The Mighty Dawn

By Layedie

3.2K 118 60

Book 3 of Greek Academy (OLYMPIAN SERIES #3) -- "Someone will come. A powerful one, who will change your beli... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Epilogue
NOTE

Chapter 3

114 4 4
By Layedie


"Wear this."

Binigyan kami ni Marlon ng tig iisang box, binuksan ko ang akin at bumungad ang isang necklace. It's pearl with color black string.

Tinignan ko ang iba, mayroon silang singsing, bracelet at necklace. Napansin kong hindi binigyan ni Marlon si Sebastian ng box, panigurado ay meron na talaga siya noon palang.

Umakyat muna ako para masuot ng maayos ang necklace, humarap ako sa salamin at hinawi ang buhok.

Iaangat ko na sana ang kamay ko nang bumukas ang pintuan, nakita ko si Sebastian na sinara ang pintuan at nilapitan ako.

Hindi siya nagsalita at kinuha ang necklace, pinaharap niya ako sa salamin. Pinag krus ko ang braso ko at hinayaan siyang isuot ang necklace sa akin.

"Where's yours?" I asked.

Nang masuot niya ang necklace ay humarap ako sa kaniya, tinaas niya ang kamay at pinakita ang ring niyang may black diamond.

"Persophone made this, and Hades ask Zeus to put the magic here," sambit niya.

I laughed. "Maka hades ah, tatay mo yon."

Umirap siya. "Ano naman?"

Napailing nalang ako at umalis sa harapan niya, kumuha ako ng malaking bag at ihahanda na ang damit na dadalhin ko sa mission namin.

"Where's the book?" I asked habang nag aayos ng gamit.

"Tinago ko, hindi kita mapapagkatiwalaan sa mga gamit. Masyado kang burara," deretsong sabi ni Sebastian.

Tumigil ako sa pag aayos at humarap sa kaniya.

"And the pages are.. blank," kunot noo kong sabi. "Anong gagawin natin?"

Wala na kaming nakitang nakasulat pagkatapos ng first page, ang weird lang. Tinignan pa namin ang mga kasunod pero wala nang mga nakasulat.

"Malalaman din natin 'yan," seryoso niyang sabi. "Sa ngayon, kailangan muna natin mag focus sa iba."

Kaya nagbigay si Marlon ng mga accessories namin, 'yun ang magbibigay ng shield namin pag nasa mundo kami ng mga tao.

Demigods are still on mortal world, and if they feel our presence there's a chance na ma eexpose ang mga uri namin sa mundo ng mga tao.

And for our mission, there's a conflict in Sinclair School. Childrens are missing, unti unti silang nawawala sa hindi malamang dahilan.

Tatlong araw na raw silang nawawala kaya naman humingi na ng tulong ang isang Demigod dito sa Academy.

"Bukas ang alis niyo, okay? Gumising ng maaga! Kailangan niyong makarating sa mga mortal ng walang nakakakita sainyo, kaya kailangan ay madaling araw palang ay makalapag na kayo," bilin ni Marlon.

Nagtaas ng kamay si Valerie. "Anong sasakyan namin?"

Marlon smiled. "Hermes made a car that has a swing, ang gagamitin niyo ay masyado ng luma kaya huwag dapat kayong magdala ng mga mabibigat. Ang pansamantala niyong tutuluyan ay si Zander na ang bahala, ang teacher na nanghingi ng tulong."

Tumingin ako ng orasan at nakitang 6pm palang, nagpaalam na si Marlon kaya naman nagtipon tipon kami sa sala para pagplanuhan ang mangyayari.

"So, anong gagawin natin?" Clay looked at me.

Napataas ako ng kilay. "Ha? Bakit sa akin ka nakatingin?"

Draven laughed. "Akala ko ay kayo ang magiging leader dito?"

"Anong leader leader? Hindi 'to groupings!" inis na sambit ni Sebastian. "Lahat tayo ay magpaplano rito, walang nakakataas dito at pantay pantay tayo. Itatak nyo yan sa mga utak nyo, kasi kung hindi niyo gagamitin ang utak nyo ako mismo ang tatanggal niyan."

Saglit silang natahimik sa sinabi ni Sebastian, parang natakot. Tumawa naman nang malakas si Clay at binatukan sya.

"Yung mga banta mo pre parang totoo na ah? Sige na, anong magiging plano natin?" Ngumiti si Clay isa isa sa amin.

"Do you think it's a creatures or just a human who's kidnapping a kids?"

