The Atrocious Gangster

By Son_of_Zeus31

2.6K 205 170

Blade Ashford is not a typical teenager, he was known to be a genius in his school. But everything came crash... More

The Atrocious Gangster
Prologue
Chapter 1: A New Beginning
Chapter 2: Her
Chapter 3: Fight
Chapter 4: Liaison
Chapter 5: Death
Chapter 6: Aftermath
Chapter 7: Training
Chapter 9: Declaration of Love
Chapter 10: Annihilators Gang
Chapter 11: Knight of Hell
Chapter 12: Pink Lipstick
Chapter 13: Romantic Entanglement
Chapter 14: Grumble
Chapter 15: Mini Olympics
Chapter 16: Gangster Royale
Chapter 17: Courtesan
Chapter 18: Mystery Box
Chapter 19: The Dark Side
Chapter 20: Double-crosser?
Chapter 21: The Realms
Chapter 22: Calm Before The Storm
Chapter 23: Racketeer
Chapter 24: 3 Wishes
Chapter 25: Bitter And Sweet
Chapter 26: His Bloodlust
Chapter 27: Unexpected Legerdemain
Chapter 28: Affaire De Coeur?
Chapter 29: Operation Lovestruck
Chapter 30: His Loyalty
Chapter 31: Needle On A Haystack
Chapter 32: Shattered Heart
Chapter 33: Sunsets And Onsets
Chapter 34: Surrender Of Sovereignty
Chapter 35: Black Wolf Or White Wolf
Epilogue
TAG Playlist
Bonus Chapter

Chapter 8: Leniency

59 9 8
By Son_of_Zeus31

Krista's POV


It's been 4 days simula ng hindi namin kinakausap si Blade. I must admit namimiss ko na siya at yung mga panahong okay pa kaming lahat. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit nagbago siya ng biglaan.


Pagkadating ko sa room, nagulat ako ng makita si Blade na nakaupo at nakatingin sa labas ng bintana. Lumingon ito sa akin pero hindi ko ito pinansin at umupo nalang sa upuan ko. Hindi ko siya kayang tignan dahil pakiramdam ko, ibang Blade na ang kasama ko ngayon.


"Krista, can you call Simon and Jacob? I need to talk to the three of you." Saad nito sa akin.


"Bakit? Wala na naman tayong dapat pag-usapan pa. You made it clear to us four days ago." Sambit ko ng hindi siya tinitignan.


"Just please do it. I just wanna talk, please Krista." Sambit nito.


Hindi ko napigilang mapatingin sa kanya, hindi ko alam pero I felt longingness when I saw his face. I still love him despite of him being a jerk.


"Okay fine." Mataray na sambit ko.


Tinext ko kaagad sina Simon at Jacob na pumunta as soon as possible dito sa school dahil gustong makipagusap ni Blade. I urge them that we should listen to what Blade wants to say.


"They're on their way here." Sambit ko at naupo ulit sa upuan ko.


30 minutes have passed but still no sign of Simon and Jacob. What's taking them so long? I glanced at Blade and he's still looking outside without moving an inch in his seat. Nagsimula ng dumating ang iba naming mga kaklase.


Pumasok sa room sina Jacob at Simon at lumapit sa amin.


"Anong gusto mong pag-usapan Blade?" Walang interes na mababakas sa tono ng boses ni Simon ng banggitin yun.


"I just wanna say--" Naputol ang sasabihin niya ng dumating na ang prof namin.


Wrong timing naman ang dating nito ni Sir ehh.


"Pagkatapos ng klase magusap tayo sa rooftop." Sambit ni Blade ng hindi kami tinitignan at nakinig na ito sa klase.


Natapos ang klase namin ng hindi kami naguusap na apat. Ang awkward! Hindi ko kaya ng ganito. Tumayo na si Blade at lumabas ng room. Nagligpit na din kami ng gamit at pumunta na sa rooftop.


"Ano sa tingin niyo gustong sabihin ni Blade sa atin?" Tanong ni Jacob.


"Ewan ko at wala akong pakialam, pakikinggan ko lang bilang respeto sa gusto ni Krista." Seryosong sambit ni Simon.


"May idea ka ba Krista?" Tanong ni Jacob sa akin.


"Wala nga ehh, sinabi niya lang na itext or tawagan ko daw kayo kasi gusto niya tayong makausap tatlo." Sagot ko sa tanong ni Jacob.


