

Namasyal kami nun sa Eastwood. 

Naglakad-lakad.

After that kumain kami sa isang RESTO at sagot nya lahat ha.. 

Ayiiieee <3

My gosh!!

Ang haba haba talaga ng hair ko... Hihihihi ☺☺

7:00 PM

Tumambay kami sa may Park.

Magkatabi kaming nakaupo sa isa sa mga upuan dun.

 "Para sa'yo" Iniabot ko sa kanya yung Paper Bag na kanina ko pa dala.

"Ano naman to?" 

"Umm.. Kotse!" sarkastikong sagot ko sa kanya.

Napangisi naman sya. Mukhang natawa ata sa corny kong joke. Hehehe :P

"Bat di mo kaya buksan ng malaman mo. Tatanong tanong pa e." 

Kunwa-kunwarian galet ang peg?

Kasi naman e. Nagtatanong pa, pwede namang buksan. Kitang namumula na ako sa hiya at kilig e.

Binuksan naman agad nya yung paper bag at kinuha yung laman nun.

"Wow! Graham. Favorite ko kaya to. May kasama pang cross stitch. Hehehe :P"

Enebeyen? Kelengen pe telegeng e-mention? Hihihihi ☺☺

"Ahmm.. Malapit na yung birthday ko. Punta ka ha!"

"Syempre naman. Di ko pwedeng palampasin yun noh."

"Asahan ko yan ha!" kinikilg na sabi ko.

Ngumiti din sya at tumango.

Magiging special yung birthday ko kapag andun sya.

Sana nga talaga pumunta sya.. Hihihi  <3

~~~OO

BIRTH DAY

Ito yung isa sa mga espesyal na pangyayari sa buhay ng isang tao.

Syempre special din sakin to.

Bukod sa birthday ko..

May pakiramdam ako na magtatapat na sya sakin..,

Oh yes! Yes! Yes!! Hihihi :3

Kaya sinuot ko yung Floral Dress ko. Tapos nag make up ng napaka light.

Sana lang talaga mapansin nya yung BEAUTY ko..

1 hour Later.,

Andito na si Polau at yung iba kong mga kaibigan.. 

Pero si Dylan??

Wala pa din.

Baka na-traffic siguro sya. sabi ko sa isip ko

2 hours Later.,

"Wala pa ba si Dylan?" di ko napansin na lumapit na pala sakin si Polau.

Kanina pa nag-start yung program, inuman, kantahan. Pero sya? Wala pa din.

"Wala pa din e. Wala bang sinabi sa'yo?"

"Wala naman. Hindi na kami nagkakausap nun noh."

Siguro may emergency. Haysst. Nag-promise sya honey, kaya siguradong darating yun.

Pilit kong pinapaniwala ang sarili ko na darating sya. 

5 hours Later.,

"Girl, uwi na kami ha." sabi ng friend kong si Macy.

Nagsiuwian na din yung iba kong mga bisita. Sila Aunti at Lola na kasama ko sa bahay kanina pa tulog. Si Polau na lang ang di pa umaalis. Sasamahan daw nya akong hintayin si Dylan.

"Alam mo mabuti pa umuwi ka na. Gabi na oh"

"Mamaya na. Sasamahan na muna kita dito habang naghihintay ka sa kanya."

"Hindi na. Wala na akong balak hintayin sya. Kaya umuwi ka na." matamlay na sabi ko sa kanya.

Tiningnan naman nya ako na parang awang-awa sakin.

"Okay. Sige pumasok ka na sa loob. Pagkatapos uuwi na ako."

Tumango na lang ako saka pumasok sa loob. Naiwan lang sya na nakatanaw sakin. Maya-maya ay umuwi na din sya.

Naiyak na lang ako pagkapasok ko ng kwarto. Di ko akalain na magagawa nya akong indyanin.. 

Nangako sya e. At umasa ako na pupunta sya. Pero lahat yun, nabalewala.

~~~OOO

SCHOOL

(Play the youtube song at your right.)

Pagkatunog na pagkatunog pa lang ng bell ay pinuntahan ko na si Dylan sa classroom nya.

Namumugto pa yung mata ko nun sa sobrang kaiiyak kagabi. Pero ayos lang yun para makita nya kung gaano ako nasaktan sa ginawa nya.

Pagkapunta ay wala naman sya dun.

Nakita ko na lang sya sa may Corridor.

May kausap na babae.

Nakangiti pa nga ito na tila ba masaya sa pag-uusap nila ng babaeng yun.

