Kakalabas ko lang ng banyo, nakita kong nakahiga roon si Hanzel, may ngiting nakaguhit sa kanyang mga labi habang nakapikit.
"At ano naman ang ibig sabihin ng ngiti na yan, Mister Rellante?"
Iminulat niya ang kanyang mga mata at saka tumingin sa akin.
"I'm just thinking about something, Mrs. Rellante"
"Wow naman, am I promoted to being your wife now?"
"I want you to be"
"Hmm, ewan, we'll see babe"
I went on top of him, we both laughed.
"You're gonna wake him up"
"I won't, saan ba tayo pupunta?"
"Anywhere you like"
"Anywhere is nice basta walang higad na lalapit sa'yo" I snorted.
"Higad?"
"Yeah, those pesky clients of yours na nilalandi ka during your meetings"
"I don't really care about what they do, I just do my job and that's it"
"Weh? Kahit minsan hindi ka na-tempt na patulan ang kliyente mo?"
"No, I'm not that kind of person, wala akong pinatulan na kliyente ko"
"Hmm? Paano kung ako ang kliyente mo, papatulan mo ba ako?"
"Sure, why not? Basta ikaw, baby"
I bit my lower lip, pinatakan ko ng halik ang kanyang mga labi bago tumayo.
"Maligo ka na, we're leaving"
"Yes ma'am"
Bumangon na ito at saka dumiretso sa banyo, I did my morning skincare first before I went to the walk in closet and wore my inner clothes, I wore a white croptop shirt and black jeans, sinuot ko ang sneakers ko, I went out of the room while drying my hair with the towel, I took my phone from the bedside table when I heard it ringing.
"Hello, Shanne's speaking"
["Ay, taray, may pa introng ganon" Angela snorted]
"Bakit? May problem ka?"
["Wala naman, kumusta? May nangyari na ba?"]
I scoffed.
"Wala, wala namang nangyari kagabi, why? We're you expecting anything?"
["Ano ba naman iyan? Wala pa rin, gusto ko na maging ninang"]
"Ninang? Huwag na, maging mommy na lang ng mga future pamangkin ko"
["Pasmado bibig mo, Shanne Italy"]
Natawa ako roon.
"Teka, kumusta pala ang ulo mo? Masakit ba?"
["Hindi naman, uminom na ako ng gamot, si Janelle hindi pumasok, may hangover pa" tumawa ito, "So, ayun sabi ni Marky magpahinga na lang raw muna"]
"Hayst, kaya naman niya iyon, basta give her meds"
Lumabas ng banyo si Hanzel, his wet damp hair covered most of his vision, he glance at my way.
"Is that what you're going to wear?"
"Mm-hmm, okay lang naman, di ba?"
"Of course, baby"
["Ehem, naol baby, whoo, naol baby"]
"Sige na, magbihis ka na, I have plans for the two of us"
"Alright, where's my kiss first?"
"Ah, pardon? Didn't you just had enough from earlier?"
"Oh, alright, maybe later"
Ngumiti ako, dumaan siya sa harapan ko at saka pumasok sa walk in closet.
["Hoy babae! Anong ibig sabihin ng sinabi mo kay Attorney, hah? Ano yun?! Care to explain?"]
"Ang ingay mo naman, Angela, we just had a quick making out"
["Ay pota, may pa ganon"]
"Hmm, wala lang, it was one quickie"
["Quickie? Oh my god, may nangyari na?!"]
"Wala, basta quickie"
["Punyemas, bakit ayaw i-share?"]
"Because, our intimate nights are for the two of us to share only"
["Ay, may ganon, tapos yung sa akin alam mo"]
"Bakit kasi kwinento niyo sa akin?"
I smirked over the phone.
["Wait, niyo?"]
"Oo, sinabi rin sa akin ni Marco, right after you told me"
["That dimwit"]
"Hayaan mo na"
["Ano pa bang magagawa ko, nasabi niya na sa'yo eh"]
Sinuklay ko ang buhok ko and put style on it a bit, lumabas si Hanzel ng kwarto, matching ang outfit namin, wearing a white shirt and black pants.
