Pagkatapos ng pag-uusap nina Dalton at Claire, napagkasunduan nilang huwag ipaalam kay Marie ang tungkol dito. Dalton has to pretend that he doesn't know anything about the struggles of Marie. Mang Kanor also agreed to keep everything between the three of them para rin sa ikabubuti ng dalaga. Para mapanatag ang kalooban ni Claire, nagpasya si Dalton na palitan ang numero ni Marie which is sinang-ayunan naman ni Claire.
Dumiretso sina Mang Kanor at Dalton sa bayan, para maghanap ng gagawa ng ID, bumili na rin ito ng mobile and SIM card para kay Marie. Madilim na nang makabalik sila sa farm II at minabuti na nilang magpalipas ng gabi doon. Pagkadating nila ng farm pinatawag ni Dalton ang lahat ng staff sa recreation area. Nandun na rin si Marie na halatang kagigising lang. Naririnig niyang nagbubulangan ang mga ito marahil ay nagtataka sila kung bakit sila pinatawag.
"Una sa lahat, Magandang Gabi, nandito na ba lahat?" Pangunang bati ni Dalton.
"Nandito na po."sabay sabay na sagot ng mga ito.
"Okay that's good! Thank you all for coming, malamang nagtataka kayo kung bakit ko kayo pinatawag ngayong gabi." Lumakas ang bulong-bulungan ng mga tauhan.
"This has nothing to do with your performance at work so huwag kayong mag-alala." Assured Dalton since nakikita niya ang pag-aalala sa mga mukha ng mga ito.
Nagpatuloy sa pagpapaliwanag ang binata sa mga gusto niyang ipatupad sa DY corp. Una na nito ang pagkakaroon ng ATM ng lahat ng manggagawa. Pagbibigay ng bonus aside sa 13th month pay kapag ka maging employee of the month sila 3 times in a row, nagpalakpakan at naghiyawan ang mga ito sa tuwa. Pero ipinaalam din niya na magiging mahigpit ang pagpapasok ng bisita sa farm not unless may patnugot ng mga namamahala. Nang matapos ang pagtitipon kanya kanya nang nagsi-akyatan ang mga tauhan sa papunta sa kanilang quarters.
"Marie, I need to talk to you in my office now!" Tawag ni Dalton sa papanhik na sanang dalaga.
Kinabahan si Marie, batid niyang may nagawa siyang ikinagalit nito kaya siya pinatawag. Naglalamig ang kamay niya sa kaba, sumunod na siya sa amo niya, ayaw niyang mawalan ng trabaho ngayon. Hindi pa sapat ang naipon niya para gagastusin niya papuntang abroad. Tahimik silang pumasok ng opisina, naabutan nila si Mang Kanor na nakaupo sa isa sa mga staff office desk at may kausap sa telepono, tumango lamang ito sa kanila at dumiretso na sila sa manager's office. Naupo na si Dalton, samantalang siya ay nakatayo lang at kinakabahan.
Nakajacket naman siya ng makapal, pero pakiramdam niya nanunoot ang lamig sa kanyang kalamnan. Si Dalton ay nakikiramdam lang din, hindi niya alam paano kakausapin si Marie without misinterpreting his action.
Hindi na nakatiis si Marie, lumapit siya kay Dalton at napaluhod na nagsusumamo ito sa amo niya.
"Sir patawarin niyo na po ako, huwag niyo po akong tanggalin. Parang awa niyo na po. Alam ko pong malaki po ang kasalanan ko po sa inyo." Garagal na boses nito na halatang pinipigilan niyang maluha.
Napatayo si Dalton sa pagkakaupo.
"Marie what are you doing, please stand, baka anong isipin ni Mang Kanor." Dalton
"Sir sorry na po talaga kahit bigyan niyo lang po ako ng isang taon. Isang taon lang talaga sir." Nakaluhod pa rin si Marie habang pinagdaop ang palad nito.
"Wait Marie, what are you talking about, I'm not gonna terminate you. Who gave you this idea." Napatawang saad ni Dalton.
"Sir! Totoo po! Promise sir hindi niyo ako tatanggalin? Peksman!" Sabay tayo, nilapitan niya ang kanyang amo at inabot ang kamay para mag pinky swear.
Napaatras si Dalton sa pagkabigla, hindi niya inaasahan na ganun ang maging reaction ng dalaga. He laugh at how she shifted from a crying woman to a child like character which he found cute.
"Ayan sir ha! Hindi mo na pwede pang bawiin, sealed na yung pinky swear natin. Siya nga pala sir bakit niyo nga pala ako pinatawag." Tanong nito sa binata.
