Run, Amanda, Run [COMPLETED]

By ROZIDELIGHT

1.5K 53 4

Never in his life did Giovanni imagine that he'd be hit by that arrow he never believed exists. He even swore... More

SYNOPSIS
PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
EPILOGUE

Chapter 2

34 2 0
By ROZIDELIGHT

Ang Ikalawang Kabanata:
Handcuffs


Maaga akong nagising dahil napag-alaman kong may activity daw ang isla para sa 10th anniversary daw ng isla. Mga iba't-ibang palaro lang daw ngayong umaga, and then party sa gabi. Ang galing naman! Tamang-tama ang napiling araw ni Freya para sa bakasyon ko.

"Magandang umaga, madlang dabarkaaads!" Natawa ako sa pagbati ng host. Pinaghalo ba naman ang pangbati ng dalawang show?

Naghiyawan naman ang mga kasama naming excited na sa mga palaro.

"Sasali ka sa mga laro?" Tanong ni Sam saakin.

"Of course!" Nakangiting sagot ko.

"Alam mo naman 'yan, walang aatrasan. Kayo nga tayo andito eh, 'di ba? Tss." Pagtataray ni Tracey umagang-umaga. Paano ba namang hindi? Hinila ko iyan mula sa kama para lang magising siya at makadalo kami rito.

Marami pang sinabi ang host tungkol sa event. Pagkatapos ng mahabang welcome remarks ng tagapangalaga ng buong isla na lola ng magkapatid na Hernandez, sinimulan na ng host na magbanggit ng mga palaro.

"And the last one, handcuffed for 12 hours." Napangisi ako sa huling laro. Iyon ang sasalihan ko.

"Kailangan lang namin ng limang players sa larong ito," bago pa niya maituloy ang pagpapaliwanag, naghiyawan na ang mga may gusto ng larong iyon.

"Calm down, folks. Hindi pwedeng lahat kayo, kasali rito. Lima lang. Ang limang mapipili ay mabibigyan ng tig-isang posas at mabibigyan sila ng karapatan na mamili ng sinumang gugustuhin nilang makasama sa laro. Bago kayo makapasok sa isla, may pinirmahan kayong magpapatunay na pumapayag kayo sa anumang pakulo ng isla para sa araw na ito kaya kapag meron mang magreklamo tungkol dito, wala rin iyong patutunguhan. Kaya lahat ng narito sa isla, ay magiging choice ng limang mapipili. Ngayon, lahat ng gustong sumali sa laro, isulat niyo ang pangalan niyo sa mga papel na hawak ng mga guards then ishu-shuffle natin at mamimili tayo ng limang lucky players." Paliwanag ng host. Nang mapunta sa gawi namin ang isang guard, kumuha ako ng papel.

"Woah. Sasali ka?" Tanong naman ni Sam na manghang-mangha. Duh, of course! Pagkatapos kong isulat ang pangalan ko, nilagay ko sa isang box na hawak niya.

"Mandee!" Pagsuway ni Tracey.

"Shut up. I'm doing my dare." Saad ko na ikinalaki ng mga mata niya.

"Don't tell me..."

Yes, I am doing the exact thing you're thinking, Tracey.

Nginisihan ko nalang siya at binalik ang atensyon sa harapan dahil hawak na ng host ang box.

"Now, I'm choosing the last one!" Bahagya akong kinabahan nang huli na iyon pero hindi pa rin nababanggit ang pangalan ko. Oh it's definitely my name you're holding, mister. Believe me.

"Woah! It's Amanda Robles everyone!" The host exclaimed.

Yeah, baby!

Binigay ko kay Sam ang cap ko at umakyat din sa stage.

"Amanda Robles," nakangiting kinamayan ako ng host, "never on earth did I imagine that you'll be cooperating in this kind of games." He said, grinning. It's not just a game. My dare depends on it.

"That means you don't know me that much yet." I grinned back at naki-linya sa apat pang players na nginitian ako. 'Yung isa namang babae kinawayan pa ako na parang kinikilig. I just smiled at her too.

Binigyan na kami ng tig-isang posas. Tinanong nila kami kung sino ang balak naming makasama.

"Sino kaya ang maswerteng napili ng isang Amanda Robles na makasama sa 12-hour game na ito?" Naghiyawan ang mga tao sa tanong ng host. Marami rin ang nagtuturo ng sarili nila na ikinatawa ko.

"It's Giovanni Ignacio." Nakangiting sagot ko nang itinutok niya na sa'kin ang microphone. Halata ang pagtataka sa mukha ng ibang nanonood. Siguradong mai-issue nanaman ito. Oh well, let those rumors be. It'll die down sooner or later anyways.

