Sorry
"Okay na ako dito. Salamat sa pagdala sa akin," nakangiti kong pasasalamat kay Kiefer.
Nasa infirmary na kami ngayon. Kami lang ang tao dito pero parating na rin si Doctor. Sabi ng teacher na nakasalubong namin kanina ay lumabas lang daw ito kasi may kinausap. May mga harang na kurtina ang bawat higaan pero nakabukas itong sa amin kaya kung papasok man si Doc makikita kami kaagad dito. Tsaka parang hindi naman maganda kung makikita kami na nakasarado ang kurtina baka kung ano ang isipin ni Doc.
Kinuha ni Kiefer ang ice compress at binigay sa akin.
"Okay lang ba na gamitin ko 'to?" pagtutukoy ko sa ice compress.
Mabilis siyang tumango. "Para nawala ang bahagyang pamamaga. Madalas akong nagkakaroon ng sprain sa paa kapag nagba-basketball at iyan ang ginagamit namin para humupa ang pamamaga." Sinipat niya pa ang paa ko. "Mukhang hindi naman malala ang paa mo." Lumakad siya papalayo sa akin nang mas hawiin niya pa ang kurtina dahilan para tuluyan na makita ang buong higaan.
Nilagay ko na iyon sa paa ko at dahan-dahan na dinampi sa may parte na namumula at may pamamaga.
"Hindi ka pa ba aalis?" takang tanong ko.
Umiling siya at umayos ng pagkakasandal sa sofa, sa harap ko lang din.
"I'll wait here."
"Hindi na," tumingin ako sa wall clock bago muling bumalik ng tingin sa kanya at naabutan siyang nakapikit na ang mata. "May klase pa tayo. Makakaabot ka pa naman kung aalis ka na ngayon. Tsaka malamang nakarating na sa teacher natin na hinatid mo ako dito sa clinic kaya hindi ka naman mapapagalitan," pagpapatuloy ko kahit mukhang wala man lang kahit kaunting pagkainteres ang pinapakita niya sa sinasabi ko.
Nakapikit siya pero hindi naman niya ako malolokong nakatulog siya kaagad pagkaupo pa lang niya.
"Uyy!"
Pero nanatiling nakapikit pa rin ang mata niya, hindi ako pinapansin. Mukhang siyang pagod pero hindi ko alam kung dahil ba 'yon sa pagbuhat sa 'kin. Hindi rin naman kasi sobrang layo nung infirmary mula roon sa court.
"Sabi ko naman sa 'yo eh 'wag mo na akong buhatin kasi mabigat ako," sabi ko at inangat ang paa ko para sana mahilot ko kahit papaano pero bigla 'yong kumirot. Ngayon masasabi kong mukhang hindi simple 'yong pagkalaglag ko, mukhang na-sprain pa ata ang paa ko.
"Anyare?" nag-aalangang tanong ni Kiefer at natataranta ang mukha niya na gusto kong matawa pero sa dahil sa kirot hindi ko magawa.
"Nagising ang nagkukunwaring tulog," natatawa kong turan pero hindi niya pinansin ang pang-aasar ko.
"Sinubukan mo bang bumaba? Inapak mo ba ang paa mo? Saan 'yong masakit?" sunod-sunod niyang tanong na nagpaawang sa labi ko sa pagtataka.
"Hindi." umiling ako at sumandal sa gilid. "Inangat ko lang itong paa ko para sana mahilot at alamin kong saan 'yong masakit-"
"Hindi ka naman doctor para gawin 'yon. Paano kung mas lumalala ang mangyari sa paa mo. Sana tinawag mo ako para matulungan kita." he frustately sighed. "Sana hindi ko na binigay 'yong compress," halos bulong niya.
Nalusaw ang ngiti ko habang pinagmamasdan siyang pagalitan ako. Nakakapanibago itong nakikita ko kay Kiefer. I almost think that is he the Kiefer I knew? It's like he became different person that I used to know very well. O masyado lang talaga akong nasanay na kolokoy siya at makulit.
Marahan niyang pinahid sa paa ko ang ice compress. Concentrated siya sa ginagawa niya. Maingat at marahan niyang dinadampi iyon sa paa ko. Panay pa ang tanong kung masakit ba ang parte ng paa ko na kanyang dinadampian ng ice compress.
"A-akala ko kasi tulog ka na." pagpapalusot ko kahit alam ko namang hindi talaga siya tulog.
"Pinikit ko lang ang mata ko pero hindi ako tulog." pagkatapos niya itong sabihin ay umupo siya sa kama at hinarap ako.
Bumuntong-hininga siya na parang ang laki ng problema niya na nasa harap niya ngayon.
"Sorry. I nagged you." nag-iwas siya ng tingin.
