Sweetest Deception

By sayh_shiii

37.1K 1.6K 4.1K

Meet Rheila, a simple pretty girl. Very attractive, as well as intelligent and diligent. They are not wealthy... More

Author's Note
Sweetest Deception Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Chapter 93
Chapter 94
Chapter 95
Chapter 96
Chapter 97
Chapter 98
Chapter 99
Chapter 100
Letter

Chapter 14

161 23 43
By sayh_shiii

Every Justice Is Served


RHEILA'S POV


"Bakit ka namumula?"


Natawa nalang ako sa itsura ni Lucas ngayon. Hindi pa rin siya makamove-on do'n sa sinabi ko sa kaniya kanina. Kesyo ang lakas ko raw bumanat pero may joke sa dulo. Eh talaga namang joke lang 'yon eh! Kilig na kilig na raw siya tapos babanat ako na joke lang 'yon.


Tapos na rin akong kumain at kanina pa ako nanghihinayang dahil hindi ako nakapagdala ng mga Tupperware! Sayang talaga! Masarap pa naman 'yung mga handa kaso hindi ko alam kung anong tawag sa mga pagkain na 'yon.


"I hate you being like that." Nag-iinarte na sabi ni Lucas.


"Ang arte mo po," sagot ko.


"Eh kasi—"


"Arf! Arf!"


"Ay aso ka!"


Napasigaw na lang ako sa tahol ng aso sa bandang tabi ko! Napatayo nalang ako bigla dahil tahol siya ng tahol sa akin habang papalapit!


Jusko po! Ayoko sa aso, takot ako sa aso...


Paatras ako nang paatras ngunit papalapit pa rin sa akin 'yung aso. Feeling ko chihuahua 'yung breed niya.


"Aso niyo ba 'to? Jusko naman! Kunin mo na!" Sigaw ko kay Lucas at nakangisi lang siya.


"Yeah, that's mine."


"Kunin mo na! Ayoko sa aso—" Napatigil nalang ako sa pagsasalita dahil bigla nalang tumahol ulit 'yung aso.


Medyo cute 'tong aso na nasa harapan ko. Pero kahit anong cute niya ayaw ko pa rin sa aso. Kulay puti ang mga balahibo niya na hinahaluaan ng mga itim. Feeling ko chihuahua 'yung breed niya. Kinagat ko nalang ang dila ko dahil sabi ng matatanda ay kagatin daw ang dila para 'di kagatin ng aso.


Totoo ba 'yon?


Wala na akong pake kung totoo ba 'yon o hindi. Pinapawis na rin ako dahil sa kaba. Cute 'tong aso na 'to pero parang galit siya sa akin. Ang sama ng tingin niya!


"Baby don't worry, hindi naman siya nangbi-bite."


"Letche ka talaga! Alisin mo na!" Sigaw ko pa.


"Sabihin mo muna, 'please, alisin mo na master'."


"Ipalapa mo na lang ako kaysa sabihin ko 'yon!"


Nakakainis! Ang daming alam! Tinawanan niya lang ako at binuhat na niya 'yung aso niya. Nakahinga naman na ako ng maluwa dahil sa ginawa niya. Bumalik na ako sa lamesa namin at nilalaro na niya 'yung aso niya. Pero 'pag napapatingin sa akin 'yung aso ay tinatahulan ako bigla!


"Shh! Uela don't bark. She's my baby, kailangan bati kayo kasi parehas ko kayong baby," sabi niya pa ro'n sa aso niya habang hinahaplos ang ulo nito. Tinahulan na naman ulit ako no'ng aso kaya bahagya akong nagulat.


Teka! Anong pangalan? Uela raw? Parang pangalan ko 'yon ah?


"Uela pangalan niya?"


"Yes! Kapangalan mo," sagot ni Lucas kaya napamaang ako. Lakas talaga ng tama nito eh! Ipangalan ba naman daw sa akin 'yung aso niya?!


Mukha ba akong aso?


