Chapter 18: Ransom
Bakit?
Iyan ang unang pumasok sa aking isipan nang nagising ako. Isang palatanong na salita na maraming nakapaloob nito. I thought I saw Elijah before I lost my senses, before I blacked out.
Gulong gulo ako. Bakit ako kinidnap nila? Bakit ito nangyari? Anong pakulo ito?
Nagising ako at may tali ang aking mga kamay at mga paa. I found myself on the cold dirty floor with a few dried leaves around. Tila isang selda ang kinaroroonan ko ngayon madilim ngunit may isang bintana na maliit doon sa ibabaw. Walang ibang kagamitan na nandito kundi bakante lamang.
I don't know how long was I out but I'm feeling hungry. Kung kanina umaga ay kayang kaya ko galawin ang katawan sa kabila ng mga pasa, ngayon tila binabali ang aking mga buto. It might be because of the dump truck crashing our car and someone forcefully pulled me into that red car.
Napalinga linga ako. Wala akong nakita na tao. Katahimikan lang ang bumabalot sa akin. Mahina ang tibok ng aking puso at naramdaman ko ulit ang lamig ng katawan. I remember I was holding my phone that time but it isn't with me now. Hindi ko rin makuha ang aking kamay dahil mahigpit itong nakatali sa aking likod.
"Elijah..." I mumbled.
Kinagat ko ang aking labi. Gusto ko siyang makita. Naiiyak ako dahil na rin sa takot. I am processing how my driver, the one I thought to be an ordinary person, turns out to be having a gun under his coat and he is... what? Agent 23? What does that even means?!
Umigtad ako nang marinig ang lumalapit na yapak tila bumaba ng hagdanan. Napasiksik ako sa dingding at kinuyom ang mga kamao sa likod. Dumadami ang mga yapak na iyon hanggang narinig ko ang pagbukas ng selda.
From the dark, a tall, middle aged man stood up with people behind him. Apat na lalaki ang naroon sa tabi niya tila mga bantay na namukhaan ko agad sila. They are the ones on the other black van!
Kinain ako ng takot nang humakbang ang matandang lalaki na hula ko ay ang lider nila. He smiled which creeps my system and I want to run but I can't, under any circumstances, I can't run.
"My men were harsh, sorry for that." aniya.
I clenched my fist more. Ayaw kong magsalita. I don't know this guy or what he wants from me. And I'm not gonna let him have it.
He bended down, scanning the rope on my hands and feet. Mahigpit iyon kaya nagmamarka lalo na kahit maliit lang ang galaw ko.
"Kailangan kang itali nila. For safety purposes," he grinned. "Do you like your new room?"
He laughed and scanned the dirty place. Hindi pa rin ako umiimik. Natatakot ako. Gusto kong sumigaw ngunit alam kong wala iyong silbi.
"Well, it's not as comfy as the mattress with your husband, but this will do."
Hindi ko napigilang kumunot ang aking noo sa binanggit niya. He knew me. He knew I have a husband. Kinakabahan ako. Anong gagawin n'ya?
"Oh, sorry for the delay. Let me introduce myself, hija. I'm Donatello Buenavista," nakangising sabi niya at naglahad ng kamay. "You can't shake my hand. My bad."
Tumalbog ang aking puso sa sinabi niya. Kumunot ang aking noo at naging kuryoso. He is a Buenavista! At bakit niya ako kinuha at dinala rito?
"Boss, may attack sa East Coast." sabi noong isang lalaki.
Tumayo agad ito at napawi ang ngiti sa labi. He nodded at the man and two of his men went out. Bumaling siya sa akin muli at nagsitayuan ang aking mga balahibo.
"Maganda ka sana, hija. Sayang sa isang Buenavista ka pa nahulog. Now, watch them fall." he sounded so angry and left the room.
Naiwan muli ako sa madilim na selda. I don't know where we are but I know for sure that this is not near the city. Wala akong naririnig sa labas. May bintana nga ngunit nasa itaas ito. There's no stool or anything I can climb on to reach it.
Sa mga salita niya, napagtanto ko na galit siya sa angkan niya. He is a Buenavista and I only know that Don Benjamin and Doñia Alonsia has three sons. Kaya malabong anak siya at maaaring kamag-anak nga. His name doesn't ring a bell.