Pagkadating namin sa rooftop nakita namin si Blade na nakatayo sa edge ng building habang nakapamulsa.


"Anong gutso mong sabihin? Bilisan mo at wala akong oras para dito." Diretsong sambit ni Simon.


"Simon." Panunuway ko ng mahina dito.


"Bakit Krista? Nilinaw na niya diba na ayaw niya ng pinapakialaman natin siya at ayaw niya na tayong maging kaibigan." Sambit ni Simon.


"Ano, wala kang sasabihin Blade? Hindi ka magsasalita?! Anong kailangan mo? Dalian mo at sabihin mo na." Bulyaw ni Jacob.


"14 days ago... nung bigla akong umalis nung nasa foodcourt tayo... I had an emergency...itinakbo sa ospital ang lola ko dahil inatake ng sakit niya..." Sambit nito na nagpatahimik sa amin.


"She has been suffering for a long time... and that day... she died... She's the most important person to me..." Pagpapatuloy nito.


"Blade.." Sambit ko.


"I'm sorry.. we didn't know..." Mahinang sambit ni Simon.


Humarap siya sa amin at nagulat kami ng makita itong umiiyak. He looks devastated! This was the first time we saw him cry.


"Sinadya kong hindi sabihin sa inyo dahil nawalan ako ng gana sa lahat... I blamed myself for not hurrying over... Hindi ko naabutan ang huling paghinga niya.." Umiiyak na bumaba ito sa edge ng building.


"Ginawa ko lahat para malaman kung anong totoong dahilan at nagtrigger ang sakit niya... And kapag nalaman ko kung sino ang dahilan kung bakit namatay siya... Pagbabayarin ko siya..." Sambit nito habang pinupunasan ang mga luha niya.


Tumalikod ito sa amin at tumingin sa langit. Tahimik lang kaming tatlo dahil hindi namin inaasahan ang mabigat na dinadala ni Blade.


"I'm sorry if I said something harsh to the three of you... I'm sorry if I hurt you while I am hurting..." Sambit nito at humarap sa amin.


"Can you still accept me as your friend? Hindi ko maipapangakong babalik ako sa dati pero I will try to be nice to all of you." Seryosong sambit nito.


Niyakap ko siya at hindi ko na napigilan ang mga luha ko. Ang sama kong kaibigan dahil hindi ko man lang napansin ang sakit na nararamdaman niya.


"Syempre naman! Kaibigan mo pa din kami, sorry hindi namin alam ang rason kung bakit ka nagbago.. We failed as your friend.. Sorry Blade..." Sambit ko.


Sumunod naman sa yakap sina Simon at Jacob. Nagyakapan lang kami ng ilang minuto para maramdaman ni Blade na hindi siya nag-iisa sa nararamdaman niya.


Jacob's POV


Matapos ang dramahan namin sa rooftop, bumaba na kami at pumunta sa cafeteria dahil ang alagang ahas sa tiyan ni Simon nagrereklamo na. Pagkadating namin umorder na kaagad kaming apat ng makakain.


"Ano inorder mo Simon?" Tanong ko.


"Porkchop, Steak at Spaghetti." Sagot nito.


Kahit kailan talaga si Simon napakatakaw at ang lakas lumamon, hindi naman tumataba, may bulate ata ang taong ito ehh.


"Ikaw Blade?" Tanong ko.


"Pizza, Fries and Burger." Tugon nito.


Ito namang si Blade masyadong nasanay sa fast food HAHAHA. Well masama sa health yan tsk tsk.


"Ikaw Krista? Ano inorder mo?" Mapang-usisa kong tanong.


"Salad and fruit cocktail." Ngumunguyang sagot nito sa akin.


Ito namang si Krista pinaglihi ata sa kalabaw, napakahilig sa damo. Sa susunod ang ioorder ko sa kanya Bermuda grass panigurado matutuwa itong babaeng herbivore na ito. Mabuti pa ako sakto lang, ako lang ata ang matino sa aming magkakaibigan eh HAHAHA ako lang din ang gwapo.


"Saan tayo pupunta later pagkatapos ng klase? You know para naman makapagbonding na tayo ulit." Tanong ni Krista.