Napatingin kami kay Bree nang magsalita, kanina pa siya nag iisip ng malalim. Nag angat siya ng tingin sa amin.

"I mean.. we don't know-"

"We will know," putol ko. "And for now, hindi natin pwedeng gamitin ang mga kapangyarihan natin sa mundo nila. Depende nalang kung isang monster ang kakalabanin natin.."

Tumango silang lahat.

"Tama, kaya niyo na bang gumamit ng mga baril o kutsilyo?" tanong ni Sebastian.

"Hindi mo na ako kailangan tanungin-"

"Manahimik ka," sinamaan ng tingin ni Sebastian si Clay.

"Oo naman, kaya na namin," si Draven na ang sumagot para sa kanilang lahat.

Huminga ng malalim si Sebastian. "Good, for now.. let's just take a break. Mga 12 AM ay aalis na tayo."

Nanlaki ang mata ni Valerie. "12? It's 6pm! So we have 6 hours to sleep?!"

"Huwag kang OA, pwede tayong matulog sa sasakyan," sumabat si Clay at mukang mag aaway na naman silang dalawa.

"Oh talaga?!"

Gaya ng inaasahan, ay nag aaway na naman sila. Napailing nalang ako at sumandal sa couch, nag angat ako ng tingin kay Sebastian nang tumayo siya.

Napatingin naman ako kay Bree nang tumayo rin siya at sinundan si Sebastian papunta sa kwarto ng mga armas namin, huminga ako ng malalim at napag desisyunang sumunod sa kanila.

"Is this good?"

Tumigil ako sa pintuan at pasimpleng sumilip sa loob, i saw Bree showing the combat knife to him. Saglit na tinapunan ni Sebastian nang tingin 'yon at tumango.

"Yeah, i used that a lot. It's good for the beginner," sambit niya.

Napangiti naman si Bree at tumango, nilagay ang combat knife sa pocket niya.

"You should try this too," binigay ni Sebastian ang isang bowie knife sa kaniya.

Saglit na natigilan si Bree at tinignan si Sebastian, unti unti rin siyang ngumiti at kinuha 'yon.

"Jealous?"

Muntikan na akong mapasigaw nang may bumulong sa tenga ko, nakita ko agad si Draven na nakangisi na sa akin. Napansin ko na malapit ang muka niya kaya tinulak ko siya papalayo.

"Ayan ha, alam ko 'yang-"

"May dadaan, pwedeng tumabi?"

Natigilan kaming dalawa ni Draven nang marinig ang boses ni Sebastian, matalim niya akong tinignan bago kami nilagpasan.

Sumunod naman si Bree na biglang napawi ang ngiti nang makita ako, yumuko siya at nilagpasan na rin kami.

Sinamaan ko naman ng tingin si Draven.

"Nakita niya ba tayo?"

Sumandal si Draven at pinag krus ang braso. "Edi okay kung nakita niya tayo, binawian mo na siya."

Kumunot ang noo ko. "Anong binawian? Wala namang-"

"Sus! Kita ko sa muka mo na nagseselos ka! Kunware ka pa eh," umiling siya.

Hindi ako nakapagsalita at nag iwas ng tingin, pumasok na ako sa loob at nagtingin tingin na ng mga dadalhin.

Kinuha ko lahat ang iba't ibang uri ng kutsilyo dito, kinuha ko rin ang isang pistol at nilagay 'yon sa bulsa ko.

"Alam mo gamitin ang lahat ng 'yan?" I heard Draven.

Tumango ako pero hindi ko siya tinitignan. "Oo, i was trained by Marlon. Bata palang ako ay alam ko na ang mga 'to, kaya.. hindi ko alam hanggang ngayon kung akong kapangyarihan ang meron pa ako."

Tumigil ako saglit at napatitig sa pader. Yun talaga siguro ang rason, nalunod ako sa paggamit ng mga armas. Hanggang sa nakalimutan ko na may kapangyarihan pa pala ako.

Naging kasabayan ko rin si Sebastian, minsan kami ang naglalaban. Kami lang naman ang ineensayo ni Marlon, siguro ang mga susunod sa amin ay tuturuan niya rin.

"Hindi pa naman huli ang lahat 'no, tsaka isipin mo.. simula palang 'to ng journey mo, marami ka pang matututunan."

Tumingin ako kay Draven, nakita ko agad na ngumiti siya sa akin nang magtama ang tingin namin.

"At naniniwala ako sayo," dugtong niya.

