CHAPTER 1
Gusto kong iuntog ang sarili ko sa sobrang sakit. 'Yong tipong pinuputol ito ng wala man lang anesthesia. At isa pa, gusto kong umiyak sa sobrang frustration. Pilit kong inalala ang bawat eksena kagabi ngunit isa lang ang imaheng pumapasok sa isip ko. Alaka ko panaginip lang ang lahat ngunit hindi... Wala na akong nagawa nang biglang rumagasa ang luha ko. Napangisi nalang ako ng mapakla at dahan dahang tumayo mula sa kamang hinihigaan ko.
Inilibot ko ang paningin sa buong lugar at tinignan ang digital clock na nasa gilid. Madaling araw palang. Nagtungo ako kaagad sa banyo upang maligo, pagkatapos ko nagmadali akong lumabas ng kwarto ngunit nabigla ako nang may biglang humila ng kamay ko at niyakap ako.
Ramdam na ramdam ng katawan ko ang init ng kanyang balat, wala siyang damit pang-itaas.
"How are you?" bulong niya sa aking tainga. "Nag-alala kami saiyo," pinilit kong 'wag umiyak sa harapan niya ngunit hindi ko magawa.
"J-jin..." sambit ko habang kinakagat ang ibabang labi ko. Gusto kong sabihin sa kanya kung anong nangyari ngunit tila may bumabara sa lalamunan ko. Hindi ako makapagsalita ng maayos, hindi ko masabi kong anong gusto kong sabihin.
"Jin!" napabalikwas kami sa pagyayakapan ng may biglang tumawag sa kanyang pangalan. Tumingin kami sa iisang direksyon at nakita namin si Carmela na nakatayo sa harapan ng pinto ng... ng kwarto ni Jin. Tila dinurog ang puso ko at sinaksak ng ilang beses nang marealize kong tanging puting kumot lang ang ipinangtatakip niya sa kanyang katawan.
Nalilito kong tinignan si Jin. Nag-iinit ang sulok ng aking mga mata hanggang sa tuluyan ng nahulog ang mga butil ng luha sa aking pisngi. Taas baba ang aking dibdib dahil sa mga emosyon na nag-uumapaw.
"I'm sorry Elle," giit niya at yumuko.
Napa-iling ako kasabay ng pagpatak na naman ng aking luha at napa-urong. Kung hindi siya.... sino ang?
Nagtaasan ang aking balahibo ng may yumakap nalang saakin mula sa likuran. Ramdam na ramdam ko ang hininga niya sa tainga ko. "Where did you go Elle? Bakit mo ako iniwan sa kwarto?" kumalas ako sa yakap sa kanya at tinulak siya.
"What are you saying Jeric?!" galit na sigaw ko sa kanya. Ramdam ko ang tensyon sa pagitan naming apat. Buti nalang hindi nagigising 'yong iba marahil sa sobrang kalasingan.
Ang mga tingin ni Jin saakin palipat lipat saamin ni Jeric.
"Nakalimutan mo na? We did it.... again," nakangising niyang giit niya kaya't napahawak ako sa doorknob ng pintuan ng kwarto ko. Nanlalabot ang sistema ko at nangatig ang tuhod ko.
"No..." mahina kong bulong at hindi matanggap ang sinabi niya.
Hindi ko alam kung paanong nangyari ngunit mabilis na nakalapit si Jin kay Jeric at sinuntok niya ito kaya't natumba si Jeric sa sahig.
"WALANGHIYA KANG HAYOP KA! GAGO! MAPAPATAY KITA!" sunod sunod langa ng pagsuntok na ginagawa niya. Sinipa naman siya ni Jeric sa may tyan kaya't napalayo sila ng kaunti sa isa't isa pero sumugod muli si Jin at ramdam na ramdam ko ang galit niya sa bawat suntok na pinapakawalan niya.
