"Aaaaaa--Potaka Ryu!"
Muntik naman akong malaglag sa upuan ko ng makarinig kami ng sigaw mula sa manipis naming divider.
"Anong ginagawa nyo dito?!" Agad naman silang nagsilabasan nung sumigaw na ako.
"Bwisit talaga yang bunganga mo Ning."
"Eh sa kinikilig ako!"
"Tumigil na nga kayo! Kasalanan nyo rin namang dalawa."
At talagang nagsisihan pa sila sa harap namin.
"Hi sainyo hehehehe.."
Tinignan ko sila ng masama.
"Kelan pa kayo dyan?"
Tinuro naman nila sarili nila.
Parang mga sira talaga.
"Kami?" Ako pa talaga tinanong nila.
"Winter and I are dating po.."
"Nakuha mo na kaya sagot kagabi."
"Jowa na kita at jowa mo na ako."
Umakyat naman lahat ng dugo ko sa mukha ko.
"Ikaw Winter ha.." namumulang tinignan ko naman sila.
"Magsitigil nga kayo!" Suway ko.
"Wala pa nga kaming ginagawa e." Makahulugang sabi ni Gi.
Juskolord.
Ilayo nyo po ako sa mga masasamang elemento.
Nilingon ko naman si Karina na kanina pa di nagsasalita.
"Karina, o-okay ka lang?" Nag-aalalang tanong ko.
"D-did you really mean it? W-we..ikaw at a-ako?"
"Ayaw mo?"
"No!" Mabilis na sagot nya. "I-i mean, of course gusto ko. Gustong gusto."
Lihim na napangiti ako ng makita kong namumula yung mukha nya.
"Ay may sariling mundo."
"Ano tayo? Hangin?"
"Parang props lang ata tayo dito."
Inis na nilingon ko naman yung mga bruha.
Ang e-epal.
"Umalis na kasi kayo. Chupi!" Pagtataboy ko.
"Ganyanan na kasi sila na."
"Grabe."
_______________
Jowa
Girlfriend
Napangiti ako habang nakatingin sa mga nagliliparang alikabok dito sa park.
Medyo di pa rin ako maka move on sa mga nangyari kahapon. Pero isa lang ang sure na sure at masayang masaya ako.
Mag jowa na kaming dalawa.
Yes jowa ko yung magandang balikbayan dyan kila Gi.
Jowa ko.
Natatawa naman ako sa isip ko habang nakikipagtitigan dito kay kuyang nagwawalis. Kanina pa kasi natingin si kuya.
"Baliw."
Bumulong ka pa kuya
Dinig na dinig ko rin naman.
Okay
Nevermind nating yan si kuya.
She's so happy raw
Masayang masaya raw jowa ko
Paulit-ulit ba? Sorry naman. Sarap lang kasing ulit-ulitin yung salitang.
Jowa.
Napatawa naman ako bigla.
Nagkita naman kami kahapon. Late na nga kaming naghiwalay after ng aminan naming tapos ngayon nandito kaming dalawa sa park, nagd-date.
Pinapalo palo ko na yung bench.
Kinikilig kasi ako.
"Baliw nga."
Biglang seryoso naman mukha ko ng marinig ko ulit magsalita si kuyang nagwawalis ng mga nakalat na dahon.
Epal to.
Inirapan ko sya ng bongga.
Kaagad akong tumayo ng maayos ng makita ko si Karina pabalik dito sa pwesto namin. Sabi kong wag na syang mag-abalang bumili ng pagakain kasi di naman ako nagugutom.
Naka faded shorts at plain white shirt lang sya pero ang ganda-ganda nya.
"Natagalan ng konti." Nakangiting sabi nya ng makalapit sya sa'kin.
Sinuklian ko naman sya ng pamatay kong ngiti. Pinilit ko talagang palabasin dimples ko.
Kung meron man.
