Chasing My Rival (Completed)

By glimpser

16.6K 451 31

Rival Series #2 More

Prologue
Chapter 1: Chase
Chapter 2: Still
Chapter 3: Anger
Chapter 4: Boyfriend
Chapter 5: Perform
Chapter 6: Hurt
Chapter 7: Trap
Chapter 8: Talk
Chapter 9: Gun
Chapter 10: Tears
Chapter 11: Kissing
Chapter 12: Dancing
Chapter 13: Assume
Chapter 14: Suitor
Chapter 15: Fall
Chapter 16: Chance
Chapter 17: Sunset
Chapter 18: Avoid
Chapter 19: Hide
Chapter 20: Investor
Chapter 21: Talk
Chapter 22: Confront
Chapter 23: Run
Chapter 24: Escape
Chapter 25: New
Chapter 26: Kind
Chapter 27: Stay
Chapter 28: Left
Chapter 29: Staring
Chapter 30: Job
Chapter 31: Visit
Chapter 32: Justice
Chapter 33: Owner
Chapter 34: Resort
Chapter 35: Nostalgic
Chapter 36: Rain
Chapter 37: Smile
Chapter 39: Goodbye
Chapter 40: Dream
Epilogue (Part 1)
Epilogue (Part 2)
Author's Note

Chapter 38: Pain

238 8 0
By glimpser

Nang makalampas na sakin si Eros ay lumabas na ako ng hotel, nakasunod sakin si Daniel.

"Saan ka na pupunta? Mamasyal pa tayo." dinig kong sabi niya.

"Bukas nalang, magpapahinga ako." sabi ko nalang.

Wala naman na siyang nagawa at hinatid na ako sa apartment gamit ang kanyang kotse.

"Parang nakita ko na yung lalaking pumasok sa lobby." sabi ni Daniel habang nagdadrive. Tinutukoy niya yata si Eros.

"Sino?" maang-maangan kong tanong.

"Basta nakita ko na siya somewhere, ay oo, sa trinabahuan mong convenience store, doon ko siya nakita." aniya.

Nagkibit balikat na lamang ako. Wala pa ako sa mood upang sabihin sakanya na ex ko ang tinutukoy niya.

"Babalik ako dito mamaya." sabi ni Daniel nang makarating na kami ng apartment.

Dumating naman si mama ng hapon. Nakabihis ito ng pormal. Blue blouse with blazer and skirt above the knee.

"Nagresign ka na ba sa trabaho mo sa Maynila?" bungad niyang tanong.

"Yes, Ma."

"Sa hotel ka na magtatrabaho?" tanong niya.

"Sa ibang hotel." sabi ko. Balak ko sa ibang beach resort. Marami pang pwedeng applyan na trabaho dito sa Labrea.

Tumango naman siya ng malumbay dahil gusto niya sa hotel ni Eros ako magtrabaho.

Gabi nang dumating naman si Daniel sa apartment. Kwento niya, ang ganda raw ng hotel na ini-stayan niya. Pabor naman doon si mama.

"Maganda talaga doon, sayang nga lang dahil ayaw ni Jillian na i-manage yun."

Dito na kumain si Daniel. Si mama ang nagluto ng sinigang kaya sarap na sarap itong kumain.

"Ang sarap po ng luto niyo." si Daniel.

Umirap ako. Sipsip din to eh.

Ngumiti si mama. Pero pansin ko na kanina pa makahulugan ang kanyang tingin samin.


Kinabukasan ay niyaya ako ni Daniel na magswimming.

"Sige na Jillian, check out ko na mamaya, luluwas na ako ng Maynila." pamimilit niya.

Tumango nalang ako. Ang kulit.

Namroblema tuloy ako sa susuotin kong pang swimming. Conservative parin talaga ako. T-shirt at short-shorts ay ayos na.

Buwan ng Agosto, madalang lang ang mga turista na mag-staycation sa beach resort. Pero kahit na hindi naman summer, pansin ko na marami parin ang mga turistang nagbabakasyon dito.

Tinanggal ko ang sapin sa paa ko dito sa may cottage. Iniwan muna ako ni Daniel dahil magpapalit siya ng trunks. Naglakad na ako sa pinong buhangin. Winawagayway ang buhok ko ng malakas na hangin. Hindi masyadong mainit dahil natatakpan ng mga ulap ang araw. Banayad lamang ang alon sa dagat. Pinikit ko ang aking mga mata habang dinadama ang preskong hangin.

Parang namiss ko ang lugar na 'to. Something that I've longing for years.

"Jillian." rinig kong tawag sakin. Lumingon ako sa likuran at nakita si Daniel na topless. Maganda ang kanyang pangangatawan, pang modelo ang dating.

"Naglalaway ka na yata." pang aasar niya.

Inirapan ko siya at tumawa lang siya.

Nagtampisaw na kami sa dagat. May mangilan-ngilan ding turistang nagsiswimming, may nagsa-sun bathing at naglalakad lang sa baybayin.

Habang nagkakatuwaan kami ni Daniel, may nahagip ang mga mata ko. Si Eros na nakatanaw dito sa dagat. Nasa lilim siya ng punong niyog. Naka shades siya kaya hindi ko alam kung saan siya direktang nakatingin. May lumapit naman sakanyang babae, at nag usap sila. Bumaling ang ulo ni Eros sa direksyon ko kaya agad naman akong umiwas ng tingin.

"Parang may hint na ako," sabi ni Daniel.

"Huh?"

"Ex mo siya noh?" aniya.

