ARSENAL MILITARY ACADEMY

By MissYhamz

2.7K 159 9

Arsenal Military Academy is a school for only men's who trained hard. A school that full of dignity, principl... More

ARSENAL MILITARY ACADEMY
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
DISCLAIMER

CHAPTER 1

349 10 1
By MissYhamz

" HOLDDD UP TO!!! AKIN NA LAHAT NG MGA GAMIT NIYO!! "

Nanatili akong kalmado sa pagkakaupo. Nagaganap ang isang holdupan sa loob ng bus na sinasakyan ko. Umalis ako sa bahay dahil may misyon akong dapat tapusin. Iyon ay ang ALAMIN KUNG SINO ANG PUMATAY SA KUYA KO.

"Hoy Miss akin na yang bag mo."

Kinuha ng lalaking sanggano na to ang bag ko. Kinalkal nya ang laman. Tss. Talamak na talaga ang mga krimeng katulad nito.

" ASAN ANG PERA MO? WALA KANG PERA? "

" may nakita ka ba? "
" Wala! "
" Ede wala!! "

Bumaba na ang lahat sa bus ng umalis na ang mga holduper. Maliban lang sakin at sa drayber. Tinatamad pa akong tumayo eh.

"huhuhuhu. Malalagot na naman ako nito sa kompanya. Pang sampung beses ng nahoholdup ang bus ko huhuhu. Wala pang kita. P*esteng yawa!! "

Nagdadabog na yung manong driver. Halos mangiyak ngiyak na sya. Parang batang kinuhaan ng peso. Tsk. Tumayo na ako at lumapit sa kaniya. Marami din ang nag iiyakang pasahero dahil nawalan ng pera at gamit. Tinaas ko ang paa ko at may dinukot sa rubber shoes ko.

" Manong oh. bayad ko! "

Iniabot ko ang pera na pamasahe ko. Saka bumaba. Nagtaka pa syang sumunod ng tingin sa akin.

" Thanks iha! "

Nakita ko yung babaeng may kargang anak na walang tigil sa kakaiyak. Lumapit ako sa sanggol at pinasakan ko ang bibig ng baon kong Lollipop .

" Maglalakad nalang siguro ako.tsk!"

Sa kakalakad ko. Naputikan na ang rubber shoes ko. Anak naman ng p*tcha. Ayuko sa lahat napuputikan o nadudumihan ang sapatos ko eh. Bakit kasi maputik dito.

Hinubad ko to at inilabas ang baon kong tsinelas.

" Hoyy miss. Saan ang punta mo? !" yung lalaking nagdadrive ng tricycle.

"Dyan lang! "
" Saang dyan? "
" dyan! "
" saan ngang dyan? "
" Maki Dyan ka nalang!! "

Kumamot pa sya sa ulo at nagpatakbo ng mabilis. Tss. Di man lang nangyaya na sumakay ako. Nakichismis lang ang pøwta.

Nakarating na din ako sa bahay ng Lola ko. Nagwawalis sya sa labas. Probinsyang Probinsya talaga to.

" Zupp la! "
" Zupp apo! Oh bakit putikan ka? "
" Sementado kasi daan eh! "

Kumamot nalang sa ulo si lola. Halatang ubanin na to. Dapat kasi nagpapakalbo nalang sya.

" Oh apo. Seryoso ka ba dyan sa papasukin mo? Puro lalaki doon sa Arsenal Academy baka naman ay paglabas mo don buntis ka na. Abaaa. Kaya kita kinonsente diyan sa kagustuhan mo dahil nagpumilit ka at gusto ko din malaman ang tunay na naganap kay kuya Aldrin mo"

Ingay ingay ni lola. Ilang beses na syang nagpapaalala sa akin. Sakit na sa tenga. Ganito ba talaga ang mga matatanda?

" La. Ubos na uban mo. Upa ko? "

Binunutan ko kasi sya ng uban. Kung tutuusin kapag binunot lahat ng ubang nya ay panot sya.

