Sa hindi malamang dahilan bigla akong kinilig dahil sa sinabi ni Samuel
Kyieeeeh ba't ganun kasi siya magsalita? masyado siyang pafall
Kanina ko pa pinipigil ang ngiti ko na kanina pa gustong kumawala mula sa mga labi ko. Halos limang minuto na ang nakalilipas ng makaalis kami sa bahay nila Samuel pero 'yung impact ng sinabi niya nandito pa rin sa heart ko ayieee..kinikilig talaga ako hayst
"Narito na ho tayo, binibini" agad kong tinigil ang pagfa-flashback saka ako dumungaw sa bintana ng kalesa
Literal na nanlaki ang mga mata ng makita ko ang bahay ng heneral.
Ang gandaaaa
Kung malaki 'yung kanila Samuel doble o triple ang laki ng bahay na 'to tapos ang aliwalas tignan dahil andaming halaman na nakapaligid sa bahay.
Agad akong bumaba ng kalesa kaya mas napagmasdan ko kung gaano kalaki ang bahay nila
"Binibini, tayo'y pumasok na sapagkat naghihintay na po ang heneral sa kanyang silid-aklatan" tumingin lang ako sa lalaki saka ako ngumiti at bahagyang tumango
Kinuha niya ang mga gamit ko saka siya nanguna sa pagpasok sa loob. Kung kanina ay nanlaki ang mga mata ko ngayon naman ay halos lumabas na ang eyeballs ko dahil mas maganda ang nasa loob
Pagkapasok na pagkapasok pa lang ay bubungad na ang isang hagdan na pakurba sa may bandang kanan ng pintuan. Hindi basta bastang hagdan ang nandito dahil sa bawat kanto ng hagdan ay may nakatayong estatwa. Sa ibaba, kanang bahagi ay may hindi matukoy na pigura ng estatwa samantalang sa kaliwa naman ay may estatwa ng isang agila. Sa bawat sulok na nakapaligid naman sa hagdan ay mayroong mga estatwa ng tao, mayroong tumutugtog ng violin, mayroong parang nakaupo sa bato, meron ding nakatayo na may hawak hawak ewan ko lang kung anong tawag sa hawak niya, at ang nasa pinakahuli ay estatwa ng parang anghel na nakayakap sa sarili.
Akala ko aakyat kami pero dumire-diretso lang ang lalaking nasa unahan ko kaya naman sunod lang ako ng sunod sa kanya. Makalipas ang mahaba-habang paglalakad ay huminto kami sa isang pintuang parang metal na kulay brown. Hindi 'yung brown na mukhang kinakalawang na ha kundi brown na malapit na sa kulay bronze..basta ganun so ayun nga pagkahinto namin sa tapat ng pintuan agad na kumatok 'yung lalaki ng tatlong beses
"Heneral, narito na ho ang binibining pinasusundo niyo" pasimple akong ngumiti dahil sa sinabi niya
Feeling ko isa akong prinsesa na pinapasundo ng isang prinsipe mula sa aming kaharian.
"llegar" (Come in)
Pagkabukas ng pintuan ay bumungad naman sa aming paningin ang napakaraming libro na ang karamihan ay grabe ang kapal. Pero syempre mas makapal pa rin ang mukha ng mga taong makapanlait akala mo kung sinong perpekto. Agad akong napairap ng dahil sa naisip ko
Tandang tanda ko pa ang pangalan ng mga kakilala kong mapanlait sa kapwa
"Dejarnos solos" (Leave us alone)
Sandaling yumuko ang lalaki saka nito dali daling isinara ang pintuan.
Nagtaka ako dahil para siyang nagmamadali na ewan
"Sentarse" (Sit) napatingin ako sa kanya dahil sa sinabi niya
Ano daw? katorse? eh diba fourteen 'yun?
"A-ah hindi na ako katorse nasa labing dalawa—este dalawampu't isang taon na ako...heneral" napataas ang isang kilay niya dahil sa sinabi ko kaya nagtaas kilay din ako
Aba hindi ako magpapatalo sa pataasan ng kilay
"Anong pinagsasasabi mo?! ang sabi ko'y umupo ka" nagulantang ako dahil sa sigaw niya kaya dali dali akong umupo sa sahig na kinatatayuan ko. Muli siyang bumaling sa akin ng may masamang tingin kaya labis ko itong pinagtakha "Ikaw ba'y estupida?! ang sabi ko'y upo!" tinignan ko siya ng masama dahil sa sinabi niya
"Hoy! Ikaw ba'y isang estupido?! hindi mo ba nakikitang nakaupo na ako?ha? mukha ba akong nakatayo?kakahaggard ka my gosh" mas nagulat ako ng hampasin niya ng malakas ang lamesa
"Tama ba ang pagkakarinig ko binibini? Tinatawag mo akong estúpido? Hindi mo ba kilala kung sino ang iyong kaharap?" Saglit akong natameme kasi parang bigla akong kinabahan sa paraan ng pagsasalita niya..para siyang ibang tao çhos! Basta sobrang dilim ng tingin niya parang anytime ready siya pumatay hayst
"Kilala kitang lalaki ka! Akala mo ba nakalimutan ko na ang ginawa mong kalapastanganan sa akin? at saka ang sabi mo lang UPO wala kang sinabing umupo ako sa upuan kaya sa ating dalawa ikaw ang estupido!" napahawak ako sa lalamunan ko habang hinahabol ko ang hininga ko dahil sa sobrang inis
Pagkalingon ko kay heneral nakita ko siyang nakatitig sa akin habang nakataas ang sulok ng kanang labi niya. Bumalik na naman siya sa pagiging maloko omg what's happening? Pogi niya sana pero kung ganyan lang ugali niya mas gugustuhin ko pang makatuluyan ang isang lalaking may respeto hayst. Tsaka kung ganitong ugali lang ipapakita niya sa kanya aba! ipapakita ko rin ang ugaling meron ako!. Akala ko pa man din mabait siya pero isa lang palang malaking AKALA ang iniisip ko. Lalaban at lalaban ako sa lalaking 'to lalo na kung alam kong nasa katwiran ako.
