Jema's POV
Isang buwan na mula ng magsimula ang PVL at nasa round 2 na kami ng eliminations,so far maayos naman ang performance ng team namin
Ang collegiate tapos na ang eliminations,pag game day kasi tatlo yung laro sa isang araw kaya mabilis silang matapos
Ngayon student mode muna sina Deanna kasi may 2weeks pa naman sila bago sila maglaro ulit
UST ang kalaban nila sa semi finals
"Guys alis na muna ako" sabi ko kela Kyla pagdating ko sa sala
"Sige Jema" sagot nila
"Ay teka,dito ka ba maglalunch?" tanong ni Ate Pau
"Hindi po Ate" sagot ko
"Ah okay,sige ingat ka" sabi niya
Lumabas na ako at sumakay na sa sasakyan ko then nagdrive na ako paalis
Since ako lang naman mag isa dito nakinig lang ako sa music at kumakanta kanta rin pag alam ko
Ilang minuto lang ay nakarating na ako sa office ng rebisco
Nagpark na ako and bumaba na ng sasakyan then naglakad na papasok sa loob
Dumiretso ako sa office ni Sir Jonathan
"Good morning Ms. Galanza" bati sakin ng secretary niya
"Good morning,nasa loob po ba si Sir Jonathan?pinapunta niya kasi ako dito" tanong ko
"Nasa conference room po sila,sumunod po kayo sakin" sagot niya sakin
Nauna na siyang maglakad at ako naman sumunod na sa kanya
Pagdating sa conference room pinapasok niya na ako
"Good morning po" bati ko sa kanila
"Good morning Jema" sagot nila
Lumapit naman ako sa kanila
"This is Ms. Williams and her assistant" sabi ni Sir Alan "Ms. Williams meet Jema Galanza"
"Good morning Ms. Williams" sabi ko sa kasama nilang nandito at sa assistant niya
"Good morning Ms. Galanza,nice to meet you" nakangiti niyang sabi
Nagshakehands kami at umupo na kami
"Pinatawag ka namin dito Jema kasi gusto ka daw makausap ni Ms. Williams" sabi ni Sir Jonathan
"My assistant and I came here to personally talk to you" sabi ni Ms. Williams
"About what?" tanong ko
May inabot naman siyang folder,binuksan ko yun at tinignan ang papers
"I am a volleyball coach in new york and that's a proposal letter from our team.We've seen your games since 2017 and we want you to play for our team as an import" sabi niya sakin
Nagulat naman ako sa sinabi niya,hindi ko naman ineexpect na may mag ooffer sakin ng ganito
"If you accept our offer we will take care of everything you need for your stay there" sabi niya ulit
Sinabi niya naman sakin yung details ng offer nila
"So Ms. Galanza,will you accept our offer?" tanong niya sakin
Napatingin naman ako sa mga boss ko
"If you want to accept it Jema hindi ka namin pipigilan,susuportahan ka pa namin" nakangiti nilang sabi
Napangiti naman ako
"I will accept it Ms. Williams" nakangiti kong sabi
"Great,by the end of this year we will come back and we will bring some papers" sabi niya sakin
Nag usap muna kami saglit then nagpaalam na sila at umalis na
"Sir Alan,Sir Jonathan sure po ba kayong okay lang na tanggapin ko yun?" tanong ko
"Oo naman" nakangiti nilang sagot
"Pero paano ang pamilya mo?si Deanna?" tanong ni Sir Jonathan
Oo nga pala,baka magalit si Deanna sakin
"Kakausapin ko nalang po sila" sagot ko sa kanya
Nagkwentuhan na muna kami dito tungkol sa offer sakin
After nun nagpaalam na ako at lumabas na dala yung papers
Pumunta na ako sa parking lot at sumakay na sa sasakyan ko,tinext ko muna si Deanna then nagdrive na ako paalis
Ilang saglit lang ay nakarating na ako sa Japanese resto kung saan kami magkikita ni Deanna
Nagpark na ako at bumaba na,nilock ko yung sasakyan ko at pumasok na sa loob
Pumunta ako sa table kung nasan siya
"Hi love,kanina ka pa?" tanong ko sa kanya at umupo
"Mga 5minutes pa lang naman love,nag order na ako ng food for us" sagot niya sakin "Bakit ka nga pala pumunta sa office nila Sir Jonathan?"
