My Crush's Best friend

By mimimaan

17.6K 355 141

"Magtutulungan tayo. Tulungan mo kong pagselosin ang ex ko at tutulungan kita ma inlove sayo ang bestfriend k... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 5: Bad luis
Chapter 6: Girlfriend?!!
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20: Sa Kusina
Chapter 21
Chapter 22

Chapter 4: Revelations Exploded

736 18 6
By mimimaan

 Maan's note: Dinededicate ko to sa mga taong nagbabasa nito simula palang nung ginawa ko to last year pa. Yung mga nag-antay.. yung mga nagcocomment noon sa luma ko pang account.. Nakakamiss kayo. O kaya sa mga taong simple nagcocoment lang sa story ko hehe :) Thank you!

--

Luis' POV

TANGA! TANGA! Saan ko ba naiwan yun? Bobo naman. Naglalakad nanaman ako pabalik ng school. Siguro naman wala nang tao dun.

"Luis!!" rinig kong sigaw ng isang pamilyar na boses. Yung best friend ko. Si Renzo. Alam kong siya yun kahit malayo pa ang agwat namin. Ngumiti nalang ako habang papalapit siya sakin. "Musta unang araw mo sa school?" 

"Ayos lang. Bakit ka ba absent?" tanong ko.

"Nalate ako ng gising eh. Tinamad na 'ko. Daming chix no? haha oh saan ka na pupunta?" tanong nito habang papalapit na kami sa school.

"Babalik sa school. Nakalimutan ko yung---shit." Naputol yung sagot ko dahil biglang may bumangga sakin. Bakit ba lagi nalang may nakakabangga sakin? Ako ba ang pakakalat kalat sa daan o sadyang sila yung hindi tumitingin? 

"hwaaaaaaah sorry sorry sorry po." siya nanaman? Bakit ba lagi nalang kami nagkakabangga nito? Bakit sa lahat siya pa? Ang kamukha pa ng first love ko. Simula nung nakita ko siya kaninang umaga habang nakatingin siya sa bintana na-alala ko na si Mia. Lalo na yung mga mata niya. Yung mga ngiti niya. ay ewan! Kahapon naman nung nagkabangga kami hindi ko napansing kamukha niya. O baka dahil natataranta lang ako sa iyak niya nun? hay ewan.


"Sorry sorry sorry" sabi nito habang nakapikit ang mata at yumuyuko pa. "sorry sorry so---" napahinto siya ng nakita niya ko pati ang best friend ko. 

"Hi Clarisse!" masiglang bati ni Renzo. Pero tong babaeng to? Eto nakatulala. Ngayon lang ba to nakakita ng gwapo? ehem ehem

Clarisse's POV

Hayop yung tatlong yun. Sabi hihintayin sa gate. Nasaan na? Wala na. hay. Takbo na nga lang ako. Sayang walang track and field na event sa school namin. Pwede na ata ako dun kakatakbo.

"Aray" napabulong ko sa sarili ko. May nakabunggo nanaman ako.

"sht" rinig kong sabi ng nakabangga ko. May gulo nanaman akong napasukan. Bakit ba kasi lagi nalang akong may nakakabunggo. 

"hwaaaaaaah sorry sorry sorry po." sabi ko habang paulit ulit na yumuyuko. Wag naman sana nila ako ipablatter. Boses lalaki pa naman yung narinig ko. Wag naman sana nila ko reypin.

"Sorry sorry sorry" paulit ulit kong sinasabi. Bakit ba hindi sila sumasagot? Tao ba tong nakabangga ko? O baka naman poste lang?

"sorry sorry so---" napahinto ako sa kakasorry nung nakita ko kung sino yung nakabangga ko..

yung... yung... yung.. Si Luis at Renzo..

Bakit sila magkasama? May affair ba sila? Mag boyfriend and Girlfriend ba sila? Kung ganon, sino ang girl sa kanila?

"Hi Clarisse!" Masiglang bati sa akin ni Renzo. Wah. Kill me now. Kill me please? Anong sasabihin ko? Tumingin ulit ako kay Luis pero ang cold ng tingin, sa malayo pa siya nakatingin. Walang emosyon tss. Pero si Nathan Renzo Torres nag hi sa'kin. Yung HI ni crush parang I LOVE YOU. I LOVE YOU TOO! Anong gagawin ko? Takbo na nga lang ako. Ay wag. Maging normal ka.