"Twinning talaga tayo, babe?"
"Ayaw mo?"
"Hindi, mas gusto ko nga yon, siguro naman mas lalayuan ka ng babae kapag ganon, right?"
"If that's what you think"
Lumapit siya sa akin at saka ginawaran ng halik ang aking mga labi, nangiti ako, I put down my phone on the bed at saka hinawakan ang kanyang magkabilang pisngi para mahalikan pa siya, he seems to enjoy it, nahiga ako sa kama he follows, I parted our lips.
"Teka lang"
"Hmm? What's wrong?"
"Your secretary and I were just talking"
"Oh, end the call baby, I want more"
Ngumiti ako sa kanya, at saka kinuha ang phone ko.
"Angela?"
["Wala akong narinig, promise"]
I laughed a little.
"Alam kong meron, huwag mo na ikaila"
["Okay, meron nga akong narinig, and syet, ang sweet niyong dalawa at grabe kayo! Sige na, end call mo na, tuloy mo na yang love time niyo"]
"Alright"
["Ay diyos ko, itutuloy nga, sige bye, enjoy!"]
"Okay, bye beb!"
I hung from the call, at saka ibinaba iyon sa kama and put my attention on him.
"So, where were we?"
He smiled and dipped down his head, he claimed my lips, my hand went to his nape and massaged his scalp, I returned to his kisses, his hand starts to wander on my body again, until it wandered on my chest inside my shirt.
"Masarap hawakan, babe?" I asked in between our kiss.
He parted our lips and looks at me.
"Yes, pero mas masarap kainin"
I bit my lower lip, ang lalaking ito.
"Halika na, my plans are getting delayed"
"Is love making one of your plans?"
"Babe"
"I'm just kidding, I promised I'd wait"
Ngumiti ako at saka pinatakan ng halik ang kanyang mga labi, bumangon na ito, and so I did, I took my phone and purse and we both went out, he held my hand and intertwined our fingers, matamis na ngiti ang gumuhit sa aking mga labi, we went out of the lift pagkarating namin sa parking, he guided me to his car, a Tesla car.
"Ikaw na talaga, hobby mo ba mangolekta ng kotse?"
"No, but they like giving me cars"
"They?"
"Mm-hmm, the two Porsche are from your parents, sa tita ko galing ang iba, and so on"
"Oh"
"Hey, I have a surprise for you, ngayon ko lang naalala"
"Huh?"
"You'll see"
Pinasakay niya na ako sa kotse, umikot siya sa driver's seat and we went on our way.
"So, saan tayo una?"
"Kahit saan mo gusto"
"Sige, sa graveyard muna tayo"
"Alright, let's get flowers"
Tumango ako, and went on our way to the flower shop, pagkarating roon ay bumaba ako, we both did and went inside.
"Good morning"
"Hello, good morning"
The florist seems kind at hindi niya gaanong pinapansin ang gwapong kasama ko, kaagad akong pumunta sa daisy section ng mga bulaklak.
"Wow, they're lovely"
"Just like you, Ma'am"
"Thanks"
Kumuha ako ng ilan roon.
"Uhm, do you have white tulips?"
"Ah yes ma'am"
Kaagad kaming tumingin sa gawi ng tulips, Hanzel was there.
"Oh, looks like your husband found it"
Husband? So, mukha kaming mag-asawa kaya hindi niya pinapansin? Napangiti ako roon.
"Looks like he really did"
Pumunta kaming dalawa roon, at saka kumuha ng mga puting tulips.
"Oh, sunflowers, maybe three?"
"Alright Ma'am"
Kumuha siya roon, at saka inayos na ito, my mom's favourite flowers, inayos niya iyon sa isang bouquet, it looks really pretty with the ornaments and flower decors, binayaran ko iyon.
"Tara?" pagharap ko kay Hanzel.
"Wait, I'll just finish picking flowers"
"For what?"
"Secret"
Napatango na lang ako, he picked variegated tulips, red ones, white ones, cream ones, red roses and burgundy colored roses, pina-arrange niya iyon into a beautiful bouquet at saka binayaran.