" Kala ko makakalimutan mo. Tskk. Basta ikaww. Nakuu. Puro lalaki doon. Alam na alam ko ang mga kalokohan ng mga kabataan ngayon. Papunta ka palang pabalik na ako. "

" Oh bakit di kita nakasalubong? "

" Apo ba talaga kita? "

Tumayo na ako at pumasok ako don sa may kwarto na inihanda sakin ni lola. Nakapwesto ako sa harap ng salamin. Mahaba ang buhok ko ngunit ngayon ay gupit panglalaki na talaga.

"Para sayo to kuya! "

Sinipat sipat ko pa ang buhok ko. Bagay naman. Nagbihis na ako ng puting damit, Comoplague na pants at combat shoes. Matangkad ako, may utak din kaya madali akong nakapasok sa Arsenal Academy. Ang pangalan kong Alexa Mikaela Vega ngayon ay Alex Mendez na.

" Apo. Naaalala ko sayo ang kuya Aldrin mo. Tanda ko pa non nung dumalaw sya sa akin. Ganyan na ganyan din ang suot nya at napakamatipunong lalaki. Basta apo. Mag-iingat ka don. "

" Kaya ko na sarili ko la. Hindi ako lalabas don hanggat wala akong napapala"

" Magsabi ka lang kay lola. Kung pinapahirapan ka nila. Nakuuu. Bakit kasi naisip mo pa yan! Kung malakas pa sana ako. Ako na mismo ang gagawa ng paraan para sa pagkamatay ng kuya mo"

" sige la. Ikaw na mag military. oh ikaw na! " ibinibigay ko sa kanya yung uniporme ko. Napapatawa naman sya sa akin.

" Kayo talagang mga bagets. Walang sense of humor! "

Tss.

Lumabas ako ng bahay para magpahangin. Masarap talagang lumanghap ng hangin kapag nasa probinsya ka.

' sino yang lalaki na yan? Siya ba yung apo ni Caridad? Diba patay na yon? '
' oo ang alam ko patay na yon. Bakit buhay man? '
' hay naku. Kinikilabutan ako. Halika tanungin natin! '

Naramdaman ko naman silang lumapit sakin.

"magandang gabi. Ikaw ba ay apo ni Caridad na lalaki? "

Tiningnan ko ang mga pagmumuka nila. Tabas palang ng baba nito halatang tsismosa na.

"Oho! "
" Aruyyy. Juskø ang balita namin ay patay ka na daw. "

"balita ko nga din po! "

" aheheheheh"

Tsk. Mga tao talaga dito mga chismosa. Maya maya ay may dumating na namang babae.

" Iho. Makikihiram sana ako ng posporo sa inyo tapos kawali. "

Pumunta ako sa kusina ni lola at binigay ko naman ang hinihingi nya.

" ayy iho. Baka may mainit na tubig din kayo. Tapos may baso. Baka naman! "

Tumingin ako ng walang expresssion sa kanya.

" Dito ka na kaya tumira? "

" ahehehehe"
Tss.

Nakatayo na ako ngayon sa malaking gate ng school na to. Kita din ang malaking building ng school. Naglalakihan at nagtaasan ito. Para akong nasa ibang bansang unibersidad kung akin tong ipapaliwanag. Natatanaw kodin na marami ng estudyante sa loob at mga nakasuot na din ng uniporme. May nagjojogging at nageexercise. May mga estudyante na takbo ng takbo sa malaking oval ng paaralan. Nagtatalasan din ang mga mata ng guard ng akademyang ito. Halata sa kanila ang pagiging bihasa at batak sa gawaing pangmilitar. Ang ibang dumarating ay tila tuwang tuwa at nasasabik sa pagtapak ng kanilang mga paa sa akademya. Binasa ko ang malaking pangalan na nakalagay sa loob ng paaralan.