"ah eh hehe h-hello hehe b-bye!" masigla kong bati at nagmadali nang umalis.

Luis' POV

"Baliw tss" bulong ko sa sarili ko.

"May sinasabi ka pre?" tanong ni Renzo.

"Wala. Tara na nga." 

Hinanap ko na sa buong classroom yung ID ko pero wala pa 'din. Hay! Tanga!  Saan ko ba napatong 'yon? Wala naman na akong pinuntahan na ibang lugar. Psh. "Bukas na lang 'yan. Baka nasa ibang janitor lang. Kumukha ka na lang temporary gate pass bukas." sabi ni Renzo.

"Tss"

"Oh ayun pala yung janitor! Mang Jemar!" malakas na sigaw ni Renzo kaya napatingin sa amin yung janitor.

"oh bakit renzo? Bakit nandito pa kayo?"

"May itatanong lang po kami kung kayo po ba yung nakakuha ng ID nitong bespren ko." tanong ni Renzo kay Mang Jemar.

"Ay nako hindi eh. Hayaan niyo iho, bukas itatanong ko yung ibang janitor kung sila ba ang nakakuha."

"sige po salamat po." bati ni Renzo.

"Tara na nga. Papagawa nalang ako ng bago." sabi ko. Hindi maganda ang pasok ng unang araw ko.  hay Naglakad na kami papalabas ng school. Nakaka-inis.

"Pansin ko lang? Bakit nag iba nanaman yang aura mo? Devil-slash-emotionless nanaman. May problema ba pre?" tanong niya. Etong sira ulong lalaking to lagi nalang ako napapansin. 

"kasi ano..." Wag ko nga munang sabihin. Hindi to ang tamang lugar.  "Wala.. Sige na.May pupuntahan pa ako. Wala yung kotse ko kaya magcocommute lang ako. Wag ka nang magpahatid alam kong nasa isipan mo yun." sabi ko.

"Wala daw problema utut mo. Kwento mo nalang kapag kaya mo nang ikwento sa gwapo mong bes pren.. haha sige bye na" sabi niya at umalis na. Sira ulo talaga. Pero nakakamiss na 'rin yung may kaibigan ka sa tabi mo. 

Kinabukasan, sabay kaming pumasok ni Renzo sa classroom. At napansin kong nakatulala nanaman si Clarisse sa amin habang papasok kami ng room. Problema niya? May dumi ba sa mukha namin? May kakaiba ba? Gwapo naman kami ha? Bakit ba siya laging ganyan? 

Eh bakit lagi nalang ba siya yung iniisip ko? Clarisse. Puro nalang clarisse. Si Clarisse na kahawig si Mia. T*ngin*. Eto na naman ako. Na-alala ko nanaman siya.

Lunch break na namin. Magkasama kami ni Renzo pati na din yung dalawa niyang kaibigan na si Adrian at Patrick. 

"Nadagdagan tayong mga pogi sa school." sabi ni Adrian habang kinakain yung burger.

"Daming chix tuloy na nakatingin sa'tin." dagdag pa niya.

Tumingin ako sa paligid, totoo nga. Halos karamihan sa mga babae tumitingin sa amin. Yung iba patago pero halatang halata naman at yung iba talaga nagpapansin. 

"Hi Patrick!" sabi nung babae. Third year palang ata. Akala ko maghehello siya o magwiwink sa babae pero hindi. Ngumiti lang siya. Yung pilit na ngiti.

"Grabe Patrick. Ano yun?" Tanong ni Adrian kay Patrick.

"anong ano yun?" tanong naman ni Patrfck habang kinakain ang french fries niya.

"Ngiti lang? Ts. Hina mo. Tagal mo nang nag-aaral at pinagkakaguluhan dito ganyan ka padin" sagot naman nito.

"Nako adrian wag mo nga itulad sayo yang si Patrick. Kilala mo naman yan. so sensitive HAHAHAHA" asar naman ni Renzo. 

"Ikaw ba Luis? Ano ba type mo sa babae? Paano mo sila pakisamahan?" bigla naman akong nabulunan sa iniinom kong C2. 

"Wag mo ring igaya sayo yang bespren ko. Ang type nyan yung simple lang. Nakaka-isa pa nga lang na girlfriend yan." sagot ni Renzo. Ngumiti nalang ako. Hindi na ko sumagot. Sa tuwing nakikita o na-aalala ko yang si Clarisse, na-aalala ko padin si Mia. 

Hay.