"Thanks"
"Thank you po, come back again" the florist cheerfully said with a smile on her face.
Nginitian ko rin iyon, nilagay niya sa back seat ang dalawang bouquet, sumakay na ako sa kotse at saka siya umikot sa driver's seat, I fixed my seat belt at saka niya pinaandar ang kotse.
"Who's flowers are those?"
"I told you, its a secret, it will spoil everything"
"Huh?"
"Basta, malalaman mo na lang when we get there"
"Okay" medyo nag-aalinlangan kong sambit.
Tahimik lang ako, for two months ngayon lang ulit ako pupunta sa puntod ng mga magulang ko, I wanted to runaway from the pain they inflicted on me when they left me, nang malaman ko ang nangyari sa kanila nawalan na ako ng paki at umuwi ng Pilipinas.
~~~•Flashback•~~~
I was in a middle of a meeting, napahilot ako sa aking sintido.
"Alright, I had enough of those things, any suggestions on how we can profit and progress?"
Nagtinginan silang lahat, mas lalong sumakit ang ulo ko roon, I hate exchange glances.
"We do understand that you are stress Miss, but please understand that we are going through things too for our company" sambit ni Mr. Thompson.
"I know, Mr. Thompson, but ever since I approved our partnership, it became the opposite of what you promised and proposed to me, what happened to your ideas?"
"Please, Miss, don't pull out your investment"
"I'm not going to do that, all I want is progress, you do know that I want this partnership to grow, AGC and its Beer Company has always been trusted, and I don't want any downfalls of our company"
"I know Miss, we are doing everything we can, and right now all we can give you is this output, just give us a few more time for updates and fixing this mess"
"Well, you better do that, Mr. Thompson, you and I both know that I support your business and I don't want disappointments"
"Yes, Miss"
"Is that all you have to present?"
"Yes, miss"
"Alright, meeting adjourned"
Hinilot ko ang sintido ko at saka niligpit ang mga gamit ko.
"Miss?"
Napaangat ako ng tingin, ang sekretarya ko.
"Yes, Dianne?"
"Overseas call, from the Philippines"
Napakunot ang noo ko sa sinabi niya, tumango ako at nagtungo sa opisina, I picked up the black telephone, bago ako makapagsalita ay napansin kong may nalaglag na picture frame sa isang gilid, it was a bad sign for me lalo na at nakaayos ang lagay ng mga picture frames.
["Hello, hija?"]
Tita Marielle's voice seems to be down, malungkot at mukhang kakagaling lang sa iyak, ano na naman kayang ginawa ng magaling kong pinsan?
"Tita, bakit po kayo napatawag? At saka umiiyak ka ba, Tita? Ano na namang ginawa ni Marco?"
["Its not about Marco hija, yung mga magulang mo"]
My world stopped as I heard what Tita said, magulang ko? Anong nangyayari?
"Tita, anong ibig mong sabihin? Kausap ko lang sila kanina, papunta na raw sila ng airport para makapunta rito"
["Hija, they were ambush on the way to the airport, w-wala na ang mga magulang mo"]
"Tita, that's not a very nice joke, please tell me hindi totoo ang sinasabi mo"
My tears starts to shed, my heart was crying in pain, hindi ko alam kung maniniwala ako, Tita cried over the phone at nahihirapan siyang sabihin sa akin.
"Tita naman eh, sabihin mo sa aking nagbibiro ka lang"
["I wish I am hija, pero hindi ako nagbibiro, wala na ang mga magulang mo, p-patay na sila"]
Napapikit ako, tumulo ang mga luha ko, I started to sobbed.
["Hija? Are you still there? Hija, please tell me you'll be okay, honey, please"]
Naibaba ko ang telepono, and cried, hindi ko alam ang gagawin ko, I ended up the call at saka inayos ang gamit ko, I called the embassy and asked for a permission to fly my private jet going to the Philippines, wala na akong paki.
"Dianne, cancel all my meetings, I'll be gone for a month, tell everyone to manage and run the company without me, and call Dylan, tell him I need to talk to him"
"Yes ma'am"
Agad niyang ginawa ang mga pinapagawa ko, may kumatok sa pinto ng opisina ko, I finish fixing my stuffs.