"ARSENAL MILITARY ACADEMY"

Lumakad na ako papasok at pinakita ang ID ko. Cheneck pa nila ang name ko sa students list at may pinirmahan pa ako. Tumingin pa ako sa likod ko dahil ilang hakbang ko na lamang ay makukulong ako sa akademyang ito. Tiyak na matagal akong makakalabas ulit. Tiyak akong matagal bago ko masilayan ang nasa labas. Sa Arsenal, ang lahat ng mag-aaral ay igugugol ang kanilang sarili sa pag-aaral at pageensayo sa loob lamang ng akademya. Walang labasan at walang makakadalaw. Mahigpit man ngunit nandito na ako kaya't wala ng atrasan.

"Alpha Building pala ang punta mo. Andon na rin ang Senior instructor niyo! Huli ka na! " pagpapaala-ala sa akin nong isang bantay sa gate.

"Yes sir! "

Sumaludo pa ako bago tumuloy. Ganun kasi ang ginagawa ng iba. Bumungad sakin ang napakalaking oval na tulad ng inaasahan ko. Sa gilid ay matatagpuan ang mga naglalakihang kahoy, lubid, at mga tulayan na sa tingin ko ay obstacle court. Marami na ding mga estudyante na nagjojogging at nagtatraining na sa tingin ko ay mga Seniors.

Sa kaliwa ay may malaking building na may nakalagay na 'Bravo'. Nabasa ko ang ang malaking sign board sa isang building mula sa kanan.

" Alpha"

Pumunta ako doon dahil iyon ang sinasabi ng bantay na building ng mga Junior. Nakaline up na ang mga estudyanteng naroroon. Tama nga, andon na nga ang pinaka instructor. Kaya't lumapit na ako doon.

" Pangalan?!" bungad sakin nong isang matipunong sundalo ngunit may kaliitan. Sa tingin ko ay opisyales ng Philippine Army.

" Mendez, Alex Sir "
" Why are you late? "
"Don't know sir! "

Napatingin ng matalas siya sa akin. Binasa ko apelyido nya na nakatatak sa kaliwang dibdib ng uniporme nya 'Bargas'at sa kanang dibdib ay naroroon ang insignas nya. May guhit din ang shoulder board niya at sa tingin ko ay isa siyang Sarhento.

Maya maya pa ay may dumating ding isang lalaki na mukang inaantok pa at tamad na tamad na buhat buhat ang military bag nya. Kaya't doon natuon ang kaniyang atensiyon

" Pangalan?!!!! "
" Javier, Calvin Jasper"
" WHY ARE YOU LATE?! "

Di pa ba halata kong bakit nalate yan? Yan lang ba role nya. Magtanong ng pangalan at kung bakit late..

" di ako late. maaga ka lang."

Nagtawanan ang ibang mga nakapila na estudyante.

" STOP LAUGHING!! THIS IS MILITARY SCHOOL NOT A SCHOOL OF ANNOYING CHILDREN!! "

Tumigil naman sila at mukang napahiya. Nakakatakot ang laki ng boses nito. Parang dumadagondong sa buong school. Napalunok laway ako.

" Tsk. Inaantok pa ako eh." rinig kong bulong nitong Javier daw.

" YOU TWO!! GIVE ME 5 WEEK!! " tukoy nya sa amin.

"Ok! " sabay naming sabi nong lalaki at aalis na sana pero sumigaw ulit ung Bargas.

" SAAN KAYO PUPUNTA!? ANONG GINAGAWA NIYO?! "

" Sabi mo bigyan ka ng 5 week. Balik nalang kami pagkatapos ng 5 weeks. "

Nakuha pang kumamot sa pw*t tong lalaking to. Damak.

" ST*PID. MEANING GIVE ME 35 PUSH UPSSS!!!GOD'DAMMIT! MOVEEE!! "

tsk. Nakakatakot naman tong opisyal na to.. Pahamak naman kasi tong ugøk na to!!

Nagsimula kaming dumapa sa lupa at sinunod ang command ng Bargas na to. Pahamak kasi tong bwisit na to. Maya maya pa ay sumasakit na ang braso ko. Tang*na ngalay ako kaka push ups. Nakaka 15 palang ako.