Napaawang ang labi ko at hindi alam ang sasabihin, tumawa siya at pumunta papalapit sa akin. Tinapik niya ang balikat ko at ngumiti.

Sabay kaming lumabas ng room, sumunod naman na pumasok si Valerie at Clay na nakasimangot sa isa't isa. Napailing nalang ako, dumiretso ako sa taas para i lagay ang mga armas sa bag.

Napunta ang tingin ko sa isang gold car, bumuntong hininga ako at kinuha 'yon. Malalagyan daw ng pera 'to pag napagtagumpayan namin ang mission na gagawin, wala pa itong balance since ngayon palang kami magsisimula.

Mabuti nalang at may wallet ako na regalo ni Persophone, pina abot niya 'yon kay Sebastian. Pagkabukas ko ay bumungad ka agad ang picture ni Damon.

I smiled. He was 3 years old here, ngayon ay nasa pitong taon na siya. Apat na taon ko na siyang hindi nakikita dahil dinala na siya sa mga centaurs.

I don't know what my father did, pero alam kong may rason kung bakit sila nandoon.

"So that boy likes you?"

Agad akong napatingin sa pintuan, mukang kanina pa siya nandoon at nakasandal pa sa pader. Umayos siya ng tayo at sinara ang pintuan, lumapit sa akin.

Hindi ako sumagot at inayos ang wallet, napunta ang tingin niya roon kaya nakita niya ang picture ni Damon.

Natigilan ako nang may nilabas siya sa bulsa niya, inabot niya sa akin ang litrato. Napangiti ako nang makita si Serenity.

"She's so cute! Look oh, ang chubby ng cheeks niya!" tuwang tuwa kong sabi.

Napairap siya at hinablot sa akin ang picture. "Syempre, gwapo ang kuya oh! Ano bang inaasahan mo?"

Napawi ang ngiti ko at inirapan siya, pero natigilan din ako nang may naalala.

"Do you also wonder about them? I mean.. i am sure it has a reason-"

"Of course, meron talaga."

Nagkatitigan kaming dalawa dahil doon, napakagat ako ng labi at nagbaba ng tingin.

"Don't worry about that. May alam na ako pero.. kailangan ko ng ebidensya."

Nag angat ako ng tingin dahil doon, nanlaki ang mata at napaayos ng tayo.

"What? How?"

He smirked. "Chloe, i know everything. Hindi ako magsasalita hanggat hindi ako nakakahanap ng ebidensya, at alam kong connected ito sa atin."

Sumeryoso ang muka ko dahil doon.

Nang makita namin ang tinutukoy ni Marlon na sasakyan namin ay nagulat ako, isa ngang kotse na may pakpak! Kaso luma na rin, kaya nakakatakot sakyan.

"Sinong may pakpak dito kung sakaling masira ang sasakyan na 'to?" Clay forced a laugh.

"Ano ba kayo, hindi 'to masisira!" Binuksan ni Marlon ang pinto para sa amin.

"Wala po bang balak gumawa ng bago si Hermes?" tanong ko sa kaniya.

Marlon smiled. "Wala pa sa ngayon, inaalagaan niya pa ang kaniyang anak na si Daniel."

"Probably, paglaki ng batang 'yon ay babaguhin niya 'to," narinig kong sabi ni Valerie bago pumasok sa loob.

Nang kami nalang matira ni Sebastian ay may inabot si Marlon sa amin, nakangiti kong kinuha ang bote.

Eto ang pinapainom sa amin noon palang ni Marlon nung ineensayo niya kami, para lang naman siyang juice.

"Drink this to have energy, okay?"

"Salamat," ngumisi sa kaniya si Sebastian at nauna nang pumasok.

Pumasok na rin ako at pumwesto sa bandang bintana, nasa harapan naman namin ay si Sebastian at Clay. Si Sebastian na raw ang magdadrive.

Napatingin ako sa gilid ko nang mapansin na si Draven pala ang katabi ko, tumango siya sa akin at umayos ng upo.

"Sebastian, alam mo na ha? Ang binilin ko-"

"Oo na po, aalis na kami bye," deretsong sabi ni Sebastian at sinarahan ng pintuan si Marlon.

Unti unti na kaming lumipad, tinignan ko sa ibaba ang Academy. At napunta ang tingin sa Mount Olympus.

Ako lang ang nakakakita non, doon kasi ako lumaki compare kay Sebastian na sa underworld tumira. Tinignan ko ang mga kasama ko pero mukang hindi naman nila nakikita ang Mount Olympus.