Tinanong nila ang pangalan para mahanap nila ang kinaroroonan ng mga taong napili namin para madali lang namin silang mahahanap. Hindi ko alam kung paano nila gagawin iyon pero nahanap nga nila.

"Currently, he's in Cabin 103." Aniya sa'kin na ikinangisi ko. Good. Alam ko na ang Cabin na ookupahin ko sa loob ng ilang araw. It's either 104 or 102. Gagawan ko iyon ng paraan. The nearer, the better.

Pagkatapos ng ilang minuto, pinayagan na niya kaming magpunta sa kinalalagyan ng mga napili namin.

Medyo malapit lang naman ang mga cabin dito sa pinag-set-up-an nila ng mini-stage.

"You're really crazy!" Bungad nanaman ni Tracey nang lapitan ko na sila na ikinatawa ko.

"Whatever. Ikaw ang nag-dare sa'kin nito, Tracey." Wika ko at tumawa. "Aalis na ako," kinuha ko ulit ang cap kay Sam at nagpaalam na. May nakasalubong pa akong ilang mga poging bagets na nakipagpa-picture sa'kin.

"Amanda, kapag hindi pumayag iyong Giovanni, ako nalang piliin mo. Willing ako!" Natawa ako sa sinabi ng isa.

"Sino ba ang tatanggi sa'kin? Walang makakatanggi sa'kin." Nakangising saad ko. "Bye!" Kinawayan din nila ako pabalik.

Nang makarating na ako sa harap ng Cabin 103, marahan akong kumatok. Ilang segundo pa ay wala paring nagbubukas.

"Ay tulog pa?" Napangisi ako nang sinubukan kong buksan ang pinto ay bumukas ito.

"Disente ka nga, hindi ka naman marunong mag-lock ng pinto." Walang atubili akong pumasok. Medyo maliit lang ang cabin pero malawak na ito para sa isang tao. Lumapit ako sa kama. Doon ay mahimbing siyang nakatulog.

Napabungisngis ako nang makitang topless ang bruho. Shocks! Palagi naman akong nakakakita ng hubad na katawan ng lalaki pero iba ito!

Muntik ko nang makalimutan ang pakay ko. Buti nalang nakakapagpigil pa akong hawakan ang fucking abs niya. Good thing he's asleep.

Nilagay ko na ang posas sa kanang palapulsuhan ko pagkatapos ay nilapit sa kaliwang palapulsuhan niya na nakalabas sa kama na parang handang-handa nang ma-posasan. Dahan-dahan kong ipinalibot ang posas saka ni-lock.

Nang saktong mai-lock, nagmulat naman na siya ng mata.

"Oops. My bad." Nakangising saad ko.

"Fuck!" Halatang gulat na gulat siya na nando'n ako kaya napaatras siya sa kama, syempre ang resulta, "ouch!" nasama ako.

Tengene. Napadagan ako sa hubad na fucking body niya.

"Shit..." napamura siyang muli habang mariin na nakapikit. Mauntog ko ba naman sa headboard.

Nakagat ko ang labi ko nang mapagmasdan ang mukha niya ng malapitan. Grabe, 'woke up like this' ang peg ng kagwapuhan niya. Magulo ang medyo malago niyang buhok but it made him look even more sexy.

"What on earth are you doing here?" Tanong niya nang makarecover na sa biglaang natamong sakit, "and what's with this?" Tinaas niya ang kamay naming dalawa na nakaposas saka ako tinignan sa mukha.

Shit. Ang lapit. Ang sarap halikan ng labi. Napalunok ako habang nakatingin sa naka-awang niyang labi. Marahan kong nilapit ang mga labi ko sakanya pero bago ko pa mailapit ng tuluyan, tinulak niya ang noo ko gamit ang hintuturo niya.

"Aray ah!" Reklamo ko.

"What's with all of these, woman? And please, get off of me." Tss. Inirapan ko siya bago sinunod ang gusto niya. Sayang hindi ako naka-isa. Wala rin siyang bad breath sa umaga. Sana all nalang.

"Answer me." Demanding?

"It's a game." Paninimula ko.

"What game?" Bago ko pa masagot iyon, mukhang nalaman o naalala niya na ang sagot sa tanong niya.

"Bakit ako kasali? Hindi naman ako sumali ah."

"Duh. Pinasok kita sa cabin mo so syempre, ako ang nagsali sayo. At bakit hindi ka ba marunong mag-lock ng pinto? Paano kung masamang-loob pala ako at pinosas kita sa headboard tapos piniringan at nilagyan ng tape sa bibig saka ginahasa? Gusto mo bang mangyari sayo ang gano'n?" Nakatakas ang kilay na wika ko.