"What is it, my love?"
"I told you, stop calling me that, prick"
"Is everything alright?"
"No, everything is not alright"
"What can I do to help?"
"I'm putting you in charge while I'm gone, monitor everything and everyone, I need to go home"
"Yes Ma'am"
Dylan is a German whom I trust, we are civil with each other kahit pa anong ginawa niya sa akin, he cheated on me and I wasn't affected by that, umalis na ako ng opisina ko at dumiretso sa airport, wala akong paki kung gaano katagal ang flight ko, ang mahalaga ay makauwi ako, I'm not going to believe them until I've seen it with my own eyes, ayokong maniwala, hindi ko kayang paniwalaan ang sinasabi ni Tita.
Throughout the flight ay hindi ako mapakali hanggang sa makarating ng Pilipinas, I didn't felt tired, kaagad akong bumaba ng eroplano at saka lumabas ng airport, I rode a taxi and went home, nanlumo ako ng makita ang daming kotse at tao sa bahay namin, I paid the taxi and went out, you've got to be joking, hindi pa patay ang mga magulang ko, no!
Naglakad ako papasok sa bahay namin, mas lalo akong nanghina ng makita ang dalawang kabaong, no, this can't be true! This can't be true! Lumapit ako roon at nakumpirma kung sino ang laman ng dalawang kabaong, naibagsak ko ang hawak kong bag na tanging dala ko, hot, wet tears flowed down my cheeks.
"Bakit? Bakit? Bakit ngayon pa?"
"Shanne?"
Napalingon ako sa nagsalita, Tita Marielle's eyes were swollen, napayuko si Tita.
"I'm sorry, hija, the doctors did everything"
Napapikit na lang ako, niyakap ako ni Tita ng magsimula akong humikbi, bagsak ang balikat ko, wala akong lakas, hinarap ko ang mga magulang ko na maayos na nakahimlay at payapang natutulog.
"Hindi pa ako handa, bakit kailangan niyong gawin ito? Bakit ngayon pa?"
Napahawak ako sa salamin ng kinahihimlayan ni mommy, she was looking beautiful as always, wala akong nagawa kung hindi ang umiyak.
"Shanne"
Hands went to my shoulders, huling araw na ito sa bahay, ililibing na sila bukas, humarap ako sa may ari ng mga kamay na nasa balikat ko, Marco Antonio, my cousin had sorrow in his eyes, napayakap na lang ako sa kanya at saka umiyak, hinaplos niya ang buhok ko, at saka nito hinalikan ang gilid ng aking ulo.
"This wasn't the reunion I was expecting" I sobbed.
"Me neither, sigurado akong nag-iinuman tayong dalawa at inuuna mo akong malasing"
Ngumiti ako ngunit hindi natanggal ang pait noon, naroon lang si Marco sa tabi ko, I wasn't able to sleep properly, hindi ko magagampanan ang trabaho ko ng maayos, wala sa ayos ang pag-iisip ko, I was clouded with pain, nakaupo ako at nakatingin sa inaayos ng puntod ng mga magulang ko, tears streamed down my face, para itong sirang gripo, a handkerchief went to me, nag-angat ako ng tingin, a man in white long sleeve and slucks standing beside me, kinuha ko ang panyo niya, he sat beside me.
"I'm sorry for your lost, Miss Aurelio" sambit niya.
My heart skipped a beat ng marinig ang boses niya, ngunit hindi ko pinansin iyon.
"Bakit ngayon pa nangyari ito?"
"There are things way out of our control"
"Hindi ko pa kaya, hindi pa ako handang mawala sila, hindi pa ako handang maiwan"
Pinunasan ko ang mga luha ko ngunit ayaw talagang tumigil ng mga ito sa pagpatak, I rested my head on his chest which he let me, hinaplos niya ang buhok ko, he was there for me, kahit hindi ko siya kilala, I don't know why but it felt comfortable being with him, kumalma ang puso kong umiiyak.
"Can I ask for a favor, Mister?"