"Tss. Wala 'yon. I get it naman, concern ka lang sa situation ko kaya thank you for that." I sincerely smiled at him.
He looked at me and nodded his head.
Sabay kaming napalingon nang may katok kaming narinig mula sa pintuan.
Niluwa nung si Doc na may dalang papel. Doctor Mike is a new doctor here in our school. Pinalitan niya 'yong dating Doctor dito dahil manganganak at lilipat na ng tirahan malayo rito. Nakausap ko na dati si Doc Mike nung sumakit ang tiyan ni Kate dahil sa kinain niyang expired na gatas na binili niya sa labas ng school. Pero hindi pa iyon nangyayari ngayon at pwede kong balalaan si Kate.
"Nakakaabala ba ako?" nakangising tanong ni Doc Mike.
"Hindi naman Doc pero makulit itong si Emi at gustong hilutin ang paa niya," natatawang sumbong ni Kiefer kay Doc Mike sabay nilingon niya ito.
"Hindi-" giit ko sana kaya lang naputol ang sasabihin ko.
Nagulat ako nang biglang napatayo si Kiefer at galit na naman ang mukha nito. Hindi. Mas galit siya ngayon kasya kanina. Sinundan ko kung saan siya nakatingin at nakita kong tumagos ang tingin kay Doc Mike nang dumeresto ito sa table nito.
Ganoon na lang ang gulat ko nang makita ang hindi inaasahang tao.
He's standing there near the door as if he's unwelcome to come in... or maybe he's battling himself as if he's going to step in or not. However, he and Kiefer were exchanging stares. Kiefer looks really pissed off while Akiro, his eyes look lifeless as usual. I wasn't able to read what's on his mind.
Hindi ko alam ang gagawin ko pero hinila ko ang uniform ni Kiefer para pigilan siya nang akma siyang hahakbang papalapit kay Akiro. Ano bang iniisip niya? Susugurin si Akiro?
Napansin din siguro iyon ni Doc Mike at malakas siyang tumikhim.
Tumingin siya sa gawing pinto kung nasaan pa rin nakatayo si Akiro at hindi pumapasok. Now, he's not staring to Kiefer but his eyes are on me now.
Napalunok ako at bumagsak ang tingin sa sahig. Hindi ko alam kung paano ako haharap sa kanya. May inis akong nararamdaman pero hindi ko magawang magalit. But I think I went overboard this time that's why it happens to me.
"Akiro, come in," pagtawag ni Doc.
Gumalaw muli si Kiefer pero hinuli ko na ang kamay niya na kinagulat niya base sa reaksyon na pinakita niya. Saglit pa siya doong tumingin sa kamay namin bago nag-angat sa 'kin.
Umiling ako. Mahigpit kong hinawakan ang nakayukom niyang kamay. Alam kong wala rin silbi ang pagkakahawak ko sa kanya kahit gaano pa iyon kahigpit dahil hindi ko naman na sakop ang buong kamay niya. Kalahati lang ng nakayukom niyang kamay ang hawak ko at kung gugustuhin niya madali niyang maaalis ang kamay ko.
Pumasok si Akiro pero may distansya siya sa amin. Mukhang alam naman niya ang sitwasyon. Pinagmamasdan niya lang kami ni Kiefer gamit ang walang gana niyang mata.
Parang nanonood siya ng boring na soap opera.
I sighed. I still held Kiefer's hand.
Ito lang ang magagawa ko para matigil siya.
Doc Mike cleared his throat. "Okay, I'll check you na," he smiled and came closer to me.
Binitawan ko na ang kamay ni Kiefer at umusog siya at umupo siya doon sa sofa. Sumulyap siya kay Akiro gamit ang masamang tingin bago bumaling sa 'kin at kay Doc. I weakly smile at him and Kiefer nods his head like he already knew what I meant. Tinignan ko naman si Akiro at nagulat ako nang magsalubong ang tingin namin.
Napabitiw lang ako ng pisilin ni Doc ang paa ko. Impit akong napainda. Shemms! Ang sakit pa rin.
Ramdam ko ang paglapit ni Kiefer sa gilid ko pero hindi ko alam kung saan ko ibabaling ang atensyon ko dahil masakit ang kanang kamay paa ko. Pinisil naman ni Doc Mike ang likod ko banda sa may taas ng pang-upo at nakaramdam ako ng sakit.
"Mukhang hindi maganda ang pagkakalaglag mo." he paused. "Wala ka bang nararamdamang masakit sa pang-upo mo o parte sa may bewang maliban dito sa hinawakan ko?" sunod niyang tanong.
"Wala naman po." I sighed.
"Sa paa mo itong kanan lang ang masakit?"
"Opo."