" ANO KAYA NIYO PA?!! "

Pinatong pa nong isang Senior ang military bag na 30 kilos ang bigat sa likod namin. Ano ba tong pinasok ko? Pagpapahirap ?

Tumingin ako don kay Javier. Nakuha nya pang humikab ah, mukang mayabang din ang isang to. Nagbibilang sya at nasa 20 na sya.

" JAVIER!! KAYA MO PA? NAKAILAN KA NA! COUNT YOUR PUSH UP MOVE!! "

" 25. 27. 29. 30. 32. 35!!"

Kinamang daya magbilang ng pøtek. Samantalang ako ay nahihirapan na sa pagtaas baba. Nanginginig ang mga braso ko. Peste. Madaya sya magbilang at hindi sya naririnig nong Bargas dahil busy ito sa iba.

"SIR DONE SIR! "

" ok. UP! HOW ABOUT YOU MENDEZ!"

nagpush up ako ng isa.

"35! SIR DONE SIR!! "

tsk. Kala mo ikaw lang. Tss. Pautakan dito hindi patiisan.

"OK UP. "

Pumunta na kami sa line namin at ginugrupo grupo na kami. Pitong member sa isang platoon ang ginawa nila.

"AGUSTIN, MENDEZ, SANCHEZ, DE LA CRUZ, LIM, HERNANDEZ AND JAVIER!! KAYO ANG DELTA COMPANY! LINE UP HERE!! "

Bumukod kami sa iba at pumila sa tinuturo nong Bargas.

" Hi tol. Sanchez, James Adrian nga pala! "

Nakipagshake hand naman ako don sa lalaking mukang masayahin. Ngiting-ngiti siya sa akin at para bang gusto niyang makipagkaibigan.

" Mendez Alex"

" Ang cute mo naman. Para kang babae haha" napalunok laway nalang ako sa sinabi nya.

" Cute mo din"

" talaga? Paano mo nasabi? "

Kailangan ba may rason pa. Tskk.

" cute mo. Kamuka mo si James"

" JAMES REID? " natutuwa nya pang sabi at parang kinikilig.

" Lebron James! "
"ayy" napatahimik naman sya at mukang naoffend sa sinabi ko. Tsk. Hindi kasi ako mahilig mangpuri ng ibang tao.

Nang matapos na sa iba yung instructor namin. Pinalapag nya ang mga bag namin at pinabukas. Magkakaroon daw ng inspection. Tskk. Kailangan ba talagang halungkatin ang gamit. Naku naman.

May mga nagdatingan pang ibang instructors para mag inspection daw. Medyo kinakabahan ako baka kasi makita nila ang gamit ko na tanging babae lamang ang gumagamit.

Nakatapat na yung isang lalaki sa bag ko. Halatang Senior students sya dahil wala namang insignas sa uniporme nya hindi katulad nong Bargas na may ilang guhit ang uniporme. Binuksan nya na ang military bag ko at hinalungkat ang laman.

" Sandali! "

Pagpipigil ko sa kaniya. Baka kasi kalkalin ng tudo. Mahirap na.

" bakit?"

" Ahh. Yung kamay mo oh. May dumi. Baka madumihan damit ko sir!"

Nilinis nya naman kamay nya. Pinagpagan niya iyon. tskk. Bahala na. Di naman siguro makikita mga tinatago ko.

Tiningnan nya lahat yung gamit ko hangang sa pinaka ilalim.

" Anong laman ng plastic na to Mendez? "

Itinaas nya pa ang plastic na iyon para ipakita sa akin. T4kte. P4nty at br4 yan ugøk. Wag yannnn.

" Ahh damit lang din sir! " pagsisinungaling ko.

Kinakabahan ako. Talagang bubuksan nya pa. Masyado namang pakialamero.

