Sa bawat araw na lumilipas hindi ako mapakali. Kung pwede ko lang sanang hilahin ang oras ay ginawa ko na.
"Bakit lagi kang nakatingin sa kalendaryo, Dyth? Excited umuwi?" Tanong ni Moi.
Nasa sala kami ngayon. Nakahiga ako sa pahabang sofa at siya naman ay nakaupo do'n sa pang-isahan lang pero nakapatong rin ang paa.
"Huh? Wala. Guni-guni mo lang 'yon"
"Guni-guni ko nga lang siguro na nakikita kitang tumitingin sa kalendaryo every 3 minutes. Guni-guni ko nga lang." Sakristo niyang sabi.
Shi: Gusto mo na ako makita, ano?
I mentally rolled my eyes.
DyE: Asa.
Another day has passed and I was restlessly waiting for that day to finally come. Every single day that passes by makes me more and more jittery.
I don't want to make it evident, though. Especially to him which made me act cold and taciturn towards him.
"Moi..." simangot ko at bumaling naman siya sa'kin nang nakataas ang kaliwang kilay
"Cravings?" she queried and I nodded to respond.
"Gusto ko ng maalat"
Bumuntong hininga siya at kinuha ang cardigan niya.
"Lock the door. Text me when you need something else, okay? Balik ako agad" She said as she kissed my forehead.
Kung lalaki 'tong best friend ko ay baka sa kaniya pa ako na in love. And I won't mind kung siya pa 'yong nakabuntis sa'kin. Kumunto naman ang noo ko sa thought na 'yon. But seriously, girlfriend material talaga 'yong best friend ko. She's quite nosy but she respects decisions. Manenermon siya pero su-suportahan ka parin sa desisyon mo. Maaalalahin at sobrang maalaga. Hindi ko nga lang siya best friend, e. Sister, mother and boyfriend pa. O, diba? Kung 'yong kape ay 3 in 1 lang ang best friend ko naman ay 4 in 1, isama mo na ang schoolmate at pagiging partner namin. O, edi 6 in 1 pa?
Naramdaman kong nag-iinit na ang mga mata ko. Ang hirap naman ng buntis, napaka-emosyonal. Bumuntong hininga ako dahil ang sikip sikip na ng dibdib ko. Nakakalungkot lang kasi na kailangan ko munang tumigil sa pag-aaral dahil sa pag bubuntis ko. Pangarap kasi namin ni Moi na grumaduate ng sabay tapos ay maging mag partners kami sa trabaho. Engineer at architect. Partners. Best friends.
Kinabukasan ng hapon ay nag crave na naman ako and as usual, it was Moileen who did the errand. Habang kumakain ako ng cravings ko ay napatingin ako kay Moi na mukhang pagod na pagod sa pag-aalaga sa akin. Naalala ko bigla ang mga naisip ko kahapon at nag simula na naman akong maluha.
"Nako! I'm sure! Tayo ang magiging best partners sa pagiging engineer at architect pag nagkataon!" I remembered her dreamingly said and a tear suddenly escaped.
"Dyth?!" Agad akong dinaluhan ni Moi na siyang nagpa-panic "Dyth?! Anong nangyari?! May masakit ba sa'yo?! Ano?! Bakit ka umiiyak?!" I sniffed as I shook my head.
"Moi?..."
Pinunasan niya ang mga luhang lumakbay at pumirmi ang mga kamay niya sa tigkabilang pisngi ko habang nakatingin ng malalim sa aking mga mata. Nakaupo ako sa sofa at siya naman ay nakaluhod sa sahig.
"Bakit, Dyth? Ano 'yon? Anong problema?" Ang lambing ng boses niya at lalo akong naiiyak. Takte, bakit ba nagiging emosyonal mga buntis?
"May gusto ba sa'yo si Cloud?" Lumaki ang mga mata niya sa tanong ko. Halatang hindi niya inaasahan ang tanong ko. Nahihiya siyang tumango at yumuko. "Gusto mo rin ba siya?" Agad niya akong tiningnan ng nakakunot ang noo.
"Dyth! He's 2 years younger than me!" She hissed.
"Gusto mo ba siya?" Pag-uulit ko ng tanong ng nakangiti.
Umiwas siya ng tingin bago ako binalingan ulit. "Masama ba?" Pag-aalinlangan niya.
Umiling naman ako na ang lapad ng ngisi "Matutuwa pa siguro ako kung hindi lang kita self-proclaimed sister at maging sister-in-law pa talaga kita" I chuckled.
Nakita ko rin ang pamumuo ng mga luha sa kaniyang mga mata at medyo napahalakhak tsaka ako niyakap.