"Bakit mo ako sinali?" Hanep, hindi manlang pinansin ang ibang mga sinabi ko.

"Kasi gusto ko?" Pabalang na sagot ko kaya sinamaan niya ko ng tingin.

"Alisin mo ito. Ayokong sumali."

"Uh-uh-uh. Hindi pwede. May pinirmahan ka. Hindi ka pwedeng tumanggi." Siya naman ngayon ang napa-irap.

"How long?" Mukhang may parte na sa kanyang pumapayag na.

"12 hours lang naman." Nakangising sagot ko.

"What?! No way!" Mariin na pagtanggi niya. Wala na iyang magagawa.

"Wala sa'kin ang susi kaya wala tayong magagawa. Twelve hours tayong nakaposas sa isa't isa." Nakangiti ako pero siya, iritadong-iritado na. Don't care.

"Shit." Pinalandas niya ang mga daliri sa magulong buhok niya. Mukhang nawalan na ng pag-asa.

"Ano'ng gagawin natin sa 12 hours na 'yon?" Pang-uusisa niya. Wala na siyang ibang magagawa kun'di mang-usisa nalang.

"Wala. 12 hours handcuffed lang. Challenge ito. Nagawa ko na 'to dati. Madali lang naman. 24 hours nga nagawa ko eh." Umani ng million views iyon sa youtube. Lalo pa't ginawa ko iyon sa kalagitnaan ng airing ng isang drama ko. Kasama ko sa challenge noon si Chase na ka-tambal ko sa drama.

"With?" Hindi niya mapigilang tanong.

"With my good friend, Chase."

"A guy?" Halatang iritado siya. "So you slept with him on one bed?"

"Of course. 24 hours nga eh." Sagot ko para mas lalo siyang maasar. Pero ang totoo, hindi naman talaga 24 hours. Umaga hanggang hatinggabi lang. Pinalabas lang naming 24 hours kahit hindi. I don't sleep with men, to be honest. Like, literal sleep-sleep, okay? But I do lie in bed with men. Hehehe.

Hindi makapaniwala niya akong tinignan. "Why do you trust men so much?" Komento niya.

I don't trust men, Gio.

"Bakit na iritadong-iritado ka? Nagseselos ka ba?" Panunukso ko.

"No. It piss me off that you're like that. You're a woman. You shouldn't be sleeping with a man especially when you don't have intimate relationship with him." Pagpapaliwanag niya sa sarili niya. At least he's honest. Para sa isang lalaki, masyado siyang pakialamero sa gagawin o gawain ng isang babae. Chos.

Hindi ko rin naman kasi masabing conservative siya kasi para sa isang lalaking kagaya niya, na Presidente ng isang entertainment company, imposible iyon. Let's just say he values women's dignity just as much as men's. Hindi naman sa wala akong dignidad ah, pero siguro para sa kanya, masyado akong care free at 'party girl'.

"Sure, sure." Iyon nalang ang nasabi ko. Pasok sa kanang tenga, labas sa kaliwa. Walang sinumang lalaki ang makakapagsabi sa'kin ng dapat at hindi ko dapat gawin sa mga kalahi niya. Kahit pa itong Giovanni Ignacio na ito.

"Ugh." He dropped on his bed.

"Kulang ako sa tulog. Let me sleep for a while."

"Can I lay down with you?" Halata ang excitement sa boses ko. Nagmulat siyang muli.

"Narinig mo ba ang sinabi ko kanina?"

Inirapan ko siya. "I'm cuffed with you. Ano'ng gusto mong gawin ko? Titigan ka habang tulog?" Okay lang din naman sa'kin iyon.

"Turn the television on. You watch while I sleep. Uupo ka. Hindi ka pwedeng humiga. Pero pakiusap, hinaan mo ang tv at huwag kang maingay."

"Ayokong manood ng tv. Papanoorin nalang kitang matulog. But I suggest na tumihaya ka at huwag kang magkukumot. That way, mananahimik ako." He glared at me as a response.

"Manyak."

With that one word from him and I burst out laughing my ass off.

Tinawag ba naman akong manyak? Galing pa talaga sa lalaki? Sa kanya?

Inismiran niya ako. "What? You're laughing because you admit you have a perverted mind?"

"I'm laughing because someone dared to call me manyak. And to top it all, a man called me that." I laughed again.

"Totoo naman. Manyak ka. You keep on ogling my body every chance you get." I chuckled.