"Oo nga para naman makabawi tayo sa hindi natin paguusap ng ilang araw." Dagdag ko sa suhestiyon ni Krista.


"Ano sa tingin mo Blade? Okay lang ba?" Tanong ni Simon.


"Hindi ako pwede mamaya. May importante akong gagawin, sorry. Hope you guys understand." Sambit nito.


"Anong importante yung gagawin mo Blade?" Tanong ko.


"Hayaan mo na nga siya Jacob, sa susunod nalang tayo gumala kapag lahat tayo free na okay?" Sambit ni Simon.


"Oo nga Blade, wag kang mag-alala okay lang we understand." Nakangiting sambit ni Krista.


"Thank you sa pag-intindi guys." Saad ni Blade.


"Sige na nga ipagpatuloy na natin ang pagkain at malapit na ang bell. Yari na naman tayo sa prof natin kapag nalate tayo. Terror pa naman yun." Nagpapa-alalang sambit ni Krista.


Habang kumakain kami bigla nalang lumapit si Ian sa table namin. Ano na naman kaya ang kailangan ng dugong na ito sa amin?


"Aba Blade, mukhang okay na kayo ng mga kaibigan mong nerd ahh. Akala mo ba nakalimutan ko na yung atraso mo sa akin?" Mayabang na sambit ni Ian.


"Tumigil ka nga Ian, hindi ka pa ba nadadala nung sinuntok ka ni Blade? At tsaka anong atraso niya ang sinasabi mo? Baliw ka ba?" Asik ni Krista.


"Manahimik ka nga babae!" Sigaw ni Ian at dapat sasampalin na si Krista pero napigilan ito ni Blade.


"Wag mong subukang idikit ang madumi mong kamay sa mukha ng mga kaibigan ko or kahit saang parte ng katawan nila kung ayaw mong dumugo yang pagmumukha mo." Bakas ang pagbabanta sa boses na banggit ni Blade.


Xzander's POV


Kakagaling lang namin nina Cree at Zyan sa SWAT Office dahil inutusan kami ni Zaylee na puntahan at siguraduhing nagkabati na si Blade at ang mga kaibigan nito. Like bakit kailangan pa naming pakialaman yun? Nakakainis.


"Naiinis ako badtrip." Sambit ni Zyan habang naglalakad kami papuntang cafeteria.


"Kaya nga ehh, bakit ba kasi kailangan pa nating siguraduhin yun? Ano bang mapapala natin dun?" Inis na bulalas ko din.


"Sumunod nalang tayo. Kung may problema kayo, kay Zaylee kayo magpaliwanag." Mapanghamon na saad ni Cree.


"Sabi ko nga gagawin na natin eh haha." Sarkastikong turan ni Zyan.


"Tignan niyo, hindi niyo nga kayang magreklamo kay Zaylee eh hahaha wala pala kayo ehh." Tumatawang saad ni Cree.


"Bakit ikaw, kaya mo? Hindi din naman ah? Puro ka lang yabang takot ka din naman." Sambit ko.


"Shut up." Tugon ni Cree habang seryosong nakatingin sa harap.


"Wag mo akong masabihan ng shut up baka sapakin kita diyan." Hamon ko.


"Hindi, tignan niyo yun. Anong nangyayare dun?" Saad ni Cree.


Tinignan namin ang kumpulan ng mga tao at nagtatakang nilapitan namin ito. Hindi namin inaasahan na makikita namin si Blade na hawak ang braso ni Ian.


"Ano na naman bang ginagawa niyang Ian na yan? Hindi ba yan nadadala sa mga parusa niya?" Sambit ni Zyan.


"Tara, lapitan natin bago pa siya mabugbog ni Blade." Sambit ni Cree.


Lumapit kami sa kanila pero susuntukin na dapat ni Ian si Blade pero nasalo ni Zyan ang kamay ni Ian.


"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo, Mr. Santos?" Sambit ni Cree.


"W-wala po." Tila gulat na turan nito.


Binitawan na ni Zyan ang braso ni Ian kaya tumakbo ito palayo kasama ang mga kaibigan nito. Inilibot ko ang paningin ko sa mga taong nanonood sa nangyare.


"Tapos na ang palabas, ituloy niyo na ang mga ginagawa niyo!" Sigaw ko sa loob ng cafeteria. Dali-dali namang nagsialisan ang mga nanonood sa nangyare pagkatapos ng sinabi ko.