Kaagad kong kinuha yung bitbit nyang cups na may lamang fishballs at kwek-kwek. May tuhog-tuhog kasi sa harap nitong park. Naawa ako bigla sa kwek-kwek. Lunod na lunod sa sauce.
"Winter, face here." Takang hinarap ko naman sya.
Inilabas nya naman yung panyo nya at marahang pinunasan ang bibig ko.
"You eat like a baby." Ngiti-ngiting sabi nya.
Napahawak ako sa bibig ko.
Nagkalat ba yung sauce?
Grabe nakakahiya ka self.
Bigla naman akong napasimangot ng makita ko di kalayuan samin yung apat na lalakeng malagkit na nakatingin kay Karina.
Masamang tinignan ko ang mga ito. Mukhang mga manyak.
Tumayo ako.
"Lipat tayo." Sabi ko.
Nguguluhan man ay tumayo parin sya.
Pinauna ko syang maglakad habang nasa likod nya lang ako.
"Hi ate!"
Napasilip naman agad ako sa harap ni Karina.
May isang batang lalake ang nakaharang sa daan at ngiti-ngiting nakatingin samin.
"Ate ang ganda nyo po." Sabi nito kay Karina na amused lang na nakatingin sa kanya.
Tumabi na ako kay Karina.
"Talaga?" Sinipat nya naman ako ng tingin "bakit di makita ng kasama ko na maganda ako."
Mabilis na tinignan ko si Karina
Anong di makita?!
"Ate baka po malabo ang mata." Sabi nung bata.
Tinignan nya naman ako kaya tinaasan ko sya ng kilay.
"Ate ganda pwede ka maging girlpren?"
Aba't!
"Hoy, bata ilang taon ka na?" Mataray na tanong ko sa kanya.
"9 years old po." Nakangiting sabi nya.
Napahawak ako sa aking bewang.
"Aral ka muna boy ha, bago landi." Masungit kong sabi.
Batang to
Talagang jowa ko pa trip nya.
"Pwede namang pagsabayin ate cute ah."
Napahawak ako sa aking sintido dahil sa sagot nya.
Loko tong batang to ah.
"Winter don't scare him." Awat ni Karina.
Yumuko sya para matignan mabuti ang mukha nung bata. Nakapatong yung kanang kamay nya sa balikat nito at yung kaliwa naman ay nasa tuhod nya.
"Tanungin mo muna si ate cute mo kung pwede mo akong maging girlfriend." Mabilis na lumapit sa'kin yung bata.
"Ate cute pede ko ba syang maging girlpren?"
"Bawal!" Masungit kong sagot.
"Bakit bawal?" Tanong ng tanong naman ang batang to.
"Kasi sabi ko."
Napakamot naman sya ng ulo.
Oh, baka may kuto ka boy.
"Bakit ng po bawal?" Kulit naman.
Napa cross arms naman ako.
"Bawal kasi girlfriend ko pa sya." Napangisi naman ako ng makita kung nanlumo sya bigla.
"Eh, di pag di nyo na po sya girlpren."
Tinignan ko na sya ng masama.
"Boy kahit na lumaki ka girlfriend ko parin sya. Kahit na tumanda ka pa girlfriend ko parin sya. Kaya bawal." Dirediretso kong sabi.
Asan ba mga magulang nito?
Ba't hinahayaan lang tong gumala-gala dito?
"Bangchan!"
Nagsilingunan naman kami ng may patakbong babaeng sumisigaw palapit samin.
Hinihingal na huminto ito sa harap namin at hinawakan yung batang lalake.
Mukhang matanda lang ito ng ilang taon sa batang lalake.
"Diba sabi ko wag kang aalis sa pwesto mo!" Inis na sabi nya dito sa batang lalake.
"Sorry ate Minju."
Tumingin naman samin yung batang babae.
"Sorry po kung ginugulo kayo ng kapatid ko. Makulit lang talaga kasi to."