"Sure Miss, anything"
"I'd like you to tell our company lawyer to handle our business for a while, hindi ko pa kaya, sigurado akong babagsak iyon kapag ako ang namahala agad"
"I'll talk to him"
"You can ask for my cousin's help, siguro naman kilala niya iyon"
"I'll talk to Marco, too"
Pinanood kong ayusin ang puntod ng mga magulang ko, it felt heavy at sigurado akong hindi ako matatahimik, planado ang lahat ng nangyari sa mga magulang ko.
"Shanne? Kain na tayo?"
Narinig ko ang pagkatok ni Tita Marielle sa pintuan ng kwarto ko, hindi ako sumagot at nanatiling nakahiga sa kama at nakatingin sa malayo, my mind was clouded, wala akong gustong makausap, ni kumain ng maayos ay hindi ko magawa, hindi rin ako halos lumalabas ng kwarto.
"Shanne, nakausap ko yung company lawyer, and he said he'll us run the business" Marco said.
Wala akong kinausap sa loob ng isang linggo, I was stuck in my room, hindi ko kayang lumabas, puro iyak lang ang ginawa ko sa kwarto ko, I was even brought to the hospital ng dahil sa ginagawa ko sa sarili ko, Tita Marielle was frustrated with what I did, si Tito ay tahimik lang, Marco wanted to scold me pero hindi niya ginawa dahil naintindihan niya ako, ganon rin sila Angela, I wasn't prepared to lose my parents, I wasn't prepared for the pain it will give me, and I wasn't prepared for anything like this to happen to me.
~~~•End of Flashback•~~~
I closed my eyes, nang maramdaman ang paghapdi noon, hinawakan ko ang puntod ni mommy at daddy, inilagay ko ang bulaklak sa gitna ng mga puntod nila, every time I go here, nahihirapan lang ako.
"Marami pa akong hindi nasabi, marami pa po tayong hindi nagagawa, marami pa tayong dapat ayusin pero wala na, iniwan niyo na ako eh, paano na yung mga plano natin? Paano na yung pangako niyo? Hindi ko yun matutupad ng wala kayo"
Nanikip ang dibdib ko, hindi ko inaasahan ang ganito, dapat ay magkakasama pa rin kami pero wala na, tinanggalan nila ako ng karapatan na makasama ang mga magulang ko, Hanzel gave me a handkerchief, kinuha ko iyon at saka pinunasan ang mga luha ko.
"He's here again, siya ulit ang karamay ko, ang lalaking nasandalan ko nung ako na lang ang narito at hindi pa makaalis"
Naupo si Hanzel sa tabi ko, pareho kaming nakaupo sa damo.
"He's keeping his promise, he's keeping me safe"
"Hindi ko kayang baliin ang mga binitawan kong salita sa mga magulang mo"
"You trusted the right guy, daddy, I am in good hands"
I wiped my tears, Hanzel was the man I was talking to that time, ni hindi ko iyon napansin ng dahil sa lungkot na nararamdaman ko, I also lit up a candle for the two of them.
"Magiging ayos naman ako eh, hindi ko lang alam kung kailan, siguro kapag hindi na ako umiiyak kapag pupunta ako rito o kaya hindi na ako iiyak kapag naaalala ko kayo, ewan, hindi ko alam, ang daya niyo kasi eh, iniwanan niyo na lang ako ng walang pasabi, masakit, sobrang sakit mommy, daddy, hindi ko kaya"
I was crying on their grave, Hanzel had his hand on my back at tahimik lang siya habang pinapatahan ako, hinalikan nito ang gilid ng aking ulo, we both decided to leave, tahimik lang ako sa kotse, naintindihan niya iyon, I don't want our day to end like this, neither to keep the mood like this, we both ate lunch at a fast food chain, doon ko na lang siya inaya kaysa sa mamahaling restaurant.
"Kaynino ba talaga yung mga bulaklak?" tanong ko at saka sumubo ng fries.
"You'll find out later, baby"
"Bakit hindi mo pa sabihin? Are we going to take them to your girlfriend?"