Wala akong nagawa kundi ang maiyak sa senaryong nakikita ko. Bakit lagi silang nag-aaway ng dahil saakin. Bakit laging ako ang dahilan? Ano bang masamang ginawa ko? Gusto ko lang naman makilala si Mr. Right pero bakit naging ganito ang kinahantungan ko.
Napa-aray ako nang biglang may humila sa buhok ko pag-angat ko ng tingin nakita ko si Carmela na nanlilisik ang mga mata saakin habang nakahawak ang isa niyang kamay sa kumot na nagtatakip ng kanyang katawan.
"Umalis kana rito!" bulyaw niya at hinila pa ng marahas ang buhok ko. Hindi ko magawang manlaban. Hindi ko magawang ipagtanggol ang sarili ko. Masyadong maraming nangyari at tila naubos na lahat ng lakas ko. "Salot ka!"
Umiyak lang ako ng umiyak habang iniinda ang sakit ng sabunot niya. Napakahina ko pero anong magagawa ko kung hindi ko na kayang lumaban pa? Anong magagawa ko kung wala na akong lakas na ipaglaban ang sarili ko. Sobra na.
"Tama na..." mahina kong pakiusap sa kanya ngunit hindi siya tumigil. Napasalampak na ako sa sahig at pilit niyang inuuntog ang ulo sa pinto. Ramdam na ramdam ko ang sakit ng bawat pagdampi ng ulo ko sa matigas na kahoy.
"JIN! JERIC!"
"ELLAIRA!"
"CARMELA!"
Naramdam ko ang unti unting paglayo ng kamay ni Carmela sa buhok ko. Naramdaman ko rin ang taong yumakap saakin. Ramdam na ramdam ko rin ang presensiya ng BTS ata ng mga kaibigan ko saakin. Sa amin. Lahat sila gulat at hindi makapaniwala sa senaryong nagpagising sa kanilang lahat.
"You're okay baby, I'm here. Stop crying," mahigpit namahigpit ang yakap saakin ni Yohann na tila pinoprotektahan ako. Dahan dahan niya rin akong inalalayan sa pagtayo kahit nanginginig ang buo kong sistema.
Nagtama ang mata namin ni Jin. Kita ko ang pag-aalala sa kanyang mukha at mga mata, nagtangka siyang lapitan ko ngunit umiling ako sa kanya.
"Don't get near me," kahit basag na basag ang boses ko nagawa ko pa ring sabihin sa kanya 'yon. "Tama na Jin... Itigil na natin 'to, tutal si Carmela naman talaga ang gusto mo e. Tama na... nag-mamakaawa ako saiyo, palayain mo na ako. Nasasaktan na kasi ako ng sobra..."
"Elle..." napatingin ako kay Jeric nang banggitin niya ang pangalan ko.
"Fuck you Jeric. Fuck you!" mariin kong giit at hinila na si Yohann pababa ng hagdan. Paalis sa lugar na 'yon. Ang gusto ko lang gawin ngayon, malayo sa kanilang lahat.
Ayoko na. Ayoko na talaga.
"Cry Elle," napatingin ako kay Yohann habang nasa loob na kami ng kotse niya. "Just cry it all Ellaira, everything will be okay.."
"I don't think so..." mahina kong sambit habang nakatingin sa kanya. "Wasak na wasak na ako Yohann. Gusto ko nalang lumayo sa kanya kahit na mahal na mahal ko siya. Ang sakit na kasi. Sobrang sakit na,"
Hinawakan ni Yohann ang kamay ko at pinisil. "Can you ignore him?" seryosong giit niya kaya't napa-isip ako.
"Gagawin ko..."
"Can you stop loving him?" tanong niyang muli.
"Sana..." hindi ko alam kung bakit 'yon ang lumabas sa bibig ko kaya't nag-init na naman ang sulok ng aking mata. Wala na akong ibang nagawa kundi ang yumuko.
"Baby, look at me.." hinawakan niya ang ibaba ng aking baba at inangat ang ulo ko upang magkasalubong ang aming mga mata. "I'll help you out..." giit niya sabay ngisi. "I'll be always here for you, aryt? You can surpass this. Okay?"
