"Hija, I need your husband. Kailan ba uuwi ang batang iyon?" Napapasinghap na tanong ni lolo madz sa kabilang linya kinaumagahan.
Patungo na ako sa Opisina nang tumawag si Lolo madz sa akin. Nangapa ako ng isasagot kay lolo. Kailangan kong lunokin lahat ng kasinungalingan ko.
"Lolo, M-malapit na raw po siyang umuwi..."
Pinakititigan ko ang Screen ng Cellphone nang matapos ang pag-uusap namin ni lolo Madz. Kapag ba dumating ang oras na malalaman nila ang tungkol sa amin ni Sean, ano kaya ang magiging reaksiyon nila ni lolo Adolfo?
Napailing-iling ako bago tumungo sa aking Cubicle. Nakita ko na agad ang dalawa kong kaibigan roon. Panay ang
Pag-uusap nila at hindi mapakali ang mga bibig.
Nagtama ang mga mata namin ni Dennis, Inginuso niya ako kay Anya dahilan upang mapabaling ito sa akin. Sinalubong nila ako ng ngiti kaya nagtataka naman ang mga mata ko sa inaasta nila ngayon.
Maya-maya pa'y bumaba ang titig nila, tila Sinasabing bumaba rin ako ng tingin para tingnan kung ano ito. Tumaas ang kilay ko at dahan-dahan na ibinaba ang tingin.
Ang kaninang kilay na nakataas ay unti-unting bumaba nang makita ang nasa harapan. Tupper wear na kulay Sky blue, at may notes na nakadikit rito. Kumunot ang noo ko sa nakita.
"Kanino galing 'to?" Wala sa emosyon na tanong ko.
Nagkatinginan sikang dalawa at nagkibit balikat lang sa akin.
"Hindi sinabi ng nagpadala... Nahihiya raw..." wika ni Dennis at pilit na tinatago ang kilig sa bibig.
Binuksan ko ito, tumambad naman sa aking harapan ang hindi pamilyar na pagkain. Pang-mayaman na pagkain at ngayon ko lang ito nakita.
"May secret admirer ka pala?" Kinikilig na ani Anya.
"Ewan," tanging na sagot ko lang.
Nginuso ni Dennis ang Takip ng Tupper wear. Alam ko ang ibig niyang sabihin.
"Hindi namin binasa kasi para sa'yo 'yan e," Si Anya habang nakangisi.
Agad kong binasa ang nasa Notes na nakadikit "I'm sorry..."
Isa lang ang pumasok sa isip ko...
Naiwan sa ere ang aking kamay nang biglang agawin sa akin ni Dennis ang Notes.
"I'm sorry?" Nagtatakang wika ni Dennis.
Inagaw naman ni Anya kay Dennis ito. Nanlilisik angkanyang mga mata na binasa ito tsaka gigil na gigil na bumaling sa likuran ko.
"Parang alam ko na yata kung sino ang nagbigay sa'yo nito." Seryosong ani Anya na nasa likuran parin ang paningin.
Kumunot ang noo ko dahil sa umuusok na ilong niya. Sa hitsura niya ay galit na galit at hindi mo man lang mahawakan kahit dulo ng kuko niya.
Sabay kaming bumaling ni Dennis sa likuran. Guess what... Isang nakangising— hindi ko malaman kung saan parteng nilalang nanggaling ang isang ito.
Dire-diretso itong naglalakad sa harap namin, bawat lakad nito ay binabalingan niya kaming tatlo. Mayabang ang pagmumukha lalo na ang ngisi niyang nakakaloko. Ngisi pa lang ay maiinis kana paano pa kaya kapag tumawa na?
Nang makahinto sa Pintuan ng Opisina ni Sir ay lumingon ulit ito sa amin. Maya-maya pa'y may inilagay ito sa kanyang bunganga na ikinanguya niya kung hindi ako nagkakamali, bubble gum ang nginunguya niya. Ngumisi siya tsaka kumindat.
Napairap ako sa kawalan at padabog na Lamang na umupu. Sinulyapan ko ang tupper wear.
"Kunin niyo 'yan. Ayaw kong kumain niyan." Wika ko at binuksan na ang laptop.
"Ah, hindi. Kung sa Gago lang rin naman nanggaling ang pagkain na 'yan, No thanks." Mataray na saad ni Anya tsaka naglakad palayo.
Napapikit ako ng mariin. Naramdaman ko ang pagtapik ni Dennis sa aking balikat. Nagtaas ako ng tingin sa kanya.
"May kasalanan siya sa ating tatlo, pero sa'yo lang humihingi ng Sorry... Kaya akin na 'to!"
"Heto pa..." pabitin na wika ni Dennis.
Lunch time at nasa kantina kami, Kinu-kwentohan kami ng bagong chismis niya tungkol sa pamilya ni Sir at ang nakakainis sa mga kinu-kwento niya ay...
"Alam niyo ba na itong Si Brylex ay anak lang sa labas ni Sir?"
Muntik na akong mabulonan dahil sa sinabi niya. Agad na naglahad ng isang plastic bottle sa akin si Anya na may laman na tubig.
"Hoy bakla! Totoo ba 'yan?" mahinang tanong ni Anya.
"Oo nga! Kaya nga siya lang itong gwapo sa lahat ng anak ni Sir 'diba? Ang sabi pa ng sekretarya ni sir ay isa itong Engineer!" halos tumili siya habang sinasabi niya ito.
Napairap ako, dahil halos lahat ng kinu-kwento niya ay patungkol lamang kay Brylex na... heto si Brylex, ganito siya, ganyan siya. Wala ng bukambibig kung hindi ang lalaki na iyon.