"Baby, hindi ba ikaw ang girlfriend ko? So, if I'm giving it to my girlfriend that means I'm giving it to you, mamaya mo na lang alamin, kain ka na"
"Oh, can we play arcade games bago tayo gumala ulit?"
"Of course, anything you like"
Ngumiti ako roon, hindi ko kinakalimutan ang mga magulang ko, gusto ko lang mawala ang sakit kahit sa mga ganitong paraan at ayoko rin maging unfair sa kanya, I want him to enjoy his day off with me.
Nang matapos kumain ay naglaro nga kami sa arcade, ang dami naming nilaro we were both like kids, our laughs were genuine, he showed me some skills in playing basketball na ginawa ko rin, we even won a Teddy bear ng dahil sa mga tickets na naipon namin, hawak-hawak ko iyon, he bought us ice creams, I enjoyed every minute with him pero hindi pa rin niya sinasabi sa akin kung kaynino yung bulaklak, napanguso na lang ako.
"Here, tikman mo" sambit niya at saka inilapit sa akin ang Matcha flavored ice cream niya.
"Your addiction for Matcha is really something"
Tinikman ko iyon, chocolate ice cream ang sa akin, hindi ako kailanman nagsawa sa flavor na ito, pinatikman ko rin sa kanya iyon, may mga batang naglalaro roon na siyang nakapagpangiti sa akin.
"Hindi ko naranasan yan" sambit ko sa kanya habang nakatingin sa batang pinapatahan ng mommy niya.
Tumikhim ito at saka tahimik na tumingin sa akin.
"I had a not so happy childhood days, instead I had learning childhood days, I don't remember going to amusement parks with my parents, kung nagpunta man kami ay hindi ko na matandaan, siguro ay dahil sobrang bata ko pa noon, halos hindi ko na matandaan kung gaano katagal ang pinakamatagal ko silang nakasama, ewan ko ba"
He was just listening to me, to all my whims, to all my pain.
"Kaya heto ako, hindi alam kung tama ba ang mga ginagawa ko, I wasn't really the perfect daughter they'd want, I was just a daughter who never knew her parents well"
"You're perfect to them just the way you are, hindi sila nagsabi ng kahit anong mali o kulang sa'yo, your parents were always proud of having you as their child, lagi nga nilang sinasabi sa akin, that if they were different people with a different status in life, sisiguraduhin raw nilang kasama kanila araw-araw at hindi mapapabayaan"
"You know my parents so well, I wish I had that chance"
"I wish you had the chance to hear all of those"
"I guess hanggang wish na lang iyon, hayaan mo na, there's always a right time para malaman ko ang lahat ng sagot sa mga tanong ko, maybe one day from my parents"
"Italy"
"I'm not wishing to die, babe, I'm just saying"
"Tara na, let's go somewhere else"
Tumango ako, naubos na namin ang ice cream we went on our way to the parking.
"Tito Diorr!"
Parehas kaming lumingon roon, si Chelsea kasama ang mommy niya.
"Chelsea wait! Oh, Chelsea!" pagtawag sa kanya ng mommy niya ng tumakbo ito patungo sa amin.
Sinalubong siya ni Hanzel ng yakap at saka ito binuhat.
"Hi Tita Shanne"
"Hi Chelsea"
"Ate Cath, anong ginagawa niyo rito?" tanong ni Hanzel.
"Chelsea wanted to buy a doll house, hindi matanggihan ng mommy mo kaya, heto kami"
"A doll house? Hindi ba meron ka na noon sa bahay niyo?" tanong ni Hanzel.
"I do, but I want another one that will be in your house, Tito"
"You shouldn't have said that to Lola, she'll definitely buy you anything" sambit ni Hanzel.
"Ang sabi ko nga kay Tita ay huwag na" sambit ni Ate Catherine.
She pouted her lips, tumingin siya sa akin at nakita ang hawak ko.
"That's a pretty teddy bear, Tita"
"It is, Tito Diorr gave it to me, do you want it?"
"Hay naku, lumubay ka na Chelsea ah, huwag mo ng hingin ang sa Tita mo, ang dami dami mo ng Teddy bear" sambit ni Ate Catherine.