But one thing is that I'm sure of, I'm scared for Elijah. I'm scared for the whole family. Watch them fall. Ano ang ibig sabihin no'n? What did the Buenavista do to him to make him hate them?
Kinidnap niya ba ako dahil alam niyang may kaugnayan ako sa mga Buenavista. He kidnapped me because I married a Buenavista? And does that mean Elijah's in danger?!
Pinagpawisan ako ng malamig. Ginugutom din ako ngunit mas nagunguna ang kagustuhan kong makawala sa mga tali na ito at makalaya sa seldang ito.
Kahit masakit sa balat ang pagpupulmigas ko ngunit sinikap kong makawala. Beads of sweat are dropping from my head and even my back is sweating too much. Many attempts to get my hands out and I failed. I clenched my jaw and leaned my head on the wall.
Tumingala ako at pumikit. Kinagat ko ang aking labi sa pinaghalong desperasyon at sakit ng katawan. I don't want this. If this is a big dream then I want to wake up. But I know this is reality.
Tumulo ang aking luha galing sa mata. I want to be in my husband's arms. I want to be at Elijah's embrace. And I'm crying because of this all. The confusions and the pain, both emotionally and physically.
I don't know what feud this is, and I know I'm part of this because I share their last name. But I don't want to be the cause to hurt them. Ako ang kinuha nila kaya pakiramdam ko, ako rin ang gagamitin nilang sandata para saktan ang mga Buenavista.
Hindi ko gustong kasali si Elijah sa anong gulo man ito. Kanina halos nahimatay ako sa barilan. I can't bear to see him hurting and being there in the firing with nothing. Kung ano ang mangyayari sa akin alam kung nagwawala na iyon. And I even called him and I bet he heard what happened. Naiiyak ako lalo.
Elijah... He is too precious to me, too.
Pinaghalong sakit, lamig, gutom, nangungulila at takot ay nagpapanghina sa aking katawan. I don't know if those men will be back down here or they are kind enough to send water. Napatingin muli ako sa bintana, dumidilim na roon.
The hope I have in my chest is fading along with the setting down of the sun.
Umigtad ako at agarang nagising nang narinig ang pagbukas ng selda. Pumasok doon ang dalawang tauhan ni Donatello Buenavista. Tumayo lang ito sa pagkabilang gilid bago pumasok ang boss nila.
"Kamusta ang tulog mo?" aniya.
Hindi pa rin ako nagsalita. Umiwas ako ng tingin upang maiparamdam sa kanya na hindi ako interesado sa presensya niya.
"You're feisty and brave." tawa niya. "You want to hear a story?"
Nananatili akong nakatingin sa malayo. He sighed and his men left the room. I am so hungry that my head is aching but I still managed to gulp my own saliva. Para kahit papaano naibsan sandali na nanunuot na gutom.
"You're not interested of knowing the reason why you're here?"
Tumingin ako sa kanya at nag-taas ng kilay. A ridiculous question from an idiotic person.
He chuckled loudly. "I get why my nephew loves you."
I stiffened a bit. But he saw it. Tumawa lalo siya at pumalakpak pa.
"Labing anim na oras ka ng nandito at hindi ka man lang nagsasalita or humihingi ng pagkain. Ngunit nang binanggit ko ang asawa mo, ang bilis mong mag-react."
I gritted my teeth and diverted my eyes somewhere around the dark corner. Umaga dahil umiillaw doon sa maliit na bintanan ngunit dahil sarado ang lugar na ito, konting ilaw lang ang nakikita.
"Okay. I'll wait until you are willing to talk to me." aniya.
Umirap ako sa kawalan.
"Hindi ka interesado sa nangyayari sa labas? My men are still out there finding a someone to kill."
Kinuyom ko muli ang aking kamao. If you dare hurt Elijah, I don't know what I will do but I know I will commit the biggest crime.
Umalis muli siya at sinirado ang selda. Nangangalay na talaga ang aking kamay sa likod na tinatali. Ang aking mga paa ay nasusugatan na sa tali.