Tumango si Doc Mike. "Mabuti naman kung ganoon. I'll give you first aid and we'll go to the hospital. Kailangan nating ipa X-ray ang lower part mo. Let's pray na walang internal injury na nangyari."
Napalunok ako at nakaramdam ng takot.
"Don't worry. Hindi naman gaanong malala ang paa mo kaya baka bukas o dalawang araw mawala na itong pamamaga. Ang kailangan nating malaman ay 'yong sa pang-upo mo," sabi ni Doc Mike para pagaanin ang loob ko.
"Salamat po." iyon lang ang lumabas sa bibig ko dahil hindi ko rin naman alam pa ang sasabihin. Tinitigan ko ang paa ko. Sana naman okay lang kayo.
"Anong ginagawa mo rito?"
Napaangat ako ng tingin kay Kiefer bago kay Akiro, nagpalipa-lipat na ako ng tingin sa kanilang dalawa. Kay Akiro siya nakatingin pero wala naman sa kanya ang tingin ni Akiro kundi nasa akin.
Akiro sighed before he looked at Kiefer.
"Nandito si Akiro kasi nag-aalala siya kay Miss Cantinar." Si Doc Mike ang sumagot kay Kian.
Tinuro ni Kiefer si Akiro. "Nag-aalala?" natatawa niyang sabi. "Eh siya naman ang may kasalanan," galit na sabi ni Kian.
"Kaya nga ako nandito." lahat kami napalingon kay Akiro nang magsalita ito. "I want to talk to her...alone."
Napatitig lang ako kay Akiro. He's serious.
Kiefer chuckled. "Baka kung ano pang gawin mo kay Emi-"
"Okay lang." pagputol ko sa sasabihin ni Kiefer. "Iwan niyo po muna kami." tingin ko kay Doc Mike bago kay Keifer.
I thinks it's better this way. Now, I have this chance to talk to him. Hindi ko naman nakakalimutan ang purpose ko kung bakit ako bumalik dito.
We exchange stares. Humarang lang si Kiefer sa harap ko kaya naputol ang tinginan namin ni Akiro.
"Emi..."
I smiled to Kiefer. "Bumalik ka na sa klase tsaka may practice ka pa 'di ba? Okay na naman ako kaya wala ka dapat na ipag-alala. Doc Mike is here."
He just sighed.
"Hayaan mo munang kausapin ni Akiro si Miss Cantinar at sasamahan kitang bumalik sa klase mo dahil kailangan ko ring kausapin ang adviser niyo at tatawagan ko pa 'yong service ng school natin para ihatid si Miss Cantinar sa hospital," mahabang paliwanag ni Doc Mike.
Nilingon niya si Akiro. "Used that time to talk to her bago ako makabalik."
Akiro nods his head. "Thank you, Doc."
Nakabusangot ang mukha ni Kiefer nang iwan nila kami ni Doc Mike dito sa kwarto. Ngayon, ako na lang at si Akiro ang natira.
I looked away as Akiro started to close the gap between us. He stood on my right side and didn't say anything. He just stared at me while his hands were inside his pocket. Kinagat niya ang kanyang labi na tila ba pinipigilan ang sarili na magsalita. But the way he did it was so damn attractive.
"B-bakit ka lang nakatingin?" Inalis ko ang focus sa kanyang labi.
He's here because he wants to apologize, right? Well, iyon lang naman ang nakikita kong rason kung bakit siya nandito ngayon sa harap ko. Iyon lang naman kasi ang naiisip ko kung bakit gusto niya akong makausap na mag-isa.
Lalong sumingkit ang mga mata niya at wala man lang ako ideya kung anong iniisip niya habang tinitignan ako gamit ang walang buhay niyang mata.
I felt the coldness in his stares. Mas malamig pa ang tingin niya kaysa rito sa ice compress na nakalagay sa paa ko. Lumabi ako at naging abala ang mata ko sa pagtingin sa kurtina. Ang ganda pala ng kulay nito.
Pasimple akong sumulyap kay Akiro.
"Bakit ba kasi ang kulit mo?"
Lumabi ako sa tono ng pagiging masungit niya. "Gusto lang naman kita maka-pair."
"Pero kailangan ba na ganun kakulit? Bakit hindi pa ako pwedeng tumanggi? Hindi naman tayo close."
I gritted my teeth, sighing. "Pwede ba na pumayag ka? Tayo na lang din naman ang wala pang pair."
"I can do it alone."
Napabungtong-hininga na lang ako sa frustration at desperation ko. Nanatili akong tahimik ako at nag-iwas ng tingin sa kanya at hinayaan ko siyang tumitig sa akin na tila inaaral ang mukha ko. Gusto ko siyang patigilan kaya muli akong nag-angat ng tingin sa kanya pero muli naman siyang nagsalita.
"Have we met before?"