"Shh! Quite na Uela. Huwag ka ng magselos. Ikaw ka pa rin 'yung una kong baby," sabi pa niya ron sa aso niya habang hinahaplos ang ulo nito.


Kapag 'tong aso na 'to ay nagsalita, tatakbo talaga ako kahit maliit hakbang ko.


"Selos?" tanong ko.


"Yes, nagseselos siya kapag may taong nalapit sa akin. Lalo na 'pag maganda." Napailing nalang ako dahil sa sinabi niya.


"Saan C.R.?" tanong ko dahil nakaramdam ako ng ihi. Naiihi ako dahil sa kaba sa asong 'to. Sinamahan naman ako ni Lucas maglakad papuntang C.R. dahil hindi ako pamilyar sa bahay nila, baka maligaw pa 'ko!


"Lucas! We need to talk. It's important," bungad na sabi ng Kuya niya nang makalapit sa amin. Medyo hindi mapakali ang itsura niya ngunit mukha namang irita ang mukha ni Lucas.


"Important? About what?"


"About Mama."


Bigla namang lumungkot ang mga mata ni Lucas. Tinuro naman niya sa akin 'yung daan papuntang banyo at pagkatapos ay ngumiti siya kahit na alam kong pilit.


Nakarating na ako sa C.R. at hindi ko maiwasang mapaisip. Bakit bigla siyang lumungkot? 'Tsaka tungkol sa Mama nila? Oo nga 'no, hindi ko pa nakikita 'yung Mama niya. Panigurado akong kamukha niya 'yung Mama niya. Eh yung papa kaya nila? Tapos ko naman nang gamitin 'yung banyo nila. Napakalaki ng bahay na 'to, pati C.R. ang ganda!


Ay hala! Saan nga ako dumaan kanina?


Sa sobrang laki ng bahay na 'to, hindi ko na alam kung saan ako dumaan. Naglakad-lakad nalang ako hanggang sa may narinig akong boses mula sa loob ng isang kwarto. Nakaawang kasi ang pinto nito kaya't medyo narinig ko ang pinag-uusapan.


"Nahanap na 'yung CCTV footage pero napakalabo no'ng video. Kailangan natin ng mas malinaw. Lucas, malapit na. Maaabot na natin 'yung matagal na nating pangarap."


"Every justice is served."


Boses iyon ng Kuya niya at parang nag-uusap sila. May narinig din akong ibang boses mula sa loob. Hindi ako chismosa ha? Napadaan lang naman ako. Hindi ko nalang pinansin 'yon at bumalik na pwesto namin kanina. Marami pa ring tao rito at medyo kaonti nalang ang mga nagsi-swimming dito. Habang nag-aantay kay Lucas ay isang sigaw na naman ang pinakawalan ko.


"Ay anak ka ng tuta!"


"Arf! Arf!"


Jusko! Ito na naman 'tong aso na 'to! Bakit niya pinakawalan 'tong aso niya? Mukhang katapusan ko na ah!


"Ay, kalma ka lang. Mabait naman ako. Hindi ako nangangagat..." sabi ko pa ro'n sa aso habang papalapit na naman siya sa akin. Ako naman ay paatras nang paatras. Hindi ko alam kung saan na ako patungo dahil nakatalikod ako. Baka kasi pag inalis ko ang mata ko rito sa aso na 'to ay baka tuluyan na niya akong lapain ng buhay. Habang naatras naman ako ay nakarating na agad ako sa may labas.


"Arf!"


"Nako naman eh! 'Wag kang tumahol please lang, natatakot ako sa 'yo ah!"


'Yung mga tao naman ay busy at parang walang naririnig na tahol. Ayaw niyang tumigil sa pagtahol kaya naman ang bilis ng tibok ng puso ko. Atras lang ako nang atras na dapat ay hindi ko nalang ginawa sapagkat tubig na ang naatrasan ko! Edi ang ending ay nahulog ako sa swimming pool nilang napakalalim!