Sinubukan kong tumayo. He said I'm here for 8 hours now. I haven't lunch and dinner yesterday and I now I haven't had breakfast. Not even a drop of water. Sobrang tuyo na ng aking labi.
"Ouch," I winched.
Nakaluhod ako sa sahig nang hindi ko nahanap ang aking balanse.
Muli akong tumayo. When that man came here, I sense that he is anxious. Ang pag-asa sa aking puso ay muling bumubukas. Knowing Elijah, I know he is looking for a way to get to me. Hindi man siya katulad ng kadalasang lalaki, he is more rational than anyone I knew.
I hopped towards the bars. Humugot ako ng malalim na hininga nang sumakit ang hawak ng lubid. May kandado ang metal na pintuan. I am looking for a long and thing metal or wood that I can use to prick this lock.
Umupo na lamang muli ako habang naghahanap. I saw a shine outside the cell but it's close. Dahan dahan akong lumapit at inabot iyan. Mahirap dahil dalawang kamay ko ay magkaugnay dahil sa lubid. Inindi ko lahat ng sakit sa kamay at balikat at mga buto para lang makuha iyon.
It turns out to be a small rusty knife without a handle. Naalala ko tuloy ang kutsilyong binigay ni Jude na nabitawan ko noong binundol ang SUV.
Napatalon ang aking sistema nang narinig ang yapak. Mabilis akong bumalik sa dating inuupuan at tinago ang kutsilyo sa likod ko.
A young girl opened the cell with her keys and went inside. Umawang ang aking labi nang namukhaan ko siya. She's the girl I bumped with on that party. May dinala siyang pizza na isang piece at tubig. Nilapag niya iyon sa sahig.
I scanned her face. She's showing no emotion when she looked at me. Ang bata niya pa. Siguro nasa desi syete or otso pa lang.
"Kumain kayo. Iyan lang ang para sa'yo para sa buong araw." mababa niyang sabi.
"You work for him?" tanong ko.
Kinagulat niya iyon. I don't know what she's surprised with, it's either my question or because I just talked. Hindi siya sumagot. I leaned on the wall and sighed.
"Kahapon pa po kayo hindi kumakain."
"You eat that. You need it more than I do." agap ko.
"Tapos na po akong kumain."
Nagtaas ako ng kilay. "Your skin is pale and your lips are turning dry violet. Eat it,"
"Ayos lang po ako."
"I don't want to see anymore dead bodies. I've seen enough yesterday."
Nilapitan niya ang pagkain na dinala niya at kinuha iyon. She ate them fast and drunk all the water. Yumuko siya pagkatapos kumain.
"Salamat po." aniya.
"Bakit ka nagtatrabaho sa kanya kung hindi ka man lang pinapakain?"
"Papatayin n'ya po ang buong angkan namin kung hindi kami sumusunod sa utos niya." malungkot niyang sinabi.
"Kaya mo nilagyan ng bomba ang mansyon ng mga Gomez." I stated.
Konsensya ang nakita sa kanyang mukha.
"Inutos po iyon ni boss."
"Why? Bakit? May alitan din sila ng mga Gomez?"
Umiling siya. "Kasi nandoon po kayo."
I flinched unconsciously. Kumunot ang aking noo sa sagot niya.
"Me?"
"Ikaw po ang puntirya no'n. Kikidnap-pin ka ng tauhan ni boss pero hindi nila inaasahan na nandoon din daw po si Young General."
Umawang ang aking labi. This is the second time I've heard that. Jude is working for that man too.
"Young General?" usisa ko.
Tumango naman siya.
"Sino s'ya?"
"Limitado po ang kaalaman ko."
"Bakit galit ang boss mo sa mga Buenavista?"
Parehong narinig namin ang yapak galing sa hagdanan kaya mabilis na tumayo ang babae at kinuha ang dala na plastic tray.
"Hoy, bata! Bakit ang tagal mo d'yan?"
She looked so scared and hurriedly went out from the cell and locked it again. Nagpapasensya ang kanyang mukha at tipid lamang akong ngumiti. I can't blame her for working this way. Sometimes the less fortunate gets less freedom to choose when monsters are ruling.