"Sino?"

Ngumuso siya kay Eros.

Umirap ako sakanya at winisikan siya ng tubig.

"Oo siya nga." matabang na sabi ko.

Tumango siya. "Kaya pala minsan ay naabutan ko siya sa trabaho mo, panay ang sulyap sayo."

"Napansin mo din pala." sabi ko.

Sa gilid ng mga mata ko ay umalis na ang babaeng lumapit kay Eros.

"Tara, jetski tayo." anyaya niya.

Tumango nalang ako.

Nag jetski nga kami ni Daniel. Nakakapit ako sakanya dahil baka mahulog ako. Masyado siyang nag eenjoy habang sakay sa jetski.

"Kumapit ka sa abs ko, baka mahulog ka." sabi niya sakin.

"Wala ka namang abs." natatawang sabi ko.

"Bulag ka ba? Di mo nakikita ang six packs na abs ko." aniya.

Speaking of abs. Natanaw ko ang abs, este si Eros na topless nalang. Palusong na siya sa dagat.

"Sinong mas sexy samin?" tanong ni Daniel habang pinapaandar niya ng mabilis ang jetski. Siguro ay natanaw niya si Eros.

"Ikaw na, kaya wag ka ng mainggit." sabi ko.

"Hoy, hindi ako naiinggit." giit niya.

Natapos na kami sa pag jetski. Nagpahinga naman kami sa sun lounger. Humilig si Daniel dito, inunan ang mga braso, Pinagyabang ang ganda ng kanyang katawan. Ako naman ay naupo lang.

Malapit ng lumubog ang araw. Nagkukulay kahel na ang langit. Ito ang pinaka paborito kong sight-seeing. Where the sun kissing the sea.

Hinanap naman ng mga mata ko si Eros sa dagat. Hindi ko naman siya makita.

"Malapit lang sa lugar na 'to ang susunod kong trabaho, kaya madalas na akong makakapunta dito." sabi ni Daniel.

Natanaw ko na si Eros na paahon na sa dagat. Umiwas naman ako ng tingin sakanya.

May dala naman akong damit na pamalit kaya sumama ako kay Daniel para maligo at makibihis sa hotel room. Lumabas ako ng hotel nang matapos na. Si Daniel naman ang sunod na naligo. Luminga-linga ako sa paligid baka makita ko si mama pero hindi ko siya nakita. Umupo muna ako sa may cottage. Tuluyan ng lumubog ang araw.

Napalundag ang puso ko sa gulat nang sumulpot sa harap ko si Eros. Topless pa siya, hindi pa nagbibihis.

"Nakakagulat ka naman." sabi ko sabay hawak sa dibdib.

"Yung nakita mong babae kanina na nilapitan ako, kaibigan ko lang yun, nagbabakasyon lang dito." aniya.

Ang dami niya naman yatang kaibigang babae.

Teka, bakit niya naman sinasabi sakin 'to?

"Uhm, eh ano naman kung sakaling girlfriend mo siya?" tanong ko.

"Baka kasi, 'yun ang isipin mo." aniya.

Napapasinghal ako sa sinasabi niya. Para bang pinagbabawalan ko siyang makipag-girlfriend.

"Kahit asawa mo pa yan, ano namang pakealam ko." sabi ko. Napapataas na ang kilay ko ngunit pinipigilan ko.

"Kasi nga, ikaw ang mahal ko."

Kumalabog ang puso ko. Ang pintig nito ay may kasamang kirot.

Para naman akong naubusan ng mga salita. Ano ba dapat ang sabihin ko?

Umiwas nalang ako sa mga titig niya. His eyes were pleading. Hindi ko kayang titigan ng matagal.

"D-diba sabi ko sayo, may b-boyfriend na ako." nauutal kong sabi.

"Ayos lang sakin, hayaan mo akong mahalin kita kahit hindi mo ko mahalin pabalik." aniya.

Ang cheesy niya parin. Napapairap nalang ako sa kawalan.

Naalala ko bigla yung pakikipagbreak niya sakin. Nagmamakaawa ako noon na wag niya akong hiwalayan, pero ang sinabi niya ay pagod na siyang mahalin ako.

Umiinit ang sulok ng mga mata ko. Nagbabadya na ang luha sa mata ko.

"Hiniwalayan kita noon dahil ayaw kitang makulong, 'yun ang kondisyon sakin ni Shayne ang hiwalayan ka kapalit ng pagdemanda niya sayo."

Parang may pumipiga sa puso ko. Bumalik na naman ang pamilyar na sakit ng kahapon. Heto na naman, ayaw ko na ng ganitong pakiramdam. Tinakasan ko na ang ganitong sakit pero hinahabol parin pala ako nito. Bumabalik sa puso ko para durugin na naman ako.

Nangilid ang mga luha ko sa mata. Iniisip, na kailan ko na naman maiibsan ang ganitong sakit.

***



Continue Reading

You'll Also Like

4.2M 105K 38
(COMPLETED) Montenegro Series #2 A drop of tear fell into the invitation I am reading. Umiiyak na pala ako. Ilang buwan at gabi na ba akong umiiyak...
4.8M 130K 56
Being a perfect daughter is what Mera Francheska only wants in her life. She wants nothing but to please her parents and follow whatever they ask eve...
66.6K 2.4K 19
Isang babae na napunta sa isang Era kung saan iba ang pamamalakad, Hindi isang presidente ang namumuno kung hindi isang Hari, isang hari na may kapan...
502K 16.4K 44
Rival Series 1 -Completed-