"But this is different, mommy"
"Chelsea, no"
She pouted her lips, she looks cute, may ibinulong si Hanzel sa kanya, unti-unti itong ngumiti at saka tumango sa kanya, it made me wonder, ibinaba niya na si Chelsea.
"Sige mommy, I won't buy a doll house or a Teddy bear but can we buy Lola a present na lang, I'm just going to tell her that I don't like buying a toy anymore, so can we?"
"Your Lola would be happy, pero ang dami mong Lola, paano yun?"
"We can give them all gifts, you have a lot of money, mommy, and daddy, too"
It made Hanzel laugh.
"Ikaw, Diorr kung ano-ano ang itinuturo mo kila Chelsea, pag ikaw nagkaanak ganon rin ang ituturo ng mga pinsan mo"
"Trust me, hindi nila matuturuan ang anak ko ng ganon, Ate Cath"
"Tara na, mommy, sige po, bye Tito, bye Tita"
"Bye Chelsea"
Hinila nito ang mommy niya, she waved her hand at us at saka nagpahila sa anak niya, he held my hand na siyang nakaagaw ng atensyon ko kay Chelsea na hinihila ang mommy niya, I glance at our intertwined hands at saka lumingon sa kanya.
"Halika na, ako naman ang pagtuonan mo ng pansin" sambit niya.
Natawa ako sa sinabi niya at saka tumango, nagpatianod na lang ako sa paghila niya sa akin habang naglalakad papunta sa parking.
Binuksan niya ang pinto ng Tesla at saka ako pinasakay, bago umikot sa driver's side ay huminto ito at saka kinuha ang phone sa bulsa niya, sinagot nito ang tawag, he stayed outside, napakunot ang noo ko, ang tagal naman niya, nakita ko ang pagngiti nito, napataas ang kilay ko, at sino naman ang kausap ng hinayupak na ito? May pangiti-ngiti pang nalalaman ang isang ito, he ended up the call and went to the driver's seat.
"Who were you talking to?" kaagad kong tanong pagkasara niya ng pinto.
"Just someone"
"Sinong someone naman iyon?"
"Just someone, baby, hindi mo kailangan magselos, and it's a man, not a woman"
Tumango ako, eh bakit siya ngingiti-ngiti? We drove off.
"Where are you taking me?"
"Saan mo gusto pumunta? Mamayang gabi pa ang plano ko, so we have the afternoon to do everything you plan"
"Amusement Park"
Tumango ito at saka nag-drive, tahimik lang ako habang nagmamaneho siya, I look outside, nakaramdam ako ng mainit na palad sa aking kamay na nakapatong sa aking hita, I glance at it, kinuha niya iyon at saka hinalikan.
"Hey, are you mad at me? I swear, lalaki ang kausap ko kanina"
"Bakit kung makangiti ka parang nakausap mo yung crush mo?"
"I'm just glad na nagawa niya na ang pinapagawa ko"
"Ano naman iyon?"
"That's part of the surprise"
"Surprise, tapos sa iba mo pinapagawa"
"Baby, pinaayos ko lang but I did everything"
Ngumuso ako at saka napilitang tumango sa sinabi niya, nakarating kami sa amusement park, he parked the car and we both went in.
Sumakay kami sa mga rides at kung ano-ano pa, we ate some sweets, he bought us souvenirs, pati na rin para kila Cameron.
"Babe, look" habang suot ang isang octopus stuff toy sa ulo.
Natawa ito, he looks adorable.
"What? Hindi ba bagay?"
"You look cute, baby"
"Now that you said that, let's get this"
Tumango ito, we paid for what we picked at napagpasapasahang umalis na, we drove off from the amusement park but instead of going to his unit he drove away from it.
"Huh? Babe, where are we going?"
"You'll see"
"Babe, gabi na, you still have work tomorrow, pwede na tayong umuwi"
"Didn't I told you I still have a plan?"
"Oo, pero hindi ba sa unit mo lang iyon?"
"Said who, baby?"
"So, where are we exactly going?"
"We're going to Baguio, baby"
*********************************************