"Halata nga." Nakatikim naman ako ng kurot mula kay Karina.
"It's okay, hindi naman sya nangungulit." Nakangiti nyang sabi dun sa babae.
"Mga ate gusto nyo pong ice cream?"
"Bangchan?!"
Hinawakan naman ni Karina sa ulo yung bangchan at marahang ginulo ang buhok nito.
"Okay."
Sandali lang
Wait
Date pa ba namin to?
"Yehey!" Nagsasaya naman bigla yung bangchan.
Talagang hinawakan nya pa sa kamay si Karina at ngiti-ngiting hinila ito.
Makakalbo kitang bata ka.
"Hey, stop with that cute pout."
Umurong naman yung lips kong kanina pa yata nakanguso.
Kasi naman
Itong bangchan na to kanina pa kapit ng kapit sa jowa ko.
Tinaasan ko sya ng kilay ng nakangisi syang tumingin sa'kin matapos punasan ni Karina yung bibig nya.
Kalat-kalat kumain ng ice cream ang laking bata na.
"Ate taga san ka po?"
Napunta naman tingin ko dito sa kapatid nitong malanding si bangchan.
"Di kami taga dito." Nagsusungit parin ako kasi naiinis ako sa bangchan na to.
"Ah.."
"Thanks for the ice cream." Pagpapasalamat ni Karina sa libreng ice cream na binigay nung dalawang bata.
"Walang ano man po."
"San parents nyo?" Curious na tanong ko.
Umangat naman yung kamay ni Minju at itinuro yung restaurant na kinainan namin noon.
"May business meeting po sa loob."
"Bakit nandito kayo na kayong dalawa lang?"
Delikado kayang gumala-gala dito sa park. Lalo na sa mga bata.
"Makulit kasi itong si bangchan, baka raw po makagulo sa meeting." May pilit na ngiting sagot ni Minju.
Grabe namang mga magulang yan.
Talagang handang pabayaan mga anak wag lang magulo yung business.
"Okay lang ba sainyo na maiwan dito?" Medyo nag-aalalang tanong ko.
Malapit na kasing mag 12 at nasa plano namin ni Karina ang mag-lunch kasama ate nya.
Yes
Kasama si ate Irene
Sabi ni Karina ipagmamayabang nya raw ako sa ate nya.
Jusko
"Ayos lang po ate. Sige po baka may lakad pa po kayo. Salamat nga po pala sa pagsama samin."
Nginitian ko sya.
Tinignan ko naman yung bangchan.
"Hoy ikaw, wag kang pasaway dito sa ate mo." Sabi ko.
Tumango tango lang ito habang malagkit paring naka kapit sa jowa ko.
Hinila ko si Karina kaya napabitiw na sya.
Batang to.
"Alis na kami. Ingat kayo Minju."
"Kayo rin po ate. Thank you."
Nagsimula na kaming maglakad.
May dalang kotse si Karina. Iniisip ko na sa susunod naming date gusto ko maranasan ni Karina sumakay ng jeep or pwede namang yung tricycle ulit.
Gusto ko lang maranasan nya yung mga bagay na di nya pa nagagawa. Parang ang sarap lang kasi sa pakiramdam makita syang nakangiti kapag may mga bagay syang nat-try for the first time.
Nagulat naman ako ng bigla nya nalang akong halikan sa pisngi.
"Why are you smiling?"
Nakabawi naman ako agad.
"Wala, may iniisip lang."
Iniisip kita
Naramdaman ko nalang ang kamay nya sa kamay ko.
Hhww na kami papuntang kotse nya.
"Masayang masaya ako ngayon. I'm looking forward sa mga susunod pa." Malawak ang mga ngiti nya habang sinasabi ang mga salitang yun.
Napangiti rin ako.
"Ako rin." Sabi ko.
Mas humigpit pa yung pagkakahawak ko sa kamay nya.
Di na rin ako makapag-antay sa mga susunod pa.
__________________