Dahan dahan akong tumango. His words made me feel secure. Parang lahat makakaya ko basta nandyan siya.
"Thank you.." bulong ko kaya't nakita ko siyang napangiti at ginulo ang buhok ko bago niya inistart ang engine ng sasakyan at nagsimula ng magdrive.
KUNG hindi si Jin, si Jeric ang tatawag saakin. Kaya't wala na akong choice kundi ang putulin ang simcard ko at bumili ng bago. These past few days hindi ako nagpapakita sa kanila, para saan pa? Ayoko ng magulo ulit ang buhay ko. Unti unti ko na itong inaayos. Bakit kailangan pa nilang manghimasok ulit? Sinabi ko na sa kanila na ayaw ko na.
Napa-upo ako sa sofa ng apartment na inuupahan ko. Yes, umalis muna ako sa bahay. Alam ko kasi na hindi ako tatantanan ng dalawang 'yon lalo pa't alam nila kung saan ako nakatira. Gusto ko munang mag-unwind. Gusto ko munang mamuhay ng wala sila.
"Baby..." napalingon ako ng marinig ko ang pagtawag saakin ni Yohann. May dala pa siyang dalawang plastic na tila pasalubong niya saakin. Napangiti ako habang tumatayo at sinalubong siya ng yakap.
"Missed me?" tanong niya.
Ngumiti ako ng nakakaloko at biglang kinuha ang dalawang plastic bag na dala niya. "No," mabilis kong giit. "I miss these!: sabay angat ko ng dalawang plastic bags na kinuha ko mula sa kamay niya.
"Ouch ah!" aniya kaya't mas lalo akong napangisi.
"How's city?" tanong ko sa kanya habang naglalakad kami patungo sa kusina. Inakbayan niya naman ako at kinuha ang hawak ko upang siya ang magbitbit. Such a gentleman.
"Ayon City pa rin," pagbibiro niya kaya't sinapak ko siya sa braso.
"Gago!" giit ko habang sinumulang kinalkal ang mga dala niya na nakapatong na ngayon sa dinning table.
"Stop saying bad words baby.." nakangusong giit niya kaya't napatango nalang ako.
"Eh, kung matino ka kayang sumagot, 'no?" giit ko habang binubuksan ang isang box ng rocher ferrero. And yes, nasa probinsya ako ngayon. Lumayo muna ako sa city para iwas stress.
"Baka naman ang gusto mong ikamusta ay 'yong dalawang lalaking nag-aagawan saiyo?" nakataas kilay niyng sambit kaya't sinamaan ko siya ng tingin.
"Asa! Why would I ask about them?" tanong ko.
"Fine..." pagsuko niya. "By the way, I kept on calling you but always unattended. What happen to your phone?"
Napakagat ako ng ibabang labi. "I cut my sim, lagi nila akong ginugulo sa phone. Ang kulit e! So, ayon. Pinutol ko. Bili mo nalang ako ng bago ah?" hinalikan ko siya sa pisngi.
"Thanks baby," I giggled at kinuha ko na ang mga chocolates at naglakad patungo sa sofang inuupuan ko kanina.
Binuksan ko ang flat screen tv at manunuod sana habang popcorn ko ang ferrero na dala ni Yohann nang bigla nalang akong nakarinig ng pagkalampag ng gate ko apartment na inuupahan ko. Actually, mukha niyang hindi apartment dahil two storey. Bahay talaga siya, malaki. Pero, mas malaki ang bahay namin.
"Elle! Elle! Alam kong nandyan ka! Lumabas ka dyan. Mag-usap tayo!" napatayo ako pagkarinig ko nang boses na 'yon.
Anong ginagawa niya dito?
END OF CHAPTER 1
Hi Author. Sooo, this is my chapter 1 of your story Mr. Right. This is just an continuation, tho. And sorry if I posted it late. I'm just busy these past few days. Malapit na kasi ang finals. 'Yon lang. Salamaaaat.
-Lorren