"Judger ka ah." I chuckled. "I'm innocent until proven guilty." Wika ko at bumungisngis saka tumingin muli sa katawan niya na ikinairap niya.

Sa huli, hindi niya na nagawang makatulog pa. He decided to make himself a breakfast. Pero dahil hindi siya makakapagluto ng maayos, bread and butter nalang ang kinain niya saka nagkape. Ako naman, panay lang ang dada pero mukhang hindi niya ako pinakikinggan.

After his breakfast, we're now arguing again. He's glaring at me while I'm grinning.

"How am I supposed to put my shirt on?" He said, annoyed.

"Eh di huwag ka nalang magsuot?" Halata ang galak sa boses ko sa sinabi ko.

"You wish." Inirapan niya ako.

"Okay, okay. Gagawan natin ng paraan." I chuckled. "May muscle tee ka ba?" Umiling naman siya.

"A shirt and scissors?" Doon naman kumunot ang noo niya.

"If you did not bring a muscle tee with you, then let's cut one. Para may maisuot ka. A stretchable shirt if meron." I said. Dahil wala naman siyang ibang magagawa, sumang-ayon siya.

"Fine." Tumayo na siya at pupuntahan na sana ang maleta niya nang magreklamo ako sa sakit ng biglaang pagtayo niya dahil nasama ang kamay ko.

"I'm sorry." Agad niyang paghingi ng tawad. "You okay?" Marahan kong hinimas ang palapulsuhan ko saka nginitian siya at tumayo na rin.

"Tss. Kung may balak ka rin naman palang igapos ang sarili mo sa'kin, you could've made sure na hindi masyadong maiipit iyang palapulsuhan mo. Magkakapasa ka niyan. Ang hina naman ng utak mo." Napanguso ako sa sinabi niya. Kanina manyak, ngayon naman, bobo pero mas pinabango lang ng kaunti.

"Oo na, ang talino mo. Kumuha ka na ng damit mo at nang magunting natin." Utos ko na sinunod naman niya. Kumuha siya ng stretchable na plain black shirt saka gunting.

"Bakit may dala kang gunting?" Curious na tanong ko.

"Ano ngayon sayo?" What an annoying hunk. Sinimulan ko nang guntingin iyong damit para tuluyang magmukhang maging muscle tee pero tinantiya ko ang lawak ng magkabilang butas para magkasya ang katawan ko dahil syempre, kailangan nitong dumaan sa buong katawan ko bago niya iyon maisuot dahil sa pagkakaposas namin. Pagkatapos ay pinakita ko na sa kanya.

"Are you sure magkakasiya iyan sa katawan mo?"

"Is that an insult?" Sinimaan ko siya ng tingin.

"No, no. I mean... fine, try it." Nasabi nalang niya. Sinuot ko na ang damit niya pero sa kaliwang manggas ng damit ko nilabas ang ulo ko.

"Bumaba ka kaya?" Utos ko sa kanya na dahilan para irapan niya ako. Umupo na rin naman siya para mailusot ko na ng buo sa katawan ko ang damit.

"Kita mo na, kasiya." Proud na sabi ko. Nasa gitna na ng nakaposas na kamay namin ang muscle tee. Kinuha naman na niya iyon at sinuot. Napangisi ako nang makitang labas na labas ang muscles niya sa damit.

"You're enjoying this." Wika niya.

"Yes, Gio. I'm enjoying every bit of this situation." Pag-amin ko.

"Oh, you actually know my name."

"Hello, of course! I won't just barge into a man's room and cuff myself with him for straight twelve hours, Giovanni Ignacio. The Mr. President of YZ Entertainment." I said as a matter of fact.

"You're a stalker."

Great. First, manyak. Second, mahina ang utak. Now, I was called stalker for crying out loud.

-----♡-----

Continue Reading

You'll Also Like

1.8K 63 5
Franchesi Ylina dela Merced or Chesi fell in love with the Buenavista's third generation first-born Klaus Lorenzo the minute their eyes met when they...
463K 3K 14
CAUTION: SPG | R18 | Mature Content #1 in naked #1 in shadow #1 in blindfold #4 in cheating Miranda loves Fiore so much that she would offer him ever...
248K 8.2K 37
"You have no idea how my hands crave to roam around thirsty in your body with my tongue lusting to taste something I'm not allowed to.." Warning: Thi...
1.3M 19.7K 29
Si Nathalia at Nathaniel ay mortal na magka-away. Ang birong pagtatanan ay naging makatotohanan. Masasabayan kaya nila ang sayaw ng pag-ibig o ihihin...