"Si eres una persona normal, debería haberte matado, pero ya que no eres aburrido..te dejaré vivir por ahora" (If you're a normal person I should've killed you but since you're not boring..I'll let you live for now)
Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya
Sinusumpa niya ba ako?
"Anong sabi mo? hinahamon mo ba ako ng suntukan? akala mo aatrasan kita? halika tumayo ka dyan at magsuntukan tayo" seryosong sabi ko habang tinataas ko ang manggas ng suot ko
Napatingin ako sa kanya ng mapansing hindi siya gumagalaw. Labis ang pagtatakha ko ng makitang nakatalikod siya sa akin kaya naman bahagya kong hinila ang inuupuan niya dahilan para mapabaling siya sa akin ng may masamang tingin
"Bakit mo ako tinatalikuran?napapangitan ka ba sa pagmumukha ko? aba! kabastusan 'yang inaasal mo sa harapan ko ah walang heneral heneral kung magkaharap tayong dalawa at saka ang kap—"
"Hindi ka pa ba tapos sa mga sermon mo? mas babagay sa iyo ang posisyon ng padre sa simbahan ng dahil sa dami ng iyong sermon" napairap ako dahil sa sinabi niya
Alam kong joke 'yun pero nakakairita dahil wala man lang siyang expression kumbaga sa papel..blangko siya
"Happy—este masaya ka na dyan sa biro mo? bahala ka dyan ayokong kausapin ka makalabas na nga" bago pa man ako makalabas eh naiharang na agad niya ang sarili niya sa tapat ng pinto kaya napataas ang kanang kilay ko "Anong meron at nakaharang ka dyan heneral?" sarkastikong tanong ko pero blangkong expression pa rin ang ginawad niya sa akin
"Nais kong magkaroon tayo ng kasunduan" bahagya akong natawa dahil sa sinabi niya
"Anong kasunduan naman 'yan?siguraduhin mong makikinabang din ako dun sa kasunduang 'yan dahil kung wala akong mapapala dyan edi babalik na lang ako kay Samuel" muli akong napangiti ng maalala ko ang sinabi niya
Ayieeeee kinikilig pa rin ako hayst
"Kung maaari lang ay maupo ka sa upuang nasa tapat ko upang mapag-usapan natin ang ukol sa bagay na 'yan" tumango tango ako saka ko siya tinalikuran at dire-diretsong umupo sa upuang nasa tapat daw niya
"So anong deal—este kasunduan 'yan?"
"Hangga't maaari ay ituring mo ako ng nakabatay sa katayuan ko sa tuwing may ibang taong nasa paligid natin at maaari mo akong ituring na kaaway o ano pa man sa tuwing tayong dalawa lang ang magkausap at sa mga oras na iyon lahat ng nais mong sabihin sa akin ay sabihin mo ngunit kapag may ibang tao sa paligid natin más mainam na isipin mo muna ang mga salitang bibigkasin mo upuang 'di ka mapahamak" napatingin ako sa kanya dahil sa sinabi niya saka ako ngumiti ng malapad "Bakit ganyan ka makatingin sa akin? may masama ba sa aking nasabi?" taas kilay na tanong niya habang nakasandal siya sa upuan niya
"Concern—este nag-aalala ka ba na baka mapahamak ako? ayieee sabi na eh may gusto ka sa akin hayst ang ganda ko talaga" napaflip hair ako ng wala sa oras dahil sa sinabi niya
"Binibini, nais ko lang malaman kung saan yari ang iyong mukha? sa bato o sa bakal?" tinignan ko siya ng masama dahil sa sinabi niya pero napakibit balikat na lang siya "Nais ko lang ipaalala sa'yo na ikaw ay isa na rin sa aking mga tagasilbi at kaya kita pinaaalalahanan ay dahil sa kaibigan ka ni Tinyente Samuel na siyang pinagkakatiwalaan ko, ayokong may masabi siya sa akin ng dahil sa'yo" napataas ang kanang kilay ko dahil sa sinabi niya
Okay..anong connect?