Nilapitan ko sya.

"Dylan?" Nilingon nya ako pati na din yung babaeng kausap nya. "Pwede ba tayong mag-usap?"

"Sige maya na lang tayo mag-usap ha. Sunduin na lang kita sa room nyo." baling nya sa babaeng kausap.

Susunduin? Anong ibig sabihin nun? May relasyon sila?

"Sure babe! Hintayin kita ha!" the girl wink at him. Sabay alis nito.

So totoo nga.. May relasyon sila :(

"Bakit hindi ka pumunta kagabi?"

"Oh, i'm sorry honey. Sinamahan ko kasi yung girlfriend ko sa Bulacan. Sorry talaga"

"Girlfriend?"

Para akong nabuhusan ng mainit na tubig sa mga nalaman ko..

Para akong pinagsakluban ng Langit at Lupa sa mga narinig at nakita ko..

Girlfriend? bakit hindi ko alam yun?

"Kelan pa?" muling tanong ko sa kanya

"Nung araw na namasyal tayong dalawa. Yun nga yung dahilan kung bakit kita niyaya e. Gusto ko sana ipaalam sayo since ikaw yung isa sa mga close friend ko. Kaso nakalimutan kong sabihin sa sobrang sarap nung gawa mong grahams." Napangiti pa ito habang nagkukwento.

Habang ako.

Nangingilid na ang mga luha na para bang gusto ng bumagsak.

"Paano ako?" 

"H-huh?"

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at bumagsak na yung luha na kanina pa nangingilid sa mata ko.

"Honey? May problema ba?" pag-aalalang tanong nito.

"D-di ba sinabi mo sakin na gusto mo ko?"

"Tingin ko na-misunderstand mo yung sinabi ko."

Ano?! Na-misunderstand? Alam mo ba yang sinasabi mo? E kung sapakin kaya kita?

"Misunderstand? E ano yung ibig sabihin nung mga sweet gestures mo sakin. Wala lang din yun para sa'yo?

."Look. I'm sorry kung na-misinterpret mo yung sinabi ko. Kasalanan ko and i admit it. Oo, Gusto kita. Gusto maging kaibigan. Kasi mabait ka. Matalino. At wala pa akong naging kaibigang babae. Ikaw pa lang.

"No. Wala kang kasalanan. Ako naman tong umasa e. Ako naman tong nag-assume. Kaya kasalanan ko. Sorry kung naistorbo pa kita..." Huminga ako ng malalim "Sige, bye!"

yun na yung huling salitang nasambit ko. Hindi ko na kasi kaya e. Hindi ko na kayang makita yung mukha nya. Hindi ko na kayang makinig pa sa mga sinasabi nya.

Tumakbo ako palayo sa kanya habang tulo ng tulo yung luha ko.

Alam ko na kasalanan ko. Kung bakit naman kasi binigyan ko pa ng maling kahulugan yung mga ginagawa nya. Yung ka sweetan nya. Yung mga ngiti nya. Kung bakit pa kasi minahal ko pa sya. Kung bakit kasi na fall pa ako sa kanya. Kung bakit nagpakatanga pa ako. :'(

Simula nun. Inalis ko na sya sa buhay ko. Hindi ko na sya pinapansin kahit na sya pa tong unang nag-aapproach. Nagpalit na din ako ng SIM CARD para di na nya ako matext o matawagan. In-unfriend  ko na din sya sa facebook. Tinanggal ko na lahat ng mga pwedeng maging koneksyon naming dalawa. 

[THE END]

~~OOO                                                                                                                                                         OOO~~

                                                       Please VOTE & COMMENT guys!!!

                                            VOTE and COMMENTS are really appreciative... @,@

                                                            Add me up on FACEBOOK:                                                                                                                          www.facebook.com/TheNewJham

                                                                               or 

                                                           Follow me on TWITTER:                                                                                                                                  www.twitter.com/coccojham

                                                                 THANK YOU PO!!!

                                                                  © 2015 WATTPAD                                                                                                                                                   All Rights Reserved

                                                           

    

Continue Reading

You'll Also Like

22.4M 537K 52
What H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ]
10.7M 571K 22
[PUBLISHED under LIB] #1. "If pleading guilty means protecting you, I will."
2.1M 33.8K 32
Psychopath Series #1 She has a genuine smile, her heart is fragile, kindness is her appearance and love is what she gives. But people take advantage...
63.9M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!