"Siya nga pala ang sarap ng pagkain kanina! Ang aarte niyo kasi. Nagso-sorry na nga," basag ni Dennis nang namayani ang katahimikan sa aming tatlo.
"Nag-sorry? Nag-sorry kay Sandy, hindi sa atin. Alam mo Sandy, may gusto 'yan sa'yo." Ani Anya.
Namilog ang mata ko sa sinabi niya. Iyong hinayupak na 'yon? May gusto sa akin?
"Pwede ba... Kung sino pa itong may asawa na ay iyon pa ang—"
Hindi ako pinatapos ni Anya sa pagsasalita.
"Ikaw may asawa? Ask Sean, kung asawa rin ang turing niya sa'yo. Hindi ka nga mahal no'n."
Natikom ko ang aking bibig dahil sa gulat. Iyong nakabaon kong lungkot ay biglang hinukay ulit. Hindi ko alam na sa mga oras pala na ito ay binaon ko ang lungkot at sakit na iniwan sa akin ni Sean.
Paulit-ulit na tumatakbo sa isip ko ang binitawang salita ni Anya sa akin. Hindi ko naman na mapigilan na kumain ng tahimik at hindi sila pinapansin.
Napatunayan ko sa sarili ko na hindi ko pa talaga kaya na mawala si Sean sa buhay ko. I'm tough woman. Ako ang tipo ng babae na hindi kailanman sumusuko sa laban.
High school ako nang I-kwento ni lolo Adolfo ang pamilya ni Lolo Madrid. Doon nagsimula ang lahat. I liked Sean when I was in high school. Totoong Mabait siya, wala ka ng hihilingin pa sa kanya dahil lahat nasa kanya na. He likes to play Volley ball, Mahilig siyang mag-Gitara, Misteryoso ang mukha niya pero mabait siya.
Ang tanong ay... Bakit ko siya nagustohan? Nagustohan ko siya dahil hindi siya iyong tipo ng lalaki na makukuha mo ng basta-basta. Challenging siya. Hindi siya basta-basta.
Hindi ako na-turn off sa kanya kahit kailan, Ang totoo ay patay na patay ako sa kanya. Gagawin ko ang lahat masilayan lang ang mukha niya.
Madalas ko siyang nakikita sa Instrumental room, Ang kwarto na iyon ay para lamang sa mga estudyanteng laging nagpe-perform sa entablado, katulad niya na minahal na ang Musika't Instrumento.
Iyong pagsilip ko sa Bintana at siya na agad ang bubungad sa aking mga mata. Dahan-dahan niyang susuklayin ang mahaba niyang buhok gamit lamang ang mga daliri, Pipikit siya ng mariin at sasabayan ang pagpapatugtog niya ng gitara. kukunot ang noo niya kapag nagkakamali siya.
Aawang ang iyong labi kapag nagsimula na siyang kumanta ng dahan-dahan. Paano kapag nasilayan mo naman ang matamis niyang ngiti habang dinadama ang pagkanta sa harap ng grupo? Ang kanyang mata... Ang ilong niya na tilamay highlighter na dahil sa sobrang tangos.
"Imagination mo ang limit girl? Oh, ayan na si Engineer Morales!" halos itili iyon ni Dennis sa tainga ko.
Umusok na naman ang ilong ni Anya, at nanlilisik na naman ang mga mata habang kumakain. Hindi ako nagpaunlak
ng kahit ano para makita ang pagmumukha ng abnormal na lalaking paparating.
"Hi!" Rinig kong bati niya nang makalapit sa direksiyon namin.
"Ako na naman ba ang magbabayad ng In-order ninyo?"
Hindi ko alam kung bakit natonohan ko ang pagmamayabang nito.
"Hindi na, Kaya umalis ka na lang sa harapan namin. Pwede?" Mataray na wika ni Anya.
Nangibabaw ang pekeng tawa ni Dennis
"Naku, Engineer... Pagpasensiyahan mo na itong loka-loka kong kaibigan." Agap ni Dennis.
Nagtaas ako ng tingin kay Dennis. Napansin niya sigurong nakatitig ako sa kanya kaya napatingin siya sa akin at napangisi.
Nahagip ng aking paningin ang walang pasabi-sabing pag-upu nito sa bakanteng upuan, sa tabi ko.
"Kung siya ay mataray..." Aniya sabay baling kay Anya "Suplada naman ang isang ito." Aniya sabay baling sa akin.
"Pwede ba umalis ka rito, hindi ka nakakatuwa." Prangka kong sabi.
Tumawa siya "Akala niyo ba natutuwa rin ako sa inyo?" Sarkastiko niyang tanong.
"Asawa mo ba si Sean Malvis Ramos?"
Natigalgal ako sa tanong niya. Paanong kilala niya si Sean? Stalker ba siya?
"You look so desperate—"
Hindi niya natapos ang sasabihin niya nang umawat si Dennis.
Unti-unting namuo ang Inis sa akin. Nagtiim bagang ako at prinoseso ulit sa autak ko ang sinabi niya.
"I'm look like what?" Mariin kong tanong.
Napakurap-kurap siya at parang may napagtanto. Natikom niya ang bibig niya sa mga sandaling ito.
Dahil sa inis at galit ay agad ko siyang kwinelyohan patayo. Gulat na gulat ito sa hindi inaasahang gagawin ko iyon sa kanya.
"Interloper! Wala kang karapatan na sabihan akong desperada! Sino ka sa inaakala mo? Anak ka lang ni Sir. Manghimasok ka sa buhay ko, sa amin, kung may inambag ka sa relasyon namin. Wala kang alam kaya wag mo akong tawaging 'Desperada'. Pasalamat ka hindi kita sinampal. Baka kung nasampal kita, Maaga kayong magkikita ni San pedro."