Bumalik na ang dalawa sa itaas at kinuha ko ang opportunidad na tangkasin ang lubid sa kamay. The knife is rusty and not sharp anymore kaya hindi agad tumalab sa lubid.
Pinagpawisan muli ako dahil sa tagal natanggal ng tali. When I successfully cut it off, nakahinga ng malalim ang aking kamay. Bumagsak ang pagsandal ko sa dingding dahil sa pagod.
My wrist are so red with small cuts from the rope. Hinaplos ko iyon ng marahan. Humugot ako ng malalim na hininga bago sinumulan ang paghiwa sa lubid sa aking mga paa. It hurts to move my arms fast, .but I'm getting myself used to the pain.
Natanggal ko na rin ang lubid sa aking paa kaya napaupo ako ng maluwag. It felt like I have achieved great freedom. I stood up and stretched my sore limbs before walking towards the bars. Napansin ko na nasira na ang suot kong strapped block heels. Tinanggal ko ito at nagpaa na lamang.
My feet are turning red but not as red as the part, but it's red where the rope was tied. Sinubukan kong buksan ang kandado at nagulat ako nang bumukas talaga ito. Umaliwalas tuloy ang aking karamdaman.
Dahan dahan kong binuksan ang selda para hindi umingay ang bakal. The cold floor meets my swelling feet. Umakyat ako ng dahan dahan sa sementadong hagdanan.
Kinakabahan ako at maliit lamang ang aking hakbang na puno ng pag-ingat. I reached the upper floor and it's like a storage room with many empty wooden boxes. Umigtad ako nang marinig ang pagbagsak ng kagamitan at kasunod ang boses ng mga lalaki. It's somewhere outside this room.
Agad akong nagtago baka sakaling pumasok sila. After minutes passed, wala na akong narinig na mga boses. Naisipan ko na maghanap ng paraan para tumakas. Lumabas ako sa storage room na kinaroroonan ko at bumungad sa aking ang isang silid na tila ay opisina. It looks old and like a hideout office.
I saw too black boxes and I have the urge to open them. Ito ang narinig kong mabigat na pagbagsak. Umawang ang aking labi at nabitawan ang takip ng nakitang puro armas ang naroon.
"Doon sa opisina ni Boss ilagay!"
Tila natataranta ako at agad naghanap ng matataguan. I ended up hiding under the desk. I am so tensed when five men when inside the room. May dinagdag pa sila na parehong boxes at sa bigat nito, alam kong pareho lamang ang laman nito.
As soon as they went out of the room, I followed them out. They seems like preparing something and storing a lot of guns. I'm sure they bought it illegally.
Paglabas ko ng silid, diretso ito sa malapad na living room. This is like an abandoned house with old furnitures. Wala ring mga sulat man lang na mababasa para magkaroon ako ng clue sa paligid.
It seems like they left the whole place. Nakakita ako ng lumang kusina at doon ako lumapit. There's an exit door and I pushed it open. Kabado ako na halos lalabas na ang puso sa hawla nito ngunit buo ang isipan ko na gawin ang pagtakas. I can't just wait to rot on that cell.
Bumungad sa akin ang gubat paglabas ko ng pintuan.
"Hanapin ninyo ang babae! Natakas!"
"Bilis! Patay tayo kay Boss!"
"Halughugin ninyo ang buong bahay! Nandito lang 'yon."
My heart jumped and I just found myself running into the woods. Kahit nanghihina na ang aking mga buto at gusto ng bumitaw ng aking mga paa, tumakbo ako palayo ng bahay.
"Ber! Baka nandito sa gubat!"
"Narinig ko ang kaluskos!"
"Sige, maghanap kayo! Kundi patay tayo kay Boss!"
Adrenaline rush took me running barefooted. Kahit nasusugatan na ang aking paa sa tulis ng bato at maliliit na kahoy sa lupa ay tuloy tuloy pa rin ako. I am so desperate to live the place until a heard a gunshot.
Napahinto ako sa pagtakbo kasabay ng pag-igtad sa malakas na salba na iyon. I'm sweating and I can hear them drawing fast and near me. My knees are about to give up. Kanina pa ako nanginginig.