Magsasalita pa sana ako ng dumating yung foods namin,after nun umalis na yung waiter
"May pumunta kasi dun na isang volleyball coach galing new york,gusto daw akong makausap kaya pinapunta nila ako dun" napatingin naman siya sakin
"About what?" tanong niya
"Nag offer siya na maglaro ako sa team nila as an import" sagot ko sa kanya
"Tinanggap mo?" tanong niya sakin
Dahan dahan naman akong tumango hindi naman siya nagsalita,tumingin nalang siya sa ramen
"Love" tawag ko sa kanya
"Lets not talk about it nalang muna" sabi niya pero hindi nakatingin sakin
"Sorry" sabi ko
"Kain ka na" sabi niya
Kumain na siya pero ako nakatingin lang sa kanya
Galit yata siya sakin
Napansin niya yata na hindi ako kumakain kaya tumingin siya sakin
"Aren't you going to eat love?" tanong niya
"Sorry na love" sabi ko sa kanya
"Just like what I've said,lets not talk about it muna.Kain ka na lalamig yung ramen oh" sabi niya sakin
Kahit hindi niya sabihin kitang kita pa rin sa mga mata niya na nalulungkot siya sa sinabi ko
"Love I know I'm more delicious than ramen but stop staring at me and kumain ka na" biro niya sakin
"Baliw" sabi ko at natawa naman siya
"Kumain ka na kasi" sabi niya
"Mukhang ikaw ang kailangang kumain kasi kung ano ano pinagsasabi mo eh" sabi ko sa kanya
Natawa nalang siya ulit
Kumain nalang din ako at nagkwentuhan kaming dalawa,hindi na namin pinag usapan yung sinabi ko
"Lets have dinner date tomorrow love" sabi niya sakin
"Sige ba" sagot ko sa kanya "Nga pala love,busy ka ba sa Saturday?"
"Hindi naman love,training lang naman kami.Bakit love?wanna go somewhere?" tanong niya
"EK tayo" sabi ko
"Okay my love" sagot niya sakin "Ayain natin sina Mafe"
"Sige mamaya tatawagan ko sila for sure sasama ang mga yun" sagot ko sa kanya
Nagkwentuhan lang kami dito habang kumakain,about lang naman sa plans namin sa weekend
After naming kumain tumambay lang kami dito hanggang sa mag aya siyang gumala sa mall
Deanna's POV
Kakatapos lang ng training namin and we're still here sa gym.Hindi naman maalis sa isip ko yung sinabi ni Jema kanina
Aaminin ko naiinis ako sa kanya kasi pumayag siya sa offer na yun without talking to me or to her family
I know how much it means to an athlete na magkaroon ng ganung opportunity but New York is so far from here
"What's wrong Deans?" napalingon naman ako kay Ate Bei
Since Coach O is also their coach,sabay yung training namin
"Kanina ka pa tahimik eh" sabi pa niya
"Nothing Ate,I'm just tired" sagot ko sa kanya
"You sure?" tanong ni Ponggay
"Yeah" sagot ko
Bigla namang nagring yung phone ko,kinuha ko yun sa bag ko and tinignan
My love ❤️ calling ...