"Oh okay, I almost forgot! Here." Kinuha ni Dalton ang paper bag sa na nasa loob ng drawer sabay abot nito sa dalaga.
"Ano po ito sir, next year pa po ang birthday ko, pero okay na din malapit na din naman ang pasko." Sabay bungisngis nito.
He was watching him open the bag. He's amuse with her gesture. Para siyang batang excited na magbukas ng regalo.
"Wow sir, ang ganda nito!" Napatili si Marie nang napagtanto niya kung ano ang laman ng paper bag. Isa itong bagong model ng telepono. "Sir sure po ba kayo na sa akin po ito? Seryoso talaga akin na ito ang Mahal po nito. Sir baka naman po may camerang nakatago dito tapos sasabihin nyo sa huli it's a prank!" Hindi makapaniwalang nakatingin si Marie sa teleponong nasa kamay niya habang iniikot ang opisina na para bang may hinahanap
Napahagalpak sa tawa ang binata, hindi niya inasahan ang ganung reaction ng dalaga.
"Yes Marie, it's really for you. You can say that it's because of your work dedication so I'm giving you an advance bonus from the company, and yeah it's ready to be you to be use. I've set it up and may SIM card na rin yan na nakalagay" Pagpapaliwanag ng binata sa hindi pa ring makapaniwalang dalaga.
"But I only have one favor to ask from you." Biglang seryoso ng mukha ng binata
"I'm giving you this company phone that means it should be with you at all time." Mautoridad na saad nito.
"Ay naman sir, okay po! Salamat po dito sir." -marie.
"Now you can go and take a rest." Pagtataboy nito sa dalaga.
Agad namang tumalima ang dalaga, nagpasalamat ito habang palabas ng opisina, sumispol sipol pa ito. Sinundan niya ng tingin ang dalaga, she went to Mang Kanor and hugged him smiling. Pinakita nito ang ang cellphone sa matanda. Kung hindi mo kilala ang dalawa mapagkakamalan mo talaga na mag-ama ang mga ito. Mang Kanor tapped her head and she headed out the office. Nagpasya na siyang magpahinga at may meeting pa siya kinabukasan with the bank personnel para sa payroll process ng mga empleyado nito.
Kinabukasan naging abala na ang lahat sa kani-kanilang tungkulin si Mang Kanor ay bumalik na sa Farm I, nagpahatid na lang ang matanda sa driver dahil maaga pa lang ay lumuwas na ng bayan si Dalton. Si Marie naman ay abala din sa pagsusupervise ng mga tauhan sa Farm II. Pagkatapos ng routine check sa dalawang bahay, napagpasyahan niyang magpalagay ng mga bato at graba sa daanan para kahit papaano hindi mahihirapan ang mga sasakyang papasok at magdadala ng feeds at rice hulls. Since maganda naman ang panahon at parang walang sign na uulan pinatawag niya ang ibang mga tauhan para magpahakot ng mga bato. Nag-order din siya ng graba para pang filling pagkatapos na maisalansan ang mga bato sa daan. Gamit ang back hoe at ang hiniram na pison ay sinimulan na nila ang pag-aayos nito. Habang abala ang iba sa paghahakot, kinuha niya ang cutting hedge scissor sa tool house at nagsimulang i-trim ang Gardenia na ginawa niyang boulders sa opposite sides ng daanan pinalagyan din niya ito ng fertilizer na gawa din nila. Nagtanghalian lang sila at bumalik agad sa kani kanilang trabaho alas singko na ng hapon nang matapos nila ito. Nagpunta muna siya ng opisina para maghanda ng daily progress report and attendance, pagkatapos ay nagpunta na ng mess hall para kumain ng hapunan. Nang matapos na ito ay pumanhik na si Marie sa kwarto niya para makaligo at makapagpalit na din ng damit. Habang nagpapaantok minabuti ni Marie na manood muna ng Korean series dala ang kanyang laptop nagpunta siya ng sala at ikinunekta ang laptop sa TV wala naman kasing nagamit ng neto kasi lahat sila nasa kani-kanilang telepono nanonood. Ang iba naman ay nagbabasketball sa recreation area. Dahil sa pagod nakatulogan ni Marie ang pinanood na palabas sa sala ng workers quarter.
Kinagabihan pagkadating ni Dalton hinanap agad nito si Marie para masort out at ATMs na dala dala na niya, kailangan nilang magawa ang payroll immediately para maideposit sa banko at hindi madelay ang sahod ng mga empleyado. Tinatawagan niya ito pero hindi naman sinasagot ang kanyang mga tawag. Lumabas siya ng opisina upang tanungin si Mila nang makita niya itong pumasok sa opisina para magdala ng listahan ng stock na kailangang bilhin.