"Ber! Nandito na si Boss!"
"Putangina! Hanapin ninyo ang babaeng iyon!"
"Bilis! Kilos!"
"Anong nangyari d'yan? Pinahanap kayo ni Boss. Maraming sugatan."
"Nakatakas ang babae."
"Ano?! Gago! Hanapin ninyo!"
I am limping while running away as fast as I can. Mukhang walang katapusan ang gubat dahil kanina pa ako tumatakbo ngunit hindi ako nakawala sa mga puno. No matter how hard I try to think, hindi ko maisip kung nasaan ako ngayon.
Napahinto ako at pagtakbo nang humihina ang boses nila. I am so tired that I fell hard on the ground. I hid myself in the bushes and winched silently on the fresh cuts I have on my arms and feet.
Gusto ko pang lumayo ngunit dahil sa pagod ng buong katawan at pananakit ng ulo, nahihilo ako at dinadalaw ng antok.
I woke up by the sound of crickets. Agad pumatak sa aking isipan ang nangyari. Inabot ako ng gabi. My head is aching so much but I have energy that I stored when I slept.
Tatayo na sana ako nang makita kong may mga taong naglalakad tila may hinahanap dala ang flashlight. It's Donatello's men. Sumiksik ako sa loob ng halaman upang hindi nila makita.
"Negative talaga, boss. Baka nakatakas talaga."
"Mga walang kwenta! Ano ang ihaharap ko ngayon?! Ha?!"
"Pasensya na, boss."
"Baka nasa na bahay lang po iyon, boss."
"Hanapin ninyo! Kung ayaw ninyong ako mismo ang papatay sa walang kwenta ninyong buhay."
I shivered in fear. They are talking near where I'm hiding.
"Tara na,"
"Tiningnan n'yo na ang daan?" si Donatello.
"Negative po, boss."
"Balik na tayo, boss. Gabi na. Mahahanap din namin ang babaeng iyon bukas."
Kahit sa paghinga ay pinigilan ko para lang hindi nila ako makita or marinig. I heard their faint footsteps away from where I'm in. Takot na takot akong lumabas kaya nananatili ako roon.
I don't know what time it is already and I'm getting numb to feel the hunger and pain. Matagal akong lumabas sa pinagtaguan. My vision is blurring but I forced myself to walk and look around carefully.
Hindi ko alam kung saan ako dinadala ng aking mga paa. My mind is so occupied. Ngayon lang ako nakaalala na humugot ng malalim na hininga para punin ang baga ng sariwang hangin.
I closed my eyes a bit. Elijah came into my mind again. Kinagat ko ang aking labi upang pigilan ang sarili na huwag umiiyak. It's been two nights since I last show him. I miss him so much that I want to scream.
Iniisip ko kung ano ang ginagawa niya ngayon. I know he is worried about me. And I can almost hear his frustrations. Napatingala ako sa kalawakan. I miss him.
The stars are so bright up there. The moon is nowhere to be found. I can see the faint milky way too. It made me smile that I saw something beautiful.
Nais kong huwag isipin ngunit ito ang realidad, I am stuck in this unknown place with nothing but hope. Hope that when I woke up again, I'm in Elijah's bed. Kinagat ko ang aking labi at medyo nawalan ng balanse.
And the opposite of my beautiful imagination came to life. Namimilog ang aking mata nang paggising ko ay nasa harapan ko si Donatello. He looked so angry. Umupo ako.
Nasa opisina niya kami. My hands are tied again but my legs are not. It seems like I fainted again last night. Higit sampung tauhan niya ang nandito sa loob. Lahat sila ay may hawak na mahahabang baril.
Lumunok ako at nanlalamig sa kinauupuan. I thought I can escape but I'm back here unconsciously.
Donatello Buenavista clicked his tongue several times and leaned forward from his seat. Napalunok ako muli nang dumapo ang aking mata sa baril na nasa kanyang harapan, nasa ibabaw ng lamesa.
"What a bad move you made," he said intently.
Hindi ako umimik.
"Pasok!"
Napalingon ako sa kanan. The young who served me food was being pushed roughly inside the office. Takot na takot ang kanyang mukha ngunit hindi siya umapila. Umawang ang aking labi nang tinulak siya papasok.