Uwian na namin. Pero nakakatamad pang magcommute. Mamaya nalang kapag nakalabas na silang lahat lalo na yang si Clarisse. Baka makita ko nanaman. Tss.. Makatulog na nga muna.

"hoy babae! daydream ang peg nanaman? TARA NA! UWIAN NA OH!!" 

"you and me.. sitting on a tree.. K-I-S-S-I-N-G!  Hay nako. utut. walang forever!"

"pinagpalit mo nanaman ba kami sa upuan ha?!" 

Ang ingay. Hindi ako makatulog. Pero nakayuko pa din ako sa desk ko mamaya nalang ako tatayo kapag nawala na yung ingay. 

"Si Renzo nanaman iniisip niyan. Ayiiiie" 

"Renzo? Tama ba ako ng nadinig? May nagkakagusto kay Renzo? Sabagay.. Gwapo naman siya at malakas ang appeal nun kaya walang duda na may magkakacrush dito sa room niya. Mamaya na talaga ako tatayo. Masyadong awkward kung malalaman nilang gising na 'ko at isipin nilang narinig ko yung usapan nila.

"Ang ingay mo! Baka may makarinig sayo eh!" 

Si Clarisse ba yung nagsalita? Siya ba yun? Tae naman oh. Ang hirap pala kapag naririnig mo lang. Dapat makita mo din pala kaso hindi pwede. 

"Wala nang tao babae. Except sa transferee student na natutulog. Kaya tumayo ka na jan kundi isisgaw kong crush mo si----"

"oo na eto na. Tama na. Ito na nga oh, nagmamadali na mag-ayos ng gamit. Tara na nga!" 

Naka alis na ba sila? Wala na kasing maingay eh. Nung sinubukan kong iangat yung ulo ko, wala na ngang tao. Ako nalang. Buti naman at makakauwi na 'ko. Patayo na ko ng table ko nang biglang may napansin akong notebook sa sahig.

DIARY NI CLARISSE

Clarisse? Hindi na 'ko nagalinlangan na pulutin ito. Makapal yung mga pahina at halatang may pagkaluma na., Mukhang nakakainteresado to ah? First time ko palang kasi makakabasa ng ganto at sa 4th year student na babae pa. Agad ko na tong binuksan at binasa. 

BAWAL BASAHIN EXCEPT KAY JANINE, TRIXIE, AT KARLA.. AT SYEMPRE AKO. HIHI

PROPERTY OF: MICKEY CLARISSE LEGASPI

Tss, Panigurado puro kalandian to at araw araw niyang gawain.

June. 06, 2009

Dear Diary,

May nakita akong gwapo sa papasukan kong school. Kyaah! Ano kaya name niya? Sana classmate ko siya. hihi ^_^

June 2009? Tagal na nun ha? Ibig sabihin 3 years na 'tong diary na 'to? Mukhang nakainteresado nga. Umupo nalang ulit ako sa upuan ko at nilipat sa susunod na page. 

June 08, 2009

Dear Diary,

Nathan Renzo Torres name niya. Kyaaaaaaaah! Ang gwapo nang pangalan kaso may bad news huhu hindi ko siya classmate. huhu TT_TT


"WAAAAAH! BAKIT MO HAWAK YUNG DIARY KO?!! HUHUHUHUH"

Pagtingin ko, Si Clarisse pala. Bumalik siya? Bakit? Ay shit! Yung diary niya hawak ko. "huhuhuhu *sobs* yung diary ko hhuhuhuhuu" patuloy niyang pag-iyak.

"Sorry na." pagpapatawad ko kaso walang epekto. Umiiyak pa 'din siya. Hindi malakas pero iyak pa rin siya ng iyak.

"waaaaaaaaaaaah" at bigla na siyang umiyak ng malakas.

Anak naman ng ano oh! Bakit ba lagi ko nalang 'to napapaiyak? Isang malaking gulo tong babaeng to. hay. Kailangan ko muna atang ipakita yung angel handsome look ko sa babaeng ;to. Ayoko pa naman sa lahat ay yung mga umiiyak na babae.

Continue Reading

You'll Also Like

286K 5.2K 97
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
1.4M 62.1K 178
In which Ran keeps receiving text messages from a guy named Nix, who is obviously head over heels and courting a girl named Bea. *** will she choose...
59.5K 2.7K 25
THIS IS A BL STORY! Obsession series # 2 "I'm scared to move on because moving on means accepting our fate as strangers. I'd rather heartbroken than...