Chapter 15 – Touché
Back to normal—not! Ako lang ata ang hindi normal ngayon dito sa opisina. Aside from being emotional wrecked. Ang dami ko ring hinahabol na trabaho dahil two weeks from now na ang launching ng aking new ring designs.
And guess what? Nasa harap ko ngayon si Primotivo. He brought me food kasi alam niya raw na magpapalipas nanaman ako ng gutom.
“Babe, do you eat chicken feet?”
“What?”
“Chicken feet. Paa ng manok.” Pag-uulit niya.
“Sa tingin mo kakain ako ng paa ng manok?!” pinandilatan ko siya.
Napatingin ako sa lunch box na dala niya at nakahinga ako nang maluwang kasi walang chicken feet sa lalagyan.
“Alam ko naman na hindi. Fish fillet ‘yan with side dishes. Sorry kung one cup lang ang kanin, sabi kasi no’ng waiter maghinta ako ng 20 minutes kasi magsasaing daw ulit. Eh alam ko naman na gutom ka na kaya nag settle na ako sa one cup. Dinamihan ko naman ang ulam mo.” Mahaba niyang explain habang nakangiti kahit hindi naman ako nagtatanong.
“Okay na ‘to.” tipid kong sabi. Tinusok ko nang tinidor ang fish fillet at kumagat ng konti. “Hmm, ansarap!” I said while munching.
“I knew you’ll like it.” Masayang sabi niya.
“Teka, malapit na mag 1. Balik ka na sa office mo.”
“Boss ako, babe. ‘Wag kang mag-alala.” He assured me.
Nakatatlong subo na ako nang mapatingin ako sakanya. He was intently staring at me and my heart beats eratically. Eto ang ayaw ko, eh. Binibigyan niya ako ng pag-asa sa mga titig niya where in fact wala naman palang ibig sabihin ang lahat nang ginagawa niya.
“I-I’m full,” sabi ko kahit ang totoo gutom pa ako.
“Ha? Hindi mo pa nga ubos.”
“Busog na nga ako. Puwede ka ng umalis.” I said saka tumayo. Bumalik ako sa table ko at nagpanggap na may ginagawa.
“Hmm, okay.” Tumayo na rin siya pero bago siya umalis may iniwan siyang yellow invitation. Napatingin lang ako sa inivitation hanggang sa narinig kong nagbukas sara ang pinto.
“What’s this?” I asked myself. I slowly opened the invitation.
It was a wedding invitation of Migo and his fiancé. Ngayon week na. Oo nga pala at invited kami.
NAGLALAKAD na ako palabas nang office nang maramdaman kong biglang may yumakap sa likuran ko. Nagpupumislag ako pero masyadong mahigpit ang hawak niya sa akin at naramdaman ko pang nilapit niya ang mukha sa tenga ko.
“Don’t move.”
“Fvck! Lyrron ano bang ginagawa mo?” galit na galit kong sabi. Napatingin ako sa ilang empleyado na napapatingin sa amin. Buwesit ‘to at gumagawa nanaman ng eksena.
“May tagos ka sa likod,” mahinang bulong niya. Pakiramdam ko nawalan ako ng dugo sa sinabi niya. Gusto kong lamunin ako ng sahig sa sobrang kahihiyan.
Hindi naman ako makaimik kahit gusto ko siyang awayin. Nakakahiya kaya!
“B-babalik ako sa office—“
“I’ll drive you home,” seryoso niyang sabi.
Wala akong nagawa kundi ang tumango. Nakita kong tinanggal niya ang coat niya at binalabal sa bewang ko.
Nakaalalay siya sa bewang ko habang naglalakad kami. Nagpapasalamat ako at kusang umiiwas ng tingin ang mga empleyado. Takot lang nilang masisante ko.
Nakarating kami sa basement kung saan ang sasakyan ni Lyrron. Ipinatong niya ang jacket niya sa upuan bago ako pinaupo.
Gosh! This is the most embarrassing moment of my life! Kahit kailan hindi pa ako natagusan in public. At sa childhood enemy ko pa talaga napiling ipahiya ang sarili ko.
“Ayos ka lang?” he asked while driving.
“Yeah,” tipid kong sagot. Nahihiya rin kasi akong tarayan siya. Nagmagandang loob na nga ‘yung tao tapos tatratuhin ko pa ng iba.
“Gusto mo bang mag detour?”
“Ha? Akala ko ba iuuwi mo ako?” sa totoo lang wala ako sa mood pumunta sa kung saan. I just want to lay in my bed.
“Yeah, pero naisip kong asarin ang boyfriend mo. Mag check in kaya tayong hotel para magalit?” napakunot noo lang ako sa sinabi niya.
“What are you talking about?”
“Your boyfriend is tailing us,” pagkasabi niya no’n ay tumingin siya sa rear view mirror at mas lalong napangisi.
Napatingin naman ako sa likod namin at nakita ko nga ang kotse ni Ivo sumusunod sa amin. Pakiramdam ko may bumubundol sa dibdib ko. Parang nakikipag-unahan pa siya kung hindi lang dahil sa isang van at motor na nasa gilid niya baka nag over take na siya sa amin.
Huminga ako nang malalim bago tumingin sa unahan. Para akong mababaliw sa nararamdaman ko. Ah basta!
“Ideretso mo ako sa bahay. You know where I live?” sabi ko. Nanlalamig na rin kamay ko at feeling ko pati ilong ko namamanhid na.
“Of course! Magkapit bahay lang kaya tayo.” Sabi niya kaya napanganga ako.
“We’re neighbors?!” hindi ko makapaniwalang sabi.
“Yup!”
