Akala ko makakausap ko si Andrew, pero natapos na lang ang araw hindi ko pa rin nagawa. Kapag na sa harapan ko na siya, umaatras ako. Nawawalan ako ng sasabihin.
Hindi ko alam, hindi ko maintindihan ang sarili ko. Gusto ko siya kausapin pero natatakot ako, natatakot ako na baka hindi na pala kaibigan turing niya sa akin.
Pabagsak akong humiga sa kama at agad na pinikit ang mata. If it’s not the right time to talk to you, maybe there will be a perfect time, a perfect time to explain, to say sorry and to ask you if we can still be friends.
Kamusta na kaya sila ng girlfriend niya? Elle said he has a new girlfriend. Anong nangyari sa kanya? Bakit basi sa mga kwento ng mga kaibigan namin nagiging paiba-iba girlfriend niya? What’s wrong with you,Drew?
Tumingin ako sa salamin at tinitigan ang sarili ko. Gusto ko sanang maghapong nakahilata lang pero kailangan kong umalis dahil bibili ako ng gamit sa condo ko. Papa already bought a bed,sofa and cabinet.
Marami pang kulang sa condo ko at gusto ko ako mismo ang bibili ng mga kulang at ako mismo ang mag aayos. Wala din naman akong gagawin at gusto ko na din lumipat.
Pagdating ko sa condo ko ay halos okay na ang lahat, kulang nalang ang mga gamit sa kusina. Wala din akong ref,cabinet at tv.
Tanghali nung makabalik ako. Pinasok ni kuya ang mga gamit sa loob. Ngumiti ako sa kanya.
“Thanks kuya.”
“Tss”
“Libre kita sa sahod ko”natatawa kong saad at tinalikuran na siya.
“Aalis na ako, okay na ba ‘to?wala ka ng kailangan pa?”he asked, tumango ako at tipid na ngumiti sa kanya.
Pag alis niya ay naiwan akong mag isa. Inayos ko ang gamit sa kusina at naglagay din ako ng kuritana. Nang matapos ako sa kusina ay sa sala naman ang inayos.
Pasado alas tres ng hapon nang matapos akong mag ayos. Bigla akong nakaramdam ng gutom kaya agad akong nagtungo sa kwarto at naligo muna saglit sa banyo bago magpasyang kumain sa labas at di-diretso na sa grocery store.
Pumasok ako sa mall at do’n na nagpasyang kumain. Dumiretso ako sa isang fast food. Habang nakapila ako ay nakita ko si Via pero ko siya tinawag dahil wala din naman akong sasabihin sa kanya.
I don’t want to be feeling close to her. Siguro saka na kapag may pasok na. But not now!
Alas sais na nung makauwi ako sa condo ko. Inayos ko lahat ng mga pinamili ko. Pinaandar ko din ang refrigerator dahil may laman na ‘yon.
I took my phone and text papa to inform him that I will sleep here.
Kinabukasan ay maaga akong umuwi sa bahay para kunin ang iba kong damit. Kaunti lang ang damit na nasa condo ko at lahat ng ‘yon ay agent clothes.
Sinalubong ako ni mama sa pinto. Ngumiti ako sa kanya at hinalikan siya sa pisngi.
“Good morning, nag beakfast ka na?”she asked
“Morning po, I’m done. Kumain ako bago umalis. Kukunin ko lang ang ibang damit ko. Wala akong damit sa gunto e. Kumain na kayo?Where's Papa?”
Ngumiti siya naglakad papasok sa loob. Nakita ko kaagad si papa sa may kusina, tahimik na kumain ng breakfast.
“Morning,Pa. I’ll get my clothes.”
“Morning, Kumain ka muna.”
“I’m done. Kukunin ko lang ang mga damit ko ay aalis din dahil bibili akong gamit sa school. I already asked Elle kung ano bang dapat kong bilhin.”
Tumango siya at lumingon sa akin “Still on leave?”
“Opo, Sa sabado pa matatapos.”
“Sige.”
Nagpaalam ako sa kanila at agad na umakyat sa taas.
Huminga ako ng malalim at tinitigan ang picture frame na nasa table ko. I miss you, drew!
It took an hour after I finished with my clothes. Pagod akong tumayo at hinila ito palabas ng kwarto.
Gulat akong tumingin kay andrew na nakaupo sa may sofa at abala sa cellphone niya. Anong ginagawa niya dito?
Nagpakawala ako ng buntong hininga at ibinaling ang atensyon sa maleta nagtama ang paningin namin, kunot noo siyang sumulyap sa mga maletang binaba ko.
“Ang dami naman niyan, Dianne.”papa said
“Kaunti lang ‘yan, Pa. iniwan ko ang kalahati ng mga damit ko.”natatawa kong sagot at muling sumulyap kay Andrew.
“Where are you going?”He finally spoke. Tumingin ako sa kanya.
“Aalis na.”sagot ko
“Na naman?”mahina niyang tanong pero halatang nagpipigil ng galit.
Ano ngayon kung aalis ako, drew? Ano naman sa ‘yo ngayon kung aalis na naman ako. You acted like I did something wrong. Ni hindi mo ako kinausap simula nung dumating ako.