Pagkabalik ng atensyon ko sa lamesa nila Blade, tumayo ang kaibigan niyang si Simon at yumuko sa aming tatlo nila Cree at Zyan.


"Magandang hapon po sir!" Sigaw at pagbati ng kaibigan ni Blade.


Tumango lang kami at nginitian sila. Umupo si Cree sa tabi ni Blade na siyang ginawa din namin.


"Hello Blade!" Nakangiting sambit ni Cree dito.


"Yo." Maikling turan nito.


"Kamusta ka na nga pala? Ginugulo ka pa din pala nung Ian na yun?" Tanong ni Zyan.


"Hindi naman. Kahit naman manggulo siya lalaban ako." Seryosong sambit nito.


"Nga pala, wag mong kakalimutan yun okay?" Nakangiting sambit ni Cree.


"Tara na, need na nating magreport kay General." Sambit ko na kumuha ng atensyon nilang lahat.


"Kahit kailan killjoy ka Xzander." Nakasimangot na sambit ni Cree.


"Sige Blade, aalis na kami. Enjoy sa inyo ng mga friends mo." Turan ni Cree.


"Sige." Maikling tugon ni Blade.


Krista's POV


Pagkaalis na pagkaalis nung tatlong officer ng SWAT, napatingin kaming tatlo kay Blade na tila naghihintay sa paliwanag nito tungkol sa kung anong nangyare.


"Kilala mo sila Blade??" Tanong ni Simon.


"Yeah." Sagot nito.


"Paano? Like how did you know them??" Dagdag tanong ko.


"Nung nakaaway ko si Ian, nung kinuha nila ako. Nakilala ko sila pati na din si General." Tugon nito.


"What the? Seryoso? Anong ugali nila? Hindi ko nakikita ang mga high ranking officers ng SWAT ehh." Bulalas ni Simon.


"I don't know. Basta after nun, masyado na silang feeling close sa akin." Blangkong saad nito.


"Nakakatakot ba ang ugali ni General? Ano nga palang nangyare nun? Anong punishment mo?" Mapangusisang tanong ni Jacob.


"Annoying si General. Hindi siya nakakatakot, nakakainis siya." May inis na sambit ni Blade.


Tumayo na ito at lumabas ng cafeteria, ganun nalang din ang ginawa naming tatlo dahil malapit na din naman ang bell, mahirap ng malate sa klase ni Mr. Williams.


Nagklase lang and as usual hindi pa din sumasagot si Blade sa mga tanong ng prof kaya kami ang tinatawag dahil sa amin niya binibigay ang mga sagot. Overall natapos ng maayos ang klase ngayong araw.


"Blade, sabay sabay na tayo umuwi." Sambit ko.


"Makakasabay ako sa inyo hanggang sa gate lang ng school. I told you, I need to do something." Turan nito sa akin.


"Okay lang yun Blade, ang importante sabay tayo HAHAHA." Saad ni Jacob.


"Yun naman pala eh. Dalian niyo na dahil anong oras na. Need ko pa ding umuwi na at need ko magreview para sa quiz bukas." Nakasimangot na bulalas ni Simon sa amin.


"Oo na ayan na, konting hintay naman Simon. Kahit anong review mo mangongopya pa din naman tayo kay Blade eh HAHAHAHA." Tumatawang bulalas ni Jacob.


"Mukhang proud na proud ka pa Jacob na mangongopya ka ahh? Hindi ka ba nahihiya kay Blade? Dapat mag-aral ka ng mabuti para sa future mo." Panenermon ko sa kanya.


"Oo na, magrereview naman talaga ako eh." Turan nito.


Habang naglalakad kami sa hallway ng school, hindi ko mapigilang mapatingin sa mukha ni Blade, may mga pasa ito at parang palagi itong nakikipag-away. Ano kaya ang ginagawa niya at ganyan ang mukha niya. Gusto ko siyang tanungin pero natatakot akong pakialaman ang desisyon niya sa buhay.


"Blade?" Pagtawag ko sa kanya.


"Ano yun Krista?" Tugon nito ng hindi ako tinitignan.


"Bakit may band aid ka sa mukha? Anong nangyare diyan?" Tanong ko.


"Wala yan, wag mo ng alalahanin Krista, I'm fine." Sagot nito sa akin.