" JAVIER!!!! BAKIT MAY GINEBRA SAN MIGUEL KA SA BAG MO?! ALCOHOL OR ANY KIND OF LIQUIR BEVERAGES IS NOT ALLOWED IN THIS SCHOOL!! "

Binitawan naman nong lalaki ang plastic ko at pumunta doon kay Javier na sinisinghalan nong Bargas. Kaya't mabilis akong kumilos para itago ulit yon sa bag. Muntik na.

" Gin na nga lang di pa pwede. Apaka tindi pala dito! " naririnig ko silang nag-uusap habang nakatayo ako ng tuwid kasama ang iba kong kasama.

" DON'T TALK BACK TO YOUR OFFICER! UNDERSTAND?!"

" Tss. Nu ka boss? " mukang nasura sa kaniya yung Bargas.

"GO TO THE OVAL AND RUN 10 LAPS!!" pagtuturo pa nito sa malaking oval sa may harapan.

"Lap lapin ko muka mo eh. Bwisit matandang panot na yun. Pinasok pasok ako dito!"

"MOVEEEE!! " pagsigaw ni Sir Bargas sa tenga nong Javier.

Tigas din ng Javier na yun ah. Buti nalang at nabunton ang atensiyon sa kaniya.

Bumalik na naman yung nag iinspect sakin. Bakit ba bumalik pa to? Tsk.

" Nasaan na yung plastic? Mendez? "

" Ewan ko sa inyo sir! "

Umupo sya at hinanap nya ulit yong plastic na inilagay ko sa loob. At nakita nya pa talaga. Bubuksan nya na naman. P*ste talaga.

" HERNANDEZ!! BAKIT MAY BØLD DISC AND MAGAZINE KA SA BAG MO!! PORNOGRAPHY IS ALSO NOT ALLOWED HERE! "

"oy teka lang Mendez ah. May disc at magazine ehehehehe"

Tang*nang to manyakøl din. Kinuha ko na ulit yung plastic na kanina nya pang binabalik balikan. Nilagay ko na sa bulsa ko. Kanina pa to eh. tsk

Nakapunta na din kami sa pinakaroom namin o tinatawag ding dorm. Dalawa sa isang room. Ka roommate ko yung si Javier na di pa tapos umikot ng takbo sa oval. Malaki ang dorm. Bubungad agad sayo ang dalawang higaan at may pinakakusina sa may gilid. Hinahanap ko ang banyo ngunit wala. Sa kusina andon lahat ng mga kakailanganin sa pagluluto, pagkain, mga utensils, panghugas, may despenser din, may burner sa gilid at may lamesa sa gitna. Inayos ko na ang gamit ko dahil may pinaka cabinet din naman dito. Magpapalit na din muna ako ng damit dahil pinagpawisan talaga kami kanina. Tsk. Una palang hirap na. Pero kaya ko to.

*BOGSSHHHH*

Nagulat ako sa paglagapak ng pinto.

" L*NGYA TALAGA!! Magdodrop out na ako sa susunod na buwan!!"

Wala ata sa bukabolaryo ng gagøng to ang kumatok. Tsk. Kaya't narataranta ako sa pagbibihis. Bw*sit.

" OYYYYYY. BAKIT BA BIGLA BIGLA KA NALANG PUMAPASOK!!"

" TSS. PA V*RGIN KA PA DYAN!"
Gagø to ahh.

" Pwede ba kumatok ka pag papasok ka.!! "

" pwede ba wag mo nga akong sigawan!! Sapakin kita eh! Pasalamat ka pagod ako! " sumalangpak sya sa kama ko. Nalaman kong kama ko yon dahil may nakalagay na Mendez sa paanan nito.

" HOYYY. Kama ko yan.!!"

Niyakap nya pa yung bag ko. Ginawang dantayan. Pumukit pa sya na tila ba ay gusto nyang matulog. Ang tigas talaga.

Kaya't lumapit ako sa kanya at hinihigit ko yung bag pero ayaw nyang ibigay.