I just let it ring
"Oh bakit hindi mo sagutin?" tanong ni Ate Kat
"Wala lang" sagot ko
After magring I turned off my phone,tumayo na ako and kinuha yung bag ko
"Uwi na muna ako sa condo,I want to take a rest" sabi ko sa kanila "See you later sa dinner"
I didn't wait for their answer and lumabas na ako ng gym
I went to my car and sumakay na then nagdrive na ako paalis
Pagkalabas ng Ateneo medyo binilisan ko na yung pagdrive,wala namang traffic eh
After a few minutes nakarating na ako sa building ng condo ko,nagpark na ako and bumaba
Kinuha ko na yung bag ko and I locked my car then pumasok sa loob
Pagdating sa taas I went to my unit,sinara ko yung pinto pagpasok ko
I just put my bag on the floor and umupo sa sofa,sinandal ko yung likod ko and pumikit
Maya maya lang ay dumilat ako,kinuha ko yung airpods and iPad ko
Lumabas ako ng unit ko and umakyat sa rooftop
Umupo ako sa may bandang likod and sinuot yung airpods ko then nakinig sa music.I don't wanna use my phone kasi for sure tatawag si Jema pag inopen ko yun
I lean my back on the wall and pumikit while listening to the music
Napapaisip naman ako about sa pag alis ni Jema papuntang us
What if pag alis niya may mahanap siyang iba?what if mas gustuhin niya ng magstay sa US kesa dito?
Ang daming what ifs sa isip ko
Tumambay lang ako dito hanggang sa maalala ko yung dinner namin
Tumayo na ako and bumalik na sa unit ko
"Love" tawag ni Jema sakin pagpasok ko
"Oh Jessica,why are you here?" tanong ko sa kanya
"Hindi ka sumasagot sa tawag ko eh pinuntahan kita sa dorm niyo pero wala ka kaya dito na ako pumunta" sagot niya sakin "Galit ka ba sakin love?"
"I just forgot to charge my phone,nalowbatt kanina yung phone ko kaya I didn't able to answer your call" sabi ko sa kanya "I will take a shower muna"
Iniwan ko na siya dun and pumunta na sa room
I put my airpods and iPad on the table,kinuha ko na yung towel ko and pumasok na sa bathroom then nagshower na ako
After kong magshower lumabas na ako ng bathroom and kumuha ng damit then nagbihis na
I comb my hair then lumabas na
Kinuha ko yung bag ko and I put it on our room,I get my car key and wallet then lumabas na
"Lets go na" sabi ko sa kanya
I hold her hand but hindi siya umalis sa kinatatayuan niya
"Galit ka ba sakin?" tanong niya sakin
"Tara na baka nandu-----"
"Uulitin ko,galit ka ba sakin?" tanong niya ulit
"Jema I'm hungry na kaya lets go na" sabi ko sa kanya
"Galit ka nga" sabi niya at inalis yung kamay niya na hawak ko
"Sino ba naman ang hindi magagalit kung bigla ko nalang malalaman na aalis ka" sabi ko
"Minsan lang naman ang ganung opportunity eh,s----"
"Yes but the point is you already made a decision without even considering the people around you!" hindi ko na naiwasang mapalakas yung boses ko "Just think about how far New York is!"
Napayuko naman siya
"Sorry" mahina niyang sabi
I take a deep breath to make myself calm
"Lets go may dinner pa tayo,maybe they're on their way na" sabi ko sa kanya
Lumabas na ako ng unit ko and sumakay na sa elevator
Pagdating sa baba naglakad na ako papunta sa parking lot
Sumakay na ako sa car ko and nagdrive na paalis,may car naman siya eh
Medyo mabilis yung pagdrive ko
Hindi na muna ako dumiretso sa resto
Napunta ako sa isang playground,I stopped my car and bumaba
Pumunta ako sa may swing and umupo
Is volleyball more important to her than me?
She chose to accept that offer kahit alam niyang malalayo siya samin,sakin
Should I stop her?