Napahawak na lang ako sa sintido ko dahil sa nangyayari. Sabayan pa nitong nananakit kong puson. Parang gusto kong kumain ng ice cream!
Napatalon ako sa gulat nang paulit-ulit na nag-vibrate ang phone ko sa bulsa. Agad ko naman ‘tong kinuha at hindi na ako nagtaka nang makita ko si Ivo na tumatawag.
“What?” walang gana kong sabi. Sinusundan niya pa rin kami. Baliw na lalaking ‘to. Reckless driving ang ginagawa niya.
“Bumaba ka diyan.” He said dahilan para mainis ako.
“No!” matigas kong sabi. In my peripheral view, nakikita kong napapa sulyap sa akin si Lyrron.
“Diba ako maghahatid sa’yo? Bakit ka sumama sakanya?” puno nang panunumbat niyang sabi. Sa totoo lang kinikilig ako. Feeling ko kasi nagseselos siya at gusto kong isipin na nagseselos nga siya. Pero hindi ako puwedeng mag assume kasi sino ba ang masasaktan? Ako lang naman, diba?
“Wala ka na do’n! I’m hanging up now.” I said then put my phone back to my pocket.
“Galit siya?” tanong ni Lyrron.
“Oo,”
I heard him chuckle at nakita ko ang pares niyang dimple. Ay takte kailan pa nagka dimple ang kumag na ‘to?
“Ano ‘yan, implant?” I asked.
“Alin?” nakangiti niyang sabi.
“'Yang dimple mo! Wala ka namang dimple no’ng mga bata pa tayo, ah!”
“Mayro’n. Hindi mo lang pansin kasi galit ka sa akin.” Sabi niya at mas lalong ngumiti. Mas lalo niya atang sinasadyang ilabas ang dimple niya.
Nakarating kami sa mansion. Gusto ko pa sana siyang ayain papasok sa loob kasi kailangan ko nang magpalit kasi you know… the stain.
I hurriedly got upstairs at pumasok sa kwarto ko. It took me hours sa loob ng banyo bago lumabas at nakapang bahay na damit na lang. Nahihiya pa rin ako kapag naalala ko ‘yung kanina. Para sa akin hindi hygienic ang matagusan. Sa sobrang dami ko na sigurong iniisip kaya hindi ko napansin na may dalaw ako.
“Bakit ka sakanya nagpahatid?”
Halos mapatalon ako sa kinatatayuan ko at napahawak sa dibdib ko sa sobrang gulat.
“Papatayin mo ba ako sa gulat?!” galit ko sigaw kay Ivo. “At ano’ng ginagawa mo dito sa kwarto ko?!”
Nakatayo siya sa paanan ng kama ko at nakapamulsa ang dalawang kamay. His tie were messy at nakasabit ang coat niya sa kabilang balikat niya.
“You didn’t answer my question, Cassey.” Seryoso niyang sabi.
“Wala ako sa mood makipag talo sa’yo, Primotivo. Kaya kung puwede umalis ka na at pagod na pagod ako.” Sabi ko saka naupo sa kama.
“Pero sa Lyrron Lyrron sinta na ‘yon mayro’n?” nang-iinis niyang sabi. Tiningnan ko naman siya ng masama.
“Problema mo ba?!”
“Alam mo naman na susunduin kita pero sa iba ka nagpahatid. Para akong tanga na naghihitay sa harap ng kumpanya niyo tapos magugulat na lang akong nakasakay ka na pala sa ibang kotse.”
“Parang tanga?! Eh ano na lang pala ako?! Ano na lang ang gabi-gabing—“ natigilan ako sa sinabi ko. Ayaw kong mag breakdown sa harapan niya. “Wala kang alam, okay? Nag magandang loob lang ‘yung tao para ihatid ako!”
“Eh ako nga ‘yung—“
“Natagusan ako, okay?!” sigaw ko sakanya. Natigilan naman siya at parang nag lag ang kanyang isip sa sinabi ko.
“S-sorry…”
“Umalis ka na.”
“B-babe—“
“Umalis ka na, Primotivo!”
“Sorry talaga. Hindi ko alam.” Walang ganang napatango lang ako sakanya. But his next move caught me off guard. Niyakap niya ako patagilid at sumiksik siya sa leeg ko. Luh? Naamoy niya ba dugo ko? OMG!
I was about to push him when he sniffs my hair.
“Magpahinga ka na. May gusto ka bang ipabili?” sabi niya. Bumitaw ako sakanya at tiningnan siya.
“Ice cream. Gusto ko ‘yung salted caramel.”
“Copy! Wala nang iba?” napailing naman ako.
“I’ll be back. Madali lang ako,” he said tapos bigla na lang naglaho sa harap ko.
Napahiga na lang ako bigla sa kama ko. “I’m falling in love… so hard.”
KINABUKASAN after work ay kasama ko si Ivo na tumitingin ng dress para sa kasal ni Migo. Yellow daw ang motif so naghahanap din ako ng dress na may something yellow.
“Wala akong mapili.” Napanguso kong sabi.
“Kahit ano naman suotin mo maganda ka.” Sabi niya.
“AO!” Nasabi ko na lang para itago ang kilig. Nalintikan na. Nawala nanaman ako sa momentum. Pinakilig nanaman niya ako.
“Teka, maga-attend din ba si Theyn at Kent?” tanong ko.
“Oo naman!”
“Itext mo nga si Theyn. Baka may alam siyang magandang boutique.”
“Nasa kotse phone ko.” Kibit niya. Napatingin ako sakanya at lihim na napangiti kasi parang walang epekto sakanya nang banggitin ko ang pangalan ni Theyn. O imahinasyon ko lang ‘yon.
xxxxx