Marunong naman akong lumangoy pero ro'n lang sa abot ko pero ang swimming pool na ito ay napakalalim na parang dagat at nasa pinakailalim na ako. Napakaliit ko pa naman tapos ang lalim pa!


Buong pwersa ko namang hinatak ang sarili ko papunta sa taas upang makahinga-hinga naman. Pero paulit-ulit lang ang nangyayari, taas baba. Hindi ko na alam ang gagawin ko! Hindi na ako makahinga ng maayos! Nakakalunok na rin ako ng tubig.


Lucas...


Napapikit nalang ako nang maramdaman kong may humila sa akin pataas. Hindi ko alam kung sino 'to pero ngayon pa lang ay nagpapasalamat na ako. Nang nasa taas na ako ng tubig ay nakahinga-hinga na ako ng maluwag. Habol ko rin ang hininga ko habang umuubo.


"You okay? Sabi ko naman sa 'yo, be careful next time." Dahil sa boses na 'yon ay napatingin na ako sa kaniya.


"A-aaron..."


"Yeah, that's my name and my name get better when you pronounce it."


Bakit siya ganito? Sa tuwing nasa kalagitnaan ako ng kapahamakan siya lagi 'yung nagliligtas sa akin.


Superhero ba 'to?


Hawak niya ang bewang ko na nagsisilbing gabay ko para hindi ako mahulog.


"Thank you," sabi ko at ningitian niya lang ako. Umahon na kami at nag-aalalang Lucas ang bumungad sa akin.


"Baby what happened? Are you okay? May masakit ba sa 'yo? Tell me, baby." Sunod-sunod na tanong niya sa akin habang inaalalayan ako.


"O-okay lang ako."


"Are you sure?"


"Don't worry dude, she's okay." Sabat ni Aaron.


Napabuntong-hininga nalang si Lucas dahil sa sagot niya. Sinamahan ulit ako ni Lucas papuntang C.R. para makapagpalit at nagtuyo na rin ako ng buhok ko. Nagbihis na rin ako at ang suot kongayon ay 'yung suot ko kanina no'ng pumunta ako rito. Matapos magbihis ay nakabihis na rin si Aaron nang makalabas kami. Ngumiti lang ako sa kaniya at gano'n din naman siya.


Pogi rin pala siya?


"Anong oras na?" tanong ko kay Lucas.


"Hmm, 1:45 pm baby."


"Ha? Uuwi na ako."


"Ha? Agad-agad?" takang tanong niya.


"'Diba sabi ko 2:00 pm uuwi na ako?"


"Fine. Let's go."


Nakasakay na kami ng kotse at bigla nalang siyang tumahimik. Parang ang lalim ng iniisip niya dahil nakatingin lang siya sa bintana.


"Okay ka lang?" tanong ko dahil hindi ako sanay na ganito siya. Nagsalita naman siya ngunit hindi niya ako tinitingnan.


"When I lied to you, what would you do?"


"Ha?" taka kong tanong habang nakakunot ang noo ko. Ano namang tanong 'yon? Ang lungkot ng boses niya na para bang nagluluksa siya. Sinagot ko naman ng seryoso ang tanong niya.


Ano bang trip nito?


"If you lied to me, I will never look at you the same way again, and I will always think you will lie to me again."


💜

Continue Reading

You'll Also Like

641K 16.7K 70
Old title: Dream Academy Dream Saga #1 Sienna Seréna was born to become like them- a mage- although she holds nothing but herself. She lives in a wor...
233K 6.2K 23
Dylan's high school life has always been a one-sided rivalry against Yno. No matter what he does, Yno always comes out on top, calm and untouchable...
686K 7.6K 44
"Hindi naman ako 'yong klaseng angel na inaakala mo." - Ayara - Date Started: June 06, 2023 Date Finished: June 23, 2024
34K 511 11
"I'll give you a chance, Kevin, na baguhin ang naging desisyon mo, Na baguhin ang takbo ng storya niyo ni Momo. Would you, take a chance?" [The origi...