Nung matagal na akong nakatambay dito bumalik na ako sa car ko and nagdrive paalis
Dumiretso na ako sa resto kung nasan sila
Pagdating ko I parked my car and bumaba na,I locked my car and pumasok na sa loob then pumunta sa table kung nasan sila
"Oh bakit ngayon ka lang?" tanong ni Ate Ly
"Sorry,may pinuntahan lang po ako" sagot ko at umupo sa tabi ni Ate Bea
Pinaserve na nila yung dinner namin,hindi talaga sila kumain ng hindi ako dumadating
Pagdating ng food namin kumain na kami,nagkukwentuhan sila habang ako tahimik lang
"Did you guys fight?" tanong ni Ate Jia
She's asking me and Jema,nagkatinginan naman kami but umiwas rin agad
"Don't mind us guys,just continue your dinner" sabi ko sa kanila
Kumain nalang ako ulit,hindi nalang din sila nagtanong pa
"Tapos ka na agad?" tanong ni Ate Bea sakin
"I'm full" sagot ko
"Eh wala pa nga sa kalahati yung bawas ng food mo" sabi ni Ate Kat
"I feel like I'm full na eh,just don't mind me" sabi ko sa kanila
Tumingin si Jema sakin and pagtingin ko sa kanya umiwas siya agad
Jema's POV
Since wala naman kaming curfew after naming magdinner tumambay kami dito sa cafe ko
Nag aya sina Ate Ly dito eh,hindi na sumama sina Bea samin
"Anyare sa inyo ni Deanna?" tanong ni Ate Jia
"Galit siya sakin" sagot ko sa kanya "Next year kasi aalis ako ng Pilipinas"
"Bakit?/Why?" sabay nilang tanong
Kinuwento ko naman sa kanila yung reason ng pag alis ko
"Bihira lang naman ang ganung opportunity kaya naexcite ako,napa-oo ako agad sa offer nila" sabi ko
"Baka nagalit siya kasi naiisip niya yung mga posibleng mangyari pag nagkalayo kayo.Sobrang layo kasi ng New York" sabi ni Kyla
Nag agree naman sila sa sinabi niya
"Kailangan niya lang siguro ng time,biglaan naman kasi eh" sabi ni Ate Ly
"Hindi ko na nga muna siya kukulitin" sabi ko sa kanila
"Eh alam na ba ng parents mo?" tanong ni Ate Mich
"Hindi pa eh pero sasabihin ko naman sa kanila agad" sagot ko
Nagkwentuhan lang kami dito about sa pag alis ko next year
Kinabukasan after ng training namin nakipagkita ako kay Mafe at sinabi sa kanya yung offer sakin
After nun nagpaalam ako kela Ate Ly at umuwi ako dito sa Laguna para kausapin sina Tatay
Nandito ako ngayon sa isang resto dito samin,inaantay ko lang silang dumating para dito na rin kami maglunch
"Jema" napalingon naman ako
"Ate Jov,Nay,Tay" nagmano ako sa parents namin
"Kanina ka pa anak?" tanong ni Nanay at umupo na sila
"Hindi naman po gaano Nay" sagot ko
Umorder na muna kami ng pagkain
"Bakit ka nga pala napauwi dito sa Laguna?" tanong ni Tatay
"May sasabihin kasi ako sa inyong importante" sagot ko sa kanya
Tumingin muna ako sa paligid at wala namang nakaupo sa table malapit samin
Inabot ko sa kanila yung folder,kinuha naman nila yun at tinignan ang nasa loob
"May nag offer sakin na isang team sa New York na maging import" sabi ko sa kanila
"Tanggapin mo na Jema,sayang yung opportunity" sabi ni Ate Jovi
"Yun na nga Ate,nung kausapin nila ako kahapon dahil sa pagkaexcite napa-oo ako agad" sabi ko sa kanya "Sorry Nay,Tay hindi ko muna kayo kinausap bago pumayag"
"Wala namang problema samin anak eh,bihira lang din naman kasi na may ganitong offer.Papayagan ka naman namin" sabi nila sakin
"Pero kaya mo bang pumunta ng New York ng mag isa?kaya mo bang malayo samin?kay Deanna?" tanong ni Tatay
Napayuko naman ako ng maalala ko si Deanna
"Hindi ko alam Tay pero sayang kasi eh" sagot ko