"Mila, nakita mo ba si Marie somewhere." Tanong nito Kay Mila.
"Kanina po kumain sa mess hall, baka po nasa kwarto na niya at nagpapahinga napagod siguro yun kanina sir, buong araw kasi nila inayos ang daanan ng Farm." Sagot nito sa amo.
"May kailangan po ba kayo sa kanya, ako na po tatawag sir." Pagpapatuloy nito
"It's okay Mila alam ko pagod ka rin, I'll go call her myself." Sagot nito.
Sabay silang lumabas ng opisina, si Mila ay pumunta sa asawa niya sa mini grocery na siyang magbabantay ngayon. Samantalang ang iba ay naglalaro ng basketball at baraha. Habang papunta ng employee quarter hindi maiwasan ni Dalton na maalala ang sinabi ng ate ni Marie na si Claire bago sila umalis sa bahay nito.
"Dalton please take care of Marie, ang laki ng trauma ng bata sa naranasan niya. Hindi niya pinapakita kasi natatakot siya na ijudge. Hindi madali ang makaranas ng pangmomolestiya." Dahil abala ang isip niya Hindi niya napansin ang bola na paparating natamaan siya nito sa ulo.
"Ouch!" Habang minasahe ang part na natamaan.
"Sir sorry po, Di po namin sinasadya" sabay sabay na humingi ng paumanhin ang MGA eto.
"No it's okay, I'm okay" he smiled and extended his arms to show them that he is okay.
Pagdating niya sa taas Ng quarters naabutan niya si Marie na tulog, naka pajama at t-shirt ito, ang isang paa ay nakapatong sa sandalan ng sofa while the other feet ay nakapatong sa arm rest, ang t shirt niyang nakalilis at malapit nang maexpose ang upper body part nito. Nagmamadali siyang lapitan ang dalaga at pinangko Ito para ipasok sa kanyang kwarto.
"What the hell are you doing Marie. Are you trying to harm yourself. For Christ sake your not alone in this barracks." Panenermon babang karga karga ang dalaga, na tulog pa rin. Nang makapasok ng kwarto inilapag niya ito sa kama at kinumutan. Pinagmasdan niya ang mukha ng dalaga, she looks like an angel hindi mo nga lang ito mapapansin kung hindi mo ito titigan matagal. She's so innocent and if titigan mo lang siya, you won't see hardship in her face, hindi namalayan ni Dalton na habang tinititigan niya ang dalaga ay sumasabay pala ang palad niya sa paghaplos. He is tracing lines on her eyebrows down to her cheeks, caressing the contour of here face. Napalunok si Dalton sa dalang sensasyon ng paghaplos nito mukha ng dalaga, her soft brown skin, ang maliit niyang ilong na bumagay sa pahaba nitong mukha, those luscious lips na medyo nakaawang pa.
"O God Marie why are you doing this to me." Mahinang sambit nito, something inside him makes him want to touch her. He was not easy to be seduced but effortlessly Marie has something that entice him. Kailangan na niya umalis at baka kung ano pa ang magawa niya. He have to take a bath to ease what he felt inside of him. Nasa pinto na siya ng biglang sumigaw si Marie.
"Please Tito huwag po, maawa po kayo sa akin." Nanaginip ito, nakapikit at dumadaloy ang luha sa mga mata ng dalaga. "Tito parang awa mo na, huwag po, huwag po. huwaaaag! Pinagpapawisan ito at pabalingbaling sa higaan na parang bang may iniiwasan.
Dalton immediately run to her side.
"Marie, Marie wake up your dreaming! Niyuyugyug nito si Marie para gisingin. "Marie, wake up."
Nagising si Marie na parang takot na takot, iwinaksi niya ang kamay ni Dalton at tinulak niya ito, habang umuusad palayo sa binata. She hugged her both legs with his hand and look at him with fears in her eyes.
"Marie, it's me Dalton, don't worry wala akong gagawin na masama sa iyo. Your dreaming." He hugged her and caress her hair and her back. "It's okay I'm here I wont let anything bad happen to you." Letting her lean into his shoulder and let her cry. Dahil sa pagod at kakaiyak nakatulog ito sa balikat ng binata.
---+++++---+++---++++----++++----++++--
We might be hurt but for people not to judge us we have to put on that mask and continue to live life.
Thank you for waiting and hope you like this chapter.
-----------******-------------********------