"Alam mo naman diba na you can always talk to me if may something na nagbabother sa iyo, right?" Dagdag tanong ko sa kanya.


"Yeah. Alam ko naman yun, thanks sa concern Krista pero scratch lang yan." Pangungumbinsi nito sa akin.


"Okay, basta nandito lang ako always." Turan ko habang seryoso siyang tinitignan sa mukha.


Tumango lang ito sa akin. Hindi ko namalayan na nandito na pala kami sa exit ng school. Isa-isa na kaming nagpaalam na uuwi na. Nauna ng umalis sina Simon at Jacob dahil magrereview pa daw silang dalawa para bukas. Naiwan kaming dalawa nalang ni Blade dito.


"Hindi ka pa ba uuwi, Blade?" Tanong ko sa kanya.


"Uuwi ako kapag nakasakay ka na." Sagot nito.


"Okay lang naman ako Blade eh. Sige na mauna ka na." Pagpupumilit ko sa kanya.


"Okay lang yun, may hinihintay pa din naman ako dito ehh." Turan nito na nagpakunot ng noo ko.


"Sinong hinihintay mo Blade?" Tila naguguluhan kong tanong sa kanya.


"Kaibigan ko sa dati kong school, nakikipagkita siya sa akin ngayon dahil may kailagan daw siyang sabihin sa akin." Tugon nito sa mga tanong ko.


Dumating na ang sundo ko kaya kinailangan ko ng sumakay. Bago ako sumakay sinulyapan ko muna ulit si Blade.


"Mauuna na akong umuwi Blade ah? Ingat ka sa biyahe. Bye for now." Pagpapaalam ko sa kanya.


"Okay sige. Ikaw din ingat kayo pauwi." Kumakaway na tugon nito sa akin.


Zyan's POV


Kanina pa kami naghihintay na umalis ang babaeng kaibigan ni Blade para makalapit na kami dito pero sobrang tagal naman ata ng sundo ng babaeng ito. Makalipas ang halos 30 minutes bago dumating ang sundo nito. Sa wakas aalis na din siya, nagugutom na ako.


"Ang tagal namang umalis nun Blade." Sambit ko.


"Natagalan daw ang sundo niya. Kanina pa ba kayo naghihintay sa akin?" Tanong nito.


"Oo, kanina pa at late na tayo. Mapaparusahan na naman tayo ni Commander nito." Nakasimangot na sambit ni Cree.


"Pasensya na kayo nadamay pa kayo. Pero hindi na dapat ninyo ako hinintay, alam ko na naman ang papunta sa HQ." Nakapamulsang turan nito at naglakad na sa sakayan.


"Oo nga pero inutos sa amin ni--" Hindi ko na naituloy ng batukan ako ni Cree.


"Manahimik ka nga Zyan. Bobo." Nagbabantang tingin ni Xzander sa akin.


"Okay sige, bakit nga ba nagpatawag ng meeting si Commander?" Tanong nito.


"Hindi namin alam basta dapat nandun tayo." Tugon ni Cree sa tanong ni Blade.


Hindi ko gets kung bakit everytime kasama ko si Blade, naaalala ko si Commander. Tss magkaugali kasi sila sa halos lahat ng aspeto eh. I hope handa ka na Blade dahil malapit na ang araw na yun. Judgement day is coming your way, faster than any of us thought.


~ To be continued...

Continue Reading

You'll Also Like

320K 25.6K 43
الأدعج" قـاع الظلام " تنـتظـِركم لـيالـي قاسيه وعيـُون لاتنـّام وأيـام سوداويه فـْي أعـماق قــاع الضلام هـيا يـا رِفـاق انـتـّزعو ثـُوب النجاة ل...
2.1K 152 67
"A princess who dreamed of a peaceful life, will rule over other kingdoms." ___________ Ava Cyprus always wanted to have a peaceful life. But guess...
16.7K 5.1K 60
Si Rhia Evenir ay 17 years old na babae na kinukutya sa kanyang anyo. Isang araw ay bigla silang napunta ng mga friends niya sa Mahiwagang kaharian n...
1.7M 17.5K 3
*Wattys 2018 Winner / Hidden Gems* CREATE YOUR OWN MR. RIGHT Weeks before Valentine's, seventeen-year-old Kate Lapuz goes through her first ever br...