Understandable naman kung galit siya dahil bigla akong naglaho. Pero ang hindi ko lang maintindihan bakit kailangan niyang umarte na parang hangin lang ako sa kanya, na para bang wala siyang pakialam sa akin.
I was excited to come back because of him, because I was eager to see him. But he welcome me with his fucking habbit. He welcomed me with a cold stare, he showed me that he doesn’t care anymore about me.
I was offended. I was offended hearing those words from our friends. I don’t know why I react like that. It’s because I still like him. My feelings for him are not gone because I buried it in my soul.
Hindi ko siya sinagot at hinila nalang lahat ng gamit ko at nagpatulong kay kuya Rolly sa pag laga nito sa may sasakyan ko.
I wanted to talk to him but I won’t allow myself to talk to him If he’s mad at me. Dahi kung ipipilit ko magkakasakitan lang kami.
Bumalik ako sa loob ng bahay at maayos na nagpaalam kay papa at mama. I also promised them na dadalaw ako palagi and they can also visit me.
Hinatid nila ako sa labas at ngumit nalang ako. Andrew is still here. Hindi ko alam kung kailan nya balak umuwi sa kanila.
“Aalis na ako, you can go home,”malamig kong saad
Hinawakan niya ang braso ko at tumitig sa mga mata ko. Don’t look at me like that, Andrew.
“Mag usap tayo..”madiin niyang saad, hindi ako sumagot. Tinanggal ko ang kamay niyang nakahawak sa braso ko at agad na sumakay sa sasakyan. Hindi na ako lumingon pa sa kanya.
Mabilis kong pinaandar ang sasakyan at pinalis ang mga luhang lumalandas sa pisngi ko,
“Tang ina mo!”sigaw ko
Mabilis kong pinakarurot ang kotse hanggang makarating ako sa condo ko. Hindi ko inasahan na pagbaba ko ay makikita ko pa rin si Andrew. Bakit pa si sumunod?
“Anong ginagawa mo dito?Umuwi ka na!”madiin kong saad. Tumalikod ako at nilabas ang isang maleta.
Dapat ay iisa-isahin ko ‘yon pa akyat pero walang sabing tumulong si andrew kaya wala na akong nagawa.
Hindi ako nagsalita habang na sa elevator kami. He's beside me, I can see his dark aura in the steel of the elevator. He's face doesn't have any reaction. My hands were shaking, I don't know if I could talk to him without feeling awkward.
Nag bukas ang elevator sa palapag kung saan ang unit ko. Hindi ako nagsalita, lumingon lang ako sa kanya pero hindi niya ako nagawang tingnan.
I open my unit and went inside. Hinayaan kong ipasok niya sa loob ang gamit ko. Nakatayo ako sa gilid habang pinapanood siya sa ginagawa niya.
Tumikhim ako "O-okay na y-yan….s-salamat."mahina kong saad at hindi man lang tumingin sa kanya.
Pinaglaruan ko ang daliri ko. I'm a badass person, a girl who doesn't really care to anyone's opinion and feelings. I don't care about anyone, I'm not afraid of anyone...but when I'm with him….
When I'm with Andrew, parang ang hina-hina ko. Parang ang duwag ko. 'Yung tapang ko biglang nawawala.
"Why did you want to live here?"he suddenly said.
"I-I just want…"I said, tumingala ako at sinalubong ang tingin niya. Kinagat ko ang ibabang labi ko at agad na umiwas ng tingin.
Tumalikod ako sa kanya at pinunasan ang luhang lumalandas sa pisngi ko. It's not time to cry,Flaire!
Si Andrew ang kahinaan ko...tanging siya lang...siya lang wala ng iba.
I close my eyes when I feel his arms encircling on my waist. Mahina akong humikbi, I tried not to cry so hard. I tried not to break down because of his embrace but I can't stop myself.
He tilted his head on my shoulder.
"Andrew…"I murmured
"Why,Re? Why did you leave? Why did you leave without saying goodbye? Why did you leave me? I-i need you that time...I need you but you disappear."he whisper
"I-I didn't know,Andrew. I'm sorry...I'm sorry,drew."
"Bakit Flaire?"
"I-i need to find myself...kailangan kong umalis dahil...dahil Kailangan,drew."
"Please….please make me understand."
I wanted to tell you but I can't. Hindi pwede,hindi pa pwede.
"Sorry."bulong ko. Pumirmi siya sa gano'ng posisyon. I didn't say anything. I just feel his warm breath in my neck,his hug,his presence.
Kaulanan ay bumitaw siya at agad na lumayo sa akin. Kinagat ko ang ibabang labi ko at lumingon sa kanya. Kunot noo siyang nakatingin sa kawalan.
"Drew."tawag ko
"Hmmm"
"Sorry...sorry for everything...sorry for not telling you,for leaving.bumalik naman ako e, bumalik na b-best friend mo."
Bumuntong hininga siya at agad na tumitig sa akin."I understand...nakakatakot lang na baka bigla ka ulit mag laho,bigla mo na naman kaming iiwan ng walang maayos na paalam."