Donatello took the gun and clicked the upper portion before standing up and placing the tip towards the girl's head. Napasinghap ako ng mahina. Pumikit ang babae at mahigpit na hinawakan ang kamay niya.
"Tinulungan mo siyang makatakas. Magbigay ka ng dahilan kung bakit hindi kita papatayin ngayon." walang awa na banggit ni Donatello.
Kumunot agad ang aking noo. Umiiling ang dalaga at nanginginig sa takot.
"Hi-Hindi po, boss..."
"Gusto mo patayin ko rin magulang mo?"
Mabilis siyang umiling. "Maawa po kayo. 'Wag po,"
Bumaling sa akin si Donatello at mas lalong diniin ang baril sa ulo ng dalaga. Kinuyom ko ang aking kamao.
"She'll pay for your escaping." aniya.
Napalunok ako at mas lalong namumuo ang galit sa aking isipan habang nakatingin sa kanya. He suddenly raised the gun and fired it upwards. Napapikit ako sa gulat. Umigtad ako.
Hindi ako tinantanan ng kanya madilim at galit na panitig.
"The next bullet will be in her head." aniya. "It's the price for helping you escape."
"She did not help me escaped." giit ko nang hindi napigilan ang sarili. "I escaped on my own."
Tumaas ang kilay niya at lumuwag ang mariin niyang paghawak ng baril. A smirk played on his lips. He raised his hand and two men took the girl out while one place the chair closer to where I seated on the floor.
"Where are you taking her?" tanong ko.
"You have a beautiful soft voice. Don't worry, I won't kill her."
Umupo siya sa upuang hinanda sa kanya. I am scared but it won't stop me from being fierce and try to talk back. Sapat na ang dalawa at kalahating araw na pananahimik.
"Akala ko hindi ka talaga magsasalita." tawa niya.
"Why are you doing this?" agap ko.
He smiled. "Glad you asked. Well, there's a lot of reasons. Let me break it down to you in one."
This man is seriously a pain and a shame in the Buenavista surname. Hindi ganito ang mga Buenavista. They are formal and rational despite that they screams regnum. At siya lang ang nag-iba ang landas.
"I hate Eros' family."
Hindi ko iyon inaasahan ngunit hindi ko pinakita ang aking pagkabigla sa maliit niyang pahayag. Ngumiti muli siya at sa ngiti na iyon, klarong klaro ang matindi niyang galit.
"Kinuha nila ang lahat sa akin. Kaya ngayon..." he smirked. "Kukunin ko rin ang lahat sa kanila."
"What do you want?" malamig kong tanong.
"Ransom."
"How much?"
He laughed hard and sarcastically smirked. "No, honey. Not much, who."
Kinunutan ko siya ng noo.
"I want someone for a ransom."
"Sino?" malamig kong sinabi.
Tumawa ulit siya. "You should know it by now."
"Hindi ako magtatanong kung alam ko." pambara ko sa kanya.
"The Young General." agap niya at naging seryoso ang mukha. "I want him for a ransom. I want him here in exchange for your freedom."
Sarkastiko akong natawa. "I don't know who is that, but I'm sure the Buenavistas are not easy to be tricked."
"Oh, they won't hand him. Siya mismo ang susuko para pakawalan ka lang. Masyado ka kasing minahal no'n, hija." he laughed.
Napawi ang aking ngiti at nagkunot ng noo. What is he talking about? Nawala rin ang ngiti niya at madramang suminghap.
"You don't know him, do you?" he seems pleased. "They never told you. Now, this is interesting."
Kumalabog ang aking puso. Ano ang hindi sinasabi sa akin? Who is this Young General? Bakit parang sumasakit ang aking puso?
"Who is he?"
He laughed hard and mockingly. "You, of all people. You're blinded."
Ewan ko ba pero kuryoso ako at kinakabahan ng lubos. I can't fully trust this man but he said something that touches my curiosity and I can see that this is not a trick anymore.
Why do he want a man as a ransom? And what's my connection to him?
Maraming tanong ang namumuo sa aking utak na hindi ko gustong ibigkas sa maling tao.