Lumipas na naman ang araw at hindi parin ako tinatantan ng isip ko sa paghihintay ng araw na pagkikita namin ni Shi.
"Dyth..." Napatingin ako kay Moileen na nag bubuhos ng evap milk sa tupperware na pinaglagyan niya ng mga slices of fruits--mango, apple, watermelon, melon, banana. "Napansin ko lang, you've been in a bad mood lately. Ipaalala ko lang sa'yo, ah? Buntis ka, Dyth. Bawal ka ma-upset makaka-apekto sa baby."
Bumuntong hininga ako at umupo galing sa pagkakahiga ko sa sofa at inabutan naman ako ni Moi ng baso na may lamang sliced fruits with evap milk na gawa niya.
"Yeah, I know" sumubo ako ng slice ng watetmelon,since I've been craving for it "Thanks."
"Saan ba kasi lumilipad 'yang isip mo, huh?"
Pinakitaan ko siya ng matamlay na ngiti at sumubo ulit sa mga sliced fruits. Ito ang gusto ko pag magkasama kami ni Moi, e. Laging may pagkain. Lagi siyang gumagawa ng miryenda. 'Yon nga lang, lagi ring nag-aasal nanay, lagi akong sinisermonan.
Shi: Hey, I miss you. :(
I arched my brows when he chatted one night.
Shi: Hey?
Shi: Why are you so distant these past days? More or less, it's been 2 weeks.
Shi: Are we cool? Dythalia?
Napairap ako.
DyE: Ano namang drama mo?
Shi: Wala lang.
Shi: Bakit kasi ang cold mo?
DyE: Am I obliged to be sweet to you? Am I obliged to respond to every message you send?
DyE: We're strangers, Death. I'm not your girlfriend. You're not my boyfriend. Stop acting like one and don't make me act like one, too.
Naramdaman ko ang unti-unting pamumuo ng mga luha sa mga mata ko. Takte, bakit ganito epekto mo sa'kin.
Shi: I'm sorry.
Ilang oras na ang lumipas at hindi na siya nag paramdam. Kainis! Kating kati akong tingnan ang gadget pero ayaw kong isipin niya na nag hihintay ako ng message niya.
Halos tumalon naman ang puso ko nang mag vibrate ito. Kinalma ko muna ang sarili ko bago ito tingnan.
Shi: I just want to remind you about our rendezvous tomorrow.
Oo, bukas na 'yon. Kaya lalo akong hindi makatulog. Inabala ko ang sarili ko sa pag-iisip ng susuotin bukas. Ayaw ko mang aminin pero nagiging conscious ako. Ayaw ko namang mag tagal bukas sa pamimili ng susuotin at baka isipin pa no'n ay talagang gusto kong mag mukhang maganda sa paningin niya--not that I'm not pretty, though.
I woke up 13 past 6 in the morning. At dahil nakasanayan na ay kinuha ko ang gadget para tingnan kung may message siya roon at hindi naman ako nabigo.
Shi: Good morning, Dythalia :) See you later ;)
I tried to curbed myself from smiling. I'm feeling nervous yet excited at the same time. I expelled a breath to keep myself serene before getting up.
Pumunta muna ako ng kusina para maghanda ng almusal. Sunod ay naligo ako at mabilis na nagbihis. Hindi ako nag tagal sa pamimili ng damit dahil napag desisyunan ko na mag raglan sleeve dress top na lagpas bewang at leggings para hindi masyado maipit ang tiyan ko.
Nag-iwan ako ng note sa table para mag sabi kay Moileen na umalis ako at uuwi ako by 4-6pm. Napag-usapan kasi naming buong araw kaming magse-spend time together. From breakfast, lunch to miryenda. Uuwi narin kasi ako sa amin kaya mag spend time daw kami ng medyo matagal.
DyE: Nasaan ka na?
Tanong ko no'ng makarating na ako sa meeting place.
Shi: Look around. :)
Napairap ako at ibinaba ang gadget para hanapin siya. Inikot ko ang paningin ko para maghanap. Paano ko naman daw siya hahanapin? E hindi ko nga alam 'yong mukha niya diba? Ni hindi nga siya nag send sa'kin ng picture ng buong mukha niya. Paano ko naman daw malalaman kung siya na 'yon?
Ngumuso ako at iaangat na sana ang gadget para tanungin siya nang biglang mahagip ng mata ko ang isang taong naka-upo sa isang bench. Hindi ko pa man nakumpirma ay alam kong ikaw na 'yon. Hindi naman siguro magtatambol ang puso ko ng ganito kapag hindi siya 'yon diba?