Napalunok ako at huminga ng malalim. Pinaglaruan ko ang daliri ko. "Naging okay naman kayo diba? Okay naman kayo nung wala ako diba?" Umiwas ako ng tingin
"Naging maayos...pero may pagbabago."sagot niya
"Katulad ng pagiging gago mo? Andrew bakit?bakit ang sabi nila nag iba ka? Nagbago ka?"nanginginig kong tanong
"I wasn't…"
"Drew."
"Okay...gago nga ako, gago ako dahil...dahil pakiramdam ko hindi ako mabuting kaibigan kasi bigla kang umalis...ayaw kitang isipin. Ayaw na kitang isipin kaya ibinaling ko sa iba."
"Totoo nga? Totoo ngang naging gago ka!na madalas umiiwas ka, na mas gusto mo kasama girlfriends mo,na every month iba girlfriend mo!"madiin kong saad. Pilit na hindi pansinin ang pag kirot ng dibdib
"Sorry...I'm a playboy and I won't deny it. Masaya ako doon, masaya ako kasi hindi ka sumasagi sa isip ko."
Bakit naman ako sasagi sa isipan mo? Bakit mo naman ako iisipin. Kasi kaibigan mo ako?
Hindi ko alam bakit ganito. Hindi ko alam bakit ganito na lang ang mga sinasabi ni Andrew. Hindi ko alam bakit naging ganito.
"Bakit? Bakit mo naman ako iisipin. Kaibigan mo lang naman ako."natatawa kong saad, I know it's fake. That was a fake laugh.
"Kasi… mahal kita…"biglang tumigil ang paghinga ko. Tumitig ako sa kanya. Ang mga mata niya punong puno ng emosyon. Emosyon na hindi ko maintindihan kung ano.
"...mahal kita kasi best friend kita..mahal ko kayo..kaya natural na iisipin ko isa sa inyo."dugtong niya
Bumagsak ang balikat ko matapos marinig 'yon. I met him when we're kids. I got bullied and he's there for me. Siya 'yung naging una kong kaibigan.
A friend that I love to teased me. He's a bully when we were a kid pero kahit mapang asar siya masaya ako sa kanya.
I never imagined that I would like him when we became teens. I never expected that I might fall for him. Pero ito nangyari nga.
I thought our friendship would be trash because of falling for him but instead of throwing it away he just bullied me,teased me and told me the reason why I fell hard.
I was gone, I was gone for a year and I never expected that when I came back… siya pa rin.
Hindi naman siguro masamang umasa. Kaya nung marinig ko akala ko ayon na, akala ko okay na. Pero hindi naman pala! Masyado lang pala akong umasa.
Bumuntong hininga ako at muling tumingin sa kanya. Humakbang siya papalapit sa akin, nagulat ako pero hindi ako naglabas ng kahit anong emosyon.
I can hide my real feelings now! I know how to act like I don't have feelings for him now.
"Hindi ka pa ba uuwi?wala kayong date ng girlfriend mo?"tanong ko,umiling siya..
"Wala naman siguro. Wala naman silang paramdam"natatawa niyang sagot. Kumunot ang noo ko.
"Sila?"
Tumawa siya at tumango. Hinampas ko siya sa balikat. "Playboy!"
Pwede bang maging isa din sa kanila, drew?
"Nagugutom ako wala bang pagkain dito?"tanong niya. Napairap ako.
"Wala. Ahm, I'll cook. Ano bang gusto mo?"
"You know how to cook? Himala." I roll my eyes.
Nagtungo ako sa kusina para tingnan kung anong pwedeng lutuin sa tanghalian naman.
"Adobo is one of your favorite diba?"pasigaw kong tanong
"Oo,sarapan mo ah."natatawa niyang sagot. Napailing ako at kinuha ang chicken sa fridge.
After i cook our lunch, Inayos ko na ito sa lamesa. Mula dito sa kusina naririnig ko si Andrew. I think he's talking with someone.
"I'm busy today, sorry babe." Rinig ko.
Umirap ako "sorry babe..tsk cornii amputcha!mag break sana kayo!tang ina niyo." I murmured
"Hello honey? Yes? Sorry...I'm busy.bye!"
Nakailang babae na siya? Ilang babae na ba ang tumawag? Fuck this man!somehow I'm still glad that he chose to be with me instead of hanging out with his girlfriends.
I'm still glad that I can be with him even though I'm just a friend. Now, I just realized that it's okay to be his best friend than to be one of his girlfriends.
Tumitig ako sa kanya ng makita kong papalapit siya sa akin. Andrew is handsome, his handsomeness is different. Kaya siguro ang daming babae ang nagkakagusto sa kanya kasi kakaiba siya.
"Ahm...kain na.."mahina kong saad at umiwas ng tingin sa kanya.
I sometimes think. What is the feeling of being one of his girlfriend pero minsan mas mabuting kaibigan niya na lang.
“Hindi ko alam na marunong ka pala magluto...masarap pa.”Kumento niya, tumingin ako at ngumiti sa kanya.
His smile makes my heart flutter. How to unsee Drew?