" AKIN NA SABI EHH!! "
" mya na! "
" AKIN NAAAAA! "
" mya! "
" P*ste ka. BAG KO YAN! "
" Bakit amoy babae ka? " Natigilan ako sa sinabi nyang yon. Bw*sit talaga

"Bakit amoy babae ka hah? "
" Paki mo? "
" Nambabae ka no? "

Tinapon nya na sa muka ko yung bag ko. Mukang magiging magulo ang buhay ko dito. P*ste.

Lumipat na din sya sa kama nya. Pinawisan nya lang higaan ko. Puting puti pa mandin ang cover. Tssk.

" Oyy pree. Pamasahe naman likod ko! " tinuturo turo nya pa yung likod nya. Tsk. Kapal din makautos ang hinayup*k.

" Nu ka Gold? "

" Ge na! "

Aba't naghubad na ng damit ang gagø. Anong sa akala nya. Alalay nya ako. P*ste.

" halina pre. Dito oh masakit! "

Tinuturo nya naman yung likod ng balikat nya. Ugøk din pala to ehh.

Lumabas na lamang ako dahil naiimbyerna ako sa kanya.

" Oyy Mendez, Alex! San room mo? " biglang dumating yung si Sanchez at sumabay na maglakad sa akin.
" Dyan lang! "
" saan dyan? "
" Basta dyan! "
"Ayy haha. Ako dito.!" pagtuturo nya pa don sa room nila na tapat sa amin.

"Karoommate ko si Lim, Mark Van, ikaw sino karoommate mo? "
" Yung gagø! "
" Huh? Sinong gagø? "
"Si Javier"

Pumunta na kami sa baba. Gusto ko munang libutin ng aking mga mata ang kalawakan ng lugar. Hindi parin ako makapaniwala na nandito ako ngayon. Ito ang paaralan kung saan nag-aral si kuya. Parang dati kinukwento niya lang sakin to. At totoo nga lahat ng kwento niya. Napakalaki ng paaralang to. Dito nya ginugol ang panahon at oras niya. Sabi nya, masaya siya dito at maganda ang takbo ng buhay nya. Mababait naman daw ang mga instructor at opisyales kahit na may pagkaistrekto. Masaya siya kapag kinukwento nya sa akin at sa magulang namin ang karanasan nya sa loob ng akademyang ito. Ngunit hindi namin inaasahan na dito rin siya babawian ng buhay. Sa loob ng Arsenal Military Academy.

" OYY MENDEZZ! Balita ko karoom mo daw si Calvin. Si Javier?! Kung ako sayo. Tirahin mo na pagtulog HAHAHAHA! "

Ito yung si Hernandez eh. Kasama nya yung isa naming kaplatoon. Agustin ata apelyido. Anong tirahin ibig nyang sabihin? Iba pa mandin hubog ng utak nito. M4nyak.

"Oo nga. Dapat don pinupokpok sa ulo. Masyadong mayabang yun ay HAHAHAHA" si Agustin.

Ahh ibig sabihin p*tayin ko. Ginawa pa nila akong krim*nal. Tss. mukang kilala nila yung si Javier at mortal nilang kaaway.

" YUKO. BAKA MAGKITA PA KAMI SA IMPYERNO. KAYO NALANG KUNG GUSTO NIYO. "

Saka ako nagpatuloy sa paglalakad.

Continue Reading

You'll Also Like

2.3K 192 52
Paano kung nakatanggap ka ng imbitasyon sa Hotel na tanging mga serial killers lamang ang pwedeng makapasok? Tatanggapin mo ba? Like Diana. Diana ce...
817 219 54
Dark has been Zach's escape. It echoes for him as the world fear him. It rumbles whenever his face is seen in the dark where there lies a silhouette...
7.7M 352K 99
Carnelia Manelli, isang anak ng Major General ng military at sikat na Fashion Designer na sina Jared at Kacey Manelli. Dahil dito, hindi naging madal...
3K 204 8
#Wattys2018 Shortlist "No one will suffer for the sins of others, not even you; only for their own. And once you've completely become my queen, all y...