Dumating naman yung order namin kaya tumigil na muna kami sa pag uusap
Pagkaalis ng waiter binigay ni Tatay sakin yung folder
"Anong sabi ni Deanna sa pag alis mo?" tanong ni Nanay
"Nagalit siya sakin,hindi pa kami nag uusap mula kahapon" sagot ko sa kanya "Sabi ni Ate Ly kailangan niya lang daw ng time"
Nagkwentuhan lang kami dito habang kumakain
Kahit sila sinabihan akong hayaan ko na muna si Deanna kasi biglaan naman daw kasi talaga ang pagsabi ko
Naiintindihan naman daw nila kung bakit nagalit si Deanna sakin
Kung sila daw ang nasa position niya same reaction lang din naman daw sila
"Pero anak sigurado ka ba na tutupad sila sa pinag usapan niyo?baka kasi pagdating dun gastos mo pala lahat" sabi ni Tatay
"Opo,sisiguraduhin naman po nila Sir Jonathan na tutupad sila sa usapan" sagot ko sa kanya
"Kailan ba ang alis mo if ever?" tanong ni Ate Jovi
"3rd week ng April" sagot ko
"Hindi ka pala makakaattend ng graduation nila Deanna at wala ka rin sa anniversary niyo" sabi niya sakin
"Oo nga eh" sabi ko sa kanya
Sinabi ko na rin sa kanila na nagkita kami ni Mafe kanina at sinabi ko na sa kanya tungkol sa pag alis ko
After naming kumain nagstay na muna kami dito hanggang sa may aya na silang umalis
Kailangan na nilang bumalik sa school eh
"Uuwi ka na ng Manila anak?" tanong ni Nanay
"Opo Nay,may training pa kami mamaya eh" sagot ko
"Ingat ka anak/Jema" sabi nila sakin
"Ingat din po kayo" sabi ko sa kanila
Niyakap ko silang tatlo at sumakay na sa sasakyan,sumakay na rin sila sa sasakyan nila at pagdrive ni Tatay paalis nagdrive na rin ako paalis
Since pauwi na ako ng Manila,magkaiba na yung way namin
Nakinig lang ako sa music kasi wala naman akong kausap dito
After ng halos isang oras nakarating na ako ng Manila
Dumiretso na ako sa bahay namin
Pagdating sa bahay nandito yung sasakyan nila Deanna
Nagpark na ako sa garage at bumaba na
"Hi Jema" bati nila Bea pagpasok ko
Si Deanna hindi man lang tumitingin sakin
"Hi guys" sagot ko sa kanila
"Kumain ka na?" tanong ni Ate Jia
"Opo" sagot ko sa kanya "Akyat muna ako sa taas"
Tumingin muna ako kay Deanna pero sa t.v lang siya nakatingin
Napabuntong hininga nalang ako at umakyat sa taas
Pagdating ko sa kwarto namin nilagay ko yung folder sa drawer ko then nagpalit ako ng damit
Dumapa ako sa bed at huminga ng malalim,kinuha ko yung phone ko at tinext sina Nanay na nakauwi na ako
Tumayo nalang ako at lumabas then bumaba,pumunta ako sa kitchen
Kumuha ako ng isang baso ng fresh milk at umupo dito sa kitchen counter
Nakatingin lang ako sa baso habang nag iisip
Dahil sa pabigla bigla kong desisyon nagalit tuloy siya sakin
Sorry my love
"Oy Jema"
"Ay love!" nagulat ako ng may kumalabit sakin "Ate Ly naman nakakagulat ka"
"Kanina pa ako dito oy" sabi niya sakin
"Sorry hindi kita napansin eh" sabi ko sa kanya
"Tulala ka eh" sabi niya sakin "Bakit ka ba nandito?"
Umupo naman siya sa isang upuan
"Eh nandun siya eh,baka ayaw niya akong makita" sagot ko
"Sinong may sabi sayo?" tanong niya
"Ako" sagot ko sa kanya
Ngumiti lang siya sakin kaya nagtaka ako
"Tara dun sa sala,baka mabaliw ka dito eh" sabi niya sakin
"Grabe ka sakin Ate" sabi ko
Natawa naman siya sakin
Inubos ko nalang yung gatas at hinugasan yung baso then pumunta kami sa sala,nakipagkwentuhan na ako sa kanila
Patingin tingin naman ako kay Deanna pero hindi talaga siya tumitingin sakin