"Okay—este ayos I mean maliwanag heneral" bahagya akong napakamot sa kanang pisngi ko dahil sa sinabi ko
"Makakaalis ka na kung gayon bukas na bukas ay maaari ka ng mag-umpisa sa iyong trabaho. Sa ngayon ay magpahinga ka muna o 'di kaya'y maglibot ka sa loob ng mansyon upang mabatid mo ang bawat sulok ng aking tahanan" palihim akong napangiti dahil sa sinabi niya
Edi pwede akong pumasok ng kwarto niya?
Bigla siyang napasulyap sa akin ng mahina akong humagikgik
"Nais kong sabihin sa iyo na may mga silid na hindi maaaring pasukin ninuman kasali na roon..ang aking silid"
"Maliwanag ho tsaka duh wala akong balak na pumasok sa kwarto mo kasi hindi naman ako 'yung taong pakialamera" ngumiti ako ng isang ngiting magiging dahilan para mainlove sa akin ang isang lalaki
"Bueno, kung gayon ay lumabas ka na sa silid na ito at marami pa akong kailangang gawin" tumayo siya mula sa pagkakaupo niya saka niya inayos ang damit niyang nakusot "Antonio" sa isang tawag niya lang ay pumasok na ang lalaking nagdala sa akin dito "Llevarla al barrio de la doncella" (Being her to the maid's quarter) sandaling yumuko sa kanya ang lalaki saka ako binalingan nito
"Tayo na ho binibini" kinuha niya ulit ang mga gamit ko saka niya ako iginiya palabas ng pintuan. Hindi na ako lumingon kay heneral dahil ramdam kong nasa likuran ko siya naglalakad kasunod namin.
Nang medyo makalayo layo na kami ng konti, lumingon na ako at doon ko nakita ang papalayong bulto ng heneral. Kapansin pansin ang tindig niya habang naglalakad dahil
diretsong diretso ang tayo niya. Akala mo may meter stick na nakaglue sa likod niya na once na mawala ang magandang tindig mo ay mapuputol ito.
Muli akong tumingin sa harapan at halos mapatili ako ng mapatingin ako sa malaking bintana na nadadaanan namin. Kita mula rito ang malawak na hardin nila na halos puno ng iba't ibang uri ng bulaklak pero ang mas nakaagaw ng pansin ko ay ang rose na kulay lila (violet)
Kung hindi pa ako tinawag ng naghatid sa akin ay hindi talaga mawawala ang tingin ko sa violet rose na nakita ko.
"Salamat ho sa paghatid" nakangiting inabot niya sa akin ang mga gamit ko saka ito bahagyang yumuko sa harapan ko
"Walang anuman binibini, kung may kailangan ka ay huwag ka mahiyang magtanong sa amin. Ako'y mauuna na at marami pa akong gawain na naghihintay sa akin, paalam" pagkatapos niyang magpaalam eh yumuko ulit siya ng bahagya sa harapan ko saka tumalikod na at naglakad palayo.
Inilibot ko naman ang tingin ko sa kwartong pinagdalhan sa akin ni Mang Antonio. Simple lang naman sa loob nito may bintana sa kanan kung saan makikita mo mula rito ang mga nagsasaka na nasa mas ibabang parte pa pala ng lupain nila. Nasa 1st floor kami actually pero kung sisilip ka sa bintana iisipin mong nasa second floor kami kasi masyadong malaki ang gap ng height nung kinaroroonan namin at nung pinagsasakahan nila.
Malinis ang loob ng kwarto at medyo malawak ito kumpara sa isang classroom. Maaliwalas din tignan kasi kulay puti ang kulay ng mga dingding sa loob at 'yung sahig naman gawa sa kahoy na medyo pinakintab kasi kita ko kahit papaano ang reflection ko.
Naglakad ako papalapit sa isang aparador na may nakasulat na cajón de criada (maid's drawer)
Yung cajón lang naintindihan ko kaya for sure box meaning nun
Akmang bubuksan ko na ito ng biglang bumukas ang pintuan kaya napahawak ako sa dibdib ko dahil sa gulat
"Pasensya na ,nagulat ba kita?" halos mapairap ako sa tanong ng isang babaeng sa tingin ko ay ka age lang din ni Isabella
Napanguso ako ng maalala ko ang sinabi ni Isabella bago ako tuluyang umalis
"Binibini sa susunod na magtutungo ka rito dapat ay kasama mo ang iyong asawa at ang sampung supling ninyo"
Napangiwi ako ng dahil sa naalala ko,my gosh 10 ano ako? inahing baboy para manganak ng ganun karami?
"Binibini?" Napatingin ulit ako sa babaeng nasa harapan ko saka ako bahagyang ngumiti "Ano ulit sinasabi mo? paumanhin sapagkat hindi ko narinig ng maayos ang iyong sinabi" ngumiti lang ang babae saka ito tumango
"Ibig ipabatid ng heneral na isasama ka niya mamayang gabi sa isang handaan na gaganapin sa mansión ng mga Rividiego"