Nilabas ko ang libro at napag desisyunan na magbasa nalang.

"Ilang oras 'to?" Draven asked.

"Dalawang oras lang naman, matulog muna kayo," sagot ni Clay.

Binuksan ni Sebastian ang ilaw nang dumilim, saglit niya akong tinignan at nilipat din ka agad ang tingin sa dinadaanan namin na puro ulap.

"Wow, you read that book? hindi ba sumasakit ang ulo mo jan?"

Napatingin ako saglit kay Draven, napairap ako at binalik ang tingin sa libro.

"Oo, it's about our history naman."

Sasagot pa sana siya nang marinig ang ubo ni Sebastian.

"Hindi niya gustong iniistorbo siya kapag nagbabasa," seryosong sambit nito.

Napangisi ako saglit doon pero agad ding inalis at tumingin kay Draven.

"It's okay, hindi mo naman alam."

Draven laughed. "Oo nga, hayaan mo na. Willing naman akong kilalanin ka," kinindatan niya ako.

Tumawa ako at hinampas siya ng libro, nagulat kaming lahat nang tumigil ang kotse kaya muntikan na kamin tumalsik.

"Sinabing bawal ang makulit diba?" inis na sabi ni Sebastian.

"Luh, wala namang sinabi-"

Tinakpan ni Sebastian ang bibig ni Clay kaya hindi niya natuloy ang sasabihin, inirapan ko siya at umayos ng upo para bumalik sa pagbabasa.

"Omg! May signal na!"

Kumunot ang noo ko at tumingin kay Valerie na may hawak na cellphone, iisa lang ang binigay sa amin ni Marlon.

"Bakit ba isa lang binigay? Paano kapag naghiwa hiwalay tayo?" kunot noong tanong ni Clay.

"We will learn how to communicate through our minds," nginitian ko sila.

Nanlaki ang mata nila. "Paano?!" sabay sabay na sambit maliban kay Sebastian at Bree.

"Kailangan muna natin matutong gumamit ng greek words," sagot ni Bree.

Ngumiti ako sa kaniya at tumango. "Oo, hayaan niyo na. Mukang ituturo naman ni Professor Joseph 'yon sa susunod na linggo."

"Kaya sa ngayon, dapat huwag tayo maghiwa hiwalay," sambit ni Draven.

Sumang ayon kaming lahat sa sinabi niya.

"Wait, if ever naman na maghiwalay tayo i can do a magic to track all of you." Valerie suggested.

"Paano?" Draven asked.

Valerie smiled. "Kailangan niyo lang ibigay 'yung mga ginagamit niyo, katulad ng suklay o kahit isang pirasong buhok-"

"Hindi ako pumapayag, mukang kukulamin mo naman kami," nakasimangot na sabi ni Clay.

Sinamaan siya ng tingin ni Valerie. "Oo, ikaw may chance na kulamin ko!"

"Tama na 'yan, isa pang dinig ko sa boses niyong dalawa ihahagis ko kayo rito," sambit ni Sebastian na seryoso ang muka.

Binelatan ni Valerie si Clay at ganoon din ang ginawa niya, natatawa ko silang pinanood.

"Pero tama 'yung suggestion ni Valerie," sabi ni Bree. "I already heard that some of the witches are doing that."

"Oh, right," pag sang ayon ko. "Pero not in our world, i think.. witches in human world."

Tumango sa akin si Bree. "Yeah, my aun-"

Bigla siyang natigilan sa sasabihin at saglit na napatingin kay Sebastian, umubo siya at umayos ng upo.

"Someone that i know said that.. to me," unti unti siyang ngumiti.

Saglit ko siyang tinitigan nang makita ang taranta sa muka niya, nagsalita na si Valerie kaya nawala ang atensyon sa kaniya.

Umayos ako ng upo at dumiretso ng tingin kay Sebastian, nakita ko ang matalim niyang tingin kay Bree at nalipat sa akin.

He knows something.

———————————————————-

Continue Reading

You'll Also Like

3.1K 165 91
Tales of Olympus Book 3 Thievery. Trust. Time. As the Fates Align the path of the the Demigods. Monsters awaken to reclaim this world and time. One...
321K 3.1K 7
The other chapters are available on dreame!!! Hinding ordinaryong paaralan tago at walang nakakaalam hindi na rin sakop ng mapa. Lahat ng estudyante...
189K 13K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...
654K 20.2K 66
Alice is content living her ordinary life but an unexpected event turned everything to an